Payback Time

MAX'S POV
Today is the day! It's Elias's special day. According to his mom, ngayon din pala ang turn over ng company nila kay Elias. Double celebration pala ito. Sayang naman at masisira lang. Oh well, sinimulan niya ang gulo eh edi ako ang tatapos.
Naligo na ako at nagbihis. Kailangan maganda din ako para sa okasyon na ito. Syempre hindi tayo papakabog. As for the plan, all set na siya. We'll see kung ano ang mangyayari mamaya. Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako at nag-abang ng taxi sa labas ng condo. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Mommy ni Elias ang tumatawag kaya sinagot ko agad ito.
"Hello," Masiglang bungad ko.
"Hello dear. Let me inform you that we are on our way to the venue," Bakas sa tono ng mommy ni Elias na excited ito.
"Oh, I'm on my way too," Nakangiting sabi ko.
Binaba na niya ang tawag. Ako naman ay sumakay na ng taxi. Pagdating ko ng venue, naloka ako sa dami ng tao. I guess they are the staffs. Nahagip naman ng mga mata ko ang mommy ni Elias kaya nilapitan ko siya.
"Hello ma'am," Nakangiting bati ko.
"Just call me tita dear," Nakangiting tugon niya. Nagbeso naman kami.
Ipinakilala naman ako ni tita sa mga CEO na nandoon. Kaibigan pala sila ng daddy ni Elias. The more, the merrier. Nakita ko naman sina Wexford at Lucas. Kinawayan ko lang sila nung makita nila ako at kumaway din sila pabalik.
Ilang minuto ang nakalipas, dumating na si Elias na kasama si Juancho. Marami ang sumalubong sa kanila at bumati kay Elias. Ako naman nagpaalam kay tita na pupunta muna ako ng banyo pero ang totoo kailangan kong asikasuhin ang plano. Pumunta ako sa silid kung nasaan ang main controller ng sound system.
"Good afternoon Mr. Trinidad," Bati sa akin nung in-charge sa sound system.
"Good afternoon. You know what to do, right?" Seryosong tanong ko.
"Yes sir. I will just wait for your signal," Sagot naman niya.
Napangisi naman ako. Finally, the end of Elias Jayme Tivurcio. Lumabas na ako at bumalik na. Nagsisimula na pala yung program. Nakita ko si tita na nasa stage nagbibigay ng message kay Elias. Nagkatinginan kami ni tita.
"Oh here he is! Ladies and gentlemen, I would like to take this opportunity to thank the person who organized this party. Let me call on stage, Max Alexandrae Trinidad!" Masiglang sabi ni tita.
Halatang nagulat si Elias. Ako naman nakangiting at taas-noong umakyat sa stage. Nagpalakpakan naman ang mga tao na nandoon. Nakita ko din ang gulat sa mukha ni Juancho.
"Thank you tita for appreciating my effort to give Elias the best birthday party," Nakangiting panimula ko. "But of course, I don't want to make this long. I want to give my surprise gift for Elias."
I raised my right hand and snapped my fingers at biglang dumilim ang paligid. Maya maya ay nagflash na sa malaking screen sa likod ko ang video nina Jameson at Elias.
"Oh my gosh. Is that Elias?"
"He's a gay?"
"What a shame."
Yan ang naririnig kong bulungan sa venue. Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Elias at ni tita. Bigla namang umakyat ng stage ang daddy ni Elias at sinuntok si Elias sa mukha.
"What is the meaning of this?!" Galit na tanong ng daddy ni Elias
"Dad," Umiiyak na sambit ni Elias.
"You're such a big disappointment!" Nanggigigil na sabi ng daddy niya.
"I'm sorry dad," Sabi ni Elias at niyakap ang daddy niya ngunit tinulak siya nito.
"Don't you ever touch me! And don't call me dad anymore. I am disowning you!" Sigaw ng daddy ni Elias.
Akmang susuntukin ulit si Elias ngunit inawat ito ni tita. "That's enough honey. Please stop," Humahagulgol na sabi ni tita.
Inis na umalis ang daddy ni Elias kasunod si tita. Si Elias naman ay umiiyak pa din. Ang mga tao sa paligid namin ay nagbubulungan. Nakita ko na gulat pa din si Juancho. Pumalakpak ako dahilan para magtinginan sa akin ang lahat ng nandoon.
"Bravo!" Nakangising sabi ko habang pumapalakpak. "Happy birthday bessy!"
Akmang susugurin ako ni Elias ngunit pinigilan siya ni Wexford. Binelatan ko naman siya at ngumisi.
"Humanda ka! May araw ka din!" Sigaw sa akin ni Elias.
"Huh! As if kaya mong maghiganti sa lagay na yan. Mahirap ka na ngayon. Sino pa ang tutulong sa'yo? Si Juancho na alam kong anytime pwede ding itakwil ng pamilya niya? Come on gurl. Just accept the fact that I defeated you. Tsaka karma mo na din yan," Nakangising sabi ko.
Susugurin sana ako ulit ni Elias ngunit pinigilan siya ng ibang taong nandoon. Ako naman nag-flying kiss sa kanya bago umalis. Nang makalabas ako ng venue, nakahinga na ako ng maluwag. Woah! That was fun. Sumakay na ako ng taxi pabalik ng condo ko.
FAST FORWARD...
My last day here in Los Angeles. Uuwi na ako ng Pinas bukas. Nandito kami ngayon ni Luke sa mall para bumili ng mga pasalubong para kena mommy at sa barkada.
"Nakita ko yung nangyari nung birthday ng Elias na yun," Seryosong sabi ni Luke.
"Paano mo nakita? Nandun ka din ba?" Takang tanong ko.
"Wala ako dun. Pero may nagpost ng video sa facebook," Sagot naman niya.
"Oh pagagalitan mo ba ako?" Tanong ko naman.
"Hindi. Ano pa ba ang magagawa ko eh nangyari na," Sagot niya at ngumiti.
"Akala ko pagagalitan mo ako eh," Pabirong sabi ko.
"Gusto ko sana kaso tapos na. Nangyari na yun," Sabi niya.
Tumango naman ako. Pagkatapos naming bumili ay bumalik na kami ng condo. Tinulungan ako ni Luke na mag empake.
"Pano na tong unit mo? Ano ang balak mo?" Tanong ni Luke.
"Well, hindi ko siya ibebenta. Siguro pauupahan ko nalang para may income ako," Sagot ko naman.
"Pwede ba yun?" Tanong niya ulit.
"Pwede naman siguro yun," Sagot ko nalang.
Pagkatapos naming mag-empake, kumain na kami ng dinner. As usual si Luke ang nagluto ng ulam. Masarap kasi siyang magluto eh.
"Anyway, darating mamayang madaling araw ang private plane mo," Sabi ni Luke.
"Private plane?" Pag-uulit ko. Parang nabingi ako eh.
"Oo private plane," Tumatangong sabi ni Luke.
"Teka, sino nag-book?" Takang tanong ko.
"Si tita Sandra. Mas maigi na daw yun para hindi ka na makipagsiksikan sa airport," Sagot naman niya.
Napatango naman ako. Iba din pala talaga si mommy. Nagbook talaga ng private plane para sa akin hindi man lang ako nainform. Charot. Pagkapos naming kumain, si Luke na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Ako naman kailangan nang matulog kasi maaga pa ako bukas.
KINABUKASAN...
Nandito na kami ni Luke sa airport. Ang sakit pa ng ulo ko. Kulang sa tulog eh. Nilalagay na sa private plane ang mga gamit ko.
"Mag-iingat ka dito ah," Maluha-luhang sabi ko kay Luke.
"Sira. Oo naman. Wag ka ngang madrama. Baka maiyak din ako eh," Natatawang sabi niya.
Kahit kelan talaga ang hilig manira ng moment. "Panira ka talaga noh," Sabi ko at natawa na din.
Nang tinawag na ako, niyakap ko na si Luke at nagpaalam na. Mamiss ko ang Los Angeles. Well, hello Philippines, the queen is coming back. Tumingin ako sa bintana habang umaandar ang private plane na sinasakyan ko. Ilang sandali ay nakalipad na kami. Nagbasa na muna ako ng pocket books na nabili ko kahapon sa mall.
Maya maya ay may biglang sumabog ng malakas mula sa labas. Natatarantang tumingin ako sa bintana at nakita kong nasusunog ang isang pakpak ng eroplano! Napatayo ako ng dahil sa takot.
"Excuse me sir, but you have to remain seated and buckle your seatbelt," Sabi nung stewardess.
Wala sa sariling umupo ako. Bumagal ang lipad ng eroplano at may sumabog ulit. Ang isa pang pakpak naman ang sumabog!
"We're gonna crash!!" Naiiyak na sigaw ko. "Mommy!!!!"
Naramdaman kong bumibilis ang pagkahulog ng eroplano. Nagsisigawan na ang mga kasama kong stewardess at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. And then a few more minutes later, I felt a hard impact behind me and everything went black.
-END OF SEASON ONE-

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    PisayRyan

    yess this game is really beautiful

    12/04/2025

      0
  • avatar
    Puenlabrada Justine

    napaka ganda

    11/12/2024

      0
  • avatar
    BasitPrincessellaine

    two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo