Special Chapter

Realization.
---
Kyler's P.O.V
“What do you think kuya? Bagay ba sa akin? Kasing pogi na ba kita?” Kylo asked me.
Mula paa hanggang ulo ko siya tinignan. He’s handsome in his leather black shoes, black slacks, white long polo sleeves and a black blazer hanging in his left hand. His hair is cut clean.
‘’Ikaw kuya, kailan ka ikakasal? Ang ate Yansea ikakasal na mamaya, ikaw ni girlfriend wala.’’ Ang kapatid ko na siyang dahilan at nanumbalik ang diwa ko sa kasalukuyan.
‘’Hindi naman ako nagmamadali Kylo. Hindi ko alam kung may iba pa bang kayang palitan si Agie dito sa puso ko.’’
‘’Ikaw na rin ang nagsabi kuya. Hindi ka nagmamadali. Huwag mong pilitin ang sarili mo at mas lalong huwag kang magsasalita ng di pa tapos. Tignan mo si ate Yansea, last year ang sabi niya ay hinding hindi siya makikipagbalikan pero heto at ikakasal na sila.’’ Nakangiti pang sabi ng kapatid ko.
Ang kapatid ko ba talaga ito? Nasaan na ang pagiging playboy nito? Ano kayang dahilan at ganyan na siya kung mag-isip, nakahanap na ba ito ng katapat? Lihim na lang akong napangiti sa naisip.
‘’Narinig kong pinag-uusapan niyo ako ah. Sandali nga, tingnan niyo nga kung ayos na ba ang itsura ko.’’ Si ate Yansea na lumabas sa dressing room nito.
Sinuyod ko siya ng tingin. Maayos na naka-beaded flower crown gaya ng narinig kong sinabi ni Jasmine kanina. Ang veil ay konektadong nakatali sa flower crown sa likod. Bagay sa kanya ang light make up na ginawa ni Krystel, maputi si Yansea kaya naman mapapansin agad iyon. Ang white celestial gown na pinasuyong pinakuha sa akin kanina na siyang dinaanan namin ni Kylo doon sa boutique ng pamilya nila Caroline ay bumagay sa kanya, sigurado ako na puti din ang high heels nito.
‘’What now? I am pretty? You guys making me more nervous.’’ Litanya sa amin ni Yansea na siyang ikinibit balikat lang naming magkapatid.
‘’Nothing to worry about, Yansea. Everything looks good on you.’’ Papuri ko rito.
‘’More than gorgeous ate Yansea, kung kasing ganda mo ang magiging bride ni kuya balang araw ay sa tingin ko magkakasundo kami.’’ Hirit ng kapatid ko na siyang ikinatawa na lang namin ni Yansea.
‘’Ah excuse me ma’am, the ceremony will start at five minutes.’’ Pagpapaalala ng wedding coordinator na siyang tinanguhan ni Yansea. Nagpaalam na siya sa amin, inalalayan siya ng babae. Kami naman ni Kylo ay dumaan sa backdoor para makapunta agad sa venue.
Kasalukuyang naglalakad si Yansea kasama ang tito Yano na siyang nagpangiti sa akin. Sa paggala ng aking mga mata ay nakita ko si mama na nakahawak sa braso ni papa at si papa ay nakayakap na kay mama.
‘’Matagal kong hinihintay ang pagkakataong ito. Ang isang ina na makita ang anak niyang ikinakasal sa taong mahal siya at mahal nito ay isang napakagandang katapusan, hindi ba? Noong sambitin mo ang mga salitang gusto mong pakasalan ang anak ko para sa ikakabuti ng lahat noon ay hindi ko maiwasang mag-aalala na baka maulit muli ang kasalanan ng nakaraan na pilit itinatama.’’
‘’Tita,’’
‘’Alam ko Kyler, napagtanto kong iyon ang nagdulot ng malaking sugat diyan sa puso mo ng hindi mo namamalayan kaya naman humihingi ako ng tawad. Tawad na dapat ay matagal na panahon kong sinambit sa ‘yo, nang mga sandaling iyon ay alam ko, ramdam ko ang gusto mong patunayan sa akin, sa amin sa mura mong edad. Dinala mo ang sugat na iyon na siyang naging basehan mo ng kahulugan ng pag-ibig. Pareho kayong nagdusa ng minahal mo ng di mo namamalayan o maski siya.’’
Naguguluhang napatingin ako kay tita. Sino ang tinutukoy niya? Si Agie ba? Ang puso ko ay nakakaramdam ng kirot pero sa di maipaliwanag na dahilan ay unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.
‘’Hindi na maibabalik pa ang buhay ni Agie pero magka-ganun man ay alam kong nasa puso mo pa rin siya. Huwag kang matakot umabante, huwag ka ring matakot muling magkamali. Ang pag-ibig ay hindi para mabigo dahil habang tumatagal ay natututo.’’
‘’T-tita.’’
Siguro nga tama siya. Hindi ko pa masabi sa ngayon pero isa lang ang sigurado ngayon dito sa puso ko. Wala akong pinagsisihan sa lahat lahat.
Agie. Napatingala ako sa kalangitan. Sa pag-ihip ng hangin ngayon ay ramdam kong kasama mo ngayon ang mga alaala natin. Salamat.
—---------------------------------------------------------------------------------------------------------
This story simply tells about how the love in the past affects the lives of those in the present. Ang pag-ibig na naudlot sa pagitan ng mama ni Yansea at papa ni Kyler ay pinatunayan na hindi kailangang maulit muli para maintindihan na ang pag-ibig ay di mapipilit at hindi nagdidikta ng kung kanino mang kinabukasan.
Kyler - Ang character ni Kyler na pilit itinatama ang pagkakamali ng nakaraan ay nakalimutan niyang maging siya sa kasalukuyan. Kung hindi nawala si Agie sa buhay niya ay hindi niya maiintindihan ang pagkakamali niyang iyon. Patunay lang na ang lahat ng pangyayari sa buhay mo ay may dahilan.
Agie - Ang character naman ni Agie ay nagpapahiwatig lamang na ang mga sugat na nagsimula sa maliit na napabayaan ang siyang naging dahilan ng pagsuko nito sa buhay at hindi ang sakit niya. Kung mapapansin, ang sugat niya sa puso ay nagsimula ng malaman niya ang katotohanang kapatid niya si Bazi. Hindi lahat ay kayang tanggapin ng ganun na lang lahat lalo na kung ang inaakala mong perpektong pamilyang kinalakihan mo ay may kasinungalingang bumabalot, sa katauhan ni Agie, ang sakit na nararamdaman ng dalawa niyang kapatid ang naging dahilan ng sugat na iyon sa puso niya. Umalis siya para ayusin ang sarili at nang sa tingin niya ay ayos na siya ay bumalik ito para ayusin ang lahat ng gusot sa pamilya, sa kaibigan niyang si Yansea at sa taong mahal niya pero huli na rin ang lahat. Magkaganun man, patunay lang ang ginawa niyang pwede mong piliing maging masaya, hindi lamang para sa sarili mo kundi sa mga tao nasa paligid mo.
Izalyn - Ang character ni Izalyn ang siguradong kinaiinisan ng lahat, ano man ang dahilan niya ay mali pa rin siya, kahit kailan hindi mo mapipilit ang pusong meron ng minamahal, sa ginawa niya ay inilagay niya mismo ang sarili niya sa pighating di niya kayang lusutan na siyang dahilan at kinuha nito ang sariling buhay. Sa kabilang banda, isa lamang siyang sabik sa pagmamahal na siyang naging pinakapangunahing sangkap ng kanyang kabiguan na kung tutuusin ay pwede namang magbago ang kinabukasan niya kung hindi lang siya nagkamali ng landas. Nagkamali lang siya ng minahal, tao lang na nagmahal.
Ang mga tauhan sa kwentong ito ay may kanya-kanyang pagkakamali, hindi lamang sa tatlong nabanggit sa itaas kundi lahat ng mga tauhan sa kwento. Patunay lamang iyon na lahat ng tao ay nagkakamali, sa larangan man ng pag-ibig, pamilya, pagkakaibigan at kung ano pa pero kung pipiliin mong magpakatotoo sa sarili at magpatuloy ay magagawa mong lampasan ang pinakamasakit na bahagi ng buhay mo.
Life is a mystery, love is magic, unfortunately the pain will teach you the 'why' lesson.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    fuerteschie

    Love it!🫶🫶🫶

    10/12

      0
  • avatar
    Sarah Fernandes

    ❤️❤️

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    09/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo