Homepage/Don't Leave Me, Arianne/
CHAPTER 34
Excuses.
—
Agie's P.O. V
''Adwi come on! Give your phone to Mixy!''
''He doesn't want to talk to you, matutulog na daw siya.''
''Really?! Then who is this busy replying nonsense comments on his post at IG?! Ugh! Hide well Mixy because I will make sure to take my revenge on you! I will show the world how ugly your face is!''
Iritado kong sabi bago binabaan sila ng tawag. Nakakainis. Ugh! Nang icheck ko ulit ang post niya kung saan picture namin ni Adwi kahapon sa farm. At talagang ang pinost pa nito ay ang tatlong kuha kung saan ang una ay nakaakbay si Adwi sa akin, pangalawa ay iyong nakangiti siya sa akin samantalang iyong reaksyon ko ay gulat at ang panghuli ay iyong magkahawak kamay kami.
Nang tingnan ko ang comments ay mas lalo akong nainis ng pati ang boss ko, ang fiance niya, si Kasha and even Jasmine and Caroline joining that nonsense comments.
There is no comment from Adwi but he did 'My day' a photo of me holding a tray of snacks that tita Karmila made. He added a caption saying ' ''Meet my wifey,'' I rolled my eyes.
May natanggap din akong text message na nagsasabing nagpadala siya ng dalawang ticket sa akin dito sa bahay. Ako na daw bahala kung sino ang gusto kong isama. So that's explain why two tickets.
I was about to put down my phone when I received a chat from Yansea saying sorry she didn't come yesterday. She said that her patient died. I replied to her saying 'I understand. '
Mula sa pagkakaupo sa paanan ng higaan ko ay tumayo ako para iblower ang buhok kong basa. Kagagaling ko lang sa shower at pinapatuyo lang ng twalya ang buhok ko ng maisipan kong buksan kanina ang IG account kong matagal ng nahimlay, pero nainis lang dahil ang bumungad sa akin ay iyong post ni Mixy. Pinagsisihan ko tuloy magbukas ng IG.
Patapos na akong magblower ng makarinig ako ng sunod sunod na katok at sigaw mula kay Adela sa labas ng kwarto ko. Di ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kaba, parehong kaba ng mahulog ang basong hawak ko kina tita Karmila.
Sinigurado ko munang tinangal ko ang saksakan ng blower bago ako lumapit sa pinto para pagbuksan ang kasambahay. Nabungaran ko itong umiiyak.
''M-ma'am, wala na po ang daddy niyo.''
Daig ko pa binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Ano raw? Nang pumasok sa isip ko ang sinabi niya ay mabilis akong tumakbo sa kwarto ng mommy at daddy.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mommy na nakayakap sa daddy habang umiiyak. Patakbo akong lumapit sa kama, hinawakan sa kamay ang daddy pero walang kabuhay-buhay iyon at malamig na.
''D-d-doctor! Adela! Call dad's doctor, faster!''
No no please, please dad, don't leave us. Nang tignan ko siya sa mukha ay nakapikit ito. Ang mommy sa tabi niya ay iyak ng iyak.
''Anong nangyari kay papa?'' Narinig ko ang boses ni Breazy.
Napatingin ako sa kanya. Tumingin ito kay dad, pagkatapos ay bumaling sa akin. Lumapit ito sa daddy at hinawakan sa kamay. Nang maramdamang wala na itong pulso gaya ng naramdaman kanina ay nanghihina itong napaupo.
''Andito na po ang doctor,'' Narinig kong sabi ni Adela.
Kumawala ang mommy sa daddy pero panay pa rin ang iyak nito. Lumapit agad ang doctor, pinulsuhan ito, tiningnan ang mga matang nakapikit at inilawan, sumunod ay inilapit ang tenga sa bandang puso ng papa. Pagkatapos ay binuksan ang bibig ng papa, may kung anong tinignan.
Maya-maya pa ay tumingin ito kay mommy at umiling-iling.
Napa-upo ako. Daddy! Daddy bakit mo ako iniwan ng walang paalam. Daddy! Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Breazy, yumakap naman ako sa kanya at nag-iiyak.
''Ate, ang daddy, ang daddy wala na.''
Napakabilis ng mga pangyayari. Ikalawang araw na ng burol ni daddy pero hindi ko pa rin matanggap. Wala akong kinakausap, ayaw kong makipag-usap. Aalis lang ako sa tabi ng puntod ni papa kapag magpapalit lang ako ng damit at maliligo. Wala akong gana kumain at hindi ako makatulog.
Ilang beses akong nilapitan ng mommy at Breazy pero hindi ko sila kinikibo.
Daddy, ang daddy ko. Sana kung alam kong mangyaayri ito, sana di na lang ako umalis noon para nakasama kita ng matagal bago mo ako iwan, siguro hindi ganito kasakit.
Sa libing ng daddy dumating ang pamilya nina Kyler at Yansea para makiramay. Pati sina Kasha at mga kasama nito. Tipid na tango at iling lang ang isinasagot ko sa kanila.
Lumipas ang mga araw at buwan pero hindi ko pa rin alam ang gagawin ko sa buhay. Ngayong araw ay dumating ang lawyer ng daddy para raw sa mga tagubilin at pamana ng daddy. Napapikit ako, ang daddy alam niyang di na siya magtatagal pa. Bago ito sinimulan ay ipinaalam niya muna sa amin na matagal ng may karamdaman ang papa, ayaw lang nito ipaalam kahit kanino, nagtagumpay si daddy doon dahil pati ang mommy ay walang alam.
''Ang mansyon ay iniwan niya sa kanyang asawa, Genil Ezrente at mapupunta lang kay Arianne Glenil Ezrente kapag ikaw ay nawala na rin, pero sinabi niyang sana magtagal ka pa para may makasama si Agie ng matagal. Ang charity ay maiiwan ang kalahati kay Karmila at ang kalahati ay kay Genil. Ang rest house at lupang nabili sa Isabela ay paghahatian ng dalawa niyang naiwang anak na sina Arianne at Breazianne Ezrente. Meron ding sampung milyon ang nasa bank account niya na iiwan niya sa mag-asawang Dencio Suharno at Soledad Suharno bilang pasasalamat sa kabutihan at pagiging tapat sa pamilya.''
Walang naging problema sa mga naiwang ari-arian at pera ng daddy. Hindi ko man batid kong perpekto ba ang naging buhay ko bilang anak sa kanila ngunit malaki ang pasasalamat ko at pinalaki nila akong marunong magpahalaga ng desisyon at makuntento.
Sa araw na iyon ay nagbitiw din ng pasya ang mommy at tita Karmila. Ipinangalan nila sa amin ng ate Breazy ang charity at kami na ang magpapatakbo.
Sa una ay kaya kong patakbuhin ang kompanya, ngunit hindi kaya ng puso kong nasa charity araw araw at maalala ang daddy kaya pinaubaya ko sa kapatid ko ang pamamahala. Ngunit paglipas ng isang buwan ay pinapunta niya ako sa opisina.
Kumatok ako bago pumasok. May kausap si Breazy, nakatikod nga lang kaya di ko makilala kung sino. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba habang palapit ako sa kanila. Napansin ko rin ang abogado ng papa na kararating lang, naupo ito sa table at may inabot si Breazy dito.
''Please do sit sis, hintaying lang muna natin ang isa pang bisita.''
''Ate,'' Napatingin ako sa nagsalita, isang nahihiyang ngiti ang sumalubong sa akin mula kay Izi.
''Izi, sorry hindi kita agad nakilala.''
''Ah nako, hindi ayos lang ate.''
Parang may gusto pa itong sabihin pero hindi niya masabi-sabi. Bubuka, sasara ang bibig nito. Napansin ko rin ang paglalaro nito sa kanyang daliri.
''May gusto ka bang sabihin, Izy?''
''A-ah, ano kasi ate. Nabalitaan kong babalik ka ng London, k-kung pwede lang sana ay dito ka na lang muna at turuan mo ako paano patakbuhin ng maayos ang charity niyo.'' Nasabi niya ang gusto niyang sabihin pero nahihiya at kinakabahan ito.
Tumingin ako kay Breazy. May inabot siya sa aking envelope. Binuksan ko iyon at binasa ang laman. Ano? Ang kalahati ng kompanya ay binenta ni Breazy kay Kyler at balak ng dalawa na ipamahala kay Izi ang charity.
Ang sa akin na kalahati ay hindi ginalaw ni Breay, mukhang ito ang dahilan nito at pinapunta niya ako ngayon.
Napatingin ako kay Izi. Matagal ito sa pamilya namin, nakilala ko at naging scholar ng daddy. Nang makapagtapos sa kursong napili ay pumasok itong mangagawa sa charity kahit ang tinapos ay BSA.
Hindi naman nasayang ang kursong tinapos nito dahil ayon kay mommy ay naging malaking tulong iyon sa Avrente's farm. Nalaman ko rin na habang nag-aaral sa manila si Izy ay tumira ito sa condo unit ni Kyler.
''I'm sorry, I'm late,'' Si Kyler na bagong dating.
Naupo ito sa tabi ni Izi at nag-usap sila. Hindi nakalampas sa tingin ko ang madalas nitong pagsulyap sa akin ni Kyler. Siya ba ang dahilan kung bakit kinakabahan akong dumating dito dahil alam ng puso kong magkikita kami?
''Now that everyone is here, we can start now this meeting.''
''As Breazy and I talked, Izi will undergo my training and so with Beazy until the time comes that he can manage the charity. With respect to the half owner of this charity I bought to Breazy, I wanna hear her opinion.'' Kyler said then look at me.
''I only have two questions and if you give me an acceptable and enough reasons then let see what I can do.''
Nagkatinginan ang tatlo, pagkatapos ay sabay sabay na tumango.
''First, why did you sell your shares, Breazy?''
''You know that I don't have any interest in any kind of business, aside from that, I wanna chase my dreams to be a supermodel and travel the world. Life is short, I want to enjoy my life before it is too late for me.'
Tumitig ako sa kapatid ko. Sapat na ba ang dahilan niya para iwanan ang alaala ng daddy, ang pinaghirapang itayo, inalagaan at palaguin ng mga ina namin? Sapat na ba? Handa niyang iwan ito para sa hinahangad ng puso niya. Napabuntong hininga ako.
''How about you Izy? Why did you accept Kyler and Breazy's offer?''
''Pagbabalik utang na loob ate, iyon lang ang dahilan ko sa lahat ng ginagawa ko, noon at hanggang ngayon.''
''But we are in a modern world now, Izi; you have your own life, your own dream, your own passion. You have the freedom to choose since the scholarship dad gave you doesn't have anything to ask in return like work for us and such.''
''But that's what I want to do ate Agie, I want to give back. This is a passion and a dream for me, helping you out and so with kuya Kyler. I'm here because of you two, so please let me.''
Napatitig ako kay Izi. Ito na nga ba ang batang iyon? Ang batang nakilala ko malapit sa balon. Ang batang takot na takot. Ngayon ay nasa harapan ko, sinasabing gusto magbalik utang na loob. Hindi ko siya pinilit, hindi ko siya huhusgahan, hindi ko siya pagkakaitan.
''Then, if your decision is final. Attorney, transfer all my shares in Izi's name but that is when Kyler decides to give it to him and he already has the knowledge and can manage the charity and I still suggest that the major holder is mr. Hardin.''
''A-ate. Maraming salamat po! I will do my best,'' Izi said.
''Please do Izi.''
''Then everything is settled. Let's do the signature then.''
Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko sa mga sandaling ito. Maaring para sa iba ay isang kahangalan o kanaliwan, pwede ring tama lang dahil hindi ko naman maasikaso, gaya ng kapatid ko. Oo, pinaghirapan ito ng mga magulang namin pero alam kong susuportahan pa rin kami sa naging desisyon namin. Naalala ko nga ang sinabi ni daddy 'Itinayo ang charity na ito para tumulong pero ang pinakahangarin ay maipasa ito sa taong karapat-dapat at may parehong hangarin kagay ng mga magulang namin.' Hindi ko alam kung karapat-dapat na ba si Izi, pero gusto kong ipagkagtiwala sa batang nakilala ko sa balon ang lahat lahat.
Pagkatapos ng meeting ay napagpasiyahan kong dumalaw sa puntod ng daddy. Abala ako sa paghihintay ng masasakyan ng may pumarada sa harapan ko. Nang bumaba ang bintana niyon ay bumilis ang tibok ng puso ko.
''Sakay na, ihahatid kita sa pupuntahan mo.''
Umulan bigla, hindi ko alam kung bakit umulan samantalang kaninang umalis ako ng bahay ay ang taas taas ng sikat ng araw. Nagpalingon-lingon ako para humanap ng masasakyan pero mukha namang wala pang public transportation dahil alas dose palang ng tanghali at sa biglaang pag-ulan, kaya nagpasya akong sumakay na. Sa likod dapat ako sasakay kaso nakalock, wala akong choice kundi umupo sa harap, katabi niya.
Hindi nakatakas sa akin ang ngiti niya. Mula sa kung, pakiramdam ko ay nangyari na ang gantong tagpo.
Sinabi ko sa kanya kung saan ako pupunta. Tango lang ang isinagot niya sa akin. Ang buong akala ko ay idederetso niya ako doon o kahit malapit lang doon pero sa isang pamilyar na restaurant kami tumigil.
''Let's take our lunch first, surely your dad and brother didn't want you to visit them hungry.'
Nauna itong bumaba, may dalang payong. Paano na ito? Wala akong dalang payong? Bahala na nga. Tatakbuhin ko na lang. Akmang bubuksan ng biglang nakaramdam ako ng pamilyar na kirot sa aking katawan, nang hawiin ko ang sleeve ng dress ko ay tumambad sa akin ang mga ilang tila pasa, nangingitim. Wag ngayon, please.
Tuluyan ko ng binuksan at nagulat ako ng makita ko si Kyler sa harapan ko. Mukhang kanina niya pa ako hinihintay na buksan at bumaba sa kotse. Mas lalo akong nagulat ng alalayan niya akong makababa, kinabig niya rin ako palapit sa kanya para di ako mabasa ng ulan.
''Do you really think I will leave you here?'' Tanong niya dahilan at napatingala ako sa kanya, laking gulat ko noong ilang pulgada na lang pala ang mukha nito sa mukha ko. Agad akong nagbaba ng tingin at ibinaling ang atensyon sa restaurant kung saan kami kakain.
DAting REstaurant. Ngayon, naalala ko na kung bakit parang pamilyar ang lahat mula sa ulan, pagsakay ko sa kotse niya at ngayon ang restaurant na ito.
''Excuses or not, I don't mind. All I want at the moment is to be with you Agie.''
Ha? Alam kong di ako ako nagkamali sa narinig ko, patunay lang ang puso kong sobrang bilis ng tibok nito.
Pagkarating sa pinto ng restaurant ay agad akong lumayo sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkailang. Inilagay niya ang payong sa sabitan ng mga ito sa labas, pinagbuksan niya ako ng pinto at nahuli ko ang ngiti nito. Ay tanga lang Agie, pwede namang ikaw nalang ang kusang magbukas ng pinto.
Pagpasok sa loob ay sinalubong kami ng isang pamilyar na waitress. Malaki ang ngiti nito sa amin at iginaya kami sa pamilyar na pwesto. Sa paglinga-linga ko sa loob ng restaurant ay napansin kong madami ang nagbago, sa bandang bulletin board ay nakita ako ang larawan kung saan ay kasama ko si Kyler at iyong may-ari nitong restaurant, teka ano nga ang pangalan? Ah ayon, tama si Ms.Syra. Pare-pareho kaming nakangiti sa larawang iyon.
''It is so good to see you together after a years again, Agie and Kyler.'' Ang pamilyar na boses na iyon. Nang tingnan ko ay si ms. Syra.
''I told you Syra, one day, you will see us together again.'' Si Kyler.
''As I am seeing right now.'' Nakangiti si Syra ng sabihin iyon, teka kislap ba ang nakikita ko sa mga mata nito?
''Kinikilig ako sa inyo. Agie mas lalo kang gumanda ngayon.'' Pagpapatuloy ni Syra. Tipid na ngiti ang isinagot ko lang dito.
Nag-usap pa sila saglit ni Kyler tungkol sa business, nalaman kong dito talaga ang punta nito dahil may pinick-up na cake si Kyler dito.
Ngayon sigurado na ako, sigurado na akong siya lang ang bukod tanging nagmamay-ari ng puso ko at mamahalin ko.
Habang abala siya sa pakikipag-usap kay Syra ay kinuha ko ang cellphone ko at tinext ang boss ko. Magreresign na ako. I will stay here. Pumayag naman siya pero kailangan ko pa ring tapusin ang kontrata ko sa kompaya niya, bukod doon ay kailangan kong bumalik dahil may aayusin pa ako.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Love it!🫶🫶🫶
10/12
0❤️❤️
01/10/2024
0Ganda ng story
09/07/2024
0Tingnan Lahat