CHAPTER 22

Third Person's POV
"Ready?" tanong ni Maverick kay Satana na ngayon ay naghahanda para sa pagpasok sa kumpaniya upang pumalit panandalian kay Maverick.

Ngumiti siya rito ng pilit at tumango.

'Kung hindi lang ito para kay Zayleen. Hinding-hindi kita bibigyan ng vacation leave' ani ni Satana sa kaniyang isip habang mariing nakatingin kay Maverick na may masayang mukha.

"Kung ganoon po ay tara na," saad nito at pinauna si Satana sa paglalakad.

Nang pababa sa hagdan ay nahagip ng kaniyang mga mata si Zacharias na naghihintay sa ibaba ng hagdan. Ang puso niyang kalmado kanina ay animong biglang tinakbuhan ng mga higanteng hayop sa lakas ng pagpintig.

Sa araw-araw na nakikita niya si Zacharias. Walang pagkakataon na hindi naging ganito ang reaksyon ng kaniyang puso. Patagal ng patagal ay patindi rin ng patindi na kaniyang kinasanayan.

"Kanina ka pa po naghihintay, boss?" mariing ani ni Satana sa huli ng tuluyan nang makababa.

"Yeah, pakiramdam ko nga ay ikaw ang pagsisilbihan ko," pilyong saad ni Zacharias habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Kaya naman inirapan niya ito at nauna nang maglakad sa dalawang lalaki patungo sa sasakyan dahil sa kagustuhan niyang itago ang ngiti niyang kumakawala.

Isang linggo na ang nakalipas magmula nang sabihin ni Zacharias ang pagbabakasyon ni Maverick at panandalian niyang paghalili sa pwesto nito. Sa loob ng isang linggong iyon ay puro training kay Maris ang ginawa ni Satana dahil hindi na bumalik si Teresa. Bukod sa training ay pagbabasa tungkol sa kumpaniya ang pinagkaabalahan ni Satana.

Nang makapasok sa sasakyan at makasunod sa kaniya si Zacharias ay sinulyapan niya ito at nang magtama ang kanilang mga mata ay agad din niyang binawi. Kunot ang noong tumingin sa bintana. Pilit na iwinawaksi ang mga impormasyong kaniyang nalaman nitong nakaraang araw.

"Bakit tahimik ka?" tanong ni Zacharias.

Bumuntong hininga siya at saka lumingon kay Zacharias na puno ng kuryosidad ang mukha. Nginitian niya ito at umiling.

"May iniisip lang."

"Hmmm? Ano iyon?" Tuluyang humarap si Satana kay Zacharias at tinignan ito diretso sa mga mata.

Ang lalaking may pulang mga mata bago siya mahimatay ang kaniyang naalala kaya naman ipinilig niya ang kaniyang ulo at ngumiti rito.

"Tungkol sa history ng kumpanya. Nacurios lang ako, namana mo ba iyon? Sa mga pinadala mo kasing dokumento wala doon ang history nang mag research naman ay ang sinasabi lang ay biglang umusbong ang kumpaniya mo. Hindi rin kilala ang apelyido mo."

Umiwas nang tingin si Zacharias at diretso ang mga matang nakatingin sa unahan ng sasakyan at walang emosyon ang mukhang nagsalita.

"Nandito na tayo maghanda ka," saad nito kasabay ng paghinto ng sasakyan. Inilibot ni Satana ang kaniyang paningin hindi inakalang nakarating na sila ng hindi niya namamalayan.

"Wait let me help you out," saad niya kay Zacharias nang lalabas itong mag-isa.

Huminto si Zacharias sa paglabas at tumabi upang makaraan siya. Ngunit dahil sa sikip ng sasakyan ay nawalan ng balanse si Satana at napaupo sa kandungan ni Zacharias. Ang kamay nito ay agad na bumalot sa kaniyang bewang at pinisil.

Mula sa bewang ay gumapang ang kuryente sa kaniyang buong katawan kaya naman agad niya itong nilayuan at lumabas ng sasakyan.

Nang makalabas ay agad niyang pinakawalan ang pinipigilan niyang hininga at liningon ang asawa gamit ang matatalim na mata.

"Nginingisi ngisi mo diyan?" saad niya.

Nagseryoso ang mukha ng asawa ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang pagkanais tumawa. Kaya naman inis niya itong tinulungang makababa sa sasakyan buti na lang at tinulungan din siya ni Mang Bogart dahil hindi niya mapipigilan ang sarili niyang itulak na lang palabas ang asawa.

Nang makalabas ay dumiretso silang dalawa sa elevator at dahil nasa parking lot ay walang taong makakakita. May dalawang elevator sa parking ang isa ay exclusive para sa CEO at ang isa naman ay para sa lahat ng empleyado.

Sa kabilang elevator maririnig ang pag-uusap ng dalawang secretary ni Zacharias bukod kasi kay Maverick na kaniyang overall assistant ay may dalawa pa itong sekretaryang babae.

Ang dalawang sekretarya ay nag-uungusan at nag pagandahan ng kanilang mga kasuotan dahil sa anunsyo kahapon na may ipapalit pansamantala kay Maverick bilang assistant ngayong araw.
Sa isiping mamimili sa kanilang dalawa ang CEO ay agad na nagkaroon ng matinding friction sa kanilang samahan.

Nang makarating sa kanilang palapag ay agad silang pumunta sa kani-kanilang desk. Si Marian ay sa left side at si Pia ay sa right side ang nasa gitna namang pintuan ay ang opisina ni Zacharias.

Gawa sa glass ang lahat ng opisina kaya makikita kahit sa labas ang nangyayari sa loob ganoon din ang nangyayari sa labas dipende na lang kung ibababa ang blinds.

Sabay na napatayo ang dalawang sekretarya at agad na lumabas sa kani-kanilang opisina nang marinig ang pag tunog ng elevator na tanging ang kanilang CEO ang maaring gumamit.

Nang bumukas ang elevator ay una nilang nakita ay ang lalaking nakaupo sa wheelchair na mayroong kakaibang aura at halos perpektong pisikal na katangian.

Kaya naman kahit na may disability ito ay marami pa ring nagkakagusto rito kasama na roon ang dalawang sekretarya. Ang kanilang admiration sa lalaki ay biglang naglaho nang makita ng dalawa ang babaeng kasama nito.

Ang babae ay may gupit na Bob hair, matang kay itim katulad ng kaniyang buhok, porselanang balat, hugis pusong mukha, makapal na kilay, pulang labi, at saktong kurba ng katawan. Ito ay nakasuot ng white fitted dress at black blazer na tinernuhan niya ng white stiletto.

Nang makalabas si Zacharias habang tulak ni Satana ang wheelchair ay napuno ang kanilang palapag ng hindi maipaliwanag na presensya.

The two ladies were taken aback by her beauty and felt like they were nobody in the presence of the new lady.

"Marian and Pia meet Satana. She will take over the position of Maverick for the meantime," saad ni Zacharias sa dalawang babae na nakayuko pero ng marinig ang pagpapakilala dito ay agad na nabuhayan.

"She will replace Maverick for the meantime?" ulit ni Marian.

"Yes, any objection?" Ang dapat na pagtutol ni Marian ay hindi na niya natuloy dahil sa tono ng pagbabalik tanong ni Zacharias sa kaniya.

"None sir," saad na lang niya at yumuko at saka patagong tinignan si Satana na may kaunting ngiti sa kanila na kaniyang ikinainis ganoon na rin si Pia ngunit pinilit niya itong itinago.

"Nice meeting you Miss Satana," saad ng dalawa.

"No, nice meeting the both of you. I hope we create a great working relationship," nakangiting saad ni Satana at saka tinanguan ang dalawa at itinulak na ang wheelchair ni Zacharias papasok ng opisina nito.

Nang makapasok sa opisina ang mag-asawa ay agad na nawala ang mga ngiti sa mukha ng dalawang secretary.

"She's pretty," ani ni Pia

"Yup, maybe an escort girl."

"Nah, I don't think she's an escort girl." Agad na napaharap si Marian kay Pia at nagtaas ng kilay dito sa akalang pinagtatanggol nito si Satana.

"So, who she is? Pia, walang disenteng tao ang may kayang tumalon ng ganoong kataas na posisyon para maging assistant ni Sir. Remember Rebecca na galing pa sa Paris pero nagsimula sa mababang posisyon?"

"I'm not saying she's decent. I am just saying she's not an escort, maybe a gold digger. That's a very different thing. Kayang magpanggap ng gold digger na desente unlike an escort girl na super cheap. And don't act as if you didn't feel her authority." Matapos sabihin iyon ni Pia ay umirap ito kay Marian at bumalik sa opisina.

Pia hates Marian, but she never thought she would hate this new girl more. She's hitting for that position and an unknown woman just came from nowhere and stole her desired job.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Trisha Joy Villegas

    nice story ilove it🤩

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Keisha Justine Suan Camus

    nice

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Tran S La Te

    hungaw ka

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata