Chapter 5

ANG PAG IINSAYO .
AUGUST 29,2020. 165th Day
              Sean's Point of View
            Halos isang linggo ko na ding kinukulit si Jasmin about doon sa offer nya sa akin na tuturuan nya akong gamitin ng tama ang aking Sumpit. Pero minamalditahan nya lang ako lagi o kaya ay iibahin ang topic. Ewan ko ba pero feeling ko nabogus nya ako. Kung hindi ko lang siya crush ay napektusan ko na siguro ito.
Anim na araw na kaming magkakasama at talagang napalapit na ang loob ko sa kanila. Lalo kay Sir Arthur o Tito. Halos kapamilya na ang turing nya sa akin. Walang araw na di kami nagkukwentuhan. Mula sa mga seryosong topic hanggang sa mga walang kwenta. Sobrang palagay na ang loob ko sa kanya at napapamahal na siya ng tuluyan sa akin. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng pangalawang ama.
Ngayong araw ay ang ikatlong araw ng aking pag iinsayo. Sinabi ko noon sa kanila na wala akong alam pagdating sa labanan. Di naman nagulat si Jasmin noong sinabi ko iyon noon at tinawanan pa ako. Napaka mean niya talaga sa akin, pero cute. Teka wait, sinabi ko bang cute? Haha totoo naman kase.
Si Tito ang nagtuturo sa akin mula unang araw hanggang ngayon. May bakuran din sila sa bahay at doon kami nag iinsayo. Swerte lamang at walang zombie sa paligid. Nakakamangha dahil simula noong dumating ako dito ay wala ni isang zombie akong nakita. Todo ingat pa ako noon sa paghuhugas ng plato, tsk.
"Ready ka na ba?" tanong ni Tito.
"Opo" sagot ko at agad humanda.
Ngayon ay ang applying all the itinuro sa akin test. Tinuruan kase ako ni Tito ng mga attack skills and defense skills sa mano mano. Suntukan, bugbugan, weaponless. Mga ganon.
"Good. Unang lesson, observe your opponent. Kilatisin mo ang kalaban mo, do it quickly. Tantyahin mo ang kakayahan niya." paunang wika ni Tito. Sabay humanda na din.
Tumango lang ako sa sinabi niya. Agad ko naman siyang sinugod at akmang susuntukin sa mukha ngunit nakailag ito at nahawakan ang braso ko dahilan upang mapatalikod ako sa kanya. Parang mababali ang braso ko sa ginawa nya. Nagtap ako sa braso nya. Hudyat upang itigil nya ang ginagawa nya. Chineck ko ang braso ko kung nabali nga, buti na lamang at hindi.
"Tito ang sakit, haha" sabi ko.
"You're not paying attention for the lesson 1 kaya we are now at the lesson 2." wika nya.
"Po?" naguguluhan kong tanong.
"Be careful and mindful. Wag kang padalos dalos. Hindi ka dapat basta basta sumusugod. Wait for the perfect timing."
Ahh nagets ko. Sabagay tama nga naman. Di dapat basta basta sumusugod lalo na at di mo naman talaga kilala ng lubos ang kalaban mo. Nagthumbs up naman ako kay Tito upang ipaalam na naintindihan ko siya.
"Okay ganito nalang. Susuntukin kita sa kanang pisngi mo at subukan mong ilagan" sabi nya.
"Okay po, game" tugon ko na medyo excited pa. Confident kase akong makakaiwas ako.
Humanda na si Tito. At iginalaw ang kaliwang kamao upang sumuntok. Agad akong yumuko upang ilagan ang atake nya. Ngunit napaaray ako sa sakit.
"Tito, sabi nyo sa pisngi nyo ako susuntukin. Pero bakit sa sikmura?" reklamo ko kay tito.
Napatingin din ako kay Jasmin sa gilid na nanonood at natatawa. Masaya pa talaga siyang nasaktan ako.
"Masakit ba? Pasensya na Hijo, yon kase ang lesson 3"
"Po? Paano yon naging lesson 3?" naguguluhan na talaga ako.
"Lesson 3, never trust your enemy. Ang nasa utak lang nila ay ang matalo ka kaya kahit panlilinlang ay handa nilang gawin. Do not be fooled by them, maliban nalang kung ganoon ka kauto uto. Focus ka lang sa mata niya at di ka nito malilinlang" natatawang paliwanag nya. Bigla ko namang naalala ang ability ko na makabasa ng mga iniisip ng tao. Magagamit ko rin pala ito sometimes in a right way. Di ko kase ito ginagamit lately upang basahin ang mga iniisip nila kahit natetempt ako. Bilang respeto nalang sa kanila. Kase alam kong mali kung manghihimasok ako sa mga lihim na ikinukubli nila sa isipan nila.
So uto uto ako ganon?
"Tito naman eh. Eh ikaw kase ang nagsabi tsaka malay ko ba na nililinlang mo lang pala ako." naiinis kong sagot
"Even the closest and the most trustworthy person can betray you"
Natauhan naman ako sa sinabi nya. Ayoko mang paniwalaan pero alam kong totoo. Minsan na din akong trinaydor ng itinuring kong parang sariling kapatid at bestfriend.
"O sya, tama na muna yung tatlong lesson na yon. Wala ng patalastas pa ha. Totoong laban na." dagdag nya.
Tumango nalang ako at humanda na ulit.
After 2 hours..
Nakahiga ako ngayon dito sa sofa. Grabe si Tito, nabugbog lang naman ako. Dami kong pasa kung saan saan. May mga pasa din naman siya ngunit konti lang. Masyadong sineryoso ni Tito ang pagtuturo huhu. Sakit ng mga joints ko.
Bigla akong napatayo sa aking pagkakahiga sa sofa ng mapansin kong papalapit sa akin si Jasmin. "My medicine" di ko napigilang lumabas sa bibig ko. Napatakip bigla ako ng bibig.
"Anong sabi mo?" tanong nya.
"Ah wala yon, ano pala yan?" pag iiba ko ng topic sabay tingin sa hawak niyang bimpo at isang box na di ko alam ang laman.
"Ano sa tingin mo? Patingin nga ng braso mo." sabi niya. Maldita parin?
Ipinakita ko naman sa kanya ang braso ko. Bigla niya itong hinawakan at sinuri suri. Hoy biceps ko na yan ah. Bulong ko sa utak ko nang himasin niya ang muscles ko haha meron nga ba? Kung di ko lang siya kilala ay iisipin kong chinachansingan niya ako. Pero siya si Jasmin. Napansin niyang napapangiti ako sa ginagawa niya.
"Ang dumi ng utak mo no? Jan ka na nga. Mag gamot ka mag isa!" wika niya sabay bitaw sa braso ko. At akmang aalis na. Nagulat ako ng tumayo siya.
Ako naman ang humawak ngayon sa braso niya at nakiusap na wag umalis.
"Sorry, di kase ako sanay na may ibang humahawak sa braso ko eh. Nakikiliti ako" nagsinungaling nalang ako at mukhang effective naman dahil umupo na siya sa tabi ko.
"Sus, sa itsura mong yan. Maniwala akong wala pang nakahawak sa braso mo. Baka di na mabilang" sabi nito habang binubuksan ang box. So medicine kit pala yon. Ang slow ko lang kanina.
"Anong ibig mong sabihin, bakit anong meron sa mukha ko?" tanong ko. May mali sa itsura ko? Ano?
"Wala. Akin na yang braso mo ng matapos na agad" walang gana nitong sagot.
Napangiti naman ako ng todo ng magets ko ang punto niya kanina.
"Sinasabi mo bang pogi ako at iniiexpect mong madami ng nakahawak sa braso ko dahil playboy ako?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Kapal mo din no, wala akong sinabing ganyan ha?" sabay diin doon sa bimpo na nakadikit sa isa kong pasa.
"Aray" nagpout nalang ako dahil sa sakit. Itong babaeng ito talaga. May pagkasadista.
