Homepage/NAKATAGONG MATA NI LUISA/
IKA-WALONG SULYAP
ANG MGA DATING ALA-ALA
Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang aming kapitbahay sa tapat. Nakapangalumbaba ako sa silyang bakal habang hawak-hawak ang sulat na iniwan ni Manong load at nakatanaw sa kanilang bahay. Tatlong araw na rin ang lumipas nang mangyari ang kanyang pagpapakamatay, at nasabi ng lalaking matalik niyang kaibigan na ibinebenta na raw ang bahay at ilalagak sa isang tahanan para sa mga matanda ang pera, dahil sa wala naman silang anak at maging mga ka anak ay nilimot na sila. Iyon daw kasi ang bilin rin ni Manong load, at may naiwan rin siyang iba pang dokumento na para naman sa kanyang nag-iisang matalik na kaibigan.
Panay ang silip ko sa kanilang bahay, umaasang matatanaw ko ang kanilang mga kaluluwa.. Ngunit wala na. Biglang pumasok sa aking isip ang batang nagtitinda ng dyaryo at ang babaeng marungis. Nakaligtaan kong saglit ang kanilang mga pangangailangan.
"Haist! Oo nga pala.." sambit ko.
Muli ko kasing napanaginipan kagabi ang kaluluwa ni Maggie. Pilit niya akong pinapupunta sa lugar kung asaan sya. Ngunit 'di ko makita ang kanyang ID na tanging aking pag asa. Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang biglang lumabas ang Ate Elena. May dala siyang isang kahon na puro lumang papel ang laman. Mga bill ng ilaw, telepono, tubig at kung ano-ano pa.
"Tingnan mo.." habang inaabot ang isang lumang litrato.
Akin namang tinitigang mabuti ang litrato, at nanlaki ang mga mata ko sa kung sino ang aking nakita. Si Maggie at isa pang babae ang nasa picture.
"Si--sino 'yang mga yan Ate Lena?!" ang tanong ko.
" 'Di ko alam eh, nakita ko lang ito sa ilalim ng aparador niya.. Mukhang tinatago eh.." sagot nito.
Kinuha ko ang litrato. Isang magandang babae ang katabi ni Maggie. At kamukha ito ni Kuya Jigs.
"Hindi kaya... Ito 'yung kapatid niya?" tanong ko.
Tumango naman si Ate Elena at sinabing..
"Puwede.. Kamukha niya eh.."
Tiningnan kong mabuti ang litrato. Tila wala pang ilang taon mula nang kinuha ito. At kung 'di ako nagkakamali ay ang kamera sa kuwarto ang ginamit rito. Sandali pa at..
"Luisa tingnan mo 'to.."
Ipinakita ni Ate Elena ang isa pang litrato na kasama ni Kuya Jigs si Maggie at magkayakap pa ang mga ito.
"Palagay ko dati niyang nobya 'to.." sambit ni Ate Elena.
Napatingin lang ako sa kanya. Nabakas sa mukha niya ang kaunting selos. Ngunit ako naman ay may pag- aalinlangan. Inisip ko tuloy na konektado si Kuya Jigs sa mga kaluluwang nararamdaman ko rito sa kanyang bahay. Natahimik ako dahil sa aking mga iniisip.
"Hoy! Natulala ka na!" gulat ni Ate Elena sa akin.
"May.. Maynaisip lang kasi ako 'te.." sagot ko.
Ang totoo ay gusto ko na sabihin kay Ate Elena ang mga nangyayari sa akin, baka kasi ako ay mabigyan niya rin ng tulong. Ngunit nagdalawang isip ako dahil, baka pati siya ay magulo. May naglalaro kasing mga bagay sa isipan ko na nagsasabing, may koneksyon ang kanyang asawa.
"Luisa ikaw na nga ang magtapon ng mga basurang 'yan! Kumukulo lang ang dugo ko at baka kung ano pa ang maipakain ko sa mga 'yan!" inis na sambit ni Ate Elena at sinabayan ng layas.
Nagseselos siya.
Akin namang kinuha ang kahong iniabot niya. Sinilip ko pa siya pagpasok at nang makita kong sa kuwarto ito dumiretso ay agad kong isinuksok sa aking short ang ilang litrato at saka tumayo upang itapon ang kahon sa plastic na kulay itim na nakatambak sa likod namin. At pagtapos ay agad din akong umakyat upang busisiin naman ang aking mga isinubi.
Pagpasok ko sa kuwarto ay inilabas ko ang mga litrato. Isa-isa ko itong tiningnan. Halos lahat pala ay puro kuha ni Maggie at ni Kuya Jigs, at kung ako ang asawa ay talagang magngangalit ang mga bagang ko at puputok halos sa selos. Ngunit 'di rin naman kasi alam ni Ate Elena na ang pinagseselosan niya ay patay na.
Nadampot ko ang isang litrato ng babaeng kamukha ni Kuya Jigs. Maputi ang babae na may pagka- chinita. Sigurado akong ito ay kapatid niya. Ngunit nagulat ako sa aking sumunod na nakita.
Ang apat na lalaking kasama nila sa isang kuha nila ay pamilyar sa akin.
"Pa--parang nakita ko na ang mga ito.." bulong ko.
Nangilabot ang aking buong katawan nang maalala ang lahat.
"Oo! Nakita ko na sila! Sila 'yung mga lalake sa panaginip ko! Iyong may dalang sako!"
Pagkabigkas ng mga yon ay biglang nagcrack ang salamin ng cabinet kung saan naroon ang camera. Ang camera ng kapatid ni Kuya Jigs. Bigla ring lumamig ang hangin sa aking paligid nang maagaw no'n ang aking atensyon.
Lumalakad na ang kilabot sa buong katawan ko, may tila isang nilalang na ayaw sa ginagawa ko.
"Bakit? Bakit ganito ang ginagawa mo?" aking tanong sa hangin.
Waaag..
Ang malamig na bulong ng hangin sa aking punung tenga.
Marahan kong nilapitan ang camerang nakatabi. Hinaplos ang salaming may mga crack at..
Crashk!
Nagbagsakan lahat sa aking harapan ang mga salaming may lamat. Lumaglag ito sa aking mga paa at inabot ako ng isa at nagalusan nito.
"Ah!" impit na pagdaing ko.
Tok! Tok!
"Luisa?! Ano iyan??!!" sigaw ni Ate Elena mula sa labas ng aking pintuan.
Dumudugo na ang sugat ko. Gustuhin ko mang 'wag sumagot ay 'di ubra dahil kailangang malinis ko ito, at isa pa ay.. Paano ko ipaliliwanag ang nagkalat na basag na salamin ng cabinet na pinaglalagyan ng camera.
Binuksan ko na ang pinto.
"Ano iyan?! Ano'ng nangyari diyan?!" gulat na tanong ni Ate Elena.
Sumagot naman akong..
" 'Di ko alam 'te! Bigla na lang nagkalamat sabay nagbagsakan eh!" sagot ko.
Mabuti na lamang at agad ko naitago ang mga litrato. May mga tanong pa kasi sa aking isip na kulang pa ang mga sagot.
"Hugasan mo na 'yang sugat mo!"
At bumaba na muna ako upang linisin ang sugat ko. Sugat na nilikha ng kaluluwang nagbasag ng sarili niyang gamit.
***
Hindi kumikibo si Kuya Jigs nang dumating siya at nakita ang nangyari. Alam kong kahit papano ay may galit siya, ngunit wala naman talaga akong kasalanan, 'yung nga lang ay talagang 'di ko maipaliwanag ng maayos sa kanya ang pagkabasag nito na tanging ako lamang ang nakasaksi.
"Wala kaming kasalanan diyan! Bigla na lang bumagsak 'yan." mataray na sagot ni Ate Elena.
Tumingin sa kanya ang Kuya Jigs at..
"Wala naman ako sinabing kasalanan niyo.." malumanay namang sagot nito.
"Kasi wala kang kibo! Ibig sabihen galit ka!" sabi ng Ate Elena bago sinabayan ng layas.
Naiwan kaming dalawa ni Kuya Jigs sa aking silid, na silid ng kanyan kapatid.
"Haay.. Pasensya na Luisa, wala naman talaga akong ibig sabihin eh.." kanyang paumanhin sa akin.
Ngumiti lamang ako. Ngayon ang tamang oras para maitanong ko sa kanya ang aking mga nais malaman. Dahil alam kong makakatulong siya sa akin. At siguro ay siya ay aking matutulungan din.
"Ah..Kuya, kung 'di niyo po mamasamain eh.. Puwede ko po bang malaman kung ano ang ikinamatay ng kapatid niyo?"
Nagulat siya sa aking sinabi. Wala talaga kasi siyang nabanggit sa akin na patay na ang kanyang kapatid.
"Pa--pasensya na Luisa... Pero, 'wag na nating pag usapan 'yun.." sagot niya kasabay ang pagtalikod sa akin.
"Naramdaman ko po kasi siya, at madalas niya po akong paglaruan.."
Napahinto siya sa paglalakad palabas na sana.
"Ikaw rin?" tanong niya sa akin.
"Baka makatulong ako Kuya, ramdam ko na 'di pa siya tahimik.." muling sambit ko.
Bumalik siya paloob ng kuwarto at naupo sa aking kama. Na kama ng kapatid niya.
At..
"Ang totoo ay... Hindi pa talaga siya nakikita Luisa.." malungkot na bulong niya.
Inalis niya ang kanyang salamin sa mata at napansin kong may pinupunasan siya.
"Halos magdadalawang taon na siyang nawawala.."
"Hindi ko alam kung buhay pa ba siya o patay na talaga.."
Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha niya.
Lumapit ako sa kanya upang tumabi.
"Minsan napapanaginipan ko siyang nandito sa bahay at dinadalaw ako.. Sa ganoong pakiramdam ay alam kong talagang wala na siya pero --- sana kahit na katawan man lang na pinaglamayan eh may nakuha ako, kaso wala eh..Wala kahit na ano! Huhu.." malungkot niyang kuwento.
Nalungkot naman ako sa kanyang sinabi. Ngunit kahit minsan ay walang ipinakitang senyales sa aking ang kaluluwa ng kanyang kapatid, kung'di ang puro galit lamang niya sa pagtuloy ko at paggamit ng kanyang kuwarto.
Naisip ko biglang itanong si Maggie.
"Eh, Kuya...'Yung isang babae po na kasama niyo sa litrato? Sino po 'yun?"
Napalingon siya sa akin. Tila nabigla sa aking sinabi.
"Ba--babae?"
"Opo.. Iyong kayakap niyo sa litrato?" at di ko na nga napigilan ang aking sarili. Nagtuloy-tuloy na ang paglabas ng lahat.
Sa kabila ng aking usisa ay wala siyang ibinalik kahit iling bagkos isang blangkong tingin ang aking napansin.
***
Habang nasa kabilang kuwarto ang dalawa ay nasa kuwarto naman nila si Elena at panay ang busa.
"Nakakainis talaga! Pakainin ko kaya bubog to!" kanyang inis na sambit.
Habang nakatalikod siyang nakaupo sa kanilang kama ay 'di niya nararamdamang may nagtatangkang lagim sa kanya. Isang babaeng mahaba ang buhok ang unti-unting papalapit sa kanya habang nakalikod siya.
"Huh?"
Nagulat siya sa isang malakas na lundag sa kanyang kama na halos ikatilapon niya na.
"Ano ba 'yun? Jigs?"
Nilingon niya ang kama at wala naman siyang nakita.
"Bakit...?!"
Hindi pa man niya naipapaling ang mukha ay biglang sumulpot ang isang babaeng mahaba ang buhok na nakabitin sa kisame.
"Hah?!!"
Hindi niya makuhang sumigaw dahil sa sobrang gimbal. Magkaharap ang mukha nilang dalawa. Kitang-kita niya ang tumutulo pang dugo sa laslas na lalamunan nito.
Unti-unting hinahawakan ng babae ang kanyang mukha, hanggang sa maabot na itong tuluyan at pilit na ibinubuka ang kanyang bibig.
"Agh! Agh! Aaggh!!"
Pilit niyang inilalaban ang kanyang panga, ngunit sadyang napakalakas ng may hawak sa kanya. At maya- maya pa ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
Unti-unting lumalabas ang mahabang dila nito at sa bibig niya ang tungo.
"Um! Um!"
Ang tinig na tila siya ay nabubulunan na, dahil ang kaninang mahabang dila na nasa harapan niya ay nasa loob na ng bibig niya ngayon at pilit gumagapang patungo sa kanyang lalamunan.
"Ummm!!"
Hanggang sa..
"Huh?!" nagising siyang bigla.
"Nakatulog na pala ako agad!" sabi ni Elena.
Agad niyang hinawakan ang kanyang bibig maging ang lalamunan.
"Ang sama ng panaginip ko.." bigkas niya.
Isang masamang panaginip pala ang gumising sa kanya. Ngunit ang totoong akala niya.
Tumayo siya sa pagkakahiga at nagpunas ng kanyang pawisang mukha. Nang ibaba ang kanyang mga paa upang isuot ang tsinelas niya ay may napansin siya.
"Bakit?? Bakit may putik dito?!"
Ilang bakas ng putik ang nakita niya sa sahig ng kanilang kuwarto. Putik na mamasa-masa pa at medyo may masangsang na amoy. Kinapa niya iyon upang makasiguro.
"Hmp! Ang baho! Tae ba 'to?! May pusa sigurong tumae dito!" inis na sambit niys sabay ang pagsuot sa kanyang tsinelas at nagmamadaling lumabas.
***
Wala pa ring imik si Kuya Jigs sa mga tanong ko. Gusto ko nang sabihin na kilala ko ang babaeng nasa litrato ngunit mas gusto ko munang malaman ang kanyang koneksyon rito. Ayoko rin namang kasi na pangunahan siya dahil alam ko rin na may nakaraan sila ni Maggie, 'yun ang sinasabi ng isip ko.
Bigla na lamang siyang tumayo at lalabas na sana ng kuwarto nang aking mapigilan.
"Sandali lang po Kuya! Gusto ko lang po makatulong.."
Ilang segundong 'di pagkibo niya at..
"Luisa, kung maari sana...Huwag na natin buksan pa ang nakasara.."
Humarap siya sa akin at sinabing..
"Maari ba?" pakiusap niya sabay lumakad na palabas ng kuwarto.
Nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya sa kanyang tinuran. Sabi ko na nga ba at ganito ang kahihinatnan. Mababalewala lang ang lahat siguro kung ipagpipilitan ko. Ngunit paano ang kaluluwa ni Maggie na naghihintay ng aking tulong?
May matuklasan kaya ako sa mga lalaking nakita kong kasama nila sa litrato?
Bigla na namang pumasok ang ID ni Maggie na 'di ko makita-kita. Mas lalo tuloy ako naging interesado sa buhay niya.
An kaya ang malalaman ko?
***
"Wala kayong karapatang manirahan rito! Lumayas ka at ang alaga mo! Huwag na 'wag kayong magkamaling guluhin ang kuya ko! At ikaw?! Hindi ikaw ang tunay na mahal niya! "
"Kung'di si Maggie! Si Maggie lang at wala ng iba!!!"
"Hah! Hah! Hah!!"
Ang habol hiningang balikwas ni Elena sa kanyang higaan. Agad na niyakap ang kanyang nanlalamig na katawan. Nanaginip na naman pala siya.
"Sino 'yon? Ka--kaninong boses 'yun??" bulong niya sabay napatingin sa natutulog na asawa.
Sa probinsya.
Andrea's POV
"Lena!!"
Ang aking sigaw. Napanaginipan ko si Elena na humihingi ng aking tulong.
"Bakit Andrea?!" malambing na tanong agad sa akin ni Carlito.
Sinabi ko sa kanya na may 'di magandang mangyayari sa aking mga alaga. Dahil sa aking panaginip na nagsilbing pangitain ko.
Mabigat ang aking damdamin dahil sa biglaang pag- aalala sa dalawa. Hindi ko kayang may mangyayari sa kanila. Alam kong 'di kakayanin ni Luisa ang mga darating, 'di pa siya ganoon katibay sa ganoong klase katinding kaganapan. Nakikita kong may galit na kaluluwang handang sirain sila. Paano ko kaya ito maipaaabot na maayos sa aking anak?
Kailangan ko na yatang pauwiin ang dalawa..dahil kung 'di ay..
Baka may mapahamak na isa sa kanila..
June_ThirteenI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (90)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Unique story
09/04
0first horror story na nabasa ko dito super ganda deserved ng author ng 5 star ⭐
06/12
0nice story
16/05/2025
0Tingnan Lahat