Naglalakad kami ngayon ni Dexter sa hallway. Ang daming bumabati sa'min. Pinagtitilian si Dexter pag pinapansin niya. Ang sakit na nga sa tenga eh. "Dexter pa-picture kami," Sabi nung mga babae. Nakangiting tumango si Dexter at nagtilian naman ang mga babae. Pagkatapos nilang magpa-picture kay Dexter, may binigay din silang parang scrap book. Napailing nalang ako. Ang haharot talaga. "Max may nagpapabigay sa'yo," Sabi nung isang lalake at may inabot na kahon. Binuksan ko ito at nakita na may mga chocolates at mga cute key chain loob. Nagpasalamat naman ako. Well, at least fair na ngayon. Nang malapit na kami sa room, nakita namin si Luke na may mga kasama. Nakita din namin ang barkada namin. Lumapit kami sa kanila. "Oh nandito na pala sila eh," Sabi ni Elisa nang makita kami. "Hey guys," Nakangiting bati ko sa kanila. "Sikat na sikat ka na ngayon Max ah," Pagpupuri ni Melissa. "Si Dexter din naman ah," Sabi naman ni Elisa. "Oo nga eh. Pinagtitilian na ng mga chicks," Natatawang sabi ni Marlon. "Anyway, sino yang mga kasama mo Luke?" Tanong ko kay Luke. "Ah guys, sila yung mga kaibigan ko sa section namin," Sabi ni Luke sa amin. Binalingan niya ang mga kaibigan niya. "Guys pakilala na kayo." "Hi! Margareth Athena Adamson nga pala." "Yow yow yow! Shannon William Castro." "Vince Clark Castillo at your service." "Lezzgo! Chester Sven Hidalgo nga pala!" "Hello po sa inyo! Jasha Maricar Bautista." "Heyoo! Patricia Pascual is the name." Pagkatapos nilang magpakilala, kami naman ang nagpakilala ng sarili namin sa kanila. Ang dami nila ah. Lumalaki na ang barkada namin. Ang saya lang. "Guys time na pala. Pasok na tayo sa room," Sabi ni Rossleigh. Nagpaalam na sina Luke at pumasok na kami sa room. May nakita naman akong regalo sa ibabaw ng armchair ko. Binuksan ko ito at nakita ang dalawang kahon ng toblerone. May nakita din akong note. 'REMEMBER YOUR MOST FAVORITE CHOCOLATE? I HOPE YOU LOVE IT. -JET' Pagkatapos kong basahin ang note, binigay ko yung isang box ng toblerone sa barkada ko. Tinago ko na yung isa para sa bahay na yun. Alangan namang itapon ko yun, favorite ko yun eh. Tsaka it doesn't mean na napatawad ko na siya. "Oy Race sumali ka pala ng pageant hindi mo sinabi sa'min," Rinig kong sabi ni Elisa. Napalingon naman ako sa may pintuan at nakita ko si Race na kakapasok palang. "Oo nga. Hindi mo sinabi sa'min. Gumawa sana kami ng banner para sa'yo," Sabi ko. Umupo naman siya sa tabi ko. "Nahiya ako sa inyo eh," Kamot-ulong sabi niya. "Nahiya ka pa sa'min? Ang tagal na ng samahan natin dito sa room eh," Sabi ko. Nahihiyang ngumiti nalang siya. "Psst hoy. Ano na naman yan?" Rinig kong tanong ni Dexter. Taas-kilay ko siyang hinarap. "Ayan ka na naman sa pangingialam mo," Mataray na sabi ko. "Ang harot mo eh. Isusumbong kita sa mga kuya mo," Nagbabantang sabi niya. "Edi magsumbong ka," Nakangising sabi ko. As if namang kaya niya akong isumbong sa mga kuya ko. Mga busy kaya ang mga yun ngayon. Pagkatapos ng klase, pumunta ako kay mommy sa company namin. Gusto ko lang bisitahin sila ni kuya Ethan. Pagdating ko, sinabihan ako ng secretary ni mommy na nasa conference room sina mommy at kuya kaya tumango ako at dumiretso nalang sa opisina ni mommy. Habang hinihintay sina mommy, nag cellphone muna ako. Maya maya ay may kumatok sa pinto at bumukas. "Sir Alex, tapos na po ang meeting nila ma'am," Sabi nung secretary. "Ahh okay po. I'll just wait for them here," Nakangiting sabi ko. Pagkalipas ng ilang minuto, bumukas ulit ang pinto at nakita ko sina mommy at kuya Ethan. "Oh anak, bakit ka nandito?" Tanong ni mommy. "Wala lang mom. Bumisita lang po wala naman po kasing gagawin sa school," Sagot ko naman. "At nag commute ka lang?" Tanong ulit ni mommy. "Opo. Wala naman kasi akong kotse since lagi akong sumasabay kay Dexter pagpapunta ng school at pauwi," Pagpapaliwanag ko. "Bakit hindi mo kasama ngayon si Dexter?" Tanong naman ni kuya Ethan. Nagkibit-balikat naman ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit ayaw niyang sumama sa'kin ngayon. "Anyway, model na dito ang kuya Ethan mo," Sabi ni mommy. "Talaga?! OMG!!" Excited na sabi ko. "Ang ingay mo Alex," Naiiritang sabi ni kuya Ethan habang nakatakip ang tenga gamit ang mga kamay niya. "Sorry kuya na-excite lang," Sabi ko nalang sabay peace sign. "Osya. Umuwi na tayo. Baka nasa bahay na yung daddy niyo at si Tope," Sabi ni mommy. Pagdating namin sa bahay, nakita namin ang kotse ni daddy na naka park. "Nandito na nga sila," Sabi ni mommy. Pagpasok namin, nagulat ako nang makita ko si Jacques na nakaupo sa couch kasama ni kuya Tope. Tumayo naman si Jacques at bumati kay mommy at kuya Ethan binati naman ito ni mommy pagkatapos ay pumunta na sila ni kuya Ethan sa kusina. Tumayo si kuya Tope. "Mag-usap kayong dalawa. Problema niyo yan," Seryosong sabi ni kuya Tope at umalis. Pinaupo ko naman si Jacques. "Ano ba ang ginagawa mo dito?" Bulong na tanong ko. "I'm here para patunayan sa'yo na nagbago na ako at babalik na ako sa'yo," Sagot ni Jacques. "Gusto mo talagang patunayan?" Tanong ko. Agad siyang tumango. Napangisi naman ako. "Sige dahil gusto mo yan at mapilit ka talaga, may mga ipagagawa ako sa'yo." "Ano naman yun?" Nagtatakang tanong ni Jacques. "Malalaman mo bukas. Ngayon, pwede ka nang umalis," Mataray na sagot ko. Nakita ko namang napatulala siya bago tumayo at umalis. Nakangising umakyat ako sa kwarto ko. Well, ginusto mo yan, panindigan mo. Tingnan nalang natin. Sisiguraduhin kong, ikaw mismo ang susuko. Hindi mo ako madadaan sa mga banta mo noon. Baka nakakalimutan mong isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nagbago.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
PisayRyan
yess this game is really beautiful
12/04/2025
0
Puenlabrada Justine
napaka ganda
11/12/2024
0
BasitPrincessellaine
two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg
yess this game is really beautiful
12/04/2025
0napaka ganda
11/12/2024
0two cozy homessleep paralises upon a hill day swim all day sang goes downd uyfgjiffi7fjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkiiiiiiiijuhhhhhhhhhijuijuijiiiiiiiiiijjjjiiiiiiiiiiiiiijjjiiiiiiiiiiiuuuujijuijijiiiiijiiiiiiiiiiiiiii belie jin ye agh ou mga chikas nalumalapit gaan9 sinta taga marikina di ko sila marangge di komalaman tangee ere7uuuuughyuuuuuuuuijijjiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiìiiiìürerffffftfgttttttyyddddfffffffdgvggfffffffffffffffffgggggggggggggggggggggggggggg
09/10/2024
0Tingnan Lahat