"Buti nga sayo. Akin na yan" hinikit niya ang braso ko at sinimulan ng gamutin.
Puro asaran lang kami the whole process, di ko nga alam kung nagamot ba ako o mas nabugbog sa ginawa nya. Asar talo pala tapos pagdidiskitahan ang mga pasa ko. Wala talagang awa.
Tapos niya nang gamutin ang mga nasa katawan ko. Ang mga pasa at sugat na lamang sa mukha ang natira.
"Patingin nga ng mukha mo" bigla niya namang inangat ang mukha ko at sinuri. Para akong naging yelong nafreeze sa kinatatayuan ko ngayon. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Habang siya ay busy sa pagsusuri sa mukha ko ay ako naman itong busy rin sa pagtitig sa kanya ng palihim.
Grabe ,sobrang ganda niya lalo sa malapitan. Ang kinis ng mukha niya at medyo mapupula ang pisngi nito. Ang ganda rin ng mga labi niya, parang ang sarap... Hindi ko na tinuloy ang isiping iyon. Nag iwas na ako agad ng tingin. Anong utak meron ka ba Sean. Need ko na ata ipalinis, ang dumi eh.
Matapos niyang suriin ang mukha ko ay tumungo na ang tingin niya sa medicine kit at tsaka pa lamang ako nakagalaw. Nailabas ko na din ang mga hanging naiwan sa lungs ko na ilang segundo ko ring pinigil. Pakiramdam ko ay namumula ako sa init ng mukha ko ngayon.
Bumaling na siya ng tingin sa akin at kahit gasera lamang ang ilaw namin ngayon ay napansin parin niya ang pamumula ko.
"Oh anong nangyari sa'yo? Bakit ka namumula" nagtatakang tanong niya.
"Ah, eh, ano, biglang sumama ang pakiramdam ko eh may sinat ata ako" pagdadahilan ko.
"Talaga?" medyo nag aalala na ang tinig niya. Hinimas niya ang noo ko upang icheck ang temperature ko. Jusko kukumbulsyunin ata ako ngayon. "Medyo mainit ka nga, bibilisan ko nalang ang pag gamot sa iyo para makapagpahinga ka na" dagdag nito at dali daling nilagyan ng gamot ang mga sugat ko. Hindi na ako tumingin pa sa mukha niya habang pinupunasan ang mukha ko. Sana lang ay hindi niya marinig ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.
Anong nangyayari sa akin. Ganito ba talaga pag humahanga ka sa isang tao? Normal lang ba ito?
Nang matapos niya akong gamutin ay inalalayan niya ako sa pagtayo. Nag offer pa ito na ihahatid ako sa silid ko ngunit agad akong tumanggi. Siguradong maririnig niya ang bilis ng tibok ng puso ko kung nagkataon dahil magdidikit ang mga katawan namin. Agad na akong nagpasalamat at dali daling umakyat sa kwarto.
Kinabukasan, August 30, 2020. 166th day.
Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Paano eh paulit ulit na nagfaflash sa isipan ko ang close up face ni Jasmin noong chinicheck nya ang mukha ko kagabi. Hindi maalis sa isip ko ang itsura niyang napakaganda. Wews.
Nagising nalang ako dahil sa uhaw na nadarama ko. Agad akong tumayo ngunit hindi ko nagawa.
"Oh hijo mabuti at gising kana. Pasensya na sa insayo natin kahapon. Nacarried away lang hehe" bungad sa akin ni Tito sabay kamot sa ulo.
"Nako ayos lang Tito, may kasabihan nga po tayo. No pain, no gain" sabi ko sabay ngiti ng malaki. Napangiti din siya at nag apir kami. Pero legit ang sakit talaga ng katawan ko. Di ko maigalaw. Haha
"Oh uminom ka muna, kakagising mo lang tapos daldal na agad ang inatupag mo" sino pa ba? Edi ang nagiisang maldita dito sa bahay.
Kinuha ko naman ang baso sa kanya at agad uminom. Nagpasalamt din ako.
"Anak iwas iwasan mo nga yang pagmamaldita mo, ikaw din baka di ka na magkaboyfriend nyan" panunuway ni tito kay Jasmin sabay tingin sa akin. Nagtawanan naman kami ni Tito. Kaya kasundo ko siya eh. Makulit din sya at joker kagaya ko.
"Tay, seriously? Talagang di na ako magkakaboyfriend no. Sino naman jan ang jojowain ko, yung mga zombie sa paligid?" naiirita na nitong sagot. Hindi man same words ang ginamit pero same meaning lang din gaya nang idinahilan ko kay ate noong minsay asarin niya ako. Mas lalo naman kaming natawa ni Tito.
"Lalayo ka pa. Ang pangit pangit ng mga zombies jan eh. Eto oh si Sean, gwapo at pwedeng pwede. Boto pa ako jan" sabi ni Tito.
Nasamid naman ako sa tubig na iniinom ko. Hindi ko iyon inaasahan. Minsan talaga talaga sumusobra ka na tito ha, sa pagpapaligaya sa akin. Haha
"Eww, you know what? Magsama kayong dalawa" galit na sabi ni Jasmin sabay walk out.
"Wow Jasmin ha. Choosy paba? Maraming nagkakagusto sa akin noon no. Kung di lang kita crush nakotongan na talaga kita." pagpoprotesta ng utak ko.
"HA HA HA.  Ang batang iyon talaga di na mabiro" at nagtawan nalang ulit kami kahit na medyo nahurt ako na ayaw niya sa akin at nagwalk out pa.
"Oh sya. Maiwan na muna kita upang makapagpahinga ka pa" wika ni Tito.
"Okay po Tito, salamat..."
"Ay tito" pahabol ko, napalingon naman siya sa akin "Happy Heroes Day po" nakangiti kong bati kay tito. We are all saviour of each other kaya lahat kami ay heroes ngayon. Ganito pala ang feeling maging isang bayani. Struggle is real pala talaga. Lalo at buhay ang nakataya lagi when saving people.
"Oo nga pala no? Salamat. Happy heroes day din" at ngumiti din siya sa akin.
Nagpaalam na si Tito at tuluyan ng lumabas.
Wala namang espesyal na naganap pa ng araw na iyon. Dalawang araw pa akong nagpahinga sa kwarto dahil hirap parin ako gumalaw. Grabe si tito mukhang nag enjoy na gawin akong punching bag.
September 2, 2020. 169th day
Nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto. Magaling at malakas na ulit ako. Si Jasmin lang ang naabutan ko sa sala dahil naliligo si Tito.
"Buti magaling kana" bungad niya sa akin. Iyon talaga ang una niyang sinambit imbes na good morning man lang.
"Ah oo magaling na ako" plain kong sagot. Nitong mga nakaraang araw ay napagdesisyunan ko ng i-uncrush sya. Lakas maka teenager. Naisip ko na baka infatuation lang ang naramdaman ko sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Nadala lang siguro ako sa thought ng crush kase never ko pa ito naranasan. At maaaring dahil kami kami lang ang tao dito. I need space muna sa utak ko. Upang makapag isip at makapag desisyon.
"Heto oh, pinagtimpla kita. Magkape ka muna" sabay abot niya sa akin ng isang basong kape.
Okay, crush ko na pala ulit siya.
Ano ba naman to Sean. Binigyan ka lang ng kape eh. Dalawang araw ko itong pinag isipang mabuti, halos napuyat pa ako para sa uncrush operation na ito pero isang kape lang wala na agad. Kung kahoy siguro ako ay inanay na ako agad, ang rupok eh.
Napatigil naman ako sa pang aaway sa utak ko nang biglang nagsalita si Tito sa likod.
"Sean, mabuti at magaling ka na. Tamang tama. Pupunta kami ngayon sa Maynila upang maghanap ng makakain. Paubos na kase ang stocks natin. Gusto mo bang sumama?" masayang pahayag ni Tito.
May tawag ba ito sa psychology? Yung  nakakakonsensyang tanong na kahit gusto mong humindi ay mapapaoo ka nalang?
"Opo naman tito, sasama ako" nakangiti kong sagot. Napangiti din ito sa akin at pumasok na sa kwarto nya. Pero sa totoo lang ay kinabahan ako bigla. Ibig sabihin lalabas kami at posibleng isang damakmak na naman na zombies ang makaengkwentro namin. Lord, please keep us safe! Napadasal nalang ako.
Actually kinikilig ako kanina eh. Pero ngayon kinakabahan na.
Nandito na kami ngayon sa Maynila, pero di ko alam kung saang parte na ito kase di ko na mapicture ang original nitong itsura noon dahil sirang sira ang lugar.
Maglilimang oras na kami dito sa labas upang maghanap ng makakain. Si Tito ay naiwan sa kotse upang magbantay habang kami naman ni Jasmin ang naghahanap ng pagkain.
"Mabuti pa ay maghiwalay tayo ng daan, para makarami tayo. Dito na lamang ulit tayo magkita mamaya o kaya sa kotse na." suhestiyon ni Jasmin noong makalayo na kami kay Tito.
"Huh?!" napatigil ako sa ginagawa kong paglinga linga sa paligid. "Ayoko, magsama na lang tayong dalawa. Delikado baka may mga zombies sa paligid." nanginginig kong tugon. Kabang kaba na nga ako dito tapos isusuggest niya pa na maghiwalay kami ng landas.
"Eh mas makakarami sana tayo ng makukuhang pagkain" pagmamaktol nito.
"Please, sama nalang ako sayo" pagmamakaawa ko with puppy eyes pa. Sana effective.
"Hay naku Sean di mo ako madadaan sa.." di na nito natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siya hilahin sa gilid ng isang pader habang nakahawak sa damit nya.
"Anong ginagawa mo? Umayos ka nga!" irita nitong sabi.
"Shhhh. Wag ka maingay" sumilip akong muli at itinuro sa kaniya ang nakita ko.
"Akala ko naman kung ano na" pairap nitong tugon. So okay lang sa kaniya na makakita ng isang zombie na abala sa pagkain ng isang tao?
"Sama nalang kase ako sayo, please. Wag na tayo maghiwalay" pagmamakaawa ko habang hinihila hila ang damit niya.
"Okay fine, ang duwag mo talaga" napilitan niyang sagot.
Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya. Mabuti at pumayag siyang wag kami maghiwalay. Mag jowa lang? Haha
Tumuloy na kami sa paghahanap ng pagkain. Hindi ko naman siya napigilan nang lapitan ang zombie at putulin ang ulo nito gamit ang samurai niya. Hindi niya din pinalampas ang taong kinakain ng zombie dahil infected na din daw ito.
Habang naglalakad kami ay nagkukwento si Jasmin. Marami pa rin daw mga survivors sa paligid na kagaya namin. Hindi lamang kami nagkikita kita at nagkakatagpo tagpo dahil malamang ay nasa loob ang mga ito ng kanilang safe place. Lumalabas lang daw ang mga ito kung kailangang maghanap ng pagkain kagaya ng ginagawa namin ngayon.
Medyo marami rami din kaming nahanap na pagkain. Para na akong si Santa Clause ngayon sa bitbit kong sako.
Ligtas naman kaming nakabalik sa kotse. Nag alala na daw si Tito kase 2hours kaming hindi bumabalik.
Habang nagbabyahe na kami ay di ko maiwasang mapahinga ng maluwag. Sa wakas, makakauwi na kami. Grabe ang kaba ko kanina. Hindi ko man pinapansin pero nakikita kong tinatawanan ako ni Jasmin kanina habang nagloloot kami sa mga bahay bahay at sirang convenient store ng makakain. Alam ko namang mukha talaga akong tanga na palinga linga sa paligid. Dahil natatakot talaga ako na baka may bigla na lamang ulit sumulpot na zombie sa paligid at kainin kami. Wala na akong paki kong ano ang isipin niya. Sinisigurado ko lang ang kaligtasan namin. Atleast napangiti ko siya. Nakakahiya nga lang. Tsk.
Narito na kami ngayon sa bahay at bilang selebrasyon ay kami mismo ang namili ng gusto naming kainin. Kahit ano basta iyong sapat lang. Kailangan paring magtipid.
Gaya ng nakasanayan, pagkatapos kumain ay magkukwentuhan kami ni Tito sa sala at magliligpit naman si Jasmin ng pinagkainan. Di rin nagtagal ay nagpaalam na si Tito upang matulog at naiwan na naman kami ni Jasmin sa sala. Pumasok ako sa CR upang maglinis ng katawan. May tulo parin ang gripo dito. Pero walang kuryente dahil sa laki ng pinsala sa mga poste at kable nito.
Paglabas ko ay agad akong tinawag ni Jasmin na nasa tapat ng kurtinang butas habang sumisilip doon. Dali dali naman akong lumapit.
"Bakit, anong mer.." Di ko na natapos ang sinasabi ko dahil idinikit niya ang hintuturo niya sa labi ko. "Shhhh" sambit niya.
Nagets ko naman siya. Sumilip na din ako sa butas na kurtina at napaatras sa nakita.
"Akala ko ba wala ng zombies dito sa lugar niyo" halos pabulong kong wika.
"Oo nga. Wag kang mag alala, ilang araw lamang at aalis na din ang mga yan" pabulong niya ding sagot.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.
"May time talaga na dumadami sila sa paligid. Tila naghahanap ng makakain. Pero umaalis din sila makalipas ang ilang araw kapag wala silang mahanap na tao." mahabang paliwanag nito. Medyo naamoy ko yung hininga nya. Ang lapit kase ng mukha niya sa akin. Ako naman itong di na makagalaw dahil sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya na magkalapit ang mga mukha namin samantalang ako ay tila sasabog na ang puso.
"So anong plano?" biglang iwas kong tingin, buti malayo kami sa gasera kaya di niya makikitang namumula ako.
"Watch ang learn" sagot niya sabay hugot ng baril sa tagiliran niya. Binuksan niya ng kaunti ang bintana at itinutok ang baril. Kinalabit niya ang gantilyo at kitang kita ko kong paano natumba ang isang zombie. Bull's eye!
Wala namang nilikhang nakakabulabog na tunog ito dahil may silencer na nakakabit sa baril niya.
"Woah, pano mo nagawa yon? Ang galing!" parang batang manghang mangha ngayon sa ginawa niya. Sinabayan ko pa ito ng mahihinang palakpak. Grabe ang layo kaya nung target tapos natamaan pa niya ito sa ulo.
"Well, madali lang naman eh. " wika nya. So mahangin din pala siya. Pero ang cute niya habang sinasabi niya yon.
"Tsk, yabang." nakangiting sagot ko naman sa kaniya. "Isa pa manonood ako ulit" dagdag ko pa.
"Anong manonood, isuot mo yang sumpit mo. Tuturuan na kita" balik maldita look nanaman siya pero alam kong peke lang. Ramdam kong seryoso siya na tuturuan nga niya ako. Ito na yon, ang ipinangako niya sa akin noong isang linggo
Dali dali ko namang isinoot sa kamay ko ang sumpit ko at kumuha ng ilang pako mula sa sinturon kong puro pako.
"Okay na" excited kong sabi. Humarap  siya sa akin na nakangisi. Excited din ang ekspresyon ng mukha niya. It's gonna be a good night.
"Good.." bumaril ulit siya sa hanay ng mga zombie at bumalagta naman ang isa sa mga ito.
"..... let's kill some ugly monsters tonight" sabay ihip sa dulo ng baril niya.
                                  - - -

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Aira Kay

    guds

    07/07/2022

      0
  • avatar
    Joan Artificio Ausa

    nice

    02/07/2022

      0
  • avatar
    Jayson Aguilar

    Ang gandaaaaaa😍

    01/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata