Homepage/LOVE WINS: SEASON ONE/
Finding Wexford
MAX'S POV
Nakabalik na kami ni Luke sa condo. Pagkapasok namin sa unit ko, dumiretso si Luke sa kusina para magluto ng dinner namin. Ako naman naghilamos at nagbihis ng pantulog ko. Paglabas ko ng kwarto ay saktong katatapos lang magluto ni Luke.
"Tara kain na," Aya niya.
Umupo naman ako at nagsimulang kumain.
"Pwede ka nang makauwi bukas," Sabi ko kay Luke.
Tumigil naman siya sa pag-kain at tumingin sa'kin. "Sigurado ka?" Tanong niya sa'kin.
"Yes," Tipid na sagot ko.
Nagkibit balikat nalang siya at nagpatuloy sa pag-kain. At as usual, after naming kumain, siya na ang naghugas ng pinagkainan namin. Ako naman dumiretso na sa kwarto. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang messenger ko. Kakausapin ko nalang muna friends ko sa Pinas. Pinindot ko naman ang video call ng group chat namin. Maya maya ay sumali na sila.
"Siiiisss!!!" Maingay na bungad ni Elisa.
"Ang ingay mo talagang gaga ka," Natatawang sabi ko. "Miss ko na kayo."
"Miss ka na din namin," Sabi naman ni Rossleigh.
"Kailan ka ba uuwi dito? Reunion naman tayo," Sabat ni Marlon.
"Well, malapit na. I'm staying there for good na," Nakangiting sagot ko.
"Talaga? Waahh!! Go sis," Sabi ni Elisa.
"Kamusta nga pala diyan?" Tanong naman ni Jazzmine.
"Okay lang naman ako dito. Masaya naman," Sagot ko.
"Weehh. Totoo?" Sabat ni Elisa.
"Totoo nga. Wag ka nga. Sabatera ka talaga ng taon," Natatawang sabi ko.
"Anyway, balita namin may jowa ka daw diyan," Sabi naman ni Melissa.
"Sino ang nagsabi sa inyo?" Nagtatakang tanong ko.
"Sino pa edi si Luke," Sagot ni Elisa.
Shemay. Kahit kelan talaga ang lalaking yun. Sarap ding ipasara ng bibig permanently eh. Lalaking version ni Elisa din eh. Parehong madaldal.
"Ahh. Oo nga. Ipapakilala ko naman siya sa inyo soon. Nagpapagaling pa kasi siya," Pilit na ngiting sabi ko.
"Oh my gosh, bakit? Anong nangyari? Siguro di mo inaalagaan kaya nagkakasakit," Sabi ni Elisa.
"Gaga ka. Ako pa talaga sisisihin mo. Bigla lang daw sumakit ang ulo niya," Paliwanag ko naman.
"Okay chill sis," Natatawang sabi ni Elisa.
Pagkatapos naming mag video call, inilagay ko na sa bedside table ko yung laptop at natulog na ako.
LUCAS'S POV
Kakauwi ko lang galing ng South Coast Plaza. Ang dami ko na ding nabiling foods and toiletries good for two weeks of consumption. Pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili ko, pumunta na ako ng banyo para maligo, pagkatapos ay agad nagbihis ng pantulog ko. Since hindi pa ako inaantok, binuksan ko nalang ang laptop ko at nag log in sa facebook account ko. Hahanapin ko si Wexford. Bakit kaya wala dito? Imposible namang walang facebook yun. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Tumatawag pala si mommy. Sinagot ko naman agad.
"Hello mommy?" Bungad ko.
"Lucas anak, kamusta ang biyahe mo? Ayos lang ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy.
"Mom, chill. Okay lang ang lahat. Sorry po kung hindi ako nakatawag sa inyo kasi sobrang busy ko kanina," Pagpapaliwanag ko.
"Naku mabuti naman," Sabi ni mommy. "Anak pag nahanap mo na siya, uwi ka agad ah."
"Mommy naman hindi ko pa nga nakikita, uwi agad ang nasa isip mo," Iritadong sabi ko.
"Nag-aalala lang ako. Ayoko nang mangyari ulit ang nangyari sa'yo dati," Halata sa boses ni mommy ang pag-aalala.
"Mom, alam ko namang nag-aalala ka. Nag-iingat naman ako eh. Kung gusto mo pag may bakanteng oras ako tatawagan kita para alam mong ayos lang ako," Paninigurado ko.
Narinig ko naman ang buntong hininga niya. "Osya oo na. Alam kong hindi mo pababayaan ang sarili mo. Hindi mo na kailangang tumawag. Mahal ang international calls," Sabi ni mommy.
Ngumiti naman ako. "Opo sige. Bye na po. Matutulog na po ako. I love you mom," Paalam ko.
"Bye nak. I love you too," Tugon ni mommy at binaba na niya ang tawag.
Ayos na kami nina mommy at daddy. Mula nung aksidente, pinayagan na nila akong hanapin si Wexford. Kaya nung pinuntahan ko si Wexford sa bahay nila sa Pilipinas, sabi ng parents niya ay nandito siya sa Amerika naninirahan kasama ang tito at tita nito. Hindi pa kami masyadong okay ng parents ni Wexford. Actually binigyan pa nila ako ng task. Na kapag nahanap ko daw si Wexford dito, papayag na silang magsama kami. Kaya nung umalis ako ng Pilipinas, hindi nila binigay ang address kung saan nakatira si Wexford ngayon. Kaya heto ako ngayon, hirap na hirap na hanapin siya. Pero ayos lang. Hindi ako susuko. Patutunayan ko ang pagmamahal ko kay Wexford.
MAX'S POV
KINABUKASAN...
Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana ko. Bumangon agad ako at pumasok ng banyo para maghilamos. Paglabas ko ng kwarto, naabutan kong kumakain na si Luke.
"Ang aga mo naman atang nagising," Sabi ko at nag stretching.
"Syempre uuwi ako eh. Ang layo na naman ng biyahe ko," Sabi naman ni Luke. "Sa susunod wag mo akong papupuntahin dito kung mabilis lang ako dito ah. Nagpadala ka pa ng fries."
Napatawa naman ako. "Sira ka talaga. Sorry naman. Kinailangan ko lang ng kausap eh. Wag kang mag-alala. Next time, pwede ka nang magtagal dito. Bago ako bumalik ng Pinas," Sabi ko sa kanya.
Nagulat naman siya. "Babalik ka na ng Pilipinas?" Gulat na tanong niya.
"Oo. Kasasabi ko nga lang eh," Sagot ko.
"Sorry naman. Naninugarado lang," Kamot-ulong sabi ni Luke.
Natawa naman ako. Kumuha na ako ng tasa at nagtimpla ng hot chocolate. Sinabayan ko na si Luke sa pag-kain.
Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Si Luke naman naliligo na. Uuwi yun eh. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Si tito Douglas pala ang tumatawag. Sinagot ko naman ito.
"Yes tito Douglas?"
"Can you come over to my office?"
"What for tito?" Nagtatakang tanong ko.
"We need to talk about something," Sagot niya.
"Okay tito. I'll be there in an hour," Sabi ko naman at nagpaalam na.
Tinapos ko na ang paghuhugas at agad na pumunta ng kwarto. Inayos ko na ang isusuot ko. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo. Oops. May banyo ang kwarto ko. Yung ginagamit ni Luke ay yung nasa guest room.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako ng kwarto at sakto namang papaalis na si Luke.
"Luke wait!" Habol ko sa kanya.
"Oh? Saan ang lakad mo?" Takang tanong niya.
"Sa company ni tito Douglas. Ihatid mo naman ako," Sagot ko.
Tumango naman siya at sabay na kaming umalis. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni tito Douglas? Hmmm.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
yess this game is really beautiful
12/04/2025
0napaka ganda
11/12/2024
0two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg
09/10/2024
0Tingnan Lahat