Homepage/LOVE WINS: SEASON ONE/
Lucas Axell Maxence Gabriel
MAX'S POV
Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko. Ano naman kaya ang ginagawa ni Luke? Lumabas ako at nakita si Luke na nasa sahig habang himas himas ang ulo niya.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko.
"Nahulog ako eh," Nahihiyang sagot niya.
Natawa naman ako. "Bakit ka ba kasi natulog diyan? May guest room naman 'tong unit ko," Natatawang sabi ko.
Dahan dahan naman siyang tumayo at inayos ang sofang hinigaan niya. Ako naman pumunta ng kusina para magluto ng agahan namin. Maybe I'll just cook hotdogs, sunny side up, and fried rice. Paresan nalang din namin ng hot choco.
"Luke! Tara kakain na," Pagtawag ko kay Luke.
"Oo sige," Tugon naman niya.
Sabay na kaming kumain ni Luke. Maya maya ay biglang may kumatok sa pinto. Ako na ang tumayo at binuksan ito. Bumungad sina mommy at daddy.
"Mom!" Gulat na sabi ko.
"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong ni mommy.
"Ah wala naman po. Hindi naman po kasi kayo nagsabi na pupunta kayo. Pasok po kayo ni dad," Napahiyang sagot ko.
Pumasok sina daddy at mommy. Ang dami ng dala nila.
"Oh nandito pala si Luke," Sabi ni daddy nang nakita si Luke na kumakain.
"Hello po tito," Bati ni Luke. "Kain po."
Pumunta naman si daddy sa dining area at sinabayan si Luke.
"Ikaw mommy? Kain tayo," Pag-aaya ko.
"Naku sige lang. Mamaya na," Sabi ni mommy.
"Teka nasaan sina kuya?" Takang tanong ko.
"Hindi na sila sumama. Kailangan nilang maiwan para i-manage ang kompanya natin," Sagot naman ni mommy.
Napatango naman ako. "Ano po ang gagawin niyo dito? Parang biglaan naman ata," Nagtatakang sabi ko.
"Ito na nga kasi. Nabalitaan naming natanggal ka na sa trabaho mo. Nandito kami para masiguradong maayos ka lang dito," Paliwanag ni mommy.
"Ayos lang naman po ako. Actually hindi na din magtatagal ay uuwi na ako ng Pilipinas. Napag isip-isip ko na baka oras na para ako naman ang mag take over ng kompanya ni lola," Sabi ko.
"Eh yung offer ni tito Douglas mo?" Tanong ni mommy.
"Ah kakausapin ko nalang po siguro si tito," Sagot ko.
"Oh sige kung yan ang desisyon mo," Sabi ni mommy. "Tara kain na tayo. Alam kong hindi ka pa nakakakain."
"Eh pano naman kasi kung kelan kakain ako saka kayo dumating," Nakasimangot na sabi ko.
Natawa nalang si mommy. Sabay na kaming pumunta ng dining area para sabayan sina daddy at Luke.
"Luke bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni mommy.
"Ahh si Alex po ang nagpapunta sa'kin eh. Nag crave ng McDo fries," Sagot ni Luke.
"You drove all the from New York para lang bilhan si Alex ng McDo fries?" Gulat na tanong ni mommy.
"Hindi po. Nag eroplano po ako kasi ang layo po kung magmamaneho pa ako. Tsaka iniwan ko din po kasi yung kotse ko dito nung huli kong punta dito. Pero okay lang naman po. May pinag-usapan din po kasi kami ni Alex," Sagot naman ni Luke.
Sinipa ko naman ng mahina ang binti niya kaya napalingon siya sa'kin. Pinandilatan ko siya. Baka ano pa kasi ang sabihin eh.
"Ano naman pinag-usapan niyo at kailangang pumunta ka talaga dito? Pwede namang tumawag nalang sa phone," Tanong ulit ni mommy.
Tinitigan ko si Luke sa mata. Naku! Wag siyang magkakamali. Tumikhim muna siya bago sumagot.
"Ahh. Wala lang po. Kahit ano lang po. Namiss daw niya kasi ako," Nag-aalinlangang sagot ni Luke.
Mahinang tumango si mommy at nagpatuloy na sa pag kain. Pagkatapos naming kumain, nagpaalam muna sina mommy at daddy dahil mamamasyal daw muna sila. Kami naman ni Luke ang naiwan dito sa unit ko. Si Luke ay nasa kusina. Siya ang naghuhugas ng pinagkainan namin. Ako naman nanonood ng tv.
"Luke pagkatapos mo diyan maligo at magbihis ka. May pupuntahan tayo," Sabi ko mula sa sala.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Luke.
"Kahit saan lang. Nakakabagot dito sa unit eh. Wala naman tayong gagawin sa maghapon," Sagot ko.
"Oh sige tapusin ko muna to. Mauna ka nang maligo," Sabi niya.
Pinatay ko na ang tv at pumasok na sa kwarto ko para ihanda ang susuotin ko. Pagkatapos ay pumasok na ako ng banyo para maligo. Ilang minuto ang nakalipas ay nakaligo na din ako at nakapagbihis. Sakto namang katatapos lang maghugas ni Luke.
"Bilisan mo ah," Sabi ko.
"Oo na," Tugon niya.
Pagkatapos niyang maligo, agad siyang nagbihis. Ako naman nasa sala nanonood ng tv habang hinihintay siya. Maya maya ay lumabas na si Luke mula sa guest room.
"Tara na," Sabi niya at naunang lumabas ng unit.
Sumunod naman ako. Sabay kaming sumakay ng elevator pababa sa lobby. Pumunta kami sa parking lot dahil nandun ang kotse niya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya nang makasakay kami ng kotse niya.
"Sa South Coast Plaza nalang," Nakangiting sagot ko.
Pinaandar niya naman ang kotse niya at nagsimula na siyang magmaneho.
SOMEONE'S POV
"Excuse me, where can I find the nearest mall here?" Tanong ko sa receptionist ng hotel.
"Ah sir the nearest mall from here is the South Coast Plaza. It's just a 5-minute cab ride," Nakangiting sagot ng receptionist.
Ningitian ko naman siya pabalik at lumabas na ng hotel. Nag abang naman ako ng taxi. Ilang minuto ang nakalipas ay nakasakay din ako ng taxi.
"South Coast Plaza," Sabi ko sa driver.
"Yes sir," Tugon naman ng driver.
Gaya ng sabi ng receptionist kanina, limang minuto lang ang itinagal ng biyahe. Binayaran ko na ang driver at bumaba na ng taxi. Ang ganda pala dito. Pumasok na ako sa loob.
Nakakailang shopping bags na ako nang makaramdam ako ng gutom. Nag take out ako ng burger at bottled water sa isang fast food chain. Umupo muna ako sa isang bench para kumain. Pinapanood ko ang mga dumadaan. Napansing kong may nahulog na wallet. Agad ko itong kinuha at hinabol ang may ari para isuli ito.
"Excuse me," Sabi ko nung maabutan ko ang may ari.
Lumingon naman ito at ang kasama niya.
"Yes?" Sabi nung may ari.
"You dropped your wallet," Sabi ko at ipinakita ang wallet niya.
"Oh thank you," Nakangiting sabi niya. "What's your name?"
"I'm Lucas Axell Maxence Gabriel," Pagpapakilala ko.
"Oh. I'm Max Alexandrae Trinidad," Pagpapakilala naman niya. "I'm a Filipino."
"Kababayan! Pinoy din ako," Masiglang sabi ko.
"Talaga? Osya salamat ulit. May pupuntahan pa kami eh," Nakangiting sabi ni Max.
Tumango naman ako. "See you around," Sabi ko.
Umalis na sila at ako naman bumalik sa bench. Hayy buti nalang walang may gumalaw ng mga pinamili ko. Uuwi na nga ako.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
yess this game is really beautiful
12/04/2025
0napaka ganda
11/12/2024
0two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg
09/10/2024
0Tingnan Lahat