CHAPTER 21

Third Person’s POV
Pagod na ibinagsak ni Satana ang dumbbell na hawak. Ang kaniyang tumutulong pawis mula sa noo pababa sa kaniyang leeg ay pinunasan niya gamit lang ang kaniyang kamay. At saka matatalim ang mga matang sinulyapan si Zacharias na prenteng nakaupo sa wheelchair.

"Kilig na kilig pa ako kahapon maghihirap pala ako ngayon," bulong ni Satana sa sarili at saka umirap.

Nakita ito ni Zacharias dahilan ng pagkunot ng noo nito.

"Is there a problem?" tanong ni Zacharias ngunit hindi ito tinutugunan ni Satana at sinimulan ang sumunod na exercise na Alternating rope whips na pinapagawa sa kanya ng coach niyang babae na walang ginawa kung hindi magpapansin sa asawa niya.

"I think she's just too tired ganun talaga kapag hindi regular ang pag- exercise. I can clearly see it in her body because it is very different to mine. I have a perfect curve unlike her," saad ni Coach Teresa kay Zacharias.

Sa inis ni Satana ay mas linakasan niya ang pagpalo ng tali na hawak sa sahig upang mailabas ang kaniyang inis sa coach niyang nasobrahan sa exercise kaya pati mukha, mukhang muscle.

Ngunit si Zacharias ay hindi pinansin si Teresa na nakayuko at sinasadyang ipakita ang dibdib. Patuloy lang ito sa pagmamasid kay Satana kung hindi naman kay Satana ay sa laptop nito.

"By the way, you think this is too boring? Pinapanood lang natin siya samantalang mali-mali naman ang posture niya?" saad ni Teresa na sinamahan pa nang hagikgik dahilan upang tuluyan nang naputol ang pasensya ni Satana at handa na sanang sugurin ang babae at ipukpok sa pagmumukha nito ang dumbbell kung hindi lang nagsalita si Zacharias.

"That's the point why you are here. I hire you to train my wife, not just to watch her. You should there correcting her mistakes and not watching her and appreciating her beauty and realising how ugly you are." Walang emosyon at diretso ang tingin ni Zacharias sa kanyang laptop nang sabihin ang mga katagang iyon dahilan upang muntikan nang humagalpak sa tawa si Satana.

Nang mapansin siya ni Teresa ay agad niya itong tinaasan ng kilay at inirapan at saka tumalikod upang ipagpatuloy ang ginagawa. Pakiramdam kasi niya ay hindi na niya kailangang hampasin ito ng dumbbell. Mamaya ay mas lalo pa itong pumangit.

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumapit kay Satana si Teresa na may masamang loob sa ginawa sa kaniya ni Zacharias.

Tanging lagitik ng tali at hingal ni Satana ang maririnig sa buong gym nang makapasok si Maverick sa gym kasama si Maris na siyang magiging coach ni Satana para sa Martial Arts.

"Zacharias," tawag ni Maverick dahilan upang makuha nito ang atensyon hindi lang ni Zacharias pati na rin nila Satana.

"Ipagpatuloy mo ang pag-ensayo, Satana," saad ni Zacharias ngunit hindi ito pinakinggan ng huli at patuloy pa rin sa paglapit sa kanilang pwesto at saka dumiretso kay Maverick.

"Hello Maverick! Buti nandito ka na," bati nito sa naguguluhang si Maverick pagkaraan ay mas lumapit kay Maverick at bumulong. "At nang makita mo kung paano humarot iyang boss mo," saad nito habang hindi nawawala ang ngiti.

Pilit na ngiti ang ibinalik ni Maverick kay Satana at saka lumayo rito ng bahagya dahil nararamdaman niya ang matalim na tingin ni Zacharias sa kaniya.

Ang maipit sa mag-asawang may magkasalungat na ugali ay hindi niya ni minsan ginusto o kahit naisip.

"Satana," mahina ngunit may diing tawag ni Zacharias at saka inabot ang kamay nito tiyaka hinihila palayo kay Maverick.

"What?" asik ni Satan.

Hinila ni Zacharias ang braso ni Satana pababa upang makayuko ito ng kaunti at pumantay ang kaniyang labi sa tenga nito.

"Are you flirting with him?"

"What? No! Gusto ko lang makaclose siya for Zayleen," pagsisinungaling ni Satana.
Tumayo nang maayos si Satana at saka umirap. Pagkaraan nang may maisip ay yumuko muli at kunot ang noong tinignan si Zacharias. "Are you jealous?"

"What if I am? I'm your husband, Satana. I have all the rights when it comes to you." Napasinghap si Satana at hindi makapaniwalang tinitigan ito.

Samantala, ang tatlong pares naman ng mga mata ay nananatiling nakanood sa mag-asawang bumuo na ng sariling mundo.

"Siya ang magtuturo ng martial Arts kay Satana hindi ba? Aalis na ako, mukhang matatagalan pa sila sa pag-uusap," malambing na saad ni Teresa kay Maverick ngunit hindi rin ito pinansin ni Maverick kaya naman padabog na lang itong umalis.

"Kuya," tawag ni Maris sa kapatid.

"Hmmm?"

"She's so powerful." Ngumiti si Maverick dito tiyaka liningunan ang kapatid.

"Powerful than Jessica?" tanong ni Maverick. Napangisi si Maris at saka tinignan muli ang mag-asawa na nag-uusap.

"Hindi man lang maikukumpara."

Tahimik na naghintay ang magkapatid kila Satana at Zacharias na nag-aasaran. Parehong namamangha sa nakikita nilang kasayahan sa mukha ni Zacharias at ang hindi maitatanging lakas ng dalawang nasa harap nila.

Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin natatapos ang dalawa. Kasalungat ng ugali ni Maverick ay tuluyan nang naputol ang pasensya ni Maris.

"Ehem," pagtikhim ni Maris nang hindi na nakayanan ang pagkainip sa paghihintay sa dalawa. "I think we should start our training?"

"Huh? Training na naman!" asik ni Satana at saka sinamaan ng tingin si Zacharias dahilan upang mapaatras si Maris at kumunot ang noo.

"Masanay ka na," mahinang ani ni Maverick sa kapatid.

Bumuntong hininga si Maris at napailing hindi ata siya masasanay sa lakas ng presensyang nararamdaman niya na nang gagaling lang kay Satana dahil ito lang ang may nakabukas ang crezna.

"Magsimula na kayo," saad ni Zacharias.

"Napapagod na ako!" reklamo ni Satana habang naglalakad pabalik sa training ground. Napangiti si Maris dito at napailing.

"I think I need to train her on how to close her crezna first," saad ni Maris sa dalawang lalaki at saka sumunod kay Satana.

Atleast her stay in earth will be worth it, saad niya sa kaniyang isipan.


Nakapikit ang mga mata ni Satana na naglalabas ng malalalim na hininga habang sinusunod ang instruction ni Maris sa kaniya na kanina niya pa pinagtatakhan.

"Close your eyes and imagine you are inside of a sphere that has an opening above. Focus yourself and try to close the sphere," saad ni Jessica kaya naman pilit itong sinunod ni Satana na kanina pa sumasakit ang ulo dahil kanina pa rin niya sinusubukang isara ang sinasabi nito.

Binuksan ni Satana ang kaniyang isang mata at palihim na sumilip sa orasan. Nang makitang alas- dose na ay agad siyang bumitaw sa kaniyang position at tumayo.

"Lunch time na!" saad niya kay Maris na may masamang tingin sa kaniya.

"I don't care about your lunch time. May ginagawa tayo Satana!" sigaw ni Maris sa kaniya dahilan nang pag nguso nito at paghawak sa kumukulong tiyan.

"Maris," ani ni Zacharias. May pagbabanta sa boses nito at naramdaman agad ito ni Maris habang si Satana ay pagod lang itong tinignan.

"Kumain na muna tayo. Masyadong mahirap para sa kaniya ang mahabang oras na pag- exercise lalo na at nagsisimula pa lang siya," saad ni Maverick upang mailigtas ang kapatid sa matatalim na tingin ni Zacharias.

Dahil sa narinig ay agad na nagliwanag ang mukha ni Satana at buong galak na iniwan si Maris at pumunta sa pwesto ni Zacharias upang itulak ang wheelchair nito papaalis ng gym.

Ayaw man ni Maris ay sumunod na lang siya at sabay ang apat na pumunta sa dining area.

Uupo na sana si Maris ng tumunog ang cellphone nito.

"Excuse me, sasagutin ko lang itong tawag." Tumango si Zacharias upang pagpayag at saka umalis si Maris.

Puno ng kuryosidad naman itong sinundan nang tingin ni Satana at saka ibinalik ang tingin sa asawa na maayos nang nakapwesto sa hapagkainan.

"Ang ganda niya pero ang weird ng mga pinapagawa niya. Puro imagine," ani ni Satana kay Zacharias.

"Then?" walang emosyong sagot ni Zacharias habang nakatingin sa kaniya dahilan upang mapairap sa hangin si Satana.

"Wala lang." Umiling si Zacharias dito at ibinalik ang tingin sa pinggan na linalagyan ng pagkain ni Satana.

"Maverick," tawag ni Zacharias kay Maverick na patuloy lang ang pagmamasid sa mag asawa.

"Po?"

"Ituro mo kay Satana mamaya ang mga gawain mo sa opisina."

"Ha?" naguguluhang tanong ni Maverick at kahit si Satana ay nakakunot ang noong hinihintay ang susunod na sasabihin ni Zacharias.

"Pansamantala kitang bibigyan ng dalawang linggong bakasyon kaya naman si Satana ang hahalili sa mga maiiwan mong trabaho," saad ni Zacharias dahilan upang magliwanag ang mukha ni Maverick at tuluyang nalukot ang mukha ni Satana.

"Bakit ako?!" tanong nito.

"Ikaw ang humiling hindi ba?" bulong ni Zacharias kay Satana.

"Zacharias!" inis na saad nito.

"Ah, okay lang naman kahit hindi na muna ako magbakasyon," saad ni Maverick nang makitang mukhang siya ang pagmumulan ng away ng mag asawa.

Dahil sa pag hindi ni Maverick ay nanlalaki ang mga mata ni Satana na tinignan ito. Habang si Zacharias ay palihim na napangisi

"Hindi! Okay lang sa akin na pumalit sa pwesto mo. Besides asawa niya pa rin ako may responsibilidad ako sa kumpanya. Sadyang nagulat lang talaga ako," pilit na sabi ni Satana habang nakangiti at iniisip na para kay Zayleen ang ginagawa.

Dahil sa nangyari ay napabuntong hininga si Satana at saka masama ang tingin na pinukol si Zacharias.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Trisha Joy Villegas

    nice story ilove it🤩

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Keisha Justine Suan Camus

    nice

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Tran S La Te

    hungaw ka

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata