CONFESS Sean's Point of View Excited ako ngayong araw dahil ito ang araw na pupunta kami sa pantalan. Ibig sabihin lang non ay masisimulan ko na ang misyon na ibinigay sa akin ni Professor. Naku, ilang araw din akong tengga ha. Naiinggit na nga ako kay Jasmin dahil lagi siyang busy samantalang ako pahiga higa at nakikipag usap lang sa ibang mga tao doon. Kilala ko na silang lahat at kaibigan na. Sa ingay ko ba namang ito, wala akong pinapalagpas na kaibiganin. Haha. Narito na kami ngayon sa basement at inihahanda ang kotse na gagamitin namin. Dalawang kotse ang gagamitin dahil kasama din namin si Chuck , Gerald at Gavin. Mga may kaalaman din kase sila pagdating sa pagmemekaniko kaya naman malaking tulong sila. Nang masiguradong handa na ang lahat ay dali-dali na kaming umalis. Nakaabang naman si Dan noon sa gate upang isara ito. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Medyo delikado at the same time thrilling. Dala ko ngayon ang sumpit at armor ko, mahirap na baka mapasabak kami mamaya. Kasama ko ngayon itong si Jared at Sab sa kotse habang nasa kabila naman sila Chuck, Gavin at Gerald. Napapaisip parin ako sa islang sinasabi nila "Hope Island" meron bang ganoon? Mabuti pa ay mag usisa. "Yung Hope Island, totoo yon?" "Ewan ko ba dito kay Jared, sure daw siya eh. Hoy totoo ba iyon? Baka tinotokis mo kami ha" ang angas manalita nitong si Sab ah. Pasiga siga na. "Hoy, Sab. Kelan ka pa natuto ng ganyang pananalita ha. Hahaha" nakakatawa kaseng marinig siya na magsalita ng tinitokis. Inglesera kase iyan noon. Buti nga nagtatagalog na. Tinignan lang ako ng masama ni Sab. "Oo nga, pangaralan mo nga yang kaibigan mo. Puro jeje words lumalabas sa bibig." natatawang sabi naman ni Jared. "Kanino pa ba ako matututo eh isang tao lang naman ang lagi kong kasama duh." bigla naman akong napangiti. Bakit ba nagbreak itong dalawang ito eh ang perfect nila tignan. Pero parang may something parin sila. "So sinasabi mong sa akin ka natuto ng kajejehan? Hoy fyi.." hindi ko na pinatapos pa itong si Jared lumalayo na kami sa topic. "Ehem. Masasagot pa kaya 'yong tanong ko?" napatingin naman silang dalawa sa akin. Ang haharot eh may tinatanong ako. "Ano na nga ulit iyong tanong?" hay naku talaga. Oo nga pala, ayos na kami nitong si Jared. Noong nakaraan kase ay ang cold ng pakikisama niya sa akin at iyon pala ay dahil nagseselos si mokong. Nagseselos daw siya sa amin ni Sab. Binatukan ko nga siya noon dahil sa sinabi niya. Ipinaliwanag ko sa kaniya na magkaibigan lang talaga kami at si Jasmin ang gusto ko. Wews. Pero diba parang same mood sila noon ni Jasmin at napapansin ko na everytime na nakikita niya kaming magkasama ni Sab ay nagiiba ang mood niya. Hindi kaya.... Ay hindi, never yun magseselos. Wala naman siyang gusto sa akin. :( "Ah iyon ba. Oo totoo yon" bigla naman akong natauhan ng sumagot si Jared. "Paano mo naman nasabi na totoo, aber?" itong si Sab talaga. Mga sagutan din eh. "Eh ano. Basta, totoo yon" bigla namang parang umatras ang mukha ni Jared. May hindi siya sinasabi sa amin. "Ako pa talaga paglilihiman mo ha, sige na sabihin mo na" napansin ko kaseng parang nahiya siya at may ayaw siyang malaman namin. Nakatutok na kami ngayon sa kaniya at naghihintay ng sagot. "Actually, I know that place kase....(buntong hininga) samin iyon" pagkasabing pagkasabi niya noon ay talaga namang napabagsak ang mga panga namin sa lupa. Medyo OA, sorry. Pero seryoso, napanganga kami ni Sab sa sinabi ni Jared. May isla sila sa Pilipinas at ang ibig sabihin noon ay sobrang yaman ng pamilya nila. Grabe, hindi kami makapaniwala ni Sab na itong katabi namin ay sobrang yaman pala. Hindi din alam ni Sab dahil kahit noong sila pa ay gusto lang ni Jared na makilala siya ni Sab bilang ordinaryong tao. Wala na siyang nagawa noong pilitin namin siyang magkwento pa. Nagpresinta pa akong ako na ang magdrive kaso binatukan lang ako ni Jared, ang kulit. Haha Ang pamilya nila noon ay ang may ari ng isang leading company pagdating sa construction supplies. Kaya din siya ang Civil Engineering ay dahil siya na ang mag mamana noon. Nag iisang anak siya kaya naman mataas ang expectation sa kanya. Kaya pala matured na siya at seryoso sa buhay, medyo makulit lang din minsan. At nang itanong naman namin kung magkano ang bili sa isla, naku lahat na ata ng pwedeng lumuwa eh lumuwa na sa amin. Masyadong nakakalula ang presyo. Halos 20 mins lang ang byahe namin kase malapit lang naman. Problema lang ang mga inikutan namin kase hindi pwedeng diretso lang at may mga nakaharang sa main road. We need to take a detour. Nang makarating kami ay agad naman kaming kumubli at nagmasid. May isang silid doon na naisaayos na daw noon nila para sa gagawing pagkukumpuni. Ang poproblemahin nalang ay kung paano namin maisasagawa ng matahimik ang pagkukumpuni. Agad ko namang sinuri ang yacht na nasa harapan namin ngayon. Medyo may kalawang na ito, pumasok ako sa loob at maraming mga sirang piyesa. Tantya ko ay aabutin kami ng isang linggo upang makumpuni ito. Hindi naman nagreklamo ang mga kasama ko dahil talaga namang malaki ang pinsala. Nairaos naman namin ang araw na iyon ng walang zombie encounter. Medyo makakahanda naman kami kung sakaling salakayin kami ng zombie dahil malayo palang ay makikita na namin ito. Sobrang pagod ko ngayong araw. Nasa kwarto na kaya si Jasmin? Dali ko namang tinungo ang kwarto namin ngunit wala pa siya. Siguro kasama pa siya ni Professor. Naabutan ko naman si Sabrina sa pasilyo kaya tinawag ko siya. "Sab!" "Ay Sean tamang tama. Pupunta kase ako ngayon sa mini-garden dito. Gusto mong sumama?" pag aaya niya. Teka mini-garden? Ibig niya bang sabihin... "Mini-garden?" kailangan kong makumpirma. "Oo, yung tagong pinto doon sa dulo. May mini-garden don" confirmed. Hays, akala ko pa naman ako pa lang ang nakakatuklas noon. Iyon ang lugar na pinuntahan ko noong hinanap ako ni Jasmin at pinagsusuntok sa dibdib. Napasimangot naman ako at dama ang pagkadismaya. "Don't tell me, nakapunta ka na don" napansin kase ni Sab ang pagkadismaya ng mukha ko. "Oo, akala ko ako ang unang nakatuklas" nakapout kong sabi. "Naku, naku. Kawawang Sean umasa. Haha. Ano ka ba, sa tagal na namin dito eh syempre kabisado na namin ang lugar na ito" pang aasar niya sa akin. Nilapitan niya ako at inakbayan habang hinihila. Napatawa naman ako sa ginawa niya dahil para siyang nakalambitin sa leeg ko, ang liit niya kase. Haha. W O W Second time ko na dito pero naamaze parin talaga ako. Ang ganda ng pagkakaarrange ng mga halaman dito eh. Si Jared daw ang originally nakatuklas ng lugar na ito. Actually buong second floor ay open area at may mga damo at halaman sa paligid. Pero dahil nga sa risk na baka makapasok ang zombie ay isinara ito. Kalaunan ay gumawa si Jared ng maaaring gawing harang para kahit papaano ay magamit kahit konting espasyo lang nito dahil maganda daw itong pahingahan. Bigla naman akong nanginig sa takot ng napadungaw ako sa baba. ANG DAMING ZOMBIES! Tinawanan lang ako ni Sab. So okay lang sa kanya na maraming abangers sa baba at kung may mahulog man ay siguradong buto lang ang matitira dahil mukhang gutom na gutom itong mga zombie. "Tanga lang ang mahuhulog jan, tignan mo nga na kung hindi sasadyaing tumalon ay hindi ka naman malalaglag, OA" aray naman don sa tanga part. Oa na kung Oa kinabahan lang ako eh. Overall maliban sa dungaw part ay napakaganda nitong lugar na ito. Naupo na muna kami ni Sab sa isang bench doon. Saglit lang naman at bigla itong tumayo at nagtungo sa isang sulok. Nagulat ako ng makita ang kinuha niya. Beer in can. Wow ngayon lang ata ako ulit makakatikim ng ganito. Tinanong ko pa kung saan at paano sila nakakuha ng ganito. Ngunit pinilosopo lang ako, kesyo sa market daw ano sa tingin ko. Tabasin ko na kaya dila neto, joke baka mabugbog ako ni Jared. Ilang minuto din kaming di nagsalita hanggang sa. "Alam mo ba kung bakit kami nagbreak ni Jared noon?" si Sab ang nagsalita. Mag se-share ata siya, well you've come to the right person, Sab. "Bakit nga ba?" "Alam mo naman na graduating tayo that time diba, busy ako sa thesis ko at ganoon din siya. Halos hindi na kami makapag usap ng maayos dahil sa time management. Naiintindihan ko naman yon hanggang sa isang araw ay nakita ko siya sa isang fastfood na may kasamang isang babae." "Ano? Nambabae si Jared?!" tinakpan niya naman ang bibig ko, napalakas ata sigaw ko. Eh kase naman. "OA ka nanaman, makinig ka muna kase" naiinis na ata siya. "Sorry, continue" napapeace sign nalang ako. "So ayun na nga, ako etong si eskandalosa. Edi sinugod ko ngayon silang dalawa. Sinampal ko ng napakalakas si Jared noon sa harap ng maraming tao. Nagsisigaw pa ako noon na manloloko, thesis pala ha. Babae pala tinithesis niya, baby thesis ganon? Mga banat ko pa noon. Pagkatapos ay hindi ko na siya hinayaang mag explain dahil umalis na ako, hindi niya narin ako nahabol dahil siguro sa gulat" "Dahil lang doon nagbreak na kayo?" tanong ko. Parang ang unfair naman sa part ni Jared if yon nga ang dahilan. Ni hindi manlang siya nakapagpaliwanag. "Oo. Tapos ilang araw ang lumipas hindi na talaga niya ako tinext hanggang sa nalaman ko na pinsan niya pala iyong kasama niya noon sa fastfood." bigla naman akong napatitig sa kaniya. Ano? "Iyan kase ang hirap sa inyong mga babae..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinandilatan ako. Scary ng konti. "I know mali ako. Pero syempre when you love someone you open up your heart, when you love someone you may grow" ilang segundo rin bago ko marealize. Kaya pala tatawa tawa itong si Sab. "Joker ka ba?" sarcastic kong tanong sa kanya kase sobrang corny ng joke niya na yon. Hinampas niya tuloy ako sa braso. Wag niya na sana ulitin magjoke. Haha. "Pero mahal mo pa?" seryoso kong tanong. Hindi man niya sinabi in words pero tumango siya and that means, yes. "Edi, tell him. Na mahal mo pa siya at nagsisisi ka sa padalos dalos na action mo dati." payo ko sa kanya. "Hindi naman ganoon kadali iyon eh. Noong nagkita nga kami dito noon eh bihira kaming mag usap. I want to make up with him pero hindi ako marunong kaya ayon inaaway ko nalang." "Ikaw pa talaga nang aaway? Lakas talaga ng sapak mo. Haha" grabe talaga itong babaeng ito. "Paano ba kase manuyo?" is she trying to learn that from me? Well expert ako jan. "Madali lang yan, kung hirap ka through verbal. Why don't you express it physically." "How?" medyo naguluhan ata siya sa sinabi ko, well ako din naguluhan. Grrr. "I mean kase diba actions speaks louder. Kung nahihiya ka edi iparamdam mo nalang" at iyon na nga po isang mahabang paliwanagan ang naganap. Sabi ko na wag lang gawin ang mga panunuyong ginawa niya sa akin noon dahil major turn off yon sa mga lalaki, nakakalalaki kase na babae ang nagfifirst move, gets? Inabot na kami ng sunset dito, grabe the best spot ito para sa sunset. Sobrang ganda. "Nga pala, anong plano mo. Christmas na sa isang araw" sabi ni Sab. What?? "Anong araw na ba ngayon?" hindi ko namalayan ang araw at buwan. December na? "December 23 ngayon" Jasmin's Point of View "Chuck nakita mo ba si Sean?" agad kong tanong nang makita ko si Chuck sa pathway. "Ha? Hindi eh, nawawala ba ulit?" "Hindi naman. Tinatanong ko lang, if ever nakita mo" bigla naman akong nginitian ng nakakaloko ni Chuck. Ano bang trip neto. "Uy namimiss nya na agad. Crush mo 'no?" agad ko naman siyang hinampas sa braso at tinakpan ang bibig. Brutal na kung brutal pero ang lakas ng pagkakasabi niya baka may makarinig. "Aray.." natatawang reklamo niya. "Ang lakas ng boses mo" "Aminin mo na kaseng crush mo si Sean" pagpipilit niya. "Tumigil ka na nga kakaasar sa akin, bubugbugin na kita" pananakot ko. "Aminin mo muna kase, yieee. Ikaw ha" pang aasar niya. Medyo napapansin na siya ng iba sa lakas ng boses. "Oo na crush ko na, pwede bang tumigil ka na" napatigil naman siya at nginitian ako ng malaki. "Umamin din, haha. Wag kang mag alala the feeling is mutual" sakto namang pagkasabi niya noon ay biglang lumabas sa isang pinto si Sean at hindi siya nag iisa,kasama niya si Sab at magkaakbay pa sila. Ouch. Oo crush ko na ata si Sean. Matagal na , simula noong bigyan niya ako ng chocolate sa dati naming bahay sa Cavite. Ewan ko ba pero i felt special that time. Sa munting pagligtas ko sa kanya ay naappreciate niya. Sa simula ay interesado lang ako sa kaniya. Nacurios ako kung anong klaseng tao siya, paano niya agad nakuha ang loob noon ni tatay. I observed him. Ang daldal niya sobra na tipong hindi ka mapapanisan ng laway. Pero kahit ganoon siya ay alam kong sincere at totoo ang mga sinasabi niya, minsan may jokes. I observed more hanggang sa nahulog na ata ako ng tuluyan. His kindness, appreciativeness, jolliness and handsomeness makes my heart flutter so much. Akala ko parehas kami ng nararamdaman noong sinabi niya sa akin na siya ang gawin kong dahilan upang mabuhay dahil kailangan niya ako at mahal niya ako. But it turns out patibong lang iyon upang hindi ko ituloy ang pagsusuicide noon. I understand him naman, he just wanted to save me. Naging maliwanag sa akin ang lahat ng dumating kami dito and he met Sabrina, "his long lost bestfriend" halata namang may something silang dalawa. Tss. Magsama sila. Hindi ko naman inexpect na masusuklian itong nararamdaman ko eh. Hindi ko lang akalain na ganito pala kasakit makita ang taong gusto mo na kasama ang taong gusto niya. Ngayon ay papalapit sila sa amin at nagtatawanan pa. Tumingin ako sa mga mata ni Chuck at sinagot ang pahayag niya kanina. "Mutual? ASA!" Sean's Point of View "Hoy, Jamsin. Wait lang" ang bilis kase maglakad may itatanong ako eh. Kakatapos lang ng dinner namin. Kanina pa niya ako hindi pinapansin. May nagawa nanaman ba akong mali? "Kamusta misyon niyo ni Professor? May improvement ba?" masaya kong tanong sa kaniya. "Okay lang" wow ang tipid ng reply. Di ako susuko. "Ako ba hindi mo tatanungin ang araw ko kanina sa pantalan?" patalon talon pa akong parang bata. Nakarating na rin kami sa kwarto at agad siyang dumiretso sa kama niya. "Pasensya na Sean, pagod kase ako eh. Goodnight" sabay humiga na siya at nagsimulang matulog. Ako naman itong naiwang nakatanga. Hala, may nagawa nanaman ba ako? Anong nagawa kong mali? Tsk. Kinabukasan ay ganoon pa rin siya, hindi parin ako pinapansin. Hindi muna kami nagpunta sa pantalan dahil nga bisperas ng pasko at kahit na delubyo na ang humagupit sa amin ay namumuhay parin ang pagkaPilipino namin. We will find joy no matter how painful we get. It's a Pinoy spirit at nananalaytay na ito sa ating dugo. Proud Pinoy, nyoinks. May problema pa pala akong dapat ayusin. Tinatry ko na talaga ang lahat para makipag bati sa kaniya kahit hindi ko alam kung anong nagawa ko pero ang tipid talaga ng mga reply niya everytime na inaapproach ko siya. "Sean, samahan mo nga ako sa storage. May mga kukunin kase akong malaking bagay, sigurado akong magugustuhan mo" bigla naman akong nilapitan ni Sabrina para humingi ng tulong. Mukha namang naexcite ako sa kung ano mang bagay ang kukunin namin kaya agad akong sumama. Nang makarating kami ay talagang natuwa ako ng makitang Christmas Tree pala ang kukunin namin. Hindi lang iyon dahil meron ding maraming pansabit. Wow ang gaganda at ang babago pa. Halatang mamahalin. Sinimulan naman namin agad ni Sab ang pagtatayo ng Christmas tree ng makabalik kami. Kaming dalawa lang ang nagtayo dahil busy ang iba sa iba pang gawain. Nagbabatuhan pa kami ni Sab ng mga Christmas balls ng bigla akong mapatingin kay Jasmin, nakatitig siya... Sa amin ni Sab? Teka naluluha ba siya? Bigla itong umiwas ng tingin sa amin at tumalikod. Nagsimula na itong maglakad palayo kaya naman agad akong tumayo upang habulin siya. Medyo malayo na kami sa iba pang kasamahan ng maabutan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya at iniharap sa akin. "Jasmin? Okay ka lang? Anong nangyari. Umiiyak ka ba?" akmang pupunasan ko ang luha niya ng bigla niya akong inunahan, siya mismo ang nagpunas ng luha niya. "Okay lang ako, ano napuwing lang" sagot niya. "Sigurado ka?" paninigurado ko. Tumango siya bilang tugon sa akin. "Sigurado ka bang okay ka lang? Kung puwing lang yan, Eh bakit dalawang mata?" pangungulit ko. Mukhang hindi naman siya napuwing. "SINABI NANG OKAY AKO EH, BUMALIK KA NA DOON.... SA SABRINA MO!" nagulat ako ng bigla niya akong sigawan. Ilang segundo bago ako makasagot "Ha? Sabrina ko?" medyo maguguluhan kase ako sa part na iyon. "Oo Sabrina mo, ituloy mo lang pakikipaglandian mo doon!" wait, I'm confused. "Anong pakikipaglandian? Hindi ako nakikipaglandian kay Sab" "Kaya pala Obvious ang paghaharutan niyo sa pagtatayo ng Christmas Tree kanina!" "Ay iyon ba? Ito naman, hindi landian yon. Magkaibigan lang kami ni Sab, tsaka isa pa, kay Jared na iyon. Ikaw ha, issue ka" siniko ko siya sa braso. Hindi ko kase alam ang gagawin, paano ba kase ito. "Nakuha mo pa talagang magbiro sa seryosong usapan? Yan ang hirap sa iyo Sean, lahat nalang akala mo biro, biro, biro. Puro ka nalang biro, jan ka na nga" galit na siya. Sabi ko na eh, ano bang kailangan kong gawin. Gusto ko rin naman magseryoso kaso hindi ko kase talaga alam irereact ko. Ayokong mamisinterpret niya kami ni Sab in a way na hindi awkward pag sasabihin sa kaniya kaya idinaan ko sa biro. Nakalayo nanaman siya sa akin kaya hinabol ko siya ulit at iniharap sa akin. "Sorry, bakit ka ba nagkakaganyan? Kahapon mo pa ako hindi kinakausap ng maayos, may nagawa ba akong mali? Gustong gusto kong magkaayos na tayo pero hindi ko alam kong paano dahil hindi ko alam kung anong nagawa ko." "Hindi mo alam? Pwes kahapon, magkaakbay lang naman kayong lumabas sa isang pinto, ang saya niyo pa nga eh. Hindi pa nakontento sa maghapong bonding sa pantalan kaya hanggang dinner kayo parin dalawa magkasama?" teka teka, anong kinalaman non. Tsaka anong mali doon? "Ha? Anong mali ko doon?" naguguluhan talaga ako. "Ganyan ka ba talaga kamanhid ha, Sean?..... NAGSESELOS AKO!" Pagkasabi niyang iyon ay hinikit niya ang braso niya at tumakbo na palayo sa akin. Naiwan naman akong naistatwa sa kinatatatuyan ko. NAGSESELOS AKO! NAGSESELOS AKO! NAGSESELOS AKO! NAGSESELOS AKO! Hindi ko alam pero habang nageecho ang mga salitang iyon sa aking isip ay hindi ko mapigilan ang mga ngiti sa aking labi. Nagseselos daw siya, totoo ba iyon? Hindi ba ako nabingi lang ? Kung ganoon. Does that mean, she likes me too? WAAAAAAHHH ^_^ - - -
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
guds
07/07/2022
0nice
02/07/2022
0Ang gandaaaaaa😍
01/05/2022
0Tingnan Lahat