CHAPTER 16

Ziantynna’s POV

“Zayleen.” Tumingin ito sa akin at itinagilid ang ulo, tanda ito na hinihintay nito ang susunod kong sasabihin. “Gabi na, umuwi na tayo.” Nag-iwas ito ng tingin at ibinalik sa malawak na dati nilang lupa.
“Satana.”
“Hmmm?”
“Mabait ba siya?” tanong nito dahilan ng aking pag kunot ng noo hindi maisip kung sino ang tinutukoy nito. Bumuntong hininga ito at saka muling tumingin sa akin. “Mabait ba si Madilynn?”
Ngumuso ako tumingin sa langit na nababalot ng kadiliman at kaunting mga bituin nang malaman ang tinutukoy nito.
“Ewan, Hindi ko pa siya nakakausap ng maayos. The last time I saw her, binuhusan ko siya ng champagne.” Natawa ako sa alaalang iyon at saka nagbaba ng tingin kay Zayleen na mayroon ding pinipigilan na ngiti.
“You were always calm and collected back then. I didn’t know you had a side like that.”
“And you are always the kindest, friendly and optimistic.” Ngumiti ako sa mga alaala ng nakaraan.
“Time can change a person e?” she said and chuckled.
“Why? Did you change?”
“Don’t know.” Pinagmasdan ko ito, hinihintay ang susunod nitong sasabihin. “I want to stay kind, so kind that I can forgive. That’s why I want to ask if she is a good person, because if she is, then I’ll keep my distance from her husband.”
“And if not?”
“I’ll get him.” Napangiti ako at ganoon din siya.
“Then I wish she’s not,” ani ko at naglakad na papunta sa driver’s seat.
“Nah… I think she’s a good person.”
“Of course! You are Zayleen Gabriel who thinks everyone in the world is as kind as you!”
“Heh!” Natawa ako sa tinuran nito at binuksan na ang kotse.
What a day it is.
Habang nagmamaneho ay napadaan kami sa simbahan kaya naman tumigil na muna kami roon at nagsimba. I didn’t notice the time. It’s been a month since mapatapon ako ng pamilya ko kay Zacharias. And in a month, my life become a roller coaster ride.
And I don’t have any prayer but a healthy life for the whole of us, including my parents, Angle, Zayleen, Maverick, and Zacharias.
I look at Zayleen who’s also praying.
“I am also thanking God that he gave back my best friend,” I muttered.
Matapos magsimba ay napadaan kami sa bilihan ng jewelries I saw a couple anklet. Kinuha ko ito at itinaas sa ere upang mas makita ko.
Black and white ang kulay, black marahil para sa lalaki at white para sa babae. Maliit lang ang beads pero ang eleganteng tignan lalo na at may magnet ito sa kapares na anklet.
“Five hundred lang iyan Miss, isang pares na. Maganda yan dahil iyang magnet niyan ay para lang talaga sa kapares hindi siya madidikit sa iba,” ani ng ale. Ngumiti ako dito at tumango saka iniabot ang anklet.
“Sige ho bilhin ko na ho,” ani ko at kinuha ang aking wallet.
Okay na siguro ito bilang sorry gift.
Matapos makuha ang binili ko pumunta na ako sa aking kotse dahil dito ang usapan namin na hintayan kung sakaling wala pa ang isa. Kinuha ko ang anklet at tinitigan ito.
“Galingan mong mag sorry ikaw ang hihingi ng tawad para sa akin,” bulong ko sa anklet.
“Uy!”
“Oh my god!” gulat kong ani. At saka sinamaan ng tingin si Zayleen na tumatawa. Ibinalik ko ang anklet sa box nito at inirapan siya.
“Kung ano-ano kasi ang binubulong mo diyan.” Natatawa pa rin nitong sabi at saka pumasok sa kotse nang mabuksan ko na ito.
Nang makasakay ay tumungo na kami pauwi habang wala pa rin humpay ang pagtawa at pang-iinis nito sa akin. Kaya nang makapasok sa mansion ay agad kong iniwan ito sa kotse at ibinigay sa guard ang susi ng kotse upang matakasan si Zayleen.
Dumiretso ako sa kwarto ni Zacharias at nang matapat ay huminga ako ng malalim upang makabawi sa hingal ng aking pagtakbo.
Hindi na kumatok pa ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan para lang isarado din ito agad at tulalang pumunta sa aking kwarto.
Nang makapasok rito ay saka lang nagsipag bagsakan ang aking mga luha.
I saw a woman leaning to him and who knows if they kiss. Nasa kwarto sila ano pa ba ang maaring mangyari, specially they are in bed.
I look at the anklet at mas lalong umagos ang aking mga luha not just because of what I saw but also because I know I f*cked up. This emotion… this feeling doesn’t need any consultation from a doctor. Kahit gaano ko kagustong i-deny it is obvious that I like that man! O like nga lang ba?
Napatawa ako sa naisip habang patuloy pa rin ang pag agos ng aking mga luha.
What I’ll do now about my feelings? Ang mga sinabi ni Vivian noong narinig ko sila ni Cecelia ang pumasok sa aking isip dahilan nang paghagulgol ko.
Aksidente akong napatingin sa salamin dahilan upang mas mapahagulgol ako kung mas may lalala pa sa pag hagulgol ko, I still look like a teenager!
Ngumuso ako at nakaluhod na nagtungo sa aking kama, kinuha ko ang aking unan at yinakap ito. Should I start seducing him? Or act like I don’t like him. Maybe I can think about that tomorrow with milk tea.
Kinabukasan ay boses ng hindi ko kilala ngunit pamilyar ang aking narinig na gumigising sa akin, sa labas ng aking pintuan. Kaya naman tamad akong napabangon upang buksan ang pintuan.
Pag kabukas nito ay sila Cecelia at Vivian ang aking nabungaran na mayroong hindi mawari na reaksyon sa kanilang mga mukha. Hindi ko ito pinansin at hinanap ng aking mga mata si Yollie.
“Ahm… Young Madam, kung si Yollie po ang hinahanap niyo ay wala siya ngayon. Humingi po ng isang buwang bakasyon. May emergency sa probinsya, kami na ho muna ni Vivian ang mag-aasikaso sa inyo.” Kumunot ang aking noo dito at tuluyan nang nagising.
“Pero hindi siya nakapag paalam sa akin.”
“Biglaan po, kagabi lang din po siya nagpaalam.” Tumango ako at linakihan ang bukas ng pintuan.
Pumasok ako ng banyo at umupo sa couch na naroon at saka pinanood si Vivian na inaayos ang aking pag liliguan. Ngumuso ako sa nakatalikod nitong pigura nang maalala na naman iyon. Kapag ba tinanggal na dito si Vivian ay hindi ko na muling maaalala ang mga sinabi nito?
“Vivian.” Lumingon ito sa akin at tinignan ako ng diretso sa aking mata dahilan ng aking pagtaas ng kilay. Bukod kay Yollie, sa lahat ng katulong ay siya lang ang nakakagawa nito.
“Po?”
“May mga kapatid ka ba?”
“Opo.”
“Ilan?”
“Para saan po ang mga tanong niyo?”
“Sagutin mo.”
“May mga impormasyon na hindi dapat sinasabi sa kung sino-sino. Pasensya na ho,” ani nito at nagbalik sa pag-aayos ng aking paliguan dahilan upang makilatis ko ito.
Maputi at makinis ang balat nito, sakto ang tangkad at halatang may kurba ang katawan, ang buhok ay maayos na nakapusod at ang kwintas nito na sigurado akong hindi pang ordinaryong tao.
“Tapos na ho.” Inayos nito ang mga gamit at lalabas na sana ng aking bathroom nang magsalita ako.
“Fall from the heaven.” Gamit ang repleksyon sa salamin ay nakita ko ang pagtigil nito at hawak sa kanyang necklace dahilan upang ngumisi ako. “Iyan ang pangalan ng kwintas na iyan. Umabot ng 24 million ang bid ko sa kwintas na iyan ngunit may ibang nakakuha sa halagang 30 million.” Lumingon ako rito at matamis na ngumiti.
“Naalala ko lang pero imposible namang original iyan dahil masyadong malaking pera ang halaga niyan para sa isang katulong. Sa susunod wag ka nang gumamit ng hindi original, baka pagkamalang totoo.” Matapos ng aking sinabi ay tuluyan na itong lumabas.
Tingin ko naman kung papaalisin ko siya rito hindi siya maghihirap, ani ko sa aking isipan.
Pagkalabas ko ng aking bathroom ay mukha ni Zayleen ang bumungad sa akin kaya naman binigyan ko ng senyales sila Cecelia at Vivian na lumabas na muna.
Nang makalabas ang dalawa ay dumiretso ako ng pasok sa aking walk-in-closet, sinundan naman ako ni Zayleen dito.
“Anong kailangan mo?” tanong ko rito.
“Bakit namamaga ang mga mata mo?” Natigilan ako at napa sulyap sa vanity, namamaga pa ang aking mga mata kaya siguro ganoon nalang ako tingnan nila Vivian at Cecelia kanina.
“Dahil lang siguro sa puyat.”
“Puyat ka diyan, sabihin mo umiyak ka! Sa akin ka pa talaga magsisinungaling.”
“Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa.”
“So ayaw mo talagang sabihin?”
“Not now, Zayleen. So, ano nga pinunta mo dito?” ani ko habang tinitignan ang damit na nakahanda sa sofa. Buti naman at hindi na sa mannequin ang hirap kunin doon.
“May nalaman kasi ako.”
“Hmmm?” Lumayo ako sa sofa at umupo sa harap ng aking vanity upang ayusin ang sarili.
“Wedding anniversary ng parents ni Madilynn at may party bukas,” ani nito dahilan upang mapukaw ang aking interes at tinignan ito.
“Then?”
“Punta tayo?”
“Manggugulo ka?”
“No!” Mabilis na pagtanggi nito dahilan ng aking pag-irap at pagharap muli sa salamin para i-blower ang buhok ko.
“Para saan pa ang pagpunta doon kung hindi manggugulo?”
“Satana naman.”
“Fine, sasamahan kita tatawagan ko lang si Zailee. Para may kasama akong magpapatahan sayo kung sakaling umiyak ka.” Umingos ito sa aking sinabi dahilan ng pagtawa ko.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Trisha Joy Villegas

    nice story ilove it🤩

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Keisha Justine Suan Camus

    nice

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Tran S La Te

    hungaw ka

    26/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata