Luke's Promise

MAX'S POV
"HAPPY BIRHTDAY ALEX!"
Laking gulat ko nang makita ang buong barkada at family ko sa loob ng unit ko. OMG! I cannot believe that this is happening. Nilapitan ko agad sila at isa-isa silang niyakap. Nakita ko si Luke na hawak ang cake.
"Happy birthday Drae," Nakangiting bati ni Luke sa'kin. "Make a wish and blow the candle."
"Oy namiss ko yung pagtawag mo sa'kin ng Drae ah," Masayang sabi ko naman at pumikit na ako para mag wish, pagkatapos ay hinipan ko na yung kandila.
"Yehey! Happy Birthday Alex!" Bati ulit nila sa'kin.
Nagsipunta na kami sa dining area para kumain. Masaya kaming nagsalo-salo. Pagkatapos naming kumain, si Luke na ang nagpresintang magligpit at maghugas ng pinagkainan namin habang ako naman kasama ang barkada at sina kuya sa kwarto ko. Umalis na kasi sina mommy at daddy dahil magpapahinga na daw sila. Nakaupo lang kami ng pabilog sa sahig.
"So Max kamusta ka naman dito? Hindi ka na ba ginugulo ng Elias na yun?" Tanong ni Rossleigh.
"Well, sa ngayon hindi na. Matagal ko na din siyang hindi nakikita eh," Sagot ko naman.
"Bakit? Ano ba ang ginagawa sa'yo nun?" Tanong naman ni kuya Tope. Umaandar na naman ang pagiging over protective.
"Wala naman kuya," Pagsisinungaling ko nalang.
"Anong wala? Eh halos maloka ka dati nung malaman mong isa ang pamilya nila sa pinaka malakas na stockholder ng kompanya niyo," Sabat ni Elisa. Ang daldal talaga kahit kelan.
"Ang daldal mo talagang gaga ka," Naiiritang sabi ko.
"Sana sinabi mo sa'kin dati na may nang-aapi sa'yo dito," Seryosong sabi ni kuya Tope.
"Kuya naman ang laki ko na oh. Sanay na din ako sa ganun," Sabi ko kay kuya.
Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto at maya maya ay pumasok na si Luke na may dalang tray.
"Ice cream tayo guys," Sabi niya at nilapag ang tray sa gitna namin.
Kumuha na kami ng ice cream at bumalik na sa kwentuhan.
"Ikaw talaga Luke akala ko ba nakabalik ka na ng New York," Sabi ko kay Luke na kakaupo lang sa tabi ko.
"Syempre hindi naman pwedeng wala ako sa birthday mo. Tsaka sinundo ko silang lahat sa airport kanina pagkatapos kitang ihatid sa company ng Tito Douglas mo," Pagpapaliwanag niya. Napatango naman ako at sumubo ng ice cream.
"Anyway, kailan nga ulit uwi mo sa Pinas?" Tanong sa'kin ni Rossleigh.
"Next month na. May kailangan lang akong ayusin," Sagot ko naman.
Binigyan naman ako ni Luke ng nagdududang tingin. Habang ang iba naman ay napatango nalang.
"Alex, kailangan na naming bumalik sa hotel. Malalim na ang gabi oh," Sabi ni kuya Tope sabay tayo.
"Hala oo nga. Sige Alex alis na kami," Sabi naman ni Jazzmine.
Tumayo na silang lahat at lumabas na ng kwarto ko. Si Luke naman kinuha ang mga pinagkainan namin ng ice cream at lumabas na ng kwarto para hugasin ang mga yun.
"See you Alex. Namiss ka talaga namin," Sabi ni Elisa.
"Namiss ko din kayo noh," Nakangiting sabi ko.
"Osya. Tama na yan. Tara na," Sabat ni kuya Tope.
Nagpaalam na silang lahat pwera kay Luke na nasa kusina pa. Nang makaalis sila, pinuntahan ko si Luke sa kusina.
"Hindi ka man lang nagpaalam sa kanila," Kunwaring nagtatampo kong sabi.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siyang naghuhugas.
"May problema ba?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala," Diretsong sagot niya.
Ang cold naman nito. Ano naman kaya ang nangyari sa kanya? Nilapitan ko naman siya at niyakap siya.
"Ano naman ang ikinagagalit ng best friend ko?" Malambing na tanong ko.
"Huwag mo nga akong hawakan," Sabi niya habang tinatanggal ang braso na nakayakap sa kanya pero lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.
"Bahala ka. Hindi ako aalis pag di mo sinabi," Sabi ko naman.
"Oo na. Alis ka na diyan," Naiiritang sabi niya.
Nakangisi kong inalis ang braso ko na nakayakap sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Go spill it," Nakangiting sabi ko.
Napabuntong hininga siya at nagpunas ng kamay. Kumuha siya ng silya at umupo sa harap ko.
"Ano pa ba yung aayusin mo dito?" Diretsong tanong niya.
"Well, remember Chester? Gusto kong makita siya bago ako makauwi ng Pilipinas," Sagot ko naman.
"Bakit pa? Alam mo namang ayaw na ayaw kang makita ng pinsan niya," Nagtitimping sabi niya.
Napangiwi naman ako. "Eh? Hindi naman si Elias ang gusto kong makita. Sira na ata ulo mo eh," Sabi ko.
"Kahit na," Inis na sabi niya.
Napanguso naman ako. "You sound like Dexter na," Nagtatampong sabi ko.
"Drae, syempre prinoprotektahan ka lang namin," Mahinahong sabi niya.
Did he just called me Drae? Ahhh namiss ko yun. Pero no, nagtatampo pa din ako.
"Hindi na nga ako bata," Pagpupumilit ko.
"Well, no choice ka. Yun ang bilin sa'kin ni Dexter eh," Sabi niya.
LUKE'S POV
FLASHBACK...
"Bro, pag nawala ako, ikaw ang magbantay kay Alex ah," Sabi ni Dexter habang nakatingin sa malayo.
"Hoy wag ka ngang magsalita ng ganyan. Para kang naghahabilin ah," Kinakabahang sabi ko.
Tumingin naman siya sa'kin. "Basta gagawin mo yung sinabi ko," Seryosong sabi niya.
"Oo na. Pero wag kang magsasalita ng ganun. Hindi magandang biro yun," Sabi ko naman.
Napatawa naman siya at napilitan nalang din akong tumawa.
END OF FLASHBACK...
Naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Dexter. Hayss. Gagawin ako ang lahat para protektahan si Drae. Ayokong masaktan na naman siya.

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    PisayRyan

    yess this game is really beautiful

    12/04/2025

      0
  • avatar
    Puenlabrada Justine

    napaka ganda

    11/12/2024

      0
  • avatar
    BasitPrincessellaine

    two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata