Homepage/Don't Leave Me, Arianne/
CHAPTER 28
Root.
—
Kyler's P.O.V
"Ky, iiwan ko muna si Breazy sayo, kailangang malaman ito ng pamilya niya."
Paalam sa akin ni Yansea bago niya kami iwanan sa silid ni Breazy. Napa buntong hininga ako.
Ano ang nangyayari kay Breazy? Hindi siya palainom ng alak gaya ng sinabi ng mga police na dahilan ng pagkahulog nito sa bangin kaya impossible. Hindi kaya at dinadamdam pa rin nito ang pagkawala ni Bazi? Pero...
"I-ikaw na ba iyan Kyler?"
Madalian akong umikot para tingnan ang babaeng nasa bed stretcher, nanghihina, namumutla at puro galos ang mukha't mga kamay.
"You're not an alcoholic drinker Breazy, what happened to you?"
Imbes na sagutin ako ay nanghihinang ngiti ang naging sagot niya sa akin.
"Mula noon, lagi kang nandyan para sa kapatid ko, kaya mo bang gawin ulit iyon? Kyler makinig ka ng mabuti sa akin, babalik si Agie dito sa pilipinas at nag-aalala ako sa kung anong kayang gawin ni Izalyn sa kanya."
Alam ko na ang bagay na iyon dahil narinig ko ang usapan ni Yansea at Krystel, gusto ko sanang isatinig pero walang salitang lumabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako ngayon sa kanya.
"Si Izalyn, siya ang may gawa kung bakit ako nahulog sa bangin. Siya ang nagmamaneho ng mga sandaling iyon, tumalon lang ng malapit ng bumagsak sa bangin. Ang mga police na nagsasabing nakainom ako ay sinabi niyang binayaran niya na para sa plano niya. Hindi ako, mas lalong hindi ikaw ang target niya noon pa man kundi si Agie na talaga. Ang balak nito ay patayin rin si Agie sa bangin na iyon.
Ano? Si Agie? Paanong si Agie? At anong tinatarget? Even though I'm not seeing my facial reaction right now, I know, I can feel my confuseness on what's going on.
''Ang nag-iisang saksi sa pagkakarape sa ina ni Agie ng ama namin ay walang iba kundi ang nakakatandang kapatid ni Roan Lopez, ang matagal nating kilala bilang Izalyn Alvarez. Si Regina, kapatid ni Roan na pinapatay para manahimik sa pagkakaalam nito ang nagtulak kay Izalyn na gumanti sa mga Ezrente..
Ako at ang pamilya ko ang unang nilapitan nito dahil sa pag-aakalang matutulungan namin siya lalo na