Homepage/LOVE WINS: SEASON ONE/
Kidnapped
MAX'S POV
Nandito kami ni Dexter sa room namin. Kasama namin ang buong barkada. Wala pa naman yung iba naming kaklase at yung prof since break time pa.
"Grabe nakakatakot ka pala talaga pag nagagalit," Rinig kong puna ni Elisa.
Pinapanood kasi nila yung video. Ako naman tahimik lang habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Oo. Nakakatakot talaga yan pag galit," Rinig ko namang sabi ni Dexter.
Wala ako sa mood ngayon. Pano ba naman kasi, kalat na kalat na sa buong academy yung video. Ang daming nag bubulungan habang dumadaan ako.
"Ang dami nang views oh. 500k views na," Sabi naman ni Rossleigh.
"At ang nakakaloka, ang dami mong bashers," Sabi ni Melissa.
"Hay. Di kasi nila alam kung ano talaga ang nangyari eh. Hindi nila alam ang dahilan kung bakit ko nagawa yan," Mariing sabi ko.
Napatingin naman sila sa'kin. Nagulat ata kasi nagsalita na ako. Kanina pa kasi ako walang imik.
"Ano ba kasi ang dahilan bakit nagawa mo yun?" Nagtatakang tanong ni Rossleigh.
Hindi ako nakapagsalita. Tiningnan ko si Dexter at sinenyasan na siya na ang mag kwento. Wala ako sa mood mag ala-Charo Santos para ikwento ang nangyari. At ayun nga, Dexter told them everything. Mula nung mga nangyari nung high school kami hanggang sa reunion.
"Ahh. Kaya pala ang laki ng galit ni Max dun sa Paulo na yun," Tanging sabi ni Rossleigh na sinang-ayunan naman ng ibang tropa.
Nakaramdam naman ako ng may yumakap sa likod ko at unti unting dumami yung yumayakap sa akin.
"We're sorry Max," Sabi ng buong klase after nilang yumakap sa'kin. Teka, sorry? Sorry for what?
"Sorry for what?" Nagtatakang tanong ko.
"Sorry kasi hindi muna namin inalam ang buong pangyayari. Nag judge agad kami sa'yo na masama kang tao," Sagot nung class president namin.
"Teka, narinig niyo yung kwento ni Dexter?" Tanong ko ulit.
"Oo. Narinig naming lahat. Hindi mo lang kami napansin na nandito na kami sa loob ng room kasi sobrang tulala ka kanina," Sagot naman nung isa naming kaklaseng babae.
Naramdaman ko naman ang mga luha kong dumaloy sa pisngi ko. Grabe di ko talaga inaasahang magkakaroon ako ng kaklaseng tulad nila. Akala ko kasi puro competitions ang nagaganap pag college. Hindi pala. Isa kaming pamilya. At sila ang mga kapatid ko.
Dismissal nang pumunta kami sa mall para mamasyal lang. Si Elisa ang nag suggest, edi siya manglibre. Charot. Syempre. KKB kami. Wala munang libre libre ngayon.
"Oy Max. Crush mo yun diba?" Tanong sa'kin ni Melissa habang tinuturo ang nasa likuran ko.
Nilingon ko naman ang tinuturo niya. At nakita ko si Paul na nakatayo ng di kalayuan lang mula sa'min.
"Ano naman ginagawa niya dito?" Tanong ni Elisa.
"Aba malay ko. Malay niyo naman may ka-date yan," Kibit balikat na sagot ko.
"Oyy si Max nagseselos," Panunukso ni Rossleigh.
"Sira. Bakit naman ako magseselos? Eh hindi ko naman jowa yan," Mataray na sabi ko.
Nagtawanan naman sila. Mga siraulo talaga. Napansin ko namang napalingon sa direksyon namin si Paul kaya agad akong tumalikod.
"Oyy sis nahihiya lang? Kelan ka pa nagkaroon nun?" Nang aasar na tanong ni Elisa.
Sa halip na sumagot ay sinamaan ko nalang siya ng tingin. At ang bruha, tumawa lang. Nakaramdam naman ako ng kalabit sa likod ko. Inis ko itong nilingon. And to my surprise, si Paul pala.
"Ahh. Hehe. Paul ikaw pala," Nahihiyang sabi ko.
"Waw sus. Parang kanina lang mataray tapos ngayon nag iba ang timpla nang nilapitan siya ni Paul," Rinig kong sabi ni Rossleigh.
Hindi ko nalang sila pinansin. Mga baliw talaga kahit kailan.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong ko. Sinusubukan kong hindi mahiya. Susmiyo.
"Wala. Nagpapa aircon lang," Nakangiting sagot ni Paul.
Napa poker face naman ako. Seriously? Magpapa aircon? Halata namang mayaman tong lalakeng to para magpa aircon lang sa mall.
"Gusto mong sumama?" Tanong ni Elisa.
Pinandilatan ko naman siya. Seryoso ba siya? Ngumiti lang yung bruha.
"Sure sige," Nakangiting sagot ni Paul.
Wala na akong nagawa kundi isama siya. Baka sabihin pa nila na ang KJ ko.
"Teka nasaan si Dexter?" Biglang tanong ko.
"Di namin napansin ah. Bigla nalang nawala eh," Sagot ni Rossleigh.
"Hala. Nagalit ata yung bantay mo," Sabi ni Elisa. Nang aasar na naman 'to.
"Sira. Baka nag CR lang," Sabi ko naman.
Naglibot-libot naman kami. Kumain na din sa McDo. Pero wala pa din si Dexter. Nagsimula na akong mag-alala. Nasaan naman kaya yun?
"Guys, wala pa din si Dexter," Nag-aalalang sabi ko.
"Tawagan mo kaya," Sabi ni Marlon.
Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Dexter. Ilang segundong nag ring at sinagot niya naman.
"Hello Dexter! Nasaan ka?" Nag-aalalang tanong ko.
"May pinuntahan lang," Simpleng sagot niya.
"May pinuntahan lang?! At hindi ka man lang nagpapaalam?!" Naiinis na sabi ko.
"Sorry Alex. Kailangan ko kasi magmadali eh. Wag kang mag alala. Pabalik na ako diyan," Kalmadong sabi niya.
"Bahala ka," Inis na sabi ko at binaba ang tawag.
"Ano daw?" Tanong ni Melissa.
"May pinuntahan lang daw," Nakisamangot na sabi ko.
Nagkibit-balikat naman sila. Hayy naku. Sarap ding batukan ng lalakeng yun eh. Pinag-alala pa talaga ako.
"Max, samahan mo naman ako," Sabi ni Paul.
"Saan naman? Tayo lang dalawa?" Nagtatakang tanong ko.
"May bibilhin lang. And yeah, tayo lang dalawa," Nakangiting sagot niya.
Nagpaalam muna kami sa barkada at umalis. Habang naglalakad kami, napansin ko namang papalabas kami ng mall.
"Saan tayo pupunta? Papalabas na tayo oh," Sabi ko. Nakaramdam ako ng kaba.
Hindi niya ako sinagot at patuloy na naglakad. Pagkalabas namin, biglang may pumarang itim na van sa harapan namin at lumabas ang mga lalakeng may mga armas. Lumapit sila sa amin. Hinila nila ako.
"Sino kayo?! Tulong!!!" Nagpupumiglas na sabi ko.
Nakita ko naman si Paul na nakatayo lang at walang ginagawa.
"Paul!! Tulungan mo ako!!" Sigaw ko na nagpupumiglas pa din.
"Sige damputin niyo na yan," Cold na sabi ni Paul.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sobrang gulat. Bakit Paul? Akala ko ba mabait ka. Traydor ka pala.
Pilit kong kumawala sa mga kamay ng mga armadong lalake. Sinuntok ako ng malakas sa bandang tiyan ko. Napasigaw naman ako sa sobrang sakit. Unti-unti akong nanghina and everything went black.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
yess this game is really beautiful
12/04/2025
0napaka ganda
11/12/2024
0two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg
09/10/2024
0Tingnan Lahat