CHAPTER 7

Picture Frame.
—
Kyler's P.O.V
"Ey what's up." Sabi ko sabay halik sa pisngi ni Yansea.
Nasa may pool area kami ngayon. Kasalukuyang nakalublob ang dalawang paa nito sa may swimming pool habang nilalantakan ang potato chips.
Hinugusan ko ang paa ko sa malapit na gripo saka ako tumabi dito at ibinabad din ang paa sa swimming pool kagaya niya. Guminhawa naman agad ang pakiramdam ko.
"I'm bored, labas tayo?"
Anyaya niya saka tamad na tamad itong nginuya ang kawawang potato chips. Durog durog na ang mga 'yon at kasalukuyang dinudurog ulit gamit ang kaliwang daliri.
Napatitig ako sa mukha nito. Sa reaksiyon palang ng mukha ay mapapansin na wala ito sa mood. Paano kaya ako magkwenkwento sa kanya ngayon kung ganyan siya? Siguro wag nalang.
Bumuntong hininga ako saka hinawakan ang kamay niyang kasalukuyang dumudurog sa potato chips.
Pinagpag ko ang mga chips na nakadikit sa kamay nito. Hinahayaan niya naman ako.
"Nag-away na naman ba ang tita at tito?"
Hindi ito sumagot. Pero base sa pananahimik nito, mukhang 'yon nga ang nangyari.
Tumingin muna ako dito bago nagpasiyang tumayo, dahil hawak ko pa rin ang kamay niya ay napasama siya sa pagtayo ko.
Wala lang naman sa kanya. Kung nasa mood ito siguradong magrereklamo.
Hinila ko siya saka ko dinala ito sa loob ng bahay nila at binaybay ang daan papunta sa kwarto nito.
Mula pagkabata ko ay alam ko na ang pasikot sikot dito sa bahay na 'to dahil dito rin naman ako lumaki, lumipat lang noong nagkandagulo gulo na ang mga magulang namin.
Nasa harap na kami ng kwarto niya nang bitiwan ko siya sa kamay saka binuksan ang pintuan pagkatapos ay maingat na itinulak ko siya papasok ng kwarto niya.
"Magbihis ka, aalis tayo."
Nagliwanag agad ang reaksyon nito saka mabilis na kumilos. Ako naman ay nagpasiyang bumaba sa first floor, sa may sala.
Nakaupo ako at naghihintay kay Yansea ng may mahagip ang tingin ko. Isang picture frame.
Kumuno't ang noo ko dahil bukod kay Yansea ay may isa pang mukha ang pamilyar sa akin mula sa mga taong nasa larawan.
Linapitan ko ang larawan para kompirmahin at siya nga. Napakamot ako ng aking batok.
She's Arianne. Nakasimangot ang mga 'to sa kumuha ng larawan. Sa di malaman na dahilan ay napangiti ako. They're all cute though.
Kung di ako nagkakamali, kuha ang picture na 'to during their arts competition.
Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon dahil nangako ako kay Yansea na papanoorin ko ang laban nila pero di ako dumating.
Mapait akong ngumiti dahil sa araw ring 'yon ko nalaman na may ugnayan pa ang papa at tita Akira.
"Dalawang taon na pala ang nakaraan simula nang mahuli mo ang mama at tito Klaus."
Nahimigan ko ang pait sa boses ni Yansea. Nang tingnan ko 'to ay nakatingin ito sa larawang tinitignan ko kani-kanina lang, nilapitan at kinuha saka hinawakan ng hintuturo ang bawat mukha ng mga nasa larawan habang nakatitig doon.
"Wala akong narinig. Ang alam ko lang ay 'yan ang araw na may atraso ako sayo dahil di ko natupad ang pangako ko kaya naman, babawi ako ngayon. Lahat ng gusto mong puntahan, sasamahan kita."
"Promise?"
"Promise. Kaya huwag ka ng sumimangot diyan, papangit ka sige ka." Sabi ko sabay ngisi dito. Pero nagkibit balikat lang 'to at maingat na ibinalik ang picture frame sa dating kinalalagyan.
"Ikaw, sina mamila, dadilo at sila na lang ang meron ako. Ang mama at papa ay di ko alam kung saan sila naka lugar sa buhay ko."
Walang buhay nitong sabi at nauna na 'tong naglakad palabas ng bahay nila.
"Tita and Tito loves you, that's for sure."
Nakita kong nagkibit-balikat lang ito at di nag-abalang sumagot o lumingon, dere-deretso lang 'to. Samantala, ako naman ay ilang sandaling ibinalik ang tingin sa picture frame, particularly to Bazi's half sister.
Ang liit ng mundo. Mukhang di lang magkakilala si Yansea at ni Arianne o magkateammate lang, sa itsura nila sa larawan nila at kung paano nakadisplay ang picture nila sa bahay nina Yansea ay nagpapatunay lamang na mahalaga ang mga 'to sa kanya, ibahin mo pa ang mga salitang binitiwan niya kani-kanina lang.
Palabas na ako ng bahay ng makasalubong ko ang mayodorma nila. Nang makita ako ay bumati ito sa akin, sinamantala ko naman ang pagkakataon para sabihin ditong aalis kami ni Yansea. Tumango naman ito na tila alam na ang nais kong iparating.
Naabutan ko sa tabi ng kotse ko ang nakasimangot na Yansea.
"What take you so long? Ang init init kaya ng sikat ng araw."
"Kinausap ko pa si nana Helen, para pagdating ng mama at papa mo ay alam nilang kasama mo ako."
Mukhang nagets niya naman agad kung bakit. Kinuha ko ang remote sa bulsa ko at in unlock ang kotse ko, nagmadali namang pumasok si Yansea sa may driver seat.
"Ey! Ey! Ey!..."
Kontra ko sa gusto nitong mangyari. Tinaasan niya lang ako ng kilay pero di 'yan uubra sa akin.
Pinaurong ko siya, ayaw pa nito umurong pero nang magsimula na akong titigan ito at alam niyang di ko siya pagbibigyan ay umirap ito saka umurong din.
"Bata ka pa. Maybe after five years or more, nalang okay?"
"Tsk!" Ang tanging isinagot nito.
Tahimik lang siya, nakatingin sa labas ng bintana. Sa loob ng nakakabagot na traffic at biyahe ay di niya talaga ako kinibo kahit minsan. Nagtatampo 'yan sigurado at ako naman ay halos pigilan ko ang sarili kong wag magsalita ng ano mang salitang pwedeng magbigay ng tiyansa sa kanyang baliktarin ang desisyon ko at baka mapagbigyan ko siya kung saka-sakaling maglambing siya.
"Saan tayo?"
Tanong ko sa kanya ng sa wakas ay nakalampas na kami sa may traffic area pero di ako kinibo.
Naman eh! Nasobrahan ko ata ang pag spoil dito kaya ganyan na ang asta. Tumingin ako ulit dito pero gaya kanina ay sa labas ng bintana ng kotse ang tingin nito.
Saan naman kaya kami pupunta ngayong ganyan siya. Lihim akong napamura.
Abala akong nag-iisip nang pupuntahang lugar nang tumunog ng sabay ang tiyan namin, tanda na gutom na kami, dahil doon ay napangiti ako.
Sa isang resto kami kumain at tulad kanina ay wala pa rin 'tong kibo. Kahit na noong paalis na kami ay wala ni isang salita ang lumabas sa bibig nito.
Kanina ni hindi ako sinagot kung ano ang gusto nitong kainin. Kaya inorder ko nalang lahat ng makita kong sa tingin ko ay magugustuhan niya.
"Kausapin mo naman na ako oh."
Nagpaawa effect pa ako pero wala pa ring epekto dito. Deadma.
Napabuntong hininga nalang ako at ibinuhos ang atensyon sa pagkain ng dumating. Maayos naman kaming kumain pero wala talagang imikan.
Ngayon na pareho kaming nasa loob ng kotse ko at parehong tahimik ay nagpasiyahan kong di kami aalis ng di niya ako kakausapin.
Pero sa huli ako pa rin ang sumuko rito. Hindi ako sanay na ganito kami. Kasalanan ko rin naman, masyado kong inispoil ito.
"I'm sorry. Please kausapin mo na ako."
Pagsusumamo ko pero hindi niya pa rin ako pinansin. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.
Kanina rin, sa di inaasahan ay nakita ko si Arianne na may kasamang dalawang lalaki at tatlong babae na kasalukuyang papasok ng resto kung saan kami kumakain ni Yansea. Di nila napansin si Yansea bukod sa dumeretso ang mga 'to sa second floor.
"She's your friend right?"
Tanong ko dito at itinuro sila ng palihim gamit ang fork na hawak ko habang kumakain, mukhang nakuha niya naman iyon dahil lumingon ito saglit sa mga ito na kasalukuyang nasa hagdan papuntang second floor.
"So what if she's my friend? Why? Do you like her?"
Supladang tanong niya sa akin at talagang tinaasan pa ako ng kilay, isama mo pa ang mapagusisang tingin nito sa akin ngayon.
"I'm just asking you, bawal ba?"
"Whatever. Iuwi mo na ako."
Hindi pakiusap ang uri ng tono nito kundi utos ang paraan ng paggamit niya ng mga huling apat na salitang binitawan.
Bumuntong hininga na lang ako at nag-iwan ng dalawang libo sa lamesa. Nauna akong tumayo at inalalayan siya palabas ng restaurant, nang nasa parking area na kami ay saka ko isinagawa ang kaninang iniisip ko na wag aalis dito hangga't di niya ako kinakusap pero wala ring nangyari, in the end ako ang sumuko.
Dahil hindi ko naman alam kung saan pa kami pupunta at sigurado akong di na niya ako kakausapin ay iniuwi ko nalang ito sa kanila.
Pagdating namin sa bahay nila ay naabutan naming nagtatalo sina tito at tita. What a scene!
Sandaling huminto si Yansea at walang emosyong nakatingin sa nagsasagutang magulang niya, nang mapansin ng mag asawa ang prisensya namin ay parehong gulat na napatingin ang mga ito sa amin.
"Yansea..a-anak, Ky," Tito Yano said, halata ang pag-aalangan sa boses nito. Ang tita Akira naman ay naupo sa malapit na sofa at humilig doon.
"Ya, paakyat ako ng maleta sa kwarto ko."
Nakita ko kung paano parehong natarantang napatingin ang mag-asawa kay Yansea. Maski ako ay napakuno't noo sa mga binitawan nitong salita.
"Kina mamila at dadilo mo na ako." Sabi ni Yansea at walang hinintay na sagot sa mag-asawa. Nagsimula na itong umakyat sa hagdan at tiyak na tutungo sa kwarto niya.
Mamaya pa ay nakita ko si aling Belen na may bitbit na maleta paakyat. At talagang sinunod si Yansea?!
Hahayaan nalang nila si Yansea na umasta ng ganoon?! Inis na napatingin ako kina tita at tio.
"Tita, tito hindi niyo man lang ba pipigilan si Yansea?"
"What she wants is what she gets, you know it Kyler. By the way, I'm really sorry that..."
"Tito?! What the hell? Kaya ganyan ang asta ni Yansea dahil hinahayaan niyo. Tita Akira, what's happening to the loving and caring mom she knows? Don't tell me, hindi niyo na kilala ang anak niyo? She's trying to get your attention by moving in to Lolo and Lola's home tas hinahayaan niyo lang."
"I... Well, that's what I think is best for her bago pa ang araw ng annulment namin ni Akira. It's hard for her to accept things pero I know, maiintindihan niya rin pagdating ng araw." Tito Yano said.
A what? Annulment?! Napatingin ako kay tita Akira na kasalukuyan palang nakatingin sa akin.
"Is this because of you and dad's affair?"
Malamig pa sa malamig na tanong ko kay tita Akira. Akmang sasagot si tito pero mas minabuting itikom ang bibig.
"I have already told you back then that everything you saw that day is a misunderstanding Ky. Sa nakikita ko ngayon ay mukhang di mo pa napapakawalan ang kinimkim mong galit sa amin ng papa mo sa mga nakalipas na taon base sa reaksyon mo ngayon, pero maniwala ka man sa hindi, mula nang araw na dumating si Yansea sa buhay ko ay wala na akong pagi-big para sa papa mo. Ang annulment namin ng tito mo ngayon ay walang kinalaman kay Yansea, sayo o kahit kanino kundi sa pagitan lang namin ni Yano."
Natahimik ako lalo na ng makita ko ang papatulong luha ni tita Akira. Umiwas ako ng tingin dito at sakto namang nadako ang tingin ko sa pababang si Yansea na may dalang maleta.
Sinalubong ko ito saka kinuha sa kanya ang maleta. Kainis! Punyetang pag-ibig 'yan, nakakasakit ng ulo.
"Ako na po maghahatid sa kanya kina grand ma." Sabi ko at di na hinintay kong ano mang isasagot nila, pero wala. Kainis talaag!
Habang nasa biyahe kami ay nag-iisip ako ng huling hakbang para ayusin ang pamilya namin. Kung di ito umubra, bahala na si san pedrong husgaan sila sa araw ng kanilang mga kamatayan.
"I'm sorry." Biglang sabi ni Yansea.
Napabaling ako rito, nakapikit ang mga mata, ibinalik ko rin agad ang tingin sa harap at mahirap na't baka mapaano pa kami sa biyahe kung malingat ako kahit saglit lang, up and down pa naman ang dinadaanan namin ngayon.
"For what?" Tanong ko dahil di ko alam kung para saan ang paghingi niya ng tawad, para sa pag-iinarte niya sa akin kanina o dahil sa inasta niya sa harap ng mga magulang niya.
"Nalaman ko kay Caroline ang nangyari kay kuya Bazi, alam kong gusto mong magkwento sa akin kanina noong dumating ka sa bahay dahil bihira ka lang namang dumarating maliban na lang kung tatawagan kita, kaya nakaramdam ako pero inunahan kita sa pag-iinarte ko."
"Wag mo ng isipin 'yon. Teka ano kaya magandang pasalubong natin kina grandma at grandpa? May suggestion ka ba?" Pag-iiba ko ng usapan. Nanahimik ito ng ilang sandali bago nagsalita.
"May dadaanan tayong bakeshop diyan pagkaliko, bumili tayo ng hopyang baboy at hopyang ube, paborito nila 'yon."
"Sige, dagdagan na rin natin ng buko pie. Meron ka pa bang idaragdag?"
"Vanilla cake please."
"Alright, samahan ko na rin ng vanilla coffee latte."
Tumango ito sa akin. Ilang sandali pa ay pinarada ko na ang sasakyan sa malawak na bakuran ng bakeshop at saka lumabas ng kotse, di pa ako nakakalayo nang marinig ko ang sigaw ni Yansea.
"Hey Ky, I have my cash."
Di ko nalang ito pinansin at dumeretso sa loob ng bakeshop. Sa counter ay nakita ko ang isang magandang babae, nakangiti ito ngayon kaya mas nadepina ang pantay pantay na ngipin, idagdag mo pa ang maliit na dimple nito.
"Good morning sir. I am Saskia, what's your order?"

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    fuerteschie

    Love it!🫶🫶🫶

    10/12

      0
  • avatar
    Sarah Fernandes

    ❤️❤️

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    09/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata