Getting Evidence

MAX'S POV
Today is the big day. Hayy. The downfall of Elias Jayme Tivurcio. Hindi na ako takot sa kanya. Wala akong pakialam kung anak siya ng may ari ng world bank. I'll do my revenge my own way. Lowkey but very effective.
"Alex, uuwi na ako ngayon ah. Hinahanap na ako ni mommy eh," Rinig kong sabi ni Luke mula sa labas ng kwarto ko.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Luke na kumakain ng almusal sa dining area. Umupo ako sa tapat niya.
"Sorry Luke ah. Hindi ka na tuloy nakabalik ng New York. Nakakahiya na tuloy kay tita Chloe," Nahihiyang sabi ko.
"Okay lang. Alam naman niyang safe ako dito eh. Baka namimiss na niya ako kasi hindi ako nakauwi nung isang araw," Nakangiting sabi niya.
"Mama's boy ka talaga forever," Pabirong sabi ko.
"Hindi ah," Sabi niya at natawa kaming dalawa.
Kumuha na ako ng tasa at nagtimpla ng gatas. "Balik ka dito bago ako umalis ah," Sabi ko sabay inom ng gatas.
"Oo naman. Tutulungan kita sa pag empake at ihahatid pa kita sa airport," Sabi niya at tumayo na para ilagay sa lababo ang pinagkainan niya.
Ako naman inubos na ang gatas at pumasok ulit ng kwarto. Tinawagan ko naman si Jameson.
"Hello Max," Bungad niya.
"Oh kamusta? All set na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Yes. Okay na dito. Hintayin ko nalang siya," Sagot naman niya.
"Good. Update me ah," Nakangising sabi ko.
"Sure okay," Tugon niya.
Binaba ko na ang tawag. Pumasok na ako ng banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at nag-ayos na. Ihahatid ko kasi si Luke sa airport. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan si Luke na inaayos ang backpack niya sa sala.
"Ready ka na?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya at umalis na kami. Pagkadating namin ng aiport, nagyakapan muna kami.
"Ituloy mo na 'tong uwi mo ah. Baka sundan mo pa ako ulit eh," Pabirong sabi ko.
Natawa naman siya. "Oo na. Basta mag-iingat ka dito ah," Sabi niya. Tumango naman ako.
Nagpaalam na siya at pumasok na. Hinintay ko siyang makapasok talaga sa loob. Baka lumabas na naman eh. Nang makita kong nakapasok na talaga siya, dali dali akong nagpara ng taxi. Bumalik ako sa condo ko. Pagkadating ko sa unit ko, kinuha ko ang laptop ko at binuksan iyon sa sala. It's time to watch my game.
JAMESON'S POV
FLASHBACK...
"Jameson may favor sana ako," Sabi ni Max at tumigil sa paglakad.
Tumigil din ako sa paglakad. "Ano yun?" Takang tanong ko.
"Teka upo muna tayo," Sabi niya at hinila ako sa isang bench na malapit sa kinatatayuan namin.
"Ano na yung favor mo?" Tanong ko ulit.
"Tulungan mo akong maisiwalat ang totoong pagkatao ni Elias," Sagot naman niya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo pa pala alam noh. Bakla si Elias," Bulong niya sa'kin.
"Ano?!" Gulat na sigaw ko. Napatingin naman sa akin ang mga tao kaya humingi agad ako ng paumanhin at umupo ulit.
"Totoo ang sinasabi ko. Kung gusto mo patunayan ko pa sa'yo eh," Nakangising sabi niya at inilabas ang phone niya.
May ipinarinig siyang voice record. Parang kilala ko yung mga boses na yun ah. Si Elias nga. At saka si Juancho? Bakla din si Juancho?
"Teka pati si Juancho?" Gulat na tanong ko.
"Oh yes. Bakla ang pinsan mo," Sagot naman niya at itinago na ang phone niya.
"Ano naman ang ipapagawa mo sa'kin?" Takang tanong ko.
Lumawak ang ngisi niya. "Gusto kong akitin mo si Elias. Landiin mo. Yun talagang bibigay siya ng bongga," Bulong niya sa'kin. Bigla naman akong nandiri sa sinabi niya.
"Parang hindi ko naman ata kaya yan," Nandidiring sabi ko.
"Relax. Kaya mo yan. No worries ako ang bahala sa lahat. Gawin mo lang ang pinapagawa ko," Sabi niya at inakbayan ako. Huminga muna ako ng malalim at saka mahinang tumango.
END OF FLASHBACK...
Nandito ako ngayon sa isang KTV cubicle na inarkila ni Max. Ang sabi ni Max sa akin, para daw effective ang plano, dapat malasing si Elias at saka ko aakit-akitin. Tinext ko na si Elias na pumunta dito. Sabi ko lang sa kanya na may kailangan kaming i-celebrate para pumunta talaga siya.
Habang naghihintay kay Elias, kinabit ko na yung mga hidden cameras na konektado sa laptop ni Max. Inayos ko ang pagkakatago para hindi niya mahalata. Maya maya ay may kumatok na sa pinto. Binuksan ko ito at nakita si Elias.
"Oh pre. Tara pasok ka," Nakangiting sabi ko.
Pumasok naman siya sa loob. Nilibot naman niya ang mga mata niya sa buong cubicle.
"Tayong dalawa lang?" Takang tanong niya. Talagang pinipilit niya ang pagiging barako ang boses.
"Ahh oo. Ikaw lang naman kasi ang close friend ko dito sa Los Angeles maliban kay Juancho na nasa trabaho ngayon," Sagot ko naman.
Tumango naman siya at umupo na kami. Nagsimula na kaming mag-inuman. Ilang oras ang nakalilipas ay nakikita kong medyo tumatama na ang alak sa kanya. Sinimulan ko na ang pinagagawa sa akin ni Max. Nilagay ko naman ang isang kamay ko sa hita niya at hinimas yun. Tinabig niya bigla ang kamay ko.
"Oh pre. Walang ganyanan," Lasing na sabi niya.
Kahit nandidiri ay pinagpatuloy ko pa din "Sige na pagbigyan mo na ako," Mahinang sabi ko.
Narinig ko ang mahinang ungol niya. Mukhang umeepekto na. Pinagpatuloy ko lang ang paghihimas ng hita niya. Nilapit niya naman ang mukha niya sa akin. Hahalikan na niya sana ako ngunit hindi natuloy kasi nakatulog na siya. Wooh! Muntik na yun ah. Pinahiga ko muna siya at dali daling in-off ang mga hidden camera.
MAX'S POV
Bravo! Ang galing naman. Titiklop pala 'tong baklang 'to eh kunwaring ayaw pa eh.
Nang pinatay ni Jameson ang mga hidden cameras, in-off ko na din ang phone ko na vinivideo ang mga kaganapan. May ebidensya na ako laban kay Elias. Now I'll just have to wait for the perfect time to expose this. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Tumatawag si Jameson. Sinagot ko naman ito.
"Well done Jameson," Nakangising bungad ko.
"Hehe. Salamat. Ano nga pala gagawin ko dito kay Elias?" Tanong niya.
"Edi syempre ihatid mo. Pero wag mong ipagsasabi ang tungkol sa plano ah. Dapat ang alam lang nila ay nagkasiyahan lang kayo ni Elias. No worries, babayaran kita para sa effort mo," Sagot ko naman.
"Oh sige. Salamat Max," Tanging sabi niya.
"Salamat din," Tugon ko at pinatay na ang tawag.
Well, mission accomplished. Ngayon new mission na naman ako. Ang i-expose ang baho ni Elias sa pamilya niya. Tumunog ulit ang phone ko. Unregistered number? Kahit nagtataka ay sinagot ko ito.
"Hello?" Takang bungad ko.
"Hello, is this Max Alexandrae Trinidad?" Sabi ng isang babae sa kabilang linya.
"Yes speaking," Tugon ko naman.
"Oh good. This is Elias's mom. I would like to invite you to his birthday on Saturday," Sabi naman ng babae.
Kung sinuswerte ka nga naman. Mukhang umaayon lahat sa akin. "Sure. I will be there. But can I ask something?" Nakangising sabi ko.
"Oh sure dear," Sabi ng mommy ni Elias.
"Can I organize the event? You see we are really good friends and I want the best for him," Nakangiting sabi ko.
"Really? Sure dear. Just email me the details as to where the party will be held," Masayang sabi niya.
"Okay. I'll update you," Nakangiting sabi ko.
Nagpaalam na siya at ibinaba na ang tawag. Wow so nice. Talaga namang mas mapapadali ang pagbagsak ni Elias. His birthday will be the most unforgettable day.

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    PisayRyan

    yess this game is really beautiful

    12/04/2025

      0
  • avatar
    Puenlabrada Justine

    napaka ganda

    11/12/2024

      0
  • avatar
    BasitPrincessellaine

    two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata