WYNCHESTER'S POV Isinara ko na ang laptop ko pagkatapos naming magchat ni Max. Kanina sa bar talaga, nabighani na ako sa kanya. Kakaiba siya sa mga nakilala kong gay na pinoy. He looks so decent and halatang edukado. Kahit nag-iinuman siya kasama ang mga kaibigan niya, may poise pa din siya kahit medyo tipsy na siya. I can't wait to meet him on Thursday. MAX'S POV Thursday, 8:30 AM... 30 minutes nalang. Hayst. Ano ba magandang suotin? Halos isang oras ko nang hinahalungkat ang walk in closet ko. Naghahanap ako ng masusuot para sa meeting namin nung Wynchester. Pero wait, bakit ba naloloka ako sa paghahanap ng damit eh I can wear what I want. Bahala na siyang humusga sa fashion taste ko. I just wore a simple baby blue shirt na medyo maluwag sa'kin and a black leggings. Pinaresan ko ng white shoes and a gucci sling bag na gray. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Well, the simple, the better. Exactly 9 AM nang makarating ako sa tagpuan namin. And there, I saw him by the door of McDonald's. He is wearing a white fit polo shirt na hapit na hapit sa matipuno niyang katawan, a navy green maong shorts and a white shoes. Naka shades siya and he is wearing airpods. Music lover? Nagkibit balikat nalang ako at nilapitan siya. Kinalabit ko siya sa balikat niya. Nagulat naman siya. "Oh hello!" Gulat na sabi niya. "Sorry. Did I startle you?" Nagpipigil tawang tanong ko. "Yeah. So hello, ako nga pala si Wynchester Adonis Montegracia," Pagpapakilala niya at nilahad ang kamay niya. Tinanggap ko naman iyon. "Max Alexandrae Trinidad," Nakangiting pagpapakilala ko naman. "Tara pasok tayo sa loob," Pag-aaya niya. Tumango naman ako. Pumasok na kami sa loob. Doon kami umupo malapit sa bintana. Nag order naman siya. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating siya na may dalang tray. Inilapag niya yung pagkain sa mesa at umupo sa tapat. I told him to order Chicken Ala King. Namiss ko din 'to eh. Habang kumakain ay nagkwekwentuhan kami. "So kamusta ang buhay buhay?" Tanong niya at uminom ng iced tea. "Well, kinda busy. Aayusin ko documents ko. Pupunta kasi ako sa Los Angeles. Nag offer kasi sa akin ang isang sikat na tour company ng job as tourguide," Sagot ko naman. "Really? Doon din ako naka-base. I am a model in Hollywood," Nakangiting sabi niya. "Talaga? Kaya pala ang gwapo ng datingan mo," Pagpupuri ko sa kanya. Ngumiti naman siya. Maya maya ay may lumapit sa amin na gwapong lalake. May kasama itong magandang babae. "Hey Chester!" Sabi nung lalake kay Wynchester. Chester pala 'to. Kaloka. "Oh Elias! Pano mo nalamang nandito ako?" Tanong ni Chester. "Wala naman. Nakita kasi kita kaya pumasok na din kami," Sagot nung Elias. "Teka, sino na naman yang kasama mo? Bagong babae na naman?" Tanong ulit ni Chester. "Chill insan. Hindi ka na nasanay. This is Dianne. My girlfriend," Nakangiting sagot ni Elias. Umiiling-iling nalang si Chester. Teka, may problema ba? "Anyway, this Max Alexandrae Trinidad. Yung sinasabi ko sa'yo kagabi," Pagpapakilala sa'kin ni Chester kay Elias. Nagkamayan naman kami. "Siya ba? Ang simple niya pala noh?" Manghang tanong niya. "Yeah I know," Nakangiting sagot ni Chester. "So aalis na kami," Paalam ni Elias. "Sige. Ingat kayo," Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman sila at umalis na. "Lahi talaga kayo ng mga gwapo noh?" Natatawang tanong ko. "Yeah pero hindi ako playboy," Nakangiting sagot niya. Tumango-tango naman ako. Kaya pala umiiling siya kanina. "But he looks kind naman," Sabi ko naman. "Mabait naman talaga yun. Ewan ko lang kung bakit naging playboy yun eh," Natatawang sabi niya. Natawa na din ako. Inubos na namin ang pagkain at umalis na ng McDo. Pumunta kami sa Pedestrian Mall. Naglibot libot lang. "Anyway, kung model ka sa hollywood, how come na hindi ka man lang pinagkakaguluhan ng mga tao? You should be famous," Sabi ko habang kumakain ng ice cream. "Nagsisimula palang ako eh," Sabi naman niya. "Ahh. Bakit ka nga pala napadpad dito sa New York?" Nagtatakang tanong ko. "Nagkaroon kasi ako ng two weeks break. Since gusto kong ibang place naman, dito nalang ako sa New York. Medyo na nagsasawa na ako sa L.A. eh. Araw-araw pare-pareho lang nakikita kong view," Pagpapaliwanag naman niya. "Ang sama mo," Natatawang sabi ko. "Ikaw, kelan ka naman pupunta sa L.A.?" Tanong niya naman. "Well di ko pa alam. I just have to wait for the call ng tourism company. Pero syempre I need to prepare my things and my documents para wala na akong problemahin," Sagot ko naman sa kanya. Tumango nalang siya. Pumunta kami sa Arcade house. Naglaro lang ng kung ano. Gabi na nang nagpasya kaming umuwi na. Bago yun, kumain muna kami sa isang resto, pagkatapos ay hinatid na niya ako sa building ng condo ko. "Salamat sa time Max," Nakangiting sabi niya. "Salamat din sa time Chester. Hope to see you again soon," Sabi ko naman. Nagpaalam na siya, ako naman pumasok na sa building at umakyat na sa unit ko. This day was fun.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
PisayRyan
yess this game is really beautiful
12/04/2025
0
Puenlabrada Justine
napaka ganda
11/12/2024
0
BasitPrincessellaine
two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg
yess this game is really beautiful
12/04/2025
0napaka ganda
11/12/2024
0two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg
09/10/2024
0Tingnan Lahat