Homepage/Hold me tight my Lamia/
CHAPTER 12
Ziantynna’s POV
“Here,” ani Zacharias habang tinatambakan ako ng mga papeles.
Nandito kami ngayon sa opisina niya dahil matapos ang tatlong araw na pagkaratay sa kama ay nakumbinsi ko na rin ito na hayaan akong kumilos. Dahil pakiramdam ko ay mas magkakasakit ako sa ginagawa nitong pagkulong sa aking kwarto.
Pero wala akong sinabi na gusto kong magbasa.
Sinamaan ko ito ng tingin habang ito ay seryosong tinatambakan ng mga papeles ang table niya na siyang gagamitin ko. Lumingon ito sa akin at nagkunot ng noo nang makita ang matatalim kong mga mata.
“Ayaw mo ba? Pupwede kang bumalik sa kwarto mo at magpahinga na muna.” Umiling ako at ngumiti dito pilit na tinatago ang kagustuhan kong sakalin na lang siya bigla.
“Hindi, nakakatuwa nga ang daming babasahin. Ano ba diyan ang uunahin ko?”
“Mula dito.” Turo nito sa nasa kanang folders at sumunod na tinuro nito ay ang nasa kaliwang folders. “At hanggang dito.”
“Lahat talaga ito?!”
“Oo, bakit ayaw mo?”
“Hindi, nagulat lang ako sa dami. Paano kung hindi ko matapos itong lahat?”
“Pupwede mong ipagpatuloy kinabukasan.”
“Para saan ba muna ito?”
“Mga taong kailangan mong makilala at papeles tungkol sa kumpanya,” ani nito dahilan ng pagtaas ng kilay ko.
“Bakit kailangan kong pag-aralan ito? Mamamatay ka na ba at balak mo atang ipa-handle sa akin ito?” Sinamaan ako nito ng tingin kaya naman napatikom ako ng bibig.
Ah! Kasalanan naman niya para kasi siyang nagtuturo na ng susunod sa yapak niya sa dami ng pinapabasa niya sa akin.
“Dahil asawa kita?” he said as if natural na ganun ang mga kailangan kong gawin… well natural naman talaga bilang asawa nito pero hindi ko nga gustong maipakasal dito!
“Oo na.” Iritableng sabi ko kahit na may kakaibang nararamdaman ang aking puso.
“Sige magbasa ka na,” ani nito at kinuha ang laptop nito at binuksan at saka ipinatong sa table kung saan nakaharap ito sa akin.
“Hindi ka aalis?”
“Hindi, sisiguraduhin ko lang na babasahin mo iyan ng walang linalaktawan. At marami din akong gawain na kailangang tapusin,” ani nito habang may kinakalikot sa laptop nito.
“Wala ka bang tiwala sa akin?” Mula sa laptop ay nag-angat ito ng tingin sa akin.
“Lahat ng inutos kong wag mong gawin ginawa mo. Paano ako magkakaroon ng tiwala sayo?” Nag-iwas ako ng tingin dito at padabog na kinuha ang nasa kaliwang folder.
Hinampas nito ang aking kamay at tinuro ang nasa kanan na folders. Inirapan ko ito at ibinalik ang folder na aking kinuha at saka kumuha sa kanan.
Binuksan ko ang folder at binasa ito. Napataas ang aking kilay dahil sobrang detailed ng impormasyon. May picture, family background, educational background, and even the mannerism at ugali nandito.
“Bakit pati mannerism nila at ugali kailangan kong pag-aralan?”
“Para hindi ka maloko.”
“Anong connect?”
“Mayroon sa mga empleyado at stockholders na kambal. Kung hindi mo alam ang ugali at mannerism nila pupwede kang maloko sa pagpapalit nila ng katauhan.”
“Ano namang masama roon ang importante ay ginagawa nila ang trabaho nila ng tama.”
“Para saan pa ang pagkilatis sa kanila para sa isang posisyon kung magpapalit-palit lang sila ng trabaho? May mga trabaho na isang espisipikong tao lang dapat ang humahawak upang hindi magulo ang korporasyon.” Tinignan ko ito at nakitang nakatingin ito sa akin.
“Ang strikto mo naman.”
Lumipas ang oras na pagbabasa lang ang ginawa ko at aaminin ko masayang basahin ang mga nasa harapan ko dahil sa pagkadetalyado nito. Ngunit itong huling mga binabasa ko ay parang storya na lang.
“The Winlars had three Ultors, the first of whom is Franco Vindex. He has one child that named Primo.” Tinignan ko si Zacharias na nakatingin sa akin ng seryoso habang binabasa ko ng malakas ang impormasyon sa folder. “Can I ask you something?”
“What?”
“Tarantado ka ba?”
“Mouth!”
“Mouth mouth ka diyan. Sa kagustuhan mong magbasa ako ng maraming files pati gawa-gawang profile pinapabasa mo sa akin! Wag mong sabihin na yung mga nauna kong mga binasa gawa-gawa lang din!?”
“First of all, Mrs. Lamprouge. All of the documents you just read are true. Second, can you keep your mouth shut? Or maybe you want to go back to your room?” Tinitigan ko ito ng masama at pagkaraan ay inirapan.
Magawa ko lang talagang barahin ang lalaking ito. Ako na ang magiging pinakamasayang nilalang sa Earth.
Ipagpapatuloy ko pa sana ang pagbabasa ng may kumatok sa pintuan at iniluwa noon si Yollie.
“Sir, may naghahanap po sa inyo. Gusto daw po kayong makausap.” Tumingin si Zacharias sa kaniyang bisig kung saan nakalagay ang relo at saka ibinalik ang tingin sa laptop nito.
“Paki sabihin na hindi ako tumatanggap ng bisita,” ani Zacharias hindi nililingon si Yollie.
“Daphne Santos. Sabihin ko daw po ang pangalan niya.” Natigilan si Zacharias ng banggitin ni Yollie ang naghahanap dito dahilan ng pag singkit ng mata ko.
Lumingon ito sa akin kaya agad akong umayos ng upo at nagkunwaring walang narinig.
“Bukas na natin ipagpatuloy ito. Mag pahinga ka na o kaya naman ay gawin mo na ang gusto mong gawin.” Tinakpan ko ng folder ang mukha ko para hindi nito mahalata ang inis ko.
Hindi naman ako naiinis sa isiping may babae ito. Ang akin lang asawa niya pa rin ako kahit sa papel lang dapat niya akong respetuhin. At kung sakaling mapatunayan ko rin na nambababae ito pupwede na akong makipag divorce!
“Ayoko nag eenjoy pa ako sa pagbabasa dito.” Pinapakiramdaman ko lang ang galaw nito dahil hindi ko ito makita gawa ng folder na tinatakip ko sa aking mukha.
Bakit kasi hindi mo na lang ipakita ang babae mo ng sa gayon ay pareho na tayong malaya.
“Okay, you can wait here for a while may kakausapin lang ako.” Agad kong ibinaba ang folder at tumayo.
“No!” malakas kong pagtanggi.
Napatingin ako kay Yollie ng makita ko itong nagulat sa lakas ng aking pagsabi. Ibinalik ko ang tingin kay Zacharias na ngayon ay nakangisi.
“Anong nginingisi-ngisi mo diyan?”
“Don’t worry tungkol lang sa kumpaniya ang pag-uusapan namin. Hindi mo kailangan magselos,” ani Zacharias at bakas sa mukha nito ang pagkaaliw.
“Hindi ako nagseselos! I said no because I change my mind. Maglilibot na lang ako sa garden!” ani ko at lumabas na ng opisina nito.
Oh my God! Nakakahiya! Bakit ba kasi ganoon ang naging reaksyon ko. At Daphne Santos? Nakita ko pangalan nito sa mga naunang folder na binasa ko at kung tama ang pagkakatanda ko anak ito ng isa sa may malaking stock sa kumpanya.
“Miss Satana!” ani ng isang tinig kasabay ng marahas nitong paghablot ng aking braso.
“Yollie, Bakit?” tanong ko ng makita ang taong humablot sa akin at tumawag. Tinignan ko ang mahigpit na pagkakahawak nito sa aking braso dahilan upang tanggalin nito iyon agad.
“Ahm, pasensya na po. Baka lang kasi mahulog kayo pansin ko po kasi parang wala po kayo sa sarili.” Tinignan ko ang linakaran ko at napasinghap ako ng makita ang sinasabi nito.
Kung hindi ako nito hinablot malamang nahulog na nga ako sa hagdan dahil isang hakbang na lang ay babagsak na ako.
Did I space out that much? Nagbalik ako ng tingin dito at ngumiti.
“Salamat. May iniisip lang ako.”
“Mag-iingat na lang po kayo sa susunod. Hindi po palagi na may tutulong sa inyo. Sige po at tatawagin ko na si Ms. Daphne.” Tumango ako at hinayaan itong lagpasan ako.
Sinundan ko ang bulto nito na papalapit sa isang babae. Kahawig nga nito ang nasa profile na binasa ko kanina.
Mas pangit pala siya in person.
Bumuntong hininga ako at pumunta sa Veranda at naabutan ang dalawang katulong na mukhang may pinag-uusapan.
“Nandito na naman si Ms. Daphne,” ani Cecelia kay Vivian.
“Sino ba siya?” tanong ni Vivian. Dahil na curious ako sa pinag-uusapan nila ay gumilid na lang muna ako at nakinig.
“Oo nga pala bago ka pa lang. Si Ms. Daphne kasi mula ata ng mapadpad ako dito ay kinagisnan ko nang lagi iyon pumupunta dito para landiin si Sir!” Kumunot ang noo ko sa narinig at mas inilapit ang sarili sa gilid ng veranda.
“Sinusuklian ba ni Sir?”
“Hindi noh! Noon pa rin naman kasi ay alam na naming lahat na may fiancé si Sir. Kaya nga akala namin noong una maldita rin si Miss Satana dahil sobrang sama ng ugali ni Ms. Daphne. Feeling papatulan ni Sir.”
“Tingin mo imposibleng patulan siya ni Sir? Lalo na hanggang ngayon ay magkahiwalay pa rin ang kwarto nila ni Miss Satana.” Natigilan ako sa sinabi ni Vivian at nagkaroon ng panandaliang kaba pero agad ding nawala ng magsalitang muli si Cecelia.
“Imposible talaga, Vian. Tingin ko hindi pumapatol si Sir sa mga babaeng walang delikadesa. Ilang taon ding naghahabol si Ms. Daphne pero hindi talaga siya pinatulan ni Sir. Take note, Wala pa si Miss noon.”
“Pero possible kung matino at edukadang babae?”
“Wala namang matino at edukadang babae ang gugustuhing maging kabet.” Tumalikod ako at nagtungo sa aking kwarto.
Napahawak ako sa aking dibdib ng makaramdam ng matinding kaba at hindi maipaliwanag na emosyon. Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang mga sinabi ni Vivian.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story ilove it🤩
02/09/2024
0nice
03/08/2024
0hungaw ka
26/06/2024
0Tingnan Lahat