Homepage/LOVE WINS: SEASON ONE/
The Favor
LUKE'S POV
Tahimik kong pinagmamasdan si Alex habang kumakain ng french fries na dala ko.
"Salamat dito sa fries ah," Nakangiting sabi niya.
"Tapusin mo na yan at magkwento ka na kung anong nangyari kanina," Sabi ko at ibinaling ang atensyon ko sa TV.
Narinig ko namang dumighay siya ng malakas. Kita mo 'to. Malaki nga pinagdadaanan. Walang pakealam sa ginagawa niya eh. Normally kasi tahimik naman siyang dumidighay dahil ayaw daw niyang masira ang poise niya.
"Sarap talaga," Nakapikit na sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya.
"Oh sige. Kwento ka na. Kanina pa ako naghihintay dito," Bored na sabi ko.
"Masyadong masakit pag ikwento ko eh," Nakangusong sabi niya.
"Aba may saltik din pala utak mo noh. Eh kung iwan kaya kito dito ngayon," Nagtitimping sabi ko.
MAX'S POV
Grabe nakakatakot naman 'tong si Luke ngayon. Hindi ako sanay. Susmiyo. Pero ayun na nga kinuwento ko na sa kanya ang nangyari kahit masakit alalahanin.
"Ano?! Ginawa niya sa'yo yun?!" Malakas na sabi ni Luke pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari. "Aba mga gagong yun ah. Pinapunta ka talaga sa bahay nila para ganunin ka?!"
"Hayst. Wag ka ngang sumigaw. Masakit sa tenga eh. Kalma ka lang," Mahinang sabi ko.
"Paano ako kakalma kung ganun ang nangyari sa'yo? Gago talaga ang Elias at Chester na yun!" Galit na sabi niya.
"Wexford nga daw hindi Chester," Malumanay na sabi ko.
"Wexford, Chester wala akong pakialam. Ang issue dito, ginamit ka nila," Medyo kumakalmang sabi ni Luke.
"Sa tingin ko naman walang kasalanan si Chester or Wexford eh. Ang tingin ko kagagawan talaga 'to ni Elias," Sabi ko.
"At ipagtatanggol mo pa talaga ang lalakeng yun pagkatapos ng nangyari sa'yo," Inis na sabi niya.
"Basta. Ang weird niya kanina eh," Sabi ko naman.
Hindi na nagsalita si Luke pero halata sa kanyang bad trip talaga siya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya kaya napatingin siya sa'kin. "Wag kang mag-alala. Makakabawi din ako sa Elias na yun," Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Umiwas naman siya ng tingin. "Ayan ka na naman," Sabi niya at sabay tanggal ng pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Mag-iingat naman ako eh," Nakangusong sabi ko.
"Huwag mo nga akong daanin sa mga ganyan mo," Nagtitimping sabi niya.
"Sige na. Pagkatiwalaan mo naman ako kahit ngayon lang," Malambing na sabi ko sabay back hug sa kanya.
"Umalis ka nga diyan," Iritadong sabi niya habang sinusubukang kumalas sa yakap ko pero lalo ko pa itong hinigpitan.
"Bahala ka di kita pakakawalan pag hindi mo ako payagan at pagkatiwalaan," Sabi ko at sinubsob ang mukha ko sa likod niya.
Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. "Oo na," Pagsuko niya nalang.
Napangiti naman ako at humiwalay na sa yakap. "Thanks Luke," Nakangiting sabi ko.
"Basta mag-iingat ka ah," Paninigurado niya.
"Oo naman," Masiglang sabi ko.
Get ready Elias. You just messed up with a queen.
ELIAS'S POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Juancho. Ikinuwento ko sa kanya ang ginawa ko kay Max.
"OMG bessy ginawa mo talaga yun? Sayang wala ako dun," Natatawang sabi ni Juancho.
"Hayaan mo na sis kinaya ko naman eh. Kayang kaya ko naman ang baklang yun eh," Nakangising sabi ko.
"Kahit na. Vinideo ko sana," Sabi niya at natawa naman kaming dalawa.
Hayy naku. Ang dali lang pala niyang talunin eh. Oh well, loser sweepers.
MAX'S POV
Nandito ako ngayon sa isang mall na malapit lang sa condo ko. Gusto kong gumala muna eh. Si Luke naiwan kasi siya ang magluluto ng ulam namin mamaya. Habang naglalakad ako, nakita ko si Jameson na nakatalikod. Nilapitan ko ito.
"Jameson," Tawag ko sa kanya.
Lumingon naman ito. "Oy Max. Anong ginagawa mo dito?" Gulat na sabi niya.
"Boring sa condo eh kaya gumala na muna ako," Sagot ko naman.
Napatango naman siya. "Gusto mo samahan kita?" Nakangiting tanong niya.
"Sige ba," Excited na sagot ko.
At ayun na nga sinamahan niya ako. Habang naglalakad kami, may bigla akong naisip na ideya.
"Jameson may favor sana ako," Sabi ko at tumigil sa paglakad.
Tumigil din naman siya. "Ano yun?" Takang tanong niya.
"Teka upo muna tayo," Sabi ko at hinila siya sa isang bench na malapit sa kinatatayuan namin.
"Ano na yung favor mo?" Tanong niya ulit.
"Tulungan mo akong maisiwalat ang totoong pagkatao ni Elias," Sagot ko naman.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya.
"Hindi mo pa pala alam noh. Bakla si Elias," Bulong ko sa kanya.
"Ano?!" Gulat na sigaw niya. Napatingin naman sa kanya ang mga tao kaya humingi siya ng paumanhin at umupo ulit sa tabi ko.
"Totoo ang sinasabi ko. Kung gusto mo patunayan ko pa sa'yo eh," Nakangising sabi ko at inilabas ang phone ko.
Ipinarinig ko sa kanya yung nirecord kong pag-uusap nina Juancho at Elias nung sa resto. Halata sa kanya na gulat na gulat siya at naguguluhan.
"Teka pati si Juancho?" Gulat na tanong niya.
"Oh yes. Bakla ang pinsan mo," Sagot ko naman at itinago ko na ang phone ko.
"Ano naman ang ipapagawa mo sa'kin?" Takang tanong ni Jameson.
Lumawak ang ngisi ko at ibinulong ko sa kanya ang gagawin niya. Halatang diring-diri siya sa sinabi ko.
"Parang hindi ko naman ata kaya yan," Nandidiring sabi niya.
"Relax. Kaya mo yan. No worries ako ang bahala sa lahat. Gawin mo lang ang pinapagawa ko," Sabi ko sa kanya at inakbayan siya.
Huminga muna siya ng malalim at saka mahinang tumango. Ayan, I am all set for my revenge. Humanda ka Elias sa pagbagsak mo ngayon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
yess this game is really beautiful
12/04/2025
0napaka ganda
11/12/2024
0two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg
09/10/2024
0Tingnan Lahat