CHAPTER 19

Ziantynna’s POV
Lumapit sa akin si Zacharias at hinila ang aking pulso upang makaupo ako sa kaniyang kandungan at agad nitong maniobra ang kaniyang wheelchair palabas ng party.

"Hey! Bitawan mo ko," bulong ko pero puno ito ng diin.

"Kung maglilikot ka ng maglilikot ihuhulog kita," seryosong saad nito.

"You think I'm scared?"

"In front of socialites? Yes." Natahimik ako at agad na nagtago sa kaniyang dibdib nang maalala kung nasaan kami.

Habang nasa kaniyang dibdib ay naramdaman ko ang lamig ng kaniyang katawan. It’s cold but at the same time feels so warm.

"Are you alright?"

"Nope, how can I be fine kung nag eskandalo ang asawa ko?" Masama ko itong tinignan ngunit walang nasabi dahil totoo naman.

Nang makalabas ay agad kaming sinalubong ng driver ni Zacharias kaya naman tumayo na ako at tinulungan itong maipasok si Zacharias at ang wheelchair nito sa kotse.

"Dito na ako hihintayin ko pa si Zailee."

"Si Maverick na ang bahala sa mga kaibigan mo," saad nito kaya naman tumango ako at sumama na.

Mahabang katahimikan ang namutawi sa aming dalawa hanggang sa makauwi. Nang maipasok ko siya sa kaniyang kwarto ay saka lang ito nagsalita.

"Next time na gagawa ka ng eskandalo make sure na hindi madadawit ang pangalan ko," saad nito dahilan upang magpanting ang tainga ko at muling humarap dito.

"What did you just said?!" tanong ko ngunit hindi man lang ako tinignan nito at nagpatuloy sa paghuhubad nito ng kasuotan.

My mind goes back to him doing that in front of whoever the hell the chick was who he let into his room dahilan upang mas madagdagan ang aking pagkainis.

"You heard it."

"Hindi ka madadamay kung hindi ka nakielam. Kasalanan ko bang pakialamero ka?"

"Dala dala mo ang pangalan ko, Ziantynna!"

"Walang makakaalam kung hindi mo ko pinansin!"

"Some of the board members of the company are there. What do they think of me if I didn't interfer while my wife was being harassed?"

"Oh, acting like a goodie husband e? Even though the truth is that you are a cheater," saad ko at aalis na sana nang dagundong ng boses nito ang sumunod.

"What did you just said?!" Nagbalik ako ng tingin dito at ang linuwagan nitong necktie ay hindi na maayos ang pagkakakabit dahilan upang makita ang leeg hanggang sa dibdib nito.

"You heard it," I said mocking him.

"Ziantynna!"

"What? I'm I wrong? Tell me, is it good? Masarap ba? Gabi gabi ba yun nangyayari? Why did you still marry me if you could do it to any woman out there!?" Halos mag crack ang aking boses sa huli kong sinabi.

Gabi gabi ay iyan ang naiisip ko. May takot sa akin na sumilip sa kanyang kwarto at baka ganoon ang matagpuan ko. I keep reminding myself that I'm just a contracted wife na pinilit lang ako dito at hindi talaga ito ang gusto ko.

But my heart is still beating for him, only for him.

"What are you saying?" Bakas ang kaguluhan sa mukha nito pero sa pagkakataong ito ay malumanay na.

"I'm saying you are cheating on me! Sana sinabi mo man lang ng hindi ako nabibigla sa nakikita ko," saad ko and this time mukhang pumasok na sa isipan niya ang nangyari.

"Are you jealous?" tanong nito habang ang mukha nito ay nababakasan na ng kapilyuhan.

Kaya naman matapang ko itong tinignan. Why do I keep hurting myself if I can get what I want? He is my husband, after all. Kahit sampung babae pa ang ikama niya mananatiling asawa niya ako.

"If I'm jealous, is it wrong? You are my husband. I have all the rights to you." saad ko at tuluyan ng lumabas ng kanyang kwarto. At halos matumba ako dahil pakiramdam ko binuhos ko lahat ng lakas ko para lang sabihin ang mga katagang iyon.

Nang makarating sa aking kwarto ay tiyaka lang muling pumasok sa aking isipan sila Zailee. Agad Kong kinuha ang aking cellphone upang icheck sila.

I saw a text message from Ezekiel asking me about Zacharias pero hindi ko na pinansin ang ka chismosohan nito at dumiresto sa text message ni Zailee she said she was already home with Zayleen.

Matapos kong makita iyon ay hindi na ako nag text pa. I'm too tired kapag nag text ako mahabang usapan na naman.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay sa labas ng aking kwarto dahilan upang sumilip ako nang hindi pa nakakapag ayos.

I curiously walk towards the stairs to see what's going on downstairs.

"Lady Satana!" tawag sa akin ni Cecelia.

"Anong nangyayari?"

"Lilipat daw po tayo ng bahay."

"Lilipat? For what?" Napakamot ito ng ulo at saka umiling.

"Hindi ko po alam e. Basta ang utos sa amin ay maghakot. Dumiretso na nga po pala si Vivian sa kwarto niyo para iligpit ang mga gamit niyo. Aayusin ko na rin po ang paliguan niyo." Kahit na naguguluhan ay tumango ako rito.

Nang susunod na sana ako may Cecelia ay nahagip ng aking mga mata ang tingin ni Zacharias na nasa kabilang dulo nitong second floor. Inirapan ko ito at nag martsa paalis.

Bahala nang walang alam pero hindi ko tatanungin ang lalaking iyon.

Nang makapasok sa aking kwarto ay napatingin ako sa full isang size mirror at saka ko lang narealize na wala akong bra at kitang kita ang n*pple ko.

Bigla akong namula at napatingin muli sa aking pintuan palabas ng kwarto at inaalala ang pag martsa ko.

Sa sobrang hiya ko ay nakayuko akong pumasok sa aking banyo nang hindi pinapansin sila Cecelia. Matapos maligo at mag-ayos ay tahimik din akong sumakay sa sasakyan kung nasaan si Zacharias.

Sa buong biyahe ay tahimik at nakayuko lang ako kahit na katabi ko si Zacharias na kanina ko pa nararamdaman ang tingin.

Nang makarating sa destinasyon ay agad akong bumaba at doon pinakawalan ang hininga. Kanina pa ako nagpipigil ng paghinga bakit ba kasi ang tagal ng byahe.

Nagtaas ako ng paningin at namangha sa aking nakita. A white house, compared to the mansion triple ang ganda nito dahil hindi ito kulob.

"You like it?"

"Super." Huli na nang mapagtanto kong si Zacharias ang nagtanong pero kahit na ganoon ay hindi ko na pinansin pa iyon dahil ang aking mata ay nabubusog sa pagkamangha sa bahay na ito.

Kung ikukumpara sa dating mansion mas malaki ang dati kumpara dito ngunit lamang na lamang ito sa arkitektura.

Nang makapasok ay nakarinig ako ng hampas ng alon sa dalampasigan kaya naman agad kong sinundan ang tunog nito at narating ko ang mas magandang tanawin.

"Oh my God!" singhap ko ng makita ang beach.

Ang ganda rito sobrang ganda.

"I never knew you would love this so much."

"We will stay in here?" tanong ko rito habang patuloy na pinagmamasdan ang magandang tanawin.

"Yeah." Tumingin ako rito at nginitian ito sinuklian rin naman niya ito ng ngiti.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Trisha Joy Villegas

    nice story ilove it🤩

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Keisha Justine Suan Camus

    nice

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Tran S La Te

    hungaw ka

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata