Homepage/Hold me tight my Lamia/
CHAPTER 24
Habang nangyayari ang meeting ay hindi mawalawala ang paningin ni Satana kay Daphne hanggang sa hindi nito namalayang natapos na ang meeting at kanina pa siya tinatawag ni Zacharias.
"Satana," Pangatlong ulit ni Zacharias sa pangalan ng asawa. Sa inip ni Zacharias ay hinila na nito ang braso ng asawa papalapit sa kaniya.
"Wife," bulong nito kay Satana sinisiguro na silang dalawa lang ang nakakarinig.
Dahil sa ginawa ni Zacharias ay tuluyan na nitong nakuha ang atensyon ni Satana.
"Hey," ani ni Satana nang mapansin ang lapit nila ni Zacharias at saka ibinalik ang tingin sa board na nakatingin sa kanilang dalawa ni Zacharias.
Puno ng kuryosidad ang mga matang nakamasid sa dalawa dahilan upang matamaan ng hiya si Satana.
Namumula ang buong mukha ni Satana nang magsalita si Daphne.
"May problema ba sa mukha ko? Kanina ka pa kasi nakatingin sa akin." Mataray na saad ni Daphne hindi nagustuhan ang paraan ng paghila ni Zacharias sa kaniyang assistant.
"Ah wala naman. You just look familiar to me," sagot ni Satana rito at pekeng ngumiti.
Tumawa ang matandang lalaki na katabi ni Daphne dahilan upang mapunta rito ang lahat ng atensyon
"My daughter is really beautiful na kahit kapwa niya babae ay natutulala sa ganda niya," saad ng Ama ni Daphne habang tumatawa dahilan nang pagtaas ng kilay ni Satana ngunit agad niya rin itong ibinalik at itinago ang pagkasuka na bakas sa kaniyang mukha.
The board look at Satana and Daphne hindi maitatanggi na maganda si Daphne ngunit kung ikukumpara ito sa bagong assistant ng CEO ay magmumukhang ordinaryo ang ganda ni Daphne ngunit wala ni isa sa mga ito ang naglakas loob na sabihin iyon.
Bali-balita kasi na may relasyon si Daphne at si Zacharias bukod pa roon ay ang ama ni Daphne ang isa sa may malalaking share sa korporasyon. Kaya kahit din ang iba na alam na may asawa na si Zacharias ay nanahimik na lang.
"Mukhang totoo ang mga sabi sabi ngayon na ang mga magaganda ay maganda na rin ang gusto," dagdag pa ng Ama ni Daphne.
"I don't think Zacharias assistant is into girls. Right Miss?" ani ni Alex.
Agad itong nakilala ni Satana dahil sa folder na ipinabasa sa kaniya ni Zacharias noon at base sa impormasyon nito ay ito ang pinakabata at maloko sa board members.
"Satana," pakilala ni Satana sa sarili.
Mas pinili nito na ang palayaw na lang ang banggitin kesa ang buong pangalan dahil baka may makakilala sa kaniya sa mga board members.
Hindi man siya kilala ng mga ito sa mukha ngunit malaki ang tsansa na sa pangalan ay makilala siya dahil maaring nakasama na ng kaniyang ama ang iilan dito.
"Satana. What a beautiful name for a beautiful lady. Can we know where you are from? I'm sure hindi kukuha si Zacharias ng kung sino-sino lang na assistant kahit na pansamantala lang."
"Let's end this meeting," saad ni Zacharias, hindi na natutuwa sa kinakahantungan ng usapan.
Nagtayuan ang mga board members kasama na si Satana para alalayan si Zacharias.
"Satana," tawag ni Alex kay Satana dahilan upang matigil si Satana sa paglabas ng conference room at ganoon din ang pagtulak nito sa wheelchair ni Zacharias.
Ang tanging natira na lang sa conference room ay silang tatlo at ang isang secretary ni Zacharias na si Marian.
Hinawakan ni Zacharias ang kamay ni Satana bilang pagtutol na pansinin nito si Alex pero agad itong tinanggal ni Satana at lumingon sa lalaki.
"Yes?" nakangiting saad ni Satana.
Tumingin si Alex sa relos nito at saka nagbalik tingin kay Satana.
"It's lunch time. Want to eat somewhere? My treat," saad ni Alex bakas dito ang pagkahumaling kay Satana na kahit si Marian ay nakita iyon.
Handa na sanang makialam si Marian at Zacharias nang magsalitang muli si Satana.
"No thanks. I have a lot of things to do." Tatalikod na sana si Satana nang magsalitang muli si Alex.
"Maybe a dinner? After your work of course," saad ni Alex at ngumiti pinapakita ang malalim nitong dimples.
Magsasalita pa sana si Satana ng iniikot na ni Zacharias ang kaniyang wheelchair upang humarap sa lalaki.
Bakas sa mukha ni Zacharias ang hindi pagkagusto sa nangyayari ngunit nanatili itong kalmado.
"Alex, the woman you are flirting with. Is my woman. I wish you understand what I mean," diretsong saad ni Zacharias at ito na ang kusang tumulong sa sarili nito upang makaalis ng conference room.
Agad namang sumunod dito si Satana na mababakasan din nang pagkainis. Leaving Alex and Marian in shock.
Nang makabalik sa opisina ni Zacharias ay doon sumabog ang galit ni Satana.
"What did you just say there?!"
"That you are mine," balewalang saad ni Zacharias dahilan upang mas mainis si Satana.
"Zacharias! Hindi ba ikaw pa ang nagsabi na huwag ipaalam na asawa mo ako? Tapos ano ito ngayon?!"
"Why? Sinabi ko bang asawa kita sa harap nila?" saad muli ni Zacharias dahilan upang matigilan si Satana at inisip ang nangyari.
Zacharias didn't really say she's his wife. He just said that she's his woman.
Sarkastikong napatawa si Satana nang marealize ang nangyari at sinamaan ng tingin si Zacharias.
"So you let me look like your mistress?"
"Ano ba dapat?" Walang ganang saad ni Zacharias.
Kahit mukha itong kalmadong tignan ay napupuno na ito ng pagkainis dahil sa selos.
"D*mn you!" asik ni Satana at lumabas na ng opisina ni Zacharias.
Habang nasa loob ng elevator ay may pumasok na isang matandang lalaki sa loob na ngumiti kay Satana.
Balak sana itong balewalain ni Satana nang maalala nito ang mukha ng lalaki. Isa ito sa board members!
"Good morning Mr. Joma," bati ni Satana rito. Dahil sa pagbati ni Satana ay agad na naging magiliw ang matanda.
"Magandang umaga rin Mrs. Lamprouge," saad ng matanda dahilan upang matigilan si Satana at nakamaang na napatingin dito.
"Kilala niyo ho ako?" tanong ni Satana.
Ngumiti ang matanda at humarap kay Satana
"Oo, minsan na kitang nakita nang magkaroon kami ng meeting ni Mr. Quinzel. Alam ng buong board members na isang Quinzel ang pinakasalan ni Mr. Lamprouge pero wag kang mag alala at hindi ka nila kilala sa itsura at makakaasa rin kayo na wala akong pagsasabihan ng aking nalalaman." Mapait na ngumiti si Satana.
'Tama ang matanda, hindi siya kilala ng board members. Magmu-mukha talaga siyang kabit ni Zacharias lalo na sa sinabi nito kay Alex' saad ni Satana sa sarili at napabuntong hininga.
"Salamat po," saad ni Satana.
Agad namang umiling ang matanda.
"Malaki ang utang na loob ko sa iyong Ama at maging sa iyong asawa kaya handa akong tumulong kahit sa maliit na bagay lang. Kung sakali rin na kakailanganin mo ng tulong dito sa loob ng kumpanya makakaasa ka sa akin."
Ngumiti si Satana dito at tumango kahit papaano ay naibsan ang kaniyang nadarama dahil mayroon kahit isa na nakakakilala sa kanya sa loob ng kumpanya.
Namagitan kila Mr. Joma at Satana ang katahimikan hanggang sa makarating sila sa first floor kung saan ang pareho nilang destination.
Bago maghiwalay ng landas ay nagpaalam ang dalawa sa isa't-isa na siyang nasaksihan ni Rebecca at Marian.
"Oh my God! Hindi ko akalain na kahit si Mr. Joma ay kakapitan niya!" Mahina ngunit gigil na saad ni Marian. Dahilan ng pag kunot ng noo ni Rebecca.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Siya iyong bagong assistant ni Mr. Lamprouge," bulong ni Marian rito.
Dahilan ng pagtaas ng kilay ni Rebecca. Lubos ang inis ni Rebecca nang malaman mula kay Marian ang tungkol sa bagong assistant na sinasabi ni Marian. Hindi kasi nito matanggap na ang isang inexperience ay nakakuha agad ng mataas na posisyon samantalang siya ay nagsimula sa baba.
Pinagmasdan ni Rebecca si Satana ngunit nang mag tama ang kanilang paningin ay agad na nag-iwas ng tingin si Rebecca dahilan ng pag kunot ng noo ni Satana ngunit hindi na nito iyon pinansin at dumiretso sa cafeteria.
"Ang kapal talaga ng mukha," saad ni Marian.
"Ayoko nang may marinig pang masasamang salita tungkol sa bagong assistant ni Mr. Lamprouge," saad ni Rebecca at iniwan si Marian.
Naguguluhan namang sinundan ng tingin ni Marian si Rebecca. Hindi makapaniwala sa biglang pagbabago ng aksyon nito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story ilove it🤩
02/09/2024
0nice
03/08/2024
0hungaw ka
26/06/2024
0Tingnan Lahat