CHAPTER 17

Ziantynna’s POV
"Mauna ka na Satana, tignan ko lang itong bagong bakeshop," ani ni Zayleen bago kami tuluyang makapasok sa lalove café. Tumango ako rito at saka nagpatuloy nang pumasok sa café. Dumiretso ako sa counter at nakita ang hindi pamilyar na mukha.

"May I talk to ate Lara?" tanong ko dahilan ng pagkunot ng noo nito. "Your boss, I want to talk to her. She knows me." dagdag ko.

Magsasalita na sana ito ng may lumabas sa opisina ni Ate Lara ngunit imbes na ang inaasahan ko ang lumabas si Catalina ang nandoon, Catalina Sanchez. Napabukas ako ng aking labi at sinarado rin agad ng hindi masagap ang sasabihin.

"Ziantynna," ani nito halata rin ang gulat sa mukha ngunit pagkaraan ay ngumiti. "Nandito ka ba para kay Ms. Lara? Mabuti siguro na mag-usap tayo ng pribado?"

"Ah, may kasama ako." Tumango ito at saka itinuro ang upuan na nakaharap sa full-size window.

"Doon kaya?" Tumango ako rito at pinauna na itong maglakad papalapit doon.

Nang makaupo kami ay siya na ang unang nagsalita.

"Tungkol kay Ms. Lara, she offered me this shop ang sabi niya ay uuwi siya sa probinsya ng mama niya, sa La devidad at doon na lang ulit magtatayo ng panibagong shop kasama si Orion."

"Kailan pa?" Inilibot ko ang aking mata sa shop at nagkaroon ng panghihinayang. Sayang, sana ay ako na lang ang nakabili.

"Last month lang." Tumango ako rito at napuno ng katahimikan ang aming paligid kaya naman humugot ako ng malalim na hininga upang makakuha ng lakas ng loob.

"Sorry," ani ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. Ngumiti ito sa akin at saka umiling.

"Nah, I'm sorry." Ginantihan ko ito ng ngiti at natatawang ibinaling muli ang mga mata sa labas ng bintana, pakiramdam ko ay gumaan ang aking pakiramdam sa simpleng salitang iyon.

"I never imagine na magkakaroon tayo ng chance na makapag usap at ako na makahingi ng tawad."

"Me too."

Bago muling mahulog sa awkward na sitwasyon ay lumapit sa amin ang babaeng kanina ay nasa counter at inilapag sa aming mesa ang mga inumin.

"Café latte, I don't know kung iyan pa rin ang paborito mo pero iyan nalang ang pinili ko," saad ni Catalina.

"Natatandaan mo pa rin pala."

"Oo naman, kahit ang kay Zayleen-" Natigilan ito at saka nawala ang ngiti sa mukha. "Sorry." Umiling ako at sasabihin na sana na buhay si Zayleen nang tumunog ang Wind Chime dahilan nang paglingon naming pareho dito ni Catalina at nakita ang masayang mukha ni Zayleen.

Natutop ni Catalina ang kanyang bibig at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin dito.

"Oh my God! Catalina!" sambit ni Zayleen nang makilala ang aking katabi.

"Z-zayleen, buhay ka!" Hindi makapaniwalang saad nito. Tumingin sa akin si Catalina na may naguguluhang tingin. Ngumiti ako dito at ipinaliwanag ang nangyari.

Matapos kong ikwento dito ang nangyari kay Zayleen ay tuluyan nang napalitan ang kaguluhan sa kaniyang mga mata ng pagkakonsesya at kalungkutan.

"Why you look so sad? You should be happy because I'm alive, right?" Nakangiting tanong ni Zayleen dito at saka ipinagpatuloy ang pag inom ng Strawberry Milkshake niya.

"How can you smile after..." Hindi masambit ni Catalina ang mga susunod na salita at nag-iwas na lang ng tingin kay Zayleen.

"Because I deserve to smile. After what happened, I want to be happy because I'm fine now. The important thing now is the present, not the past nor the future. Whatever happens next, at least I have become happy," ani ni Zayleen dahilan ng patulo ng aking luha na agad ko pinalis sa aking pisngi.

This is the reason why we lost ourselves nang mawala siya sa amin. She looks like a sun to us who can keep us in place and give us energy.

"Now I understand why," ani ni Catalina at saka bumaling sa akin.

"Owkie... Can we eat this bread now? I swear this is so delicious!" saad ni Zayleen habang pinapakita ang tatlong box ng tinapay na siyang binili niya sa isang bakeshop.

"Mauubos mo ba 'yan?" tanong ko rito.

"I think so? Nakakain na ako ng lima doon sa loob ng bakeshop but I still want more kaya bumili na ako ng three dozen." Bagamat gulat sa sinabi nito ay napailing na lang ako at kumuha ng isang piraso ganoon din si Catalina na natatawa sa katakawan ng kasama ko.

Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ni Catalina kaya naman chineck niya ito at agad na napatayo ng mabasa ang mensahe doon.

"Oh my god late na ako!" She exclaimed, and looked at the both of us. "Just ask anything to Elsa libre ko na ito. Mauna na ako sa inyong dalawa, enjoy!" Matapos nitong magpapaalam ay kinuha lang nito ang bag sa opisina niya at tuluyan ng umalis.

"Kamusta kaya sila ni Ezequiel?" tanong ni Zayleen na pinagkibit balikat ko lang. Last time I know they broke up. I wish maging sila ulit. "Kayo ng asawa mo kamusta?" Natigilan ako sa tanong nito at nag-iwas ng tingin.

At good timing naman ang pagpasok ni Zailee.

"Zayleen!" ani ni Zailee at naiiyak na yumakap Kay Zayleen.

"Hey I'm alive bakit ka na umiiyak," natatawang saad ni Zayleen habang yakap ang pinsan. Ako naman ay uminom na lang at tumingin sa labas.

Isa lang kasi ang ibig sabihin nito, magpapaliwanag na naman ako.

Matapos ang usapan namin nila Zailee ay nakapag desisyon naming mag overnight sa bahay dahil ayaw nang umalis ni Zailee sa tabi ng pinsan. Pero ang sabi nila ay uuwi na rin sila bukas upang ipaalam kila tita na buhay si Zayleen.

"Feeling ko mahihimatay si Mommy pag nalaman niyang buhay ka," saad ni Zailee habang nakahiga kami sa aking kama at nanonood ng Maleficent na siyang paboriting-paborito ni Zayleen noon at hanggang ngayon.

"Mag ready ka na lang ng doktor," sagot ni Zayleen dahilan ng tawanan namin.

Ilang usapan pa ay nakatulog na ang dalawa. Kaya naman dahan-dahan akong umalis ng aking kama upang patayin ang TV at bumaba upang uminom ng gatas.

Mukhang nakalimutan kasi nila Cecelia ang gatas ko. Sa tahimik at madilim na kusina tanging ang pagtama lang ng aking tsinelas sa makinis na tiles ang maririnig. Binuksan ko ang ilaw dito at halos mapatakbo ako pabalik sa aking kwarto ng makaaninag ako ng ibang tao.

Napahawak ako sa aking dibdib at saka matalim na tinignan ang lalaking nandoon na si Zacharias.
Ang bilis nang pagtibok ng aking puso na dahil sa gulat ay nagbago ng dahilan. Ngayon ay dahil na iyon sa matipunong lalaki na nakaupo sa wheelchair habang pinapasadahan ako ng tingin.

Ibinaba ko ang tingin sa aking suot at doon lang na-realize na naka nighties lang ako. Gusto ko mang takpan ang aking sarili ay pinigilan ko ang aking sarili. Kapag nagtakip ako ibig sabihin pangit ang katawan ko.
So, No!

Pumunta ako sa refrigerator at kumuha ng isang box ng gatas at saka lumapit sa cabinet kung nasaan si Zacharias dahil nandoon ang mga baso.

Nang makalapit ay tumingkayad ako upang abutin ang cabinet ngunit masyado itong mataas para maabot. Kaya naman kukuha na lang sana ako ng maliit ng upuan upang madagdagan ang aking height nang hablutin ni Zacharias ang aking bewang.

Nagpumiglas ako dito at binato ng matalim na tingin.

"You can use my wheelchair, the chair is too heavy for you to carry them," saad nito. Inis man ako sa kaniya ay tama siya, gawa ata sa nara ang karamihan sa gamit dito.
Bago umakyat sa wheelchair nito ay inirapan ko ito at saka ginawa ang sinabi.

Ramdam ko ang hininga nito sa aking hita habang nakatungtong ako sa wheelchair nito dahilan upang kunin ko kaagad ang baso at bumaba rito.

Bakit ba nasa taas ang mga baso?! Kung sino man ang nag arrange nito ay dapat masisante.

I looked at him again and about to say my thank you nang makita ko ang sinusupil nitong ngiti at maalala kung paano dumukwang ang babaeng iyon sa kaniya kagabi. Inirapan ko ito at kinuha ang gatas at baso at saka umakyat sa aking kwarto.

Bahala siya sa buhay niya! Many*k!

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Trisha Joy Villegas

    nice story ilove it🤩

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Keisha Justine Suan Camus

    nice

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Tran S La Te

    hungaw ka

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata