The Tasks

MAX'S POV
"Kaya mo ba?" Tanong ko kay Jacques.
"Kakayanin," Kinakabahang sagot niya.
Napangisi naman ako. Nandito kami ngayon sa Auradon Academy. Ang unang ipapagawa ko sa kanya ay buhatin ang sampung boxes ng bond paper na i-dodonate ko sa administration office which is located sa fourth floor ng admin building. He is not going to use the elevator. Aakyat siya gamit ang hagdan. Manual kumbaga.
"Well, tara na baka ma-late pa ako sa susunod kong klase," Sabi ko at nagsimulang maglakad.
Nang makarating kami sa fourth floor, nakita ko namang hirap na hirap na si Jacques sa pagbubuhat.
"Ano kaya pa?" Tanong ko. Pinipigilan ko lang ang tawa ko.
Humihingal na tumango siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok namin sa admin office, ipinalagay nalang ng staffs sa isang mesa ang mga box ng bond papers.
"Salamat Mr. Trinidad for your donation," Nakangiting sabi ng head officer ng administration.
"You're welcome sir," Sabi ko naman at nagpaalam na para umalis.
Pagkalabas namin ni Jacques ay dumiretso kami sa cafeteria. Wala naman kaming klase sa susunod na subject eh.
"Bilhan mo ako ng pork steak with rice at iced tea," Utos ko kay Jacques. Sumunod naman siya.
Nakita ko naman ang barkada na kumakain na. Nilapitan ko sila.
"Psst Max, sino ang guy na iyon?" Tanong ni Elisa.
"Si Jacques Edmund Tolentino," Simpleng sagot ko.
"His ex-boyfriend," Sabat ni Dexter.
Tiningnan ko ng masama si Dexter. Wala talaga akong matatago kapag kasama ko 'tong lalakeng 'to.
"Ex-boyfriend? Bakit wala kang binabanggit sa'min tungkol sa ex-boyfriend mo?" Tanong ni Melissa.
"Hindi naman kasi maganda ang naging experience ko sa kanya. Kaya ayokong ikwento sa inyo dahil ayoko nang alalahanin ang mga katarantaduhang ginawa niya sa'kin noon," Sagot ko.
Hindi na sila nagsalita at nagpatuloy na kumain. Maya maya ay dumating na si Jacques at nilapag ang inorder niya para sa'kin.
"May kailangan ka pa?" Tanong ni Jacques.
"Ahh wala na. I'll just message you kung meron," Sagot ko naman.
Umalis na siya at ako naman nagsimulang kumain.
"Hoy bakla, anong kadramahan yun?" Tanong ni Elisa.
"Ang ano?" Nagtatakang tanong ko din.
"Akala namin ex mo yun, bakit ang caring sa'yo?" Tanong naman ni Melissa.
"Ahh. No. Ex ko talaga siya. The reason why he is doing this all kasi gusto daw niyang ipakita na nagbago na siya at gusto niyang makipagbalikan sa'kin. Syempre kailangan ko muna siyang pahirapan. Serves him right," Pagpapaliwanag ko.
"Ibang klase ka din. Daig mo pa ang mga tunay na babae," Puna ni Marlon.
"Well, dapat lang noh. Ilang buwan din akong nagmukmok nung naghiwalay kami," Sabi ko.
"Ang ganda mo teh," Natatawang komento ni Elisa.
Tumawa nalang din ako. Pagkatapos naming kumain, pinapunta ko si Jacques sa room namin para sa second task niya.
"Max, nandiyan na yung ex mo," Sabi ni Elisa.
Tumingin naman ako sa may pintuan at nakita ko nga si Jacques. Lumapit naman ako sa kanya.
"Kunin mo nga yung P.E. uniform ko sa kotse ni Dexter," Utos ko sa kanya. "Eto yung susi."
Umalis naman siya at bumalik ako sa upuan ko. Maya maya tumabi si Dexter sa'kin.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Tanong niya.
"Oo naman," Simpleng sagot ko.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka masasaktan diyan sa pinaggagagawa mo. Babasagin ko na talaga yung ulo nun pag umiyak ka ulit," Seryosong sabi niya.
"Chill okay? Ako pa ba, ang lakas kaya nitong best friend mo," Nakangiting sabi ko. Para ma-assure siya na okay lang ang lahat.
Maya maya dumating na si Jacques dala ang bag na may laman ng P.E. uniform ko.
"Thank you," Nakangiting sabi ko.
"Thank you?" Tilang nagulat na tanong niya.
"Yes. Thank you. Well, tao din naman ako kaya marunong akong magpasalamat. You can go now," Nakangising sabi ko.
Umalis na siya at ako naman bumalik na sa upuan ko. Maya maya tumabi si Elisa sa'kin.
"Hoy Max, hindi ka ba naaawa kay Jacques?" Tanong niya.
"Naaawa? Like the heck, nung pinagpalit niya ako naawa ba siya sa'kin? Gantihan lang. Pasalamat nga siya madadali lang mga pinapagawa ko sa kanya," Sagot ko.
"Chill lang sis," Sabi ni Elisa.
"Chill lang naman ako noh," Natatawang sabi ko.
Pagkatapos ng P.E. class namin, naisipan kong pumunta sa Engineering building para puntahan si Jacques. His next task is to drive me to our company. Naglalakad ako na nagcecellphone nang may bumangga sa'kin.
"Ayy sorry," Sabay na sabi namin.
Tiningnan ko kung sino ang nakabanggaan ko, nagulat ako. "Kamukha mo si Rossleigh." Sabi ko.
Nakita ko namang natawa siya. Shet ang gwapo niya tumawa. "Si Rossleigh Anderson?" Tanong ni koyah.
"Yes. Yung classmate ko," Nahihiyang sagot ko.
"Ahh. Kapatid ko siya. Anyway, I'm Raphael Augustus Anderson from Engineering department," Pagpapakilala niya.
"I'm Max Alexandrae Trinidad from Education department. Ang gaganda ng names niyo," Nakangiting sabi ko.
"Actually kilala na kita. Napanood kita nung sports fest. Nanalo nga kayo sa cheerdance competition eh," Sabi niya.
Hindi na ako nakapagsalita. Sarap niyang kausap eh. Nakaka speechless. Char.
"Sige alis na ako. May pupuntahan pa ako eh," Paalam niya.
"Oh sige. See you around next time," Nakangiting sabi ko.
Maglalakad na sana ulit ako nang makita ko si Jacques na nakatayo sa may pintuan ng isang room habang naka tingin sa'kin. Nilapitan ko naman siya.
"Sino yun?" Seryosong tanong niya.
"Huh? Sino? Yung nakausap ko ba?" Naguguluhang tanong ko din.
"Oo," Tipid na sagot niya pero seryoso pa din.
"Well, he is Raphael Augustus Anderson. Teka nga, ano bang pakialam mo?" Nagtitimping tanong ko.
"Ayoko sa kanya," Sabi niya.
"O bakit, sinabi ko bang gustuhin mo siya? Tsaka bakit ka ba nagkakaganyan? Tandaan mo, wala nang tayo," Naiiritang sabi ko.
Huminga naman siya ng malalim. "Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Ipagdrive mo ako papuntang company namin," Sagot ko.
Tumango naman siya at kinuha ang gamit niya. Pumunta na kami sa parking lot at sumakay ng kotse niya. Sinabi ko sa kanya kung saan ang company namin at nagsimula na siyang magmaneho.

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    PisayRyan

    yess this game is really beautiful

    12/04/2025

      0
  • avatar
    Puenlabrada Justine

    napaka ganda

    11/12/2024

      0
  • avatar
    BasitPrincessellaine

    two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg

    09/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata