Homepage/Hold me tight my Lamia/
CHAPTER 23
Third Person POV
"You have two beautiful secretaries," saad ni Satana pagpasok nila ng opisina ni Zacharias dahilan nang pagkunot noo ni Zacharias at kapagkuwan ay pag ngisi na hindi nakikita ni Satana dahil ito ay nasa likod ni Zacharias na siyang nagtutulak ng wheelchair.
"Yeah, I love seeing beauties," dagdag niya.
"Oh maybe that's the reason why you choose me as your wife?" sarkastikong saad ni Satana at tumalikod upang magtungo sa office table nito.
"Atleast now you have a clue," pahabol ni Zacharias.
Nang makarating si Satana sa pansamantala niyang table ay padabog na ibinagsak nito ang mga gamit na dala at binuksan ang Ipad upang tignan ang schedule ni Zacharias habang ang huli ay hindi maialis ang mga ngiti sa labi dahil sa mga ikinikilos ng asawa.
Isang katok ang nagpatigil sa pagtitig ni Zacharias sa asawa at nagpalaho ng kaniyang mga ngiti. Lubos naman ang pasasalamat ni Satana sa kumatok dahil kanina niya pa pinipigilan ang sariling huminga dahil sa init nang tingin ng kaniyang asawa.
"Come in," ani Zacharias sa kumatok.
Iniluwa ng pintuan si Marian at dire-diretsong pumunta sa desk ni Zacharias nang hindi tinatapunan nang tingin si Satana ngunit hindi ito pinansin ni Satana.
"Goodmorning Mr. Lamprouge. Thirty minutes from now po mag i-start ang meeting niyo with the board members. And mayroon din pong letter na pinadala sa inyo from the Ultors daw po pero hindi ko po alam ku-" Hindi natuloy ni Marian ang sasabihin nang putulin ni Zacharias ang kaniyang pagsasalita.
"Where it is?"
"Eto po." Nagmamadaling abot ni Marian dito ng sobre nang mapansin niyang biglang nagbago ang mood ni Zacharias.
"Maaari ka nang lumabas," ani ni Zacharias agad din naman itong sinunod ni Marian at nahagip pa ng kaniyang mga mata ang kalmadong postura ni Satana.
"Ano iyan?" tanong ni Satana nang makalabas si Marian.
"Nothing, do you want to eat breakfast?" Nakangiting tanong ni Zacharias sa kaniya.
"Nope, but I'll make coffee gusto mo?"
"Yes please," pakiusap ni Zacharias kaya naman tinanguan niya ito at lumabas na ng opisina.
Pagkalabas ni Satana sa opisina ay agad na sinundan nila Marian at Pia nang tingin si Satana at nang makitang sa breakroom ito pumasok ay sinundan ito ni Pia habang si Marian ay hindi ito pinansin dahil hindi nito hilig ang makipagplastikan.
Habang nagtitimpla ng kape si Satana ay tumabi sa kaniya si Pia at hindi nagsayang ng oras ang babae.
"Uy, congrats sa pagkakuha mo sa trabaho," ani nito nang nakangiti na sinuklian naman ni Satana ngiti.
"Thank you, pero panandalian lang naman ako dito dahil babalik din agad si Maverick." Tumaas ang kilay ni Pia sa first name basis ni Satana kay Maverick.
"Ano pala ang dati mong trabaho bago rito?"
"Ah, wala. Actually ito ang una kong trabaho."
'Unang trabaho pero assistant agad ni Sir Zacharias.' ani ni Pia sa kaniyang isipan.
"Mabuti at natanggap ka ni Sir Zacharias. Siguro ay nakapagtapos ka na may mataas na grado at sobrang gandang credentials."
"Hindi rin nagrebelde ako sa mga magulang ko e," saad ni Satana at umalis na sa breakroom nang maihanda na ang dalawang tasa ng kape. Nararamdaman na rin kasi niya ang pagkaplastic sa kaniya ni Pia.
Sa kabilang banda naman ay si Zacharias na kasabay nang pagsara ng pintuan nang umalis si Satana ay siya namang pagpapalit ng kulay ng kaniyang mga mata sa kulay pula. Agad niyang kinuhang muli ang sulat at buong rahas na binuksan ang sobre upang basahin ang nilalaman.
To: King Zacharias Lamprouge
The court got a report that you already saw your mate and got married to her. This action should be punish by the law but considering the situation that your mate is from the world of humans the court deicides to let it pass but you still have the responsibility to introduce the new Queen to our people. She also need to take her oath to officially introduce her as a Queen.
From, Ultor Court of Winlars
Matapos basahin ni Zacharias ang sulat ay sinunog niya ito pinilit ang sariling kumalma upang maibalik ang kulay ng kaniyang mga mata. Tumunog ang cellphone ni Zacharias at nang makitang si Maverick iyon ay agad niya itong sinagot.
"Nabasa mo na? Like what you are expecting nalaman na nila."
"Yeah, magpadala ka nang dagdag tauhan dito and give Maris a signal," utos ni Zacharias dito at saka ibinaba ang tawag nang maramdaman niya ang crezna ni Satana.
Ang nangyayari ngayon ang dahilan kung bakit umalis sila sa dating bahay dahil madali silang matutunton roon dahil bukod sa alam ng mga Ultor ang bahay na iyon ay wala pang kahit na ano ang maaaring pumigil sa crezna ni Satana, hindi katulad sa bahay nila ngayon na malapit sa dagat na siyang nakakatulong upang maikalat ang crezna ng isang Lyzerian at hindi agad matutukoy ng mga simpleng Lyzerian kung saan nagmumula ang crezna.
Paniguradong gagamitin ng Ultor ang kawalang ideya ni Satana sa katotohanan at gagawin ang lahat upang hindi makuha ni Satana ang pwesto dahil isang malaking banta sa kanilang posisyon ang babaeng katulad ni Satana.
"Malalim ata ang iniisip mo?"
"Tungkol lang sa mga gawain ni Maverick na hindi ako sigurado kung magagawa mo," pagdadahilan niya habang kinukuha ang tasa na kakalapag lang ni Satana.
"Kung ibuhos ko kaya iyang kape sayo?"
"You'll be fire."
"Sira*lo," ani ni Satana rito at bumalik na sa kaniyang pwesto.
Ilang minuto lang ay pumasok na si Marian upang tawagin si Zacharias para sa kaniyang meeting. Tumayo si Satana at inihanda ang mga gamit at saka pumunta sa likuran ni Zacharias at itinulak ang wheelchair nito papunta sa
Nang makapasok sa conference room ay nagtayuan lahat ng naroon at bumati kay Zacharias. Ayon sa schedule ni Zacharias ay simpleng report lang ito nang naging performance ng kumpaniya sa nakaraang buwan.
"Sit," saad ni Zacharias na para bang mga aso ang mga kaharap niya ngunit sinunod naman ng mga ito ang utos nito.
Inilibot niya ang kaniyang mga mata at lahat nang nandito ay kilala niya dahil sa folders na pinabasa sa kaniyang ni Zacharias. Ngunit ang kaniyang ipinagtataka ay kung bakit may naligaw ata sa mga tao rito.
Ang anak nang isa sa mga Board of Directors Daphne Morano.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story ilove it🤩
02/09/2024
0nice
03/08/2024
0hungaw ka
26/06/2024
0Tingnan Lahat