Homepage/Don't Leave Me, Arianne/
CHAPTER 33
Reminiscing the Past.
—
Agie's P.O.V
''Hello there, everybody!'' I greeted everyone at the shoot.
Kasha's warm smile greeted me back. Iniabot ko dito ang dala kong iced coffee. Napakainit ngayon. The set of the pictorial of the Zagi is here at the Avrente's Farm. Niyaya ko si Yansea, susunod nalang daw ito dahil may pasyente pa itong inaasikaso.
Sa ilalim ng punong manga, sa damuhan ako naglatag ng mauupuan ko at nagsimulang magsulat tungkol sa nagaganap na shoot.
Paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang pagsulyap sa akin ni Zero. Nang magkaroon sila ng maikling break ay lumapit ito sa akin. Umupo sa tabi ko.
Zero is such a handsome guy, no one can deny it. His features closely resemble Suga of BTS. But in terms of his attitude, he is in a Namjoon leader's mood. Speaking of BTS, do I have a chance to write a journal about them in the future? Like being with them everyday just to write about something about their daily do, extra ordinary habits and such?
Napangiti ako sa aking naisip. Isang napaka-imposebleng kaganapan. Kung mangyayari man, baka hihimatayin muna ako katititig sa kanila keysa magsulat.
''What are you thinking?'' Kuno't noong baling sa akin ni Zero.
''I am sure a lot of girls already told you how handsome you are but, I wanna tell you that, you are so handsome today Zahiro.''
Napaubo ito at nag-iwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng pisngi nito. So cute. I will surely miss this moment, teasing him.
''I have someone else in my heart, Zahiro.''
''Is it Adwi?''
''No, it is someone who I loved in the past, a past that I'm not sure if I'm over with.''
''Just one chance G-glenil.''
Nanginig siya sa huling salita. Tumitig ako sa kanya. Hinawakan ko siya sa pisngi at iniharap sa akin.
''You deserve someone else, someone who makes you happy everyday, someone who's only in love with you. I can't give it to you because I'm sure he will always be in my heart and to my mind.''
Hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang pisngi. Wala siyang hiyang umiyak sa harap ko. Napahagulgol siya at yumakap sa akin. Hinayaan ko lang siya at yumakap nalang ako pabalik. Like a big sister to his little brother.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon, nang kumalma siya ay naki-usap siyang ayusin ko ang nasirang make up niyang nagkalat dahil sa pag-iyak niya. Dahil may gamit naman akong dala sa bag kahit papaano ay inayusan ko nga siya. Actually, I live with makeup so I always have those.
''Sige na, bumalik ka na doon and do your best.''
Tumango siya sa akin. Sandaling tumitig bago ako iniwan. Siguro kung sa ibang pagkakataon ay nagkakilala tayo Zahiro 'Zero' Han, siguro ay pwede pa. Pasensya na at di ko kayang tanggapin ang pagmamahal mo, alam kong mas may nararapat pa sa pagmamahal na iyan kaysa sa akin.
Pagsapit ng tanghali ay napagdesisyunan kong sa ilalim ng manga ako kakain. Bukod sa gusto ko ang simoy ng hangin dito ay kitang kita ko silang lahat ng di sila naabala. Makakapagsulat ako.
''Ate Glenil, pwede bang sumabay kami sa 'yo? Nakakainggit ang pwesto mo rito.'' Si Mixy na ngayon ay may dalang dalawang lunch box at mineral bottled water. Kasama niya sina Teron at Azro.
Oo nga pala, mas matanda ako kay Mixy ng tatlong taon. Ka-age ko naman si Azro, samantalang si Teron ay mas matanda ng dalawang taon sa akin.
Ngumiti ako sa kanila. Tuwang tuwa naman ang mga itong umupo. Di nagtagal ay sabay na dumating sina Adwi at Zero. Sa tabi ko umupo si Adwi, sa harap ko naman si Zero. Napapagitnaan naman nina Teron at Mixy si Zero, si Azro ay sa tabi ni Adwi. Nakabilog kaming lahat.
Pinagbubuksan nila ang mga lunchbox na dala sila at mas lalong natuwa ng magkakaiba ang ulam nila. Ayon sa kanila, mukhang sinadya iyon ni Kasha para makapag-share sila sa isa't isa. Nakakatuwang isipin.
Napansin kong ayaw ni Adwi ang beans kaya kinuha ko iyon at kinain, di naman kasi niya ginalaw. Wala akong malasahan, wala akong gana kumain pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanila iyon.
Bilang kapalit ay binigyan ko siya ng hinati kong pork chop. Ang totoo niyan, hindi ako sigurado sa lasa ng luto ko. Napapadalas kasing wala akong gana kumain.
Nag-angat ako ng tingin para hanapin ang tubig ko at dahil doon ay napansin kong nakatingin sa akin ang apat, ilang sandali akong napa-isip kong bakit hanggang sa nakuha ko na. Nangingiti kong hinati-hati ang natitirang porkchop at binigyan sila isa isa.
''Ayan, pagpasensyahan niyo na at konti lang ang niluto ko. Hindi ko rin naman alam na sasabay kayo sa akin sa pagkain.''
''Wow! Ang sarap nito ate Glenil! Pwedeng pwede ka na mag-asawa.'' Namamanghang sabi ni Mixy. Ngumiti lang ako sa kanya. Nang tingnan ko ang reaksyon ng apat ay napatango-tango sila habang tinitikman ang porkchop.
''Mixy is right. This is not the best, but it is good enough for my taste.''
''Hoy Teron, I cooked only that for myself, so don't you dare compare it to those professional cookers you know.''
''I am not. Actually this is the second time that I've tasted pork chop again. The first time was when my sick mother cooked, three days before she died.''
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti siya sa akin ngayon pero alam kong nalungkot siya sa pagkakaalala sa mama niya. His eyes couldn't lie.
Katahimikan ang sumunod na nangyari. Napayuko ako, na-guilty.
''Sinong may gusto ng sushi, sa inyo na ito oh. Busog na ako.''
Pagbabasag ni Azro sa katahimikan. Hindi pa ako umu-oo sa kanya pero nilagyan niya na agad ang lunchbox ko. Napatingin ako sa kanya pero abala na ito sa pagbibigay sa iba.
''Alam mo bang ang paboritong prutas ng bunso namin ay Manga, Agie. May nakita akong bunga nitong punong manga ah, wala ka bang balak akyatin iyon Zero?'' Pagbabalita ni Teron.
Napatingin ako kay Zahiro. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Tawanan ang sumunod na nangyari. The boys didn't stop teasing him.
Nang matapos kumain ng tanghalian ay sila na rin ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan nila. May isang oras pa sila bago ulit ang pictorial, napagkasunduan ng mga ito na maglibot-libot sa farm.
''I can be your tour guide today guys, if you want.'' I told them.
Pero madali kang mapagod? Gusto mo bang ipakita sa kanila kung paano ka himatayin? O kahit ang magkaroon ng nosebleed? Kontra ng isip ko pero agad ko iyong iwinaksi sa isip ko.
''Really ate? Sabagay, ang sabi ni Kasha kanina ay taga dito ka.'' Azro said.
''Malapit lang ang mansyon ng tita Karmila dito. Gusto niyo dumaan? Sakto dadaanan natin iyon papunta sa greenhouse.'' I informed them.
Nagsitango silang lahat. Bago umalis ay nagpaalam kami kay Kasha, pinayagan naman kami pero kabilin-bilinan nitong bumalik kami bago ang oras ng shoot. Pinasama niya rin sa amin ang tatlong bodyguard kaya panatag ito kahit papaano.
Naglakad kami sa matarik na sikat ng araw, hindi naman kami nainitan dahil natatakpan ng mga puno ang daanan kaya malilim, presko pa ang hangin. Ang kaso lang, nagsisimula na akong makaramdam ng kapaguran.
Azro loves to take photos at iyon ang pinagkaabalaan nila ni Zahiro habang naglalakad kami. Nagdala ng kanya-kanyang digital camera ang dalawa. Nagpapagandahan sa pagkuha ng larawan, ang naging judge nila ay sina Teron at Mixy.
Naiiwan ako sa paglalakad dahil talagang mabagal ako sa paglalakad. Ayaw kong bilisan, madali kasi akong mapagod. Napapansin kong nagpapahuli naman si Adwi para may makasabay ako.
Kagaya ngayon ay kasabay ko na siya sa paglalakad, abala siya sa katitingin sa mga ibon na naglalaro sa himpapawid.
''Ngayon ka lang ba nakapunta ng farm?'' Di ko maiwasang itanong.
''No, actually this is the second time that I came here.'' May lungkot sa boses niya, tipong di niya ata napansin na malungkot ang boses na ginamit niya.
''The day you called me, it was a wrong dial.'' It is a statement and not a question.
''I am sorry about it.'' Sa sulok ng mata ko ay nakikita ko ang pagtingin nito sa akin. Tumigil siya sa paglalakad dahilan kung bakit napatigil din ako at napatingin sa kanya.
''Marry me, Arianne.'' Hindi siya nag-iwas ng tingin sa akin ng sabihin niya iyon. Tumitig siya, tila inaabagan ang magiging reaksiyon ko. Ako nalang nag-iwas ng tingin dito.
''Zahiro confessed his feelings to me earlier.''
Pagkasabi ko niyon ay tumingin ako sa kanya para makita ang reaksiyon niya. Ngayon ay siya na ang unang nag-iwas ng tingin.
''Do you like him too?''
''No, he is like a brother to me. Same goes to you.''
''I will make sure that you will going to learn how to love me, I will give you the world you deserve, take care of you...''
''But you can't love me, the way I wanted to be loved.''
''Just tell me so, I will learn it.''
''That is exactly what I am trying to say to you right now, Adwi. Love is something fulfilling. If I am going to accept your proposal right now without any feelings for you, there is no fulfillment, meaning no love. Marriage should be done by lovers and not done for any reason or else it will end up as a waste, an empty relationship and most of all, it will destroy ourselves.''
''It possible, like how my dad and mom, they learned how to love each other.''
''Yes, it is possible but you do not know how painful it is, that pain might be pass to the childrens that are going to be born. As I've said to Zahiro, you deserve someone that is better than me, someone who can love you back, those things I can't give to you because there is already someone in my heart.''
''So this is the feeling of being rejected by the girl you like?''
''You are just confused about your feelings, you really don't like me. Now Adwi, I'd like you to be honest with me. Do you still have feelings for my friend, Yansea Xillen Avrente?''
Nakita ko kung paano siya nagulat pero agad ring nawala ang emosiyon niyang iyon, napalitan ng pagkalito, pagkamangha hanggang sa naglaho na lahat ng emosyon sa mga mata niya.
''I won't ask you to marry me if I still have feelings for her, Agie. I am not like that.''
''The man who I am talking about who's in my heart is Kyler Hardin.'' I informed him.
Napabaling siya sa akin. Ilang saglit pa natawa ito, even though I can't see my face right now, I know that my reaksiyon right now is asking what is funny.
''How lucky he is then. He got my first love and now the present lady that I offered a marriage, just told me that there is someone in her heart and that's him.''
''A-adwi.''
Ngumiti siya ng mapait pero agad ring nawala. Umakbay siya sa akin at saka bumulong.
''Smile, ikaw rin baka pagsisihan mo ang itsura mo kapag nag-upload si Mixy mamaya.'' Inginuso pa nito si Mixy na abala sa pagkuha ng larawan sa amin.
Bumitaw siya sa pagkaka-akbay sa akin pero hinawakan niya ako sa kamay kaya ang labas ay magkahawak kamay kami, wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya at nagpatianod ng magsimula na itong maglakad.
Pagdating namin kina tita Karmila ay andoon si Breazy. Tuwang tuwa ang kapatid ko at walang sawang nagpapicture sa mga kasama ko, ginawa pa akong photographer. Mula sa bibig niya mismo ay isa siya sa mga milyo-milyong babae na nangarap na kahit saglit lang ay makita ang mga ito sa personal. Di pa doon nagtapos, nagpa-autograph pa ito isa isa sa mga ito. Tuwang tuwa naman ang lima sa atensyon na binibigay ng kapatid ko sa kanila.
Iniwan ko sila sa sala at tumulong kay tita Karmila sa paghahanda ng meryenda.
''Tita, how is your condition? Di ka naman po ba nahihirapan sa pagkilos-kilos dito.''
''Huwag mo akong alalahanin Agie, maayos lang ang lagay ko.''
''Pasensya na po talaga sa biglaan naming pagdating. Pupunta talaga kami sa greenhouse, dahil madadaanan naman dito ay naisip ko na ring dumaan. Kapag may oras ka po, pumunta kayo sa bahay sa biyernes sa bahay, ipapasundo ko kayo ni Breazy. Makapag-bonding man lang tayo bago ako bumalik ng London.''
''Alam na ba ng mommy at daddy mong babalik ka pa ng London?''
''Magsasabi palang po mamayang dinner.''
Tango ang isinagot ng tita Karmila sa akin. Sabay naming ipinunta ang carbonara, sandwich at fresh fruits sa kinaroroonan ng mga bisita. Si Breazy ay tumulong sa pagkuha ng fresh buko juice.
Bumalik ako sa kusina para kumuha ng tubig dahil nauuhaw ako. Nasa kamay ko na ang baso ng makaramdam ko ng biglang pananakit, hindi ko alam kung sa laman ko o sa buto ko, basta bigla siyang sumakit, kasabay nun ay ang pagkahilo dahilan at hindi ko sinasadyang nahulog ang baso at nabasag sa sahig, natigilan ako. Ang susunod kong napansin ay hawak-hawak na ni tita Karmila ang kamay ko.
''Jusqo! Where did you got all of this?'' Naililis pala ang damit ko.
''A-ah, sa training ko po sa London. Don't worry, I am fine.''
Itinuon ko ang atensyon ko sa mga basong basag. Napatitig doon. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko ng abutan ako ng tita ng isang basong tubig. Agad ko iyong inabot at ininom.
''Oh my gosh! Anong nangyari dito ma? Agie?''
''Nadulas lang ang baso sa kamay ng kapatid mo, Breazy. Don't worry, everything is fine.'' Tita Karmila said.
''Sa sala na kayong dalawa, ako na maglilinis dito.''
''I am sorry.''
''Don't mind it sis, sige na doon na kayo ni mama sa sala. Nakakahiya rin sa mga bisita kapag walang naiwan sa kanila.'' Abala na siya ngayon sa pagpulot ng mga basag na piraso ng baso.
Hindi naman kami nagtagal sa bahay ng tita Karmila. Pagkaraan lang ng ilang sandali ay nagpaalam kaming aalis na.
Pagdating namin sa greenhouse ay naabutan namin doon si Izy. Agad ko siyang nakilala dahil tumangkad man ito at nagbibinata na ay di nagbago ang ngiti nito sa tuwing magkikita kami.
''Ate Agie! Kailan ka pa bumalik?! Alam mo bang namiss kita.''
Yumakap pa ito sa akin. Namiss nga niya ako. Yumakap ako pabalik sa kanya at hinalikan siya sa pisngi dahilan at bigla itong namula at lumayo sa akin na siyang dahilan at natawa ako.
''Ang daya! Gusto ko rin ng halik sa pisngi.'' Parang batang kunwari ay nagtatampo ang inakto ni Mixy.
''Oo nga, kahit nga yakap wala eh.'' Dagdag naman ni Azro.
''Magsitigil nga kayo! Pati bata pinapatulan niyo!'' Si Zahiro.
''Ah talaga ba?'' Si Adwi. Ang sumunod niyang ginawa ay siyang ikinagulat ko.
Hinalikan nito sa pisngi si Zahiro, dahilan at nagtatakbo si Zahiro para hilamusan ang banda kung saan siya nahalikan. Tawang-tawa naman ang apat sa ginawa sa bunso nila. Ako, si Izi at iba pang nakakita ay tumawa rin sa nangyari.
Ang sumunod na eksena ay hinabol habol ni Zahiro si Adwi. Gustong suntukin ito ng huli pero sumagot nman si Adwi na ikakamatay ko kapag mababangasan ang gwapo niyang mukha dahilan at mas lalong napikon si Zahiro.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Love it!🫶🫶🫶
10/12
0❤️❤️
01/10/2024
0Ganda ng story
09/07/2024
0Tingnan Lahat