Homepage/Love At first Sight (Book-1)/
Kabanata 16: Change
Change
Kagabi bago natulog muli pa akong dinagsa ng mga katanungan ni Tita Deth. Hindi siya kuntento alinman sa mga naisagot. She was waiting for my arrival outside. Nasa kalye siya habang nakapameywang na naghihintay. At dahil inihatid din ako ni Isaac hindi ko na maitanggi. Lumabas siya sa sasakyan at muli pa niya akong pinagbuksan ng pintuan. Mariin pa akong pumikit ng mahuli ko ang nakataas na kilay ni Tita. Parang maamong kuting ng lumabas ako mula sa loob ng sasakyan.
"S-salamat." Bahagya pang nakangiwi dahil nadaanan ng mga mata ang busangot na mukha ni Tita. Kunsabagay, pinag-alala ko marahil kaya narito siya sa labasan at matiyagang nag-aantay.
"Nasa library ka ulit Maria?"
Halos tumirik pa ang mga mata sa pangalang ginamit niya. Isaac was just staring at us. Hindi gumagalaw sa kinatatayuan habang ako nasa gilid niya takot, at napapapraning na.
"S-sige na.. " Baling ko sa tahimik na mama.
"Ba't mo pinapaalis? Bakit hindi mo alukin. Hindi ba yan nagugutom? O nauuhaw kaya?"
Mariin ulit akong pumikit. Galit si tita nahihimigan ko ang kanyang boses pero iyang ganyang galawan kabisado ko na. Nanunukso lang at gusto lamang makilala ang taong naghatid.
"Uuwi na po siya Tita. Kumain na po-" Ngumisi si Tita. Kahit madilim kita ko ang pag-angat ng gilid ng kanyang mga labi. Ngumingisi pa talaga sa harapan ni Isaac!
"Nag-date kayo?" Halatang windang, laglag din ang kanyang panga.
Umiiling na ako sa kakulitan ni Tita. Mabuti na lamang at maayos naman ang pananamit niya. Leggings at itim na shirt ang suot niya hindi iyong parati niyang sinusuot kapag nasa loob ng bahay. Halos magmakaawa na ako kay tita, hinihiling na tumigil na..
"Nagpa-deliver lang po ng pagkain ang auntie niya-"
"So naipakilala ka na sa auntie niya?" Tama bang sabihin iyon? Kasi sa tingin ko, mas lalo lang yata akong tutuksuhin ni Tita.
"Ba't ako hindi mo man lang maipakilala dito sa boyfriend mo?" She's now smirking.
Sarap sanang bulyawan nitong si Tita.. nakakahiya na!
"H-hindi ko ho siya b-boyfriend.." Halos kandautal pa.
"Ang unfair Maria.. ako na lang ang magpapakilala sa kanya kung ayaw mo okay?" Halos himatayin na ako sa pinaggagawa niya.
Bumaling siya sa nakasandig na lalaki sa hood ng sasakyan. Tahimik at halatang natutuwa sa eksenang natatanaw.
"I'm Tita Deth.." Sabay hablot sa kamay ni Isaac.
Napasimangot ako pero panay lamang ang ngisi ng tita ko. Dumaan ang dalawang segundo.. tatlo.. apat.. hanggang sa...
"Nakikipagkamay lang naman. Matanda na ako para pagselosan mo hija.." Nakakaininis na talaga! Bumubungisngis pa siya. Hinila ko kasi ang kamay niya mula sa pakikipagkamay kay Isaac.
"Umuwi ka na nga!" Singhal ko sa nangingiting mama.
Well, kahit na madilim sa bahaging ito ng kalsada nangingibabaw pa rin ang pagiging mestiso niya. May naliligaw na liwanag mula sa malayong parte ng poste at sa kaunting liwanag na naibabahagi hindi pa rin nito maitatanggi ang kanyang kagwapuhan. The way his jaw clenched, the way his pinkish lips rose.. the way he smirk.. and the way he leaned his body to his expensive car.. tila siya isang modelo na nag-po-photo shoot sa gitna ng madilim na kalsadang ito!
"Pinapauwi mo pero ba't ka napapatulala.. sobrang gwapo ba niya?" Siniko pa ako ni Tita at mas lalo lamang napahiya! Dahil totoo namang namamangha!
"Pinapauwi ko na ho kasi napagod sa mahabang biyahe." Umiling ang tita ko.
"May pasok pa ho bukas, baka traffic ulit--" Dagdag palusot ko pa.
"Tsk.. tsk.. kawawa naman itong boyfriend mo, ba't di mo muna pagpahingain sa bahay? Napagod naman pala sa kahabaan ng biyahe-"
"Tita!" Iritable na. Hindi na masabayan ang pangungulit niya.
"Next time then, " Pormal na saad ni Isaac pero sa kay Tita nakatingin.
"It's getting late.. see you tomorrow?"
Nayanig yata ang mundo ko sa impit na sigaw ni Tita sobrang nakakahiya talaga ang mga aksiyon niya.
Tumango ako pero muli pang bumanat si tita may patakip-takip pa sa bibig bago magsalita.
"Naks naman Maria.. englisero ang boyfriend mo, huwag ka ng choosy.."
"Hindi nga ho kami. Hindi ko ho siya boyfriend-" Ngumiwi ulit siya.
"Sa ngayon hindi pa. Pero natitiyak ko-"
"Tita!" Hindi ko na talaga kaya ang pangungulit niya.
"Sige na umuwi ka na." Mahina kong saad.
Nagkatitigan kami. Sumipa ang puso sa takot na rin na mahalata ni tita nang marahang bumaba ang paningin ni Isaac mula sa aking mukha patungo sa aking mga labi. As if, wanting to touch my lips again. Nag-aalangan lang gawin dahil sa presensiya ng Tita ko. Tumambol pa ng husto ang puso ng muling mag-angat ang kanyang tingin patungo ulit sa aking mukha and then back to my lips again.. Pasalit-salit na tila ba kinakabisa ang bawat parteng madaanan.. I gulped and was taken aback dahil biglang dumaloy sa kaisipan ang mga halik na kanyang iginawad. My face heated again! Sana lang talaga hindi makahalata si Tita. Kaharap namin siya pero heto kaming dalawa at nagpapaligsahan pa yata sa emosyong nagdadala sa ibang bahagi ng mundo!
I heard him sighed. Tumango siya sa akin bago bumaling sa kay Tita.
"Goodnight Ma'am.." Tila slow motion ng bahagyang igalaw ang ulo. Nakangiting tumango si Tita bago ako sinulyapan. Napalunok ako dahil pakiramdam ko huling-huli niya ako sa akto! Pakiramdam ko basang-basa niya pati ang tumatakbo sa isipan ko!
Nakaalis na ang sasakyan ni Isaac pero nakatunghay pa rin sa kawalan. Pilit inaaninag sa dilim kong mahahabol pa ba ng tingin ang kanyang sasakyan.
"Uwi na tayo." Pormal na pormal na ngayon ang tita ko. Wala na sa tunog ang panunukso. Tahimik akong tumango. But then, her mood changes again dahil biglang may naalala.
"Saan ang salamin mo?" Ito na yun e, Ito na talaga yun! Hindi ako ta-tantanan nito!
"Good morning my beautiful young lady.." Kay aga-aga nagsisimula na naman si Tita.
Pilit akong ngumiti. Kagagaling ko lang sa banyo. Nauna ng mag- breakfast dahil tulog pa naman siya ng magising ako.
"I wonder kung anong susuotin mo ngayon?" Kunwari pa siyang nag-isip. Kumibot-kibot pa ang bibig. Kainis!
"Dapat anak goodbye long sleeve na at long skirt. Ang ganda-ganda mo kaya ng walang suot na salamin.." Inirapan ko na. Napahigpit pa ng hawak sa buhol ng tuwalyang balabal sa katawan.
"At saka anak, dapat mag-ayos ka. Hindi ko naman sinasabing pangit ka. Maganda ka Maria. Kulang lang sa ayos. Ba't kasi hindi mo kami gayahin ng Nanay mo." Sabay sulyap niya sa litrato ni Mama.
Magkayakap sila sa larawan. Parehong nakangiti. Si Mama napapikit sa higpit ng yakap ni Tita Deth, while Tita was laughing at her moves halos kasi hindi na makahinga si Mama. Pareho silang nakasuot ng toga. It's their graduation day.
"Tulungan na kitang magbihis.." Akma ng tatayo si Tita pero pinigilan ko na. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"Kapag long sleeve ulit at mahabang palda ang susuotin mo huhubaran kita.."
"Tita naman.."
"Tototohanin ko talaga Maria. Maiintindihan naman siguro ako ni Amalia sa gagawin ko. It's about time na palitan na ang lifestyle mo. Baka mamaya mauntog yung boyfriend mo at ma realized na ang boring mong maging girlfriend-" I gritted my teeth.
"Hindi ko nga ho sabi siya boyfriend-"
"Magbihis ka na. Ayusin mo at baka ako pang magbibihis sayo.."
Tumunganga muna bago nanghalungkat ng susuotin. Pero nagbanta si Tita tototohanin niya ang sinabi kapag ka sinuway ko siya.
A baja blue dress and a two inches black shoes. I also ponytail my hair. Nakakasawa na kasi iyong laging nakalugay. Sinipat ko ng husto ang sarili. From my eyebrows, to my almond eyes, down to my narrow and pointed nose. Hinayaan ko ang sariling pakatitigan ng husto ang mga matang matagal na nakakulong sa suot na salamin. This was my mother's. Magkaparehong-magkapareho ng hulma. Katulad ng kulay ng mga mata ang suot na contact lens. Ngayon ko lang napuri ang sarili.. My eyes are glowing, siguro dahil na rin sa contact lens. I smile at the mirror and look intensely on it.. this is the real me without an eyeglasses. Ang ganda pala talaga ng mga mata ko.
"Anong oras na, ma la-late ka na-" Naputol ang sasabihin ni Tita ng makita ang repliksiyon ko sa salamin na nakaharap sa kanya.
"Saglit na lang po Tita.." I put some powder on my cheek. Hindi naman ako maputla. Maputi lang talaga ang kulay ng balat. Ang kulay ng suot na damit ay nadedepina ang kulay kremang balat...
"Wow.." Si Tita. Kunwari pang napatulala. Hawak pa ang dibdib. "Ikaw ba yan anak?" Maluha-luha pa siya.
Sinimangutan ko na lang.
"Nagmukhang bago iyang luma kong damit a?" Sabay pahid sa gilid ng kung ano sa mga mata.
"Ayos ka lang po?" Napakurap ako dahil si Tita halos hindi na gumagalaw sa puwesto.
"Tita.." Nagsisimula na naman akong mainis sa iniaasal niya.
"Siguraduhin lang ng lalaking iyon na hindi ka papaiyakin. Naku, dudurugin ko talaga ang.. ang.." Hindi niya matumbok ang gustong sabibin.
"Ang ano Tita?" Kunyari walang alam sa ganitong paksa pero hindi na naman ito bago sa akin. Mulat na ako sa makabagong mundo kahit salat pa sa karanasan.
"Sige na alis na. At mag-iingat ka ha? Lalo na ngayon. Sobrang ganda mo anak." Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi..
"Kung nabubuhay lang sana sila." Namuo ulit ang luha sa kanyang mga mata.
Inawat ko ang sariling maluha. I miss them too.. Sa pagpipigil at pagbabara ng lalamunan nakagat ko na lang ang ibabang labi.
Fifteen to nine.. mas binilisan pa ang hakbang dahil konting distansiya na lang at mararating ko na ang tamang silid. My first class is my major subject katulad ng ibang asignatura hindi rin sang-ayon kung mahuhuli sa klase lalo pa at major subject pa.
Ilang hakbang na lang bago marating ang naturang room ng mamataan sa gilid ang nagkukumpulang estudyante. Nangunguna si Hilton. Nakangisi. On his left is, Alex. Habang sa kanan naman ay si Luke. Sa gilid ni Luke ay si Isaac. Parang gusto ko ng umatras ng pasadahan niya ako ng tingin. Natigil ako sa paghakbang, napahigpit din ang yakap sa libro. I'm too nervous knowing that his watching me from a distance. Bigla ring na conscious sa sarili. Bagay kaya sa akin ang suot? Bagay din ba ang pagkakatali ng buhok? Bagay din kaya ang suot na sapatos?
May pumito. Napapikit na ako dahil alam kong hindi lang si Isaac ang nakapansin sa bagong ayos kundi, pati na rin ang nagtatakang mga kaibigan niya.
The bell rang, habang tumutunog ito sumasabay naman sa pagkalampag ang puso! Nag-ugat na yata ang mga paa at takot ng ihakbang ang mga 'to. Ma la-late na ako! Nakita ko sa peripheral vision ang ginawang hakbang ni Isaac. Ma la-late na talaga ako nito! And like a wind, mabilis siyang nakarating sa kinatatayuan ko.. Madilim ang mukha at umiigting ang panga!
Galit ba siya? Bakit naman?
"I don't like what you're wearing. It's too short.. go home and change. It's annoying.." Halos maluha ako sa mga pang-iinsulto.
Hindi naman para sa kanya ang pagbabago kong ito. Para ito sa kahilingan ni Tita, at bukod doon, gusto ko lang naman na maging kaaya-aya na sa paningin ng iba.. but his words are like daggers.. mahapdi bawat salita.. Kumurap ako para mabura ang mga luha.. pero..
"Please go home now.."
Umiling ako.. tatakbo na sana pero pinigilan naman niya. Nakatingin ako ngayon sa kamay niyang hawak ang aking palapulsuhan.
"They're gawking at you.. I don't like it.. so please go home and change. Ako lang ang dapat na tumitingin sayo.. ako lang. You understand..?" I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
a lot of moral in this
25/04/2025
0I needed to get out of course and don't forget the best you too I hope it goes well with your breakfast and lunch babyyy ha no po ha ha wag na Miata na Miata na na end up in the future I'm going to try to go to the athroom AND YOU SO MUCHH NAA PUG PUPPIES FOR I MISS YOUUUU NAPOOOOO I WANT I WANT I WANT YOUR YOU DON'T LEAVE I WANT I WILL TRY KOhaab bebe mo Yung Bleu be mad na gagawin ko very happy birthday 5th by a lot baby ko btw papasok bf the best in 8 to the bathroom AND KUMAIN you so much fo
26/03/2025
0a obra é boa
17/03/2025
0Tingnan Lahat