Homepage/Hold me tight my Lamia/
CHAPTER 15
Ziantynna’s POV
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ng makaramdam ako ng magagaang haplos sa aking noo at bumungad sa akin ang mukha ni Zayleen na may bakas ng labis na pag-aalala.
Agaran akong napabangon nang maalala ang nangyari, ito naman ay napausog sa mabilis kong pagkilos.
“Satana, Mag-ingat ka! Baka mawalan ka na naman ng malay.” Kumunot ang aking noo sa sinabi nito at kinapa ko ang aking leeg kung saan nakaramdam ako ng malamig at matulis na bagay bago mawalan ng malay.
“Teka asaan na yun,” ani ko ng hindi ko mahanap ang sugat sa aking leeg. Sigurado akong matulis na bagay iyon kaya imposibleng walang markang matitira.
“Alin iyon?” Dahil sa tanong nito ay napatigil ako at ibinigay sa kaniya ang buo kong atensyon.
“Anong nangyari kanina?” Lumungkot ang mukha nito at napayuko.
“Sorry, na-stress siguro kita kaya nawalan ka ng malay bago ka pa makalabas sa opisina.” Kumunot ang aking noo sa sinabi nito.
“Bago pa makalabas sa opisina?” ulit ko. Sa pagkakaalala ko hindi ganoon ang nangyari.
“Oo.”
“Ganoon ba talaga ang nangyari?” Tumango ito, hindi pa rin nagtataas ng tingin siguro ay dahil sa konsensiya.
Napahiga akong muli at napatulala sa kisame, siguro ay panaginip lang iyom. Halata namang panaginip lang iyon, may disability si Zacharias kaya imposibleng makalakad siya ng ganoon.
Bumuntong hininga ako at saka ngumuso. Mukhang kailangan ko na ngang magpatingin.
“Ziantynna,” tawag sa akin ni Zayleen kaya liningon ko ito at nakita ang mukha nitong nakangiti na. Ganoon naman kasi talaga kami mag-aaway at ilang minuto o oras lang ay okay na ulit.
“Hmm?”
“Gusto kong pumunta sa bahay namin.” Napangiti ako sa sinabi nito at bumangon agad.
“Magandang ideya yan! Nang sa ganun ay makausap mo na rin sila Zailee.”
“Hindi sa Mansion, doon sana sa bahay mismo namin nila Daddy,” ani nito dahilan upang matigilan ako at napalingon dito.
Lumapit ako rito at hinawakan ang dalawa nitong kamay.
“Mas maganda sigurong doon na lang sa Mansion De Gabriel, Zayleen.” Umiling ito at sumimangot.
“Gusto kong sa bahay na muna, Satana.” Napalunok ako at tumango kasabay noon ang masaya niyang ngiti.
“Sige at mag-ayos ka na magbibihis na rin ako.” Binitawan nito ang aking mga kamay at lumabas na ng aking kwarto.
---
Matapos magbihis ay dumiretso na ako sa living room upang doon hintayin si Zayleen ng nakasalubong ko si Zacharias.
“Aalis ka?” tanong nito. Tumango ako at tinignan ito mula ulo hanggang paa, imposible nga talaga ang panaginip na iyon. Wala naman sigurong taong magpapanggap na hindi nakakalakad, biruin mo lagi kang nakaupo sa wheelchair na iyan.
“Do you want us to consummate our marriage?” Kumunot ang aking noo sa sinabi nito kaya naman nag-angat ako ng tingin sa mukha nito na mayroong nakakalokong ngiti at doon ko lang naintindihan ang ibig nitong sabihin.
“Ano bang pinagsasabi mo!” asik ko rito.
“What? You look at me as if you are craving for- ouch!” asik nito ng sipain ko ito sa paa. Napalingon ako sa kaliwa’t kanan ko at saka lumapit sa kanya.
“Itikom mo nga iyang bibig mo!” mahina ngunit gigil kong ani rito.
“What’s wrong? Unless what I said are all true Mrs. Lamprouge?” Lumayo ako rito at sinamaan ito ng tingin.
“Mahiya ka nga sino naman ang gugustuhing makipagsiping sa katulad mo!” ani ko. Hindi naisip ang mga sinabi.
Nang ma-realize ko ito ay agad akong napatingin muli rito at napalunok nang hindi ko ito mabakasan ng kahit na anong emosyon. I was about to apologize when Zayleen’s voice rang to my ears.
“Satana!” Kinawit nito ang braso sa aking braso at saka sinundan ang aking tingin na naibalik ko na kay Zacharias. Kumalas sa akin si Zayleen at yumuko ng kaunti kay Zacharias upang magbigay bati.
“Aalis lang kami ni Satana,” ani Zayleen pagkatapos yumuko. Tumango si Zacharias at tahimik na umalis. “May problema ba kayo?”
“Ah wala.” Nauna na akong maglakad patungo sa garahe ng huminto sa aming harapan ang kulay pulang sasakyan. A Ferrari 458 Italia to be exact.
Lumabas sa kotse si Maverick at saka ibinigay sa akin ang susi.
“Naisip ko na hindi kayo kukuha ng driver kaya iyang sasakyan na lang na iyan ang inilabas ko. Enjoy your ride Lady Satana,” ani nito at aalis na sana ng pigilan ko ito.
Hindi naman iba sa akin ang mga ganitong sasakyan kaya alam ko ang presyo nito at wala akong balak humingi sa mga magulang ko ng pera kung sakaling masira ko ito.
“Teka, wala na bang iba? Wala akong pang bayad kung magasgasan ko ito,” bulong ko kay Maverick ngunit nginitian lang ako nito.
“Marami ka pang sasakyan sa garahe pero kung iyan ang dahilan mo. Wag mo sanang kalimutan kung sino ang asawa mo at kung sino ka na ngayon Mrs. Lamprouge. At nga pala may susunod sa inyo upang magbantay pero sinisiguro kong hindi ka nila maiistorbo.” Matapos noon ay umalis na ito ng tuluyan.
Pagkaalis nito ay sabik na boses naman ni Zayleen ang pumalit at hinatak ako papasok sa kotse. Nang makapasok ay sabay kaming nagkalikot sa loob ng kotse.
“Ang ganda ng kotse na ito! Kung may driver license lang ako pipilitin ko talagang ako na ang magmaneho.” Bumuntong hininga ako at napatingin mula sa bintana ng kotse patungo sa tanggapan ng mansion. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad.
“Satana!” sigaw ni Zayleen sa mismong tainga ko dahilan ng pagpukaw nito ng aking atensyon kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“Bakit ka ba sumisigaw?!”
“Kanina pa kaya kita tinatawag. Mag drive ka na!”
“Makapag-utos ka parang driver mo ko ah?” ani ko habang binubuksan ang makina.
“Ang tagal mo kasi.”
“Oo na madam, mag seatbelt ka na.”
Nang makarating kami sa kanilang bahay ay pareho kaming tahimik habang linalakbay ang dating bahay nila na ngayon ay isa ng golf course.
Tahimik ko itong tinignan habang nagmamaneho at halata sa mukha nito ang pagkadismaya.
“Itigil mo,” ani nito.
“Zayleen.”
“Please.” Bumuntong hininga ako at itinabi ang sasakyan. Pagkatabi ng sasakyan ay lumabas ito ng kotse at nilibot ang mga mata. Sinundan ko ito at tumabi rito.
“Anong nangyari?”
“Kinuha ng Clodovea.” Tumingin ito sa akin kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin at napasandal sa kotse at saka pinagmasdan ang malawak na lupaing kinamkam ng mapanghamak na mga tao.
“Kinuha? Pero hindi iyon pwede!”
“Ikaw lang ang tagapagmana nitong lupa, Zayleen. Hindi maaaring mangialam ang kamag-anak.”
“Ibig mong sabihin ang mga magsasaka ang nakinabang? At ibinenta sa mga Clodovea upang gawing golf course?” sarkastiko nitong sabi.
“Hindi rin.” Tinignan ko ito at bakas dito ang kaguluhan. “Ito ang sinasabi ko Zayleen, ito ang pruweba na malaki ang tsansa na may kinalaman ang mga Clodovea.” Mas lalong kumunot ang noo nito.
“Eto ka na naman e! Bakit hindi mo na lang diretsahin.” Mapait akong ngumiti at napailing.
“Matapos kang mawala, napasa korte ang lupain at nang dapat ay kukunin na sana ng mga magsasaka ang titulo ay siya namang nagsilabasan ang isyu tungkol sa iyong ama. Marami ang kumwestyon sa ari-arian ng pamilya niyo. Dahilan kung bakit hindi na nagawa pang asikasuhin ng mga Gabriel ang pangalawang hearing tungkol sa kaso mo at nakonsidera na lang bilang car accident ang pagkamatay mo.”
“At ang sinasabi mo tungkol sa mga Clodovea?”
“Lahat nang kinuha ng gobyernong ari-arian ninyo ay napasakamay nila.” Matapos sabihin iyon ay nag-iwas ako rito ng tingin.
Ang mga nangyaring iyon ay sobrang gulo na kahit kami nila Ezequiel na kaibigan lang ng Gabriel ay naapektuhan. Kung hindi nga lang siguro nakasuporta sa amin ang Lamprouge, panigurado ay matagal na rin sana nawala sa industriya ang QuinzelI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story ilove it🤩
02/09/2024
0nice
03/08/2024
0hungaw ka
26/06/2024
0Tingnan Lahat