CHAPTER 26

Ziantynna's POV
Habang nagsusuklay ako ng aking buhok sa harap ng salamin ay napatigil ako at tinitigan ang aking sarili na hanggang ngayon ay bakas ang pamumutla.
"Tama ba ang hiniling ko?" wala sa sariling tanong ko.
"Po?" tanong ni Cecelia.
Nagising ako sa aking tinuran at tumingin kay Cecelia na may kuryosong tingin sa akin. Ngumiti ako rito at umiling.
"Wala iyon. Sige na at maari na kayong umalis ako ng bahala," saad ko sa mga ito.
Agad namang tumango si Cecelia at Vivian atsaka umalis.
Ibinaba ko ang aking suklay na hawak at napabuntong hininga.
Hindi ko dapat hiniling iyon.
Sasabihin ko na lamang na kaya ko na at maayos na ang pakiramdam ko. Marahas akong tumayo upang pumunta kay Zacharias para sabihin ang naisip ko ng aking nasagi ang suklay at bumagsak ito na siyang naglikha ng tunog.
Dahil sa tunog na iyon ay bigla akong natigilan at paulit ulit na parang sirang plaka ang imahe ni Zayleen at ng lalaking nag tutok sa akin ng baril ang sumakop sa aking isipan.
Napahawak ako sa aking dalawang tainga at napaupo sa sahig pilit na sinasara ang aking pandinig sa tunog na iyon. Sumiksik ako sa ilalim ng vanity table habang nakatakip ang aking dalawang tainga at nakapikit. Unconsciously para mapigilan ang tunog ay napigilan ko rin ang aking paghinga dahilan upang magising ako sa black out na iyon dahil sa kawalan ng hininga.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong naroroon at naghahabol ng hininga. Namuo sa aking mga mata ang luhang nais pumatak kaya pinagbigyan ko ang mga ito.
Bakit ganito? Bakit kung kailan nakabalik na si Zayleen atsaka muling lumabas ang aking trauma? Tanong ko sa aking sarili.
Nang ako ay kumalma ay inayos ko ang aking sarili at pumunta sa kwarto ni Zacharias.
Kumatok ako atsaka binuksan ang pintuan nito and there I saw him lying on the mattress while reading a book. Dahil marahil sa pagbukas ko ng pintuan ay napansin ako nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Sinarado nito ang librong binabasa at itinuon sa akin ang buong pansin.
"Are you fine?" tanong nito nang matitigan ako.
My eyes become teary again at ang mapula kong ilong dahil sa pag iyak kanina ay paniguradong mas pumula na ngayon.
I run towards him at sumampa sa kama upang makayakap sa kaniya na agad naman nitong tinugunan
I don't know how my action become like this but somehow I don't want to mind it. I just need someone right now at aminin ko man o hindi. Ang asawa ko ang kailangan ko.
I need him, I want him close to me and holding me tightly.
"What happened? Do your parents know that you gained some trauma from that event?" tanong nito when I settled down.
Nakahiga ito habang ako ay ginawang unan ang kanyang dibdib at pinaglalaruan ng kamay nito ang aking kamay.
"No one knows, not even Zailee. I consulted a Doctor through a phone call. Kung mag uusap man kami personally kasabay ng check up ko sa aking oby."
"Your oby?" tanong nito.
"Yep, my oby happened to be my psychiatrist too. She notice my illness and I beg her to hide it. She agreed with one condition. Let her treat me. So I agree," saad ko habang inaalala kung gaano kabait ang aking naging oby.
"It's a good thing you have your psychiatrist with you. But why hide it?" Mapait akong napangiti sa tanong nito.
"Because people will judge me. Ziantynna Quinzel is known as strong, independent, and smart woman. If other people will know about my illness hindi nila papaniwalaan ang sinasabi namin tungkol sa totoong dahilan nang pagkamatay ni Zayleen. Tama na yung mga pulis na hindi naniwala sa amin."
"You love your friend that much, Huh?"
"Yes, I trust her and love her. To be honest, she's my safe place before..." and now it is you. Patuloy ko sa aking sinabi.
Aminin ko man o hindi. Zacharias become my peace without even realising it.
"By the way, who shoots us?" saad ko nang maalala ang nangyari kanina.
I look at his face and trace his nose.
"Maybe business competitors?" saad nito dahilan nang pagkunot ng aking noo.
"You aren't sure? Base on your reaction that time hindi iyon ang unang beses mong makaranas ng ganoon."
I want a warm hug from him but why is he so cold.
"Ziantynna, before we got married have you even tried to search for who will be your husband?" kunot noo ng tanong nito.
Tumango ako rito at naalala ang nasearch ko rito noon pero after wedding pa rin. No pictures just a bit of information. And when I said bit Name, age at company name lang!
"Yeah, but you know why not invest in putting your bibliography on the internet." Zacharias laughed and then pinched her nose.
"And how public you want me to be? Would you mind if I put you there as my spouse?" he said dahilan nang panlalaki ng mga mata ko.
"Oh please! You are the one who doesn't want me to be known!" saad ko rito.
Natigilan ito at bumuntong hininga.
"Satana, your husband here is a CEO of not just a simple store. Lamprouge corporation isn't limited here in the Philippines. My company is also known throughout Asia and is competitive to enter western. Having that success creates a lot of danger. Being private about my life is the safest thing I can do," matamang saad nito.
Umalis ako sa pagkakahiga sa dibdib nito at nag angel sit sa gilid nito. Sinundan ako nito ng tingin hindi binibitawan ang kamay ko.
"A lot of people want you to die because of money?" tanong ko rito.
Hindi makapaniwala na may ganoon pala talaga. Because of competition in business world magpapatayan sila? Isn't that just for movies?
"I offended a lot of people. Karamihan ng katunggali ko ay matagal na sa industriya. At ang isang kumpanya na bigla nalang umusbong at limang taon matapos ay natalo sila ay hindi kapanipaniwala at katanggap tanggap."
Tinitigan ko ito habang nakatingin ito sa aking kamay na patuloy nitong nilalaro. I always thinks my life is one of the hardest but I'm curious how hard his life before and up to now?
"Do you have any family members? Well at least a child?" I asked. Hindi ko gustong maging step mother but understandable kung meron itong anak.
Doble ang edad nito sa akin noh!
"You are my family and about child. Well... Are you ready-aww!" Natigilan ito sa sasabihin ng inihampas ko rito ang unan.
"Hey! Hindi pa tayo bati noh!" inis na saad ko.
"So kung magbabati tayo papayag ka-aray!" daing nitong muli ng kurutin ko ang taligiran nito at saka humiga patalikod rito.
Narinig ko ang pagtawa nito. Naramdaman ko ang paghiga nito at ilang segundo pa ay ang pagyakap nito sa akin mula sa aking likod.
Natigilan ako rito at halos hindi na huminga.
"Breathe Ziantynna, breath," saad nito habang hinahagilap ang aking kamay at hinawakan iyon, "I just want to hold you for a while."
Unti unti ay sinubukan kong kumalma hanggang sa makatulog.
Kinabukasan nang magising ako ay wala na si Zacharias sa aking tabi at ang katok ni Cecelia mula sa labas ng aking kwarto ang nagpagising sa akin.
Inaantok ako nang tumayo at binuksan ito. Isang magiliw na ngiti ni Cecelia ang sumalubong sa akin.
"Maganda pong umaga Young madam. Pinapasabi po ni Senior na hihintayin niya daw po kayong makapag ayos para sabay kayong mag almusal at umalis."
Ngumiti ako rito at tumango atsaka sumama rito pabalik sa aking kwarto upang mag ayon.
Matapos mag ayos ay sinabayan ko si Zacharias kumain sa hapag kainan at sabay kaming pumunta sa opisina.
Habang papunta sa elevator ay naramdaman ko ang kakaibang tingin na ibinabato sa akin ng mga empleyado ngunit hindi ko iyon pinansin.
Nang makarating sa opisina ay ginawan ko ng kape si Zacharias at habang gumagawa ay pumasok si Pia sa coffee room.
"Goodmorning!" bati ko rito.
Tumabi sa akin si Pia at gumawa rin ng kape. Dahil sa katahimikang pinapakita nito ay natigilan ako at lumingon ako rito.
Nakita ko ang sinusupil nitong ngiti. Kumunot ang aking noo at hindi na lang sana ito papansinin nang magsalita ito.
"I really wonder how you step that high to get this position but after knowing it. Hindi naman na nakakagulat with the looks of you, you can really pass Mr. Lamprouge taste," saad ni Pia.
"What do you mean?" saad ko habang nakakunot noo.
"Nagmamaang maangan ka pa e. Just answer me, so... hindi totoong he is useless in bed?" Dahil sa tanong nito ay hindi ko napigilang sampalin ito.
"You don't know anything Ms. Pia. I never thought that an astounding company like this has an employee like you," saad ko af umalis na kasama ng kapeng ginawa ko.
What is she thinking? That I used my body to get this position?
Tanga ba siya?
Wala pa ngang nangyayari sa amin ni Zacharias!
Natigilan ako sa naisip at ipinilig ang ulo. Damn you Satana! How dare you think that way.
Bumuntong hininga ako at pumasok na sa opisina ni Zacharias. Nang makita ko ito ay naalala ko ang sinabi nito kay Alex.
Panigurado ay iyon ang dahilan bakit nila naisip iyon sa akin.
Inis kong inilapag ang kape nito sa table nito at bumalik sa aking lamesa.
"Are you fine?" tanong nito ngunit inirapan ko lang ito.
Fine your face!
Ilang minuto lang ay tinawag na kami ni Marian para sa meeting nito.
The meeting was take about 4 hours at lunchtime na ng makalabas kami. Nang makabalik sa opisina ay inutusan ako ni Zacharias na mag order ng pagkain at sumabay na lang sa kaniya na siyang sinang ayunan ko.
Nang mag text ang driver na paparating na ang aming order ya bumaba na ako sa opisina.
Nang makasakay sa elevator ay nakasabay ko si Daphne. I never use the CEO's private elevator kapag hindi ko kasama si Zacharias kaya naman kung sino sino ang nakakasabay ko. Katulad na lang ng linta na ito.
"So it's true that your beauty and elegance are use to please the CEO," saad nito atsaka humarap sa akin habang ako ay nanatiling nakatingin sa pintuan ng elevator.
"Do you atleast know that the CEO has a wife?" tanong nito dahilan para halos mapatawa ako.
"Of course," saad ko. Tumawa ito at umiling.
"So you are that willing to become a mistress?" natatawang saad nito.
Humarap ako rito at ngumiti. I never imagine na nagselos ako sa babaeng ito. Hindi na nga maganda, tanga pa.
Mukhang kilala naman pala nito ang asawa ni Zacharias. Ang dali daling i-search ng pangalan ko sa internet why not take time?
"Why not? Using Zacharias I can buy anything I want. Shoes, bags, jewelries name it all, Ms. Daphne. Bonus na rin na Mr. Zacharias is actually good in bed even with his disabilities," pagsakay ko sa sinasabi nito.
Sasampalin sana ako nito pero umilag ako at nakakalokong ngumiti rito.
"Better luck next time Ms. Daphne," saad ko at lumabas na ng elevator nang saktong tumunog ito.
Nang makalabas ay saktong nakasalubong ko ang isang babaeng may striktang mukha at sobrang puting balat.
"I'm Rebecca would you mind if I ask a little time to talk with you?" she said with authority dahilan ng pagtaas ng aking kilay.
Tinignan ko ang phone ko to check if the food I ordered arrived pero wala pa rin itong text so I agreed.
"Lead my way Ms. Rebecca," I answered.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Trisha Joy Villegas

    nice story ilove it🤩

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Keisha Justine Suan Camus

    nice

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Tran S La Te

    hungaw ka

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo