Homepage/Hold me tight my Lamia/
CHAPTER 13
Ziantynna’s POV
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay agad ko itong sinarado at nanghihinang napaupo sa aking kama. Mahigpit na nakakuyom ang aking palad sa tapat ng aking dibdib dinidiin doon umaasang sa pamamagitan nito ay mawawala ang kakaibang emosyon.
Imposible!
Imposible itong nararamdaman ko. Marahil kaya ako nagkakaganito dahil hindi ko lang matanggap na mayroon siyang ibang babae samantalang ako wala! Dapat ay patas, hahanap din ako!
Oh my God! Ano ba itong naiisip ko.
Hindi ko namalayan ang oras na nakatulala lang ako sa kawalan habang nakikipag-usap sa sarili ng may kumatok sa aking silid.
“Miss Satana, oras na po ng hapunan,” ani Yollie base sa tinig ay sigurado akong si Yollie iyon. Napatingin ako sa orasan at agad na napatayo ng makitang ala syete na ng gabi.
Ala singko ako umalis doon ah!
“Sige, susunod ako.” Pag kasabi ko noon ay agad akong pumasok sa aking walk-in-closet. Hindi ko naman na kailangan magbihis dahil maayos pa rin ang suot ko. Inayos ko lang ang aking buhok at nag lagay ng pampakulay sa mukha.
“Magugustuhan niya kaya ang kulay pulang lipstick?” wala sa sarili kong saad. Nang marealize ay agad kong ibinaba ang lipstick at sinampal ang aking pisngi.
“Ouch,” ani ko ng mapalakas ang pagkakasampal ko sa sa sarili. Napatalikod ako sa aking vanity at napapikit ng mariin “Nababaliw ka na, Satana!”
“Hindi bale, bukas magpapacheck up ako, baka dahil lang sa sunod-sunod kong pagkahimatay kaya ganito ang reaksyon ko.” Nang tuluyan ko ng makumbinsi ang aking sarili ay tinapos ko na ang pag-aayos at bumaba na upang pumunta sa hapag kainan.
Nang makarating doon ay naabutan ko si Zacharias na mag isang nakaupo sa kabisera. Tutungo na sana ako sa kabilang kabisera ng marinig ko ang pagtikhim nito. Kaya naman napabaling ako rito. Nakalahad ang palad nito sa katabing upuan kung saan nakaupo si Maverick noon.
“Dito ka maupo,” ani nito dahilan ng pagtaas ng aking kilay at hindi mapigilang ngisi.
“Hindi ba madumi ako?”
“Dito ka maupo dahil wala akong mauutusang abutin ang mga pagkain.” Napaawang ang aking bibig sa sinabi nito.
“A-ang kapal! Hoy! Hindi ako utusan!” ani ko at magtutungo na sana sa katapat nitong kabisera nang magsalita itong muli.
“Kailangan ko lang ng tulong,” may senseridad na nitong saad.
Tumingin ako rito at nagkunwaring nag-iisip.
“Sa isang kondisyon.”
“Pinapaupo lang kita sa tabi ko, Satana.”
“Okay, hindi ako uupo riyan,” ani ko at nagkunwaring uupo na sa kabilang kabisera.
“Fine! Anong gusto mo?”
“Umaarte pa, aayon din naman.” Nakangisi akong lumapit dito habang ito ay bakas ang iritasyon.
“Sasabihin mo ba?”
“After na kumain.” Tumango ito at nagsimula nang magsandok nang maupo ako. Sinandukan ako nito ng kanin at ulam tapos ay ang kaniyang pinggan naman ang nilagyan niya.
Akala ko ba kailangan niya ng tulong?
Tahimik kaming nag umpisang kumain. Ganito ang nakagawian ko sa loob ng tatlong araw na nakaratay ako sa aking kama. Ang kaibahan lang ay sa kwarto ko kami kumakain ng hapunan noon.
“Nasaan nga pala si Maverick?” tanong ko.
“Bakit mo tinatanong?” agad na balik tanong nito.
“Ikaw ang una kong tinanong ikaw ang maunang sumagot!”
“Then, hindi ko sasagutin ang tanong mo.”
“Ang arte mo naman. Hindi ka sanay na hindi ka nasusunod, ano?” ani ko na sinuklian niya ng masamang tingin, kaya inirapan ko ito. “Oo na ako na ang mauuna. Gusto ko lang malaman, siya kasi palagi ang nakikita kong kasama mo. Bukod pa roon ay ilang araw ka ng hindi pumapasok sa opisina.”
Hindi naman sa ayaw ko siyang nakikita dito sa bahay naisip ko lang kung may iba pa ba siyang gawain bukod sa pagbabantay sa akin.
“Nasa ibang bansa si Maverick may pinapauwi ako sa kaniya.”
“Ano yung pinapauwi mo? Tiyaka saang bansa?”
“Bakit ba kailangan mong malaman?”
“Bakit ba hindi mo na lang sabihin?”
“Sa America.”
“Yung pinapauwi mo?”
“Ano yung kondisyon mo?” Pag iwas nito sa topic.
“Umiiwas ka sa tanong eh!”
“Mga dokumento lang ‘yon.”
“Mga dokumento lang pala bakit hindi mo masabi.”
“Sabihin mo na yung kondisyon mo bago pa kita ikulong sa basement.” Nais ko pa sanang pumalag pero masyadong malamig ang panahon ngayon para mapasok ako sa basement.
“Aalis ako bukas. Gusto ko sanang mamasyal, nakakabagot na nandito ako palagi,” ani ko. Umiwas ako ng tingin dito para hindi makita ang magiging reaksyon nito.
Gusto ko lang namang umalis sa mansion na ito nakakabored kaya at kailangan ko na talagang mag patingin sa doktor.
“Sige.” Napalingon ako ng mabilis sa sagot nito, hindi makapaniwalang ganoong kabilis lang ito sasang-ayon.
“Ganoon lang iyon?” Kumunot ang noo nito at ibinaba ang utensils na hawak at saka nagsalita.
“Ano bang gusto mo?”
“Na pagbawalan mo ako?”
“Gusto mo bang pinagbabawalan ka?”
“Hindi!” Sino namang sir*ulo ang may gustong malimitahan ang kalayaan nila?
“Mula ng dumating ka dito hindi kita pinagbawalan lumabas, Satana.” Tinitigan ko itong mabuti, inaalala sa mukha nito kung minsan ay napagbawalan na ako nitong lumabas.
Base sa mga sinabi nitong bawal kong gawin ay bawal akong lumabas na walang kasamang boydguards.
“Paano kung ayokong may kasamang tiga bantay?”
“Gusto mo bang mangyari ulit sayo ang nangyari sa club na iyon?” Napatigil ako sa sinabi nito at ang alaala ay bumalik sa akin kaya napatikom ako ng bibig. “Hindi kita pinagbabawalang lumabas. Pero bilang asawa mo kailangan kong siguraduhin ang kaligtasan mo.”
Hindi ko siya tinignan at nanatiling nakayuko sa pagkain.
“Satana,” tawag nito sa akin.
“Hmm?”
“Tumingin ka sa akin.” Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa mga mata nito na ngayon ko lang kinakitaan ng labis na emosyon. “Malaya kang gawin ang lahat ng gusto mo hanggang nasa pangangalaga kita, siguraduhin mo lang ang kaligtasan mo.”
Ang mga salitang iyon ay nagpaulit-ulit sa aking utak kaya naman kinabukasan ay bakas sa aking mata ang pagkapuyat.
“Miss Satana, ayos lang po ba kayo?” ani Yollie habang sinusuklayan ang aking buhok. Mula sa repleksyon nito sa salamin ay nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“Napuyat lang ako. Siguro kailangan ko ng magpalit ng gatas na iniinom.”
“Siguro nga po. Sabihin ko na lang po sa Mayordoma na bumili ng iba’t-ibang klase ng gatas para makuha natin ang gatas na para sa inyo.” Tumango ako.
Tumigil sa pagsuklay ng aking buhok si Yollie at pumunta sa mannequin kung saan nakalagay ang damit kong susuotin ngayong araw.
Para sa akin ang buhay ko noon at ngayong nasa puder ako ni Zacharias ay wala masyadong pinagkaiba. Hindi malaya, at laging nadidiktahan.
Pero matapos ng sinabi ni Zacharias…
“Yollie.”
“Po?” Mula sa mannequin ay bumaling ito sa akin.
“Anong tingin mo sa akin?”
“Huh?” Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at saka nagsalita. “Mukha po kayong may sakit kung hindi lalagyan ng make-up. Gusto niyo po lagyan ko kayo?”
“Hindi, hindi iyon ang tinutukoy ko,” natatawa kong saad. “Ang ibig kong sabihin, anong tingin mo sa kalagayan ko sa mansion na ito?” Napakunot ito ng noo pagkaraan ay napangiti rin.
“Ah, kung ang ibig niyo pong sabihin ay kung ano sa tingin namin na antas niyo sa mansion ang sagot ko po roon ay para kayong reyna.” Natawa ako sa naging sagot nito at napailing.
“Reyna? Really?”
“Opo, May nakahandang mga fashion designer para sa inyo kung maisipan niyong magpagawa ng magagarang damit, kung ayaw niyo ng pagkain ay agad na pinapalitan, at kung gusto niyo ng isang bagay ay ibinibigay. May mga restriction nga lang dahil pasaway ka.” Sinamaan ko ito ng tingin sa huli nitong sinabi. Kaya naman nag peace sign ito sa akin.
“Puro material na bagay naman ang lahat na iyan e.”
“Ano po ba kasi ang gusto niyong marinig?”
“Tingin mo ba kinukulong ako sa mansion na ito o wala akong kapangyarihang tumanggi sa gusto ni Zacharias?”
“Kinukulong po? Mas magandang sabihin kayo ang kumukulong sa sarili niyo. Alam niyo po ba na mayroon kayong sariling mga kotse sa garahe? Nakakagamit din kayo ng iba’t ibang gadgets. Kayo lang naman po itong hindi gumagamit e. At isa pa nagagawa niyo po kayang sagot sagutin si Senyor. Idagdag pa na hindi niya kayo ni minsan pinilit na matulog sa isang kwarto kasama siya.”
A realization hits me after what she said. Tama lahat nang sinabi niya, bukod sa isa na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
“Anong kotse ang sinasabi mo?”
“Hindi niyo po talaga alam iyon?” gulat ding saad nito.
“Hindi. Mayroon akong isang kotse dito?”
“Huh? Hindi lang po iyon isa sa pagkakaalam ko.” Napamaang ako at pikit dilat ang aking mga mata. “Gusto niyo pong makita? Aalis po kayo hindi ba? Pwede po kayong mamili ng gagamitin ngayon.”
“S-sige.” Hindi makapaniwalang saad ko.
Nang matapos mag ayos ay dumiretso ako sa opisina ni Zacharias upang magpaalam. Pagkabukas ko ng pintuan nito ay naka diretso ang paningin ko sa kaniyang office table kung nasaan siya bumaling ito sa akin at saka ibinalik din ang mga mata sa babaeng kausap.
Nakatalikod ang babae sa akin pero sobrang pamilyar sa akin ng postura nito.
Ang postura nito ay kilalang kilala ko mula ulo hanggang paa. Nanubig ang aking mga mata ng isang pangalan lang ang aking iniisip ng mga oras na iyon hanggang sa na sambit ko ang pangalang akala ko ay hindi ko na masasambit pa sa harap niya.
“Zayleen.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story ilove it🤩
02/09/2024
0nice
03/08/2024
0hungaw ka
26/06/2024
0Tingnan Lahat