CHAPTER 25

Third Person's POV
After Ziantynna's peaceful lunch she comes back to Zacharias office without looking at the man.
Sa loob ng opisina ni Zacharias ay pagtatrabaho lang ang ginawa ng dalawa. Nag uusap lang ang mga ito kung may kailangang ipagawa si Zacharias o hindi naman ay mga tanong mula kay Satana.
Ngunit walang naging usapan na hindi tungkol sa trabaho. Hanggang sa sumapit ang takipsilim.
Zacharias close the last folder he scanned and signed. Atsaka tumingin kay Ziantynna na ngayon ay busy na lang sa pagbabasa ng libro.
"Let's go home," saad ni Zacharias.
Lumingon si Satana rito at matapos ay sa orasan.
7:35 pm
Hindi nito namalayan ang oras. Matapos kasi nitong matapos lahat ng trabaho ay nagbasa na lang ito ng libro.
Sinara ni Satana ang libro at tumayo upang ayusin ang mga gamit. Matapos noon ay lumapit si Satana kay Zacharias at tinulungan itong itulak ang wheelchair nito.
Wala namang hirap kay Satana ang ginagawa.
Zacharias wheelchair is high-tech. Konting pindot lang ay ayos na at kaya nang gumalaw. Nagmamay ari rin ito ng manual na wheelchair ngunit sa bahay lang ginagamit.
Habang pababa ng kumpanya ay bumalot sa dalawa ang katahimikan. Nadadaanan ng elevator na kinalululan nila Zacharias at Ziantynna ang bawat palapag na may iilan na lang na bukas ang ilaw.
Ang Lamprouge corporation ang isa sa tanyag na kumpanyang nanaisin ng karamihan sa mga empleyado na mapasukan. Dahil kung gaano ka-strikto ang patakaran nito sa pagtatrabaho ganoon din ito ka-strikto sa pagbibigay ng benefits sa mga empleyado.
Ang oras ng trabaho ay nag-uumpisa ng alas otso ng umaga hanggang ala otso ng gabi. Hindi rin maaaring mag overtime ang mga empleyado. Ang pagkain sa canteen ay lahat libre, buhos na incentives at malaking sahod.
Ang kapalit lang nitong lahat ay magandang performance sa trabaho.
Nang makarating sa lobby ay dire-diretso ang dalawa papalabas ng kumpanya hindi iniinda ang tingin ng mga empleyado sa kanila na ngayon ay napupuno na ng maruruming imahinasyon.
Sa tulong ng driver ay madaling naipasok ni Satana si Zacharias sa sasakyan at tumulak na sila pauwi sa kanilang bahay.
Habang lulan ng sasakyan ay napaigik si Satana dahil sa isang tunog na kaniyang narinig.
Napahawak ito sa dibdib at liningon ang bintana ng sasakyan upang siguraduhin ang pamilyar na tunog na iyon.
Ngunit sunod sunod na pag putok ng baril ang sumalubong sa kaniya kaya agad napalayo si Satana sa bintana at napahawak kay Zacharias.
Itinago ni Satana ang mukha sa dibdib ni Zacharias at mahigpit na humawak sa damit nito. Mga alaala kung saan na dakip si Zayleen ang nagbumalot sa kanyang isipan.
Zacharias curse in his head nang mapansin ang epekto ng nangyari kay Satana.
Hinila ni Zacharias ang asawa at mas idinikit pa sa kanyang dibdib at halos maisambit niya ang lahat ng mura na alam niya nang maramdaman ang panginginig nito. Kinuha ni Zacharias ang telepono nito at tinawagan si Maverick.
"May problema ba?" sagot ni Maverick.
This kind of scenario isn't new to Zacharias; a lot of people tried to kill him to the extent that he couldn't even feel any fear for his life. But this time is different from the past, he's with his wife.
"Track our car and come immediately." Pagka baba ni Zacharias ng tawag ay hinawakan nito ang kamay ni Satana at nang maramdaman ang panlalamig at nginig nito ay iniangat ni Zacharias ang mukha ng kanyang asawa.
Nanginginig at magalaw ang mga mata ng mai-harap ni Zacharias si Satana sa kanya. Bakas sa mukha nito ang matinding takot. Kung hindi lang marahil sa make up ni Satana ay paniguradong halata ang pamumutla nito.
Pilit na ginigising ni Zacharias ang asawa mula sa trance na napasukan nito habang patuloy pa rin ang pagtunog ng mga baril sa kanilang bullet proof na kotse.
"Satana look at me," saad ni Zacharias patuloy na ginigising ang asawa napupuno na ito ng pag aalala para sa asawa. Mas bumilis naman ang andar ng kanilang sasakyan upang takasan ang mga sumusunod sa kanila.
"Ziantynna!" sigaw ni Zacharias dito.
Satana got back from the reality after her blackout kasabay nang pagbalik nito sa realidad ay ang kanyang luha na namuo sa kanyang mga mata at unti-unting nagsipag laglagan sa kanyang pisngi.
Ziantynna cried all her frustration, fear and anxiety.
Zacharias hug his wife again while ordering the driver to go faster. Ilang minuto lang din ay tumigil na ang pag putok ng baril sa kanilang kotse.
Tinignan ni Zacharias ang kaniyang cellphone na nasa upuan katabi niya nang tumunog ito. Galing iyon kay Maverick saying everything is already cleared.
Bumuntong hininga si Zacharias at mas hinigpitan ang yakap rito. His mind is exploring different things and one of those is why he doesn't know Satana gained some trauma from her past.
Nang makarating sila sa bahay ay sumalubong sa kanila ang mga kasambahay ngunit sinenyasan ito ni Zacharias na huwag mag ingay.
Yakap ni Zacharias si Satana habang naka upo ito sa kaniyang kandungan. Binalak pa sana ni Satana na magpresinta sa pag tulak kay Zacharias ngunit pina tahimik ni Zacharias ang asawa sa pamamagitan ng paghila nito papaupo sa kandungan niya. Habang ang driver ay agad na na-intindihan na siya ang magtu-tulak ng wheelchair ng Senor.
Nang makarating sila sa elevator ay sinenyasan ni Zacharias ang driver na huwag nang sumunod pa.
Zacharias then put Ziantynna in her bed nang makarating ang mga ito sa kwarto ni Satana.
He was about to leave to ask Cecelia and Vivian to help their mistress when Ziantynna grab his hand. Zacharias looked at Satana with his confused face.
Ziantynna look at Zacharias with fear and shyness.
"I don't want to be alone," saad ni Satana.
For the first time Satana said this line to someone. After Zayleen's death, mag isa nitong hinarap ang trauma. And she won her battle. She managed to manage her trauma and her reaction was lessened.
Dati ay konting tunog lamang ay grabe na ang nagiging kaba niya at pag ba- block out. Ngunit ilang taon din nang pagpapagaling sa sarili ay inakala niyang nalagpasan niya na iyon at ang nangyari ngayon ang patunay na hindi pa tapos ang nakaraang iyon.
"Please," habol na saad ni Ziantynna. Her eyes are becoming teary again, the reason for Zacharias to put down all his defences and give up.
"Okay then but we will sleep in my room."
A knock from the doorstep stops the two from staring at each other. Bumuntong hininga si Zacharias habang si Satana ay nanatiling nakahawak sa kamay ni Zacharias.
"Come in," saad ni Zacharias habang pinaglalaruan ang kamay ni Satana.
"Zacharias," saad ni Maverick na ang unang tinapunan ng tingin ay si Satana tinitignan kung may natamo itong kahit na anong galos.
Maverick felt Zacharias eyes kaya agad niyang ibinaling ang atensyon kay Zacharias at nahuli ang matalim nitong tingin sa kaniya. Napangiwi si Maverick at ipinagpatuloy na ang sasabihin.
"I just need to talk to you for a minute. Dinala ko na rin sila Vivian at Cecelia to help their Mistress clean herself," ani nito.
Dahil sa narinig ay humawak ng mahigpit si Satana rito. Zacharias bring Satana's hand in his lips to kiss it.
"Wait for me in my room. Matapos mong mag ayos ay mag pa diretso ka roon kila Vivian," saad ni Zacharias.
Tahimik namang tumango si Satana at binitawan ang kamay ng asawa.
Zacharias and Maverick leave Satana, who feels lonely after Zacharias leaves her hands.
"Speak," saad ni Zacharias pagkapasok nila ng opisina nito. Nagmamadali itong matapos ang usapan dahil gusto nito muling bumalik kay Satana upang mahawakan ang kamay nito na hindi niya inakalang kakaadikan niya ng ganoong kabilis.
"It's the Ultors. You know them hindi sila papayag na isang tao ang magiging Reyna," saad ni Maverick.
"Ziantynna isn't mortal." Kumuyon ang kamao ni Zacharias at lumabas ang pula nitong mga mata.
"And they don't know about that."
"Where are they?"
"I killed the half and I save the others for you," nakangising saad ni Maverick.
With Maverick's answer Zacharias loosen up and he's satisfied.
"You may leave now. It is your vacation," saad ni Zacharias habang linuluwagan ang kaniyang necktie.
"I can stay for a while," ani ni Maverick dahilan ng pag iling ni Zacharias. Nagsalin ito ng isang baso ng alak upang inumin.
"You've been spying on her so many years. Why not confess your feelings?" saad ni Zacharias.
"Same question, Zacharias. Why confess your feelings?" balik tanong ni Maverick dahilan kung bakit wala sa mood na umalis si Zacharias sa kanyang opisina at pumunta sa kanyang kwarto upang hintayin si Satana.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Trisha Joy Villegas

    nice story ilove it🤩

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Keisha Justine Suan Camus

    nice

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Tran S La Te

    hungaw ka

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata