Chapter 18

He wiped my tears before answering my question, “Sort of. Sa susunod na buwan ay magiging ganap na siyang devata. Isang uri ng diwata na parang apprentice. Normal muna siyang tao and then later on ay magiging immortal kapag naipagkaloob na sa kanya ang kapangyarihang para sa kanya.”
Nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya. Is this some freaking kind of joke? Papaanong nangyari iyon? Mirasol is a normal girl na kapatid ni Martin. “How? Younger sister siya ni Martin.”
“She’s adopted when she was seven. Pinadala siya rito sa mundo natin para mamuhay bilang isang normal na tao. This is her training ground.”
“Kaya mo siya pakakasalan dahil hindi siya mamamatay?”
Tumango si Miguel, “I can’t let you die, Jane. Mahal kita at ayokong madamay ka sa cursed legacy ko.”
“Paano mo nalaman na hindi tao si Mira?”
“Because of Ken.”
“What?” Nanlalaki ang mga mata ko na tanong sa kanya. Anong kinalaman ni Ken dito?
“Gaya nga ng sabi niya. He’s a special one. Unang kita pa lang niya kay Mira, he already knows something is off with her. And later, he confirmed it. He just helped me with my problem - our problem. Bayani si Ken for me.”
Hindi pa rin ako makapaniwala.
“How special he is?” tanong ko pa.
Ikinibit ni Migz ang mga balikat niya. “I think wala ako sa lugar para ikwento sa’yo yon. Siya na bahala mag-explain sa’yo.” Aniya nang nakangiti.
“Grabe, parang ang close-close niyo na ni Ken.”
“Yeah.”
I think nasasanay na rin ako na maraming bagay o tao sa mundo ang hindi normal. Hindi natin alam na yung mga nakakasalubong pala natin or minsan pa nga ay yung mismong mga taong malalapit sa atin ay may mga deepest secrets pala. That they are extra special other than an ordinary human being.
But I am still denying to myself na totoo ang sumpa sa pamilya nila Miguel.
“Pero hindi pa rin naman natin kailangang maniwala doon eh. Wala naman tayong sapat na basehan para paniwalaan ang nakasaad sa testament ng lola mo.” Depensa ko. Sa pagsagot kong ito ay tila nag-rewind sa aking isipan ang mga naging pagtatalo namin noon tungkol sa mana niya.
Huminga nang malalim si Miguel.
“Hindi ko kayang isugal ang buhay mo, Jane.” unti-unting inilapit ni Miguel ang mukha niya sa mukha ko. He held my left face, “Because I love you so much that I don’t want you to die because of me. Hindi ko kakayanin. It’s better for me to die than you.”
Umukit sa puso ko ang sinabi niyang iyon. Napaluha na naman tuloy ako.
I still love this man.
Iyon ang bagay na hindi ko na idedeny sa sarili ko.
“But Migz, the moment you let me go and when we parted ways ay parang namatay na rin ako,” muling tumulo ang masasaganang luha mula sa aking mga mata.
“I’m sorry.” Anas niya.
The next thing I knew, ay sakop na naman ni Miguel ang mga labi ko kissing me so passionately at malugod ko na naman itong sinusuklian. The feeling never changed. I still love him. Since I was fifteen up to now that I am already 24, it is Miguel whom I truly love the most.
“I’m sorry for all the pain I’ve caused you.” Aniya. “I’m really sorry. I really do.” Niyakap niya ako nang mahigpit.
‘Sorry is not enough to ease all that pain, Migz. If only you knew, handa akong isugal ang buhay ko maging asawa mo lang…but you chose to let me go.’
These were the things I kept inside.
I didn’t say this out loud instead, I pushed him away and wiped my tears, “Tara na, hanapin na natin ang daan pabalik ng resort.” Muli ko ng isinuot ang mga damit ko na medyo basa pa at isinauli na sa kanya ang polo shirt niya.
Yes, I do love him so much. Aminado na ako sa bagay na ‘yan. But this won’t change anything that is happening to us right now.
The Odds are still against us.

HINDI kami binigo ng Baglian dahil nahanap na nga namin ang puno na may portal pabalik sa resort.
We entered the tree and the next thing I knew nakabalik na kami sa kabilang parte ng mundo - kung nasaan ang mga normal na tao at kung nasaan ang resort ko.
“Jane!” agad akong niyakap ni Liza pagkalapit niya sa akin. Sumunod na ring nagsilapitan sa amin ang iba pa naming mga kaibigan at niyakap rin kami ni Miguel.
I am crying like a baby pagkakita ko sa aking mga kaibigan. I am just so glad that all of them are fine.
“Thanks God, agad niyong nahanap ang daan,” Vangie said that while tightly hugging me.
“Thanks din at safe kayo,” kinuha ko si Baby Michael para buhatin and I even kissed him on the cheeks.
“May nangyari ba sa inyo dito, Mary habang wala kami?” tanong ko kay Mary.
“Wala namang masamang nangyari sa amin. Nag-aalala nga kami sa inyo dahil hindi na kayo kaagad nakabalik pagkagaling niyo sa bundok.” Imporma nito sa amin and I was so glad to hear that they were okay.
“Tara na. Let’s all get out of here,” aya ni Rich sa aming lahat.
We then all headed straight to my orange speed boat. Isa-isa na silang sumasakay roon at habang ginagawa nila iyon ay masuyo kong pinagmamasdan ang buong isla na sobrang napalapit na sa aking puso. Mahal ko ang buong islang ito pati na ang resort.
Even though, this is really so mystical ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko para dito.
Sa likod man nito ay may nagkukubli na ibang mundo, by the time that my heart and the whole me were broken, this place has been my safest haven, sweetest escape, my own sanctuary and silent healer all in one.
I then came up with a very hard decision.
“Jane, let’s go,” untag sa akin ni Liza.
Sa isang kumpas ko ng aking kamay ay biglang lumitaw si Ibyang at Kaloy na nasa mga tunay nilang anyo. Makukulay ang kanilang mga pakpak habang suot ang mga kakatuwang damit at nababalutan sila ng kumikinang na liwanag.
“Gabayan niyo sila sa pagbabalik sa downtown. Make sure that they will reach the main island safely,” utos ko sa dalawa.
Yumuko muna si Ibyang bago sumagot, “Masusunod, Kamahalan.”
“Anong ibig sabihin nito?!” may galit sa tonong turan ni Miguel sa akin. Mataas rin ang boses at bakas dito ang pagpapanic niya.
“Sorry for the ruined trip, guys. Please be safe on your way home,” mapait ko silang nginitian at kinawayan pa sila.
“Jane Dela Merced, what are you talking about? Nahihibang ka na ba?! Ang sabi ko, let’s go! Kasama ka dun!” nakasigaw na rin si Liza.
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Liza.
“Bru, ano ba?!” Wika ng best friend ko. Kita sa mga mata niya ang pagkislap ng mga luha.
“I will be fine. Trust me.” I assure them. I smiled at all of them. “Mahal ko kayong lahat.”
“Jane…” napatingin ako kay Ken at bakas ko sa mata niya ang pagtatanong kung ‘bakit’.
I talked to him mentally, “Let me do this, Ken.” At marahan siyang tumango kahit nanlulumo. Since he is special, he can hear my thoughts.
Lumipad sina Ibyang at Kaloy palapit sa speedboat. Kasabay nang paglapit nila sa sasakyan ay ang unti unti ring pag-usad nito.
I can see the panic and questions on the eyes of all of them. I’m so sorry guys but I have to do this.
Nanatili akong nakatayo sa may tabing dagat habang nanonood sa papalayong speedboat lulan ang aking mga kaibigan. Miguel tried to jump off the boat but I stopped her. Itinaas ko ang aking kamay at nag ‘stop’ sign and he freeze. At dahil doon ay hindi naituloy ni Miguel ang kanyang balak na pagtalon.
Sorry Migz, but this is my own battle that I have to fight alone.

Komento sa Aklat (78)

  • avatar
    Miles Marcellones

    I can really tell that it is a very good novel to read!!!! 🎀

    14/07

      0
  • avatar
    Jonas C.Armarille

    thank you

    27/03/2025

      0
  • avatar
    Holly Hernandez

    good

    26/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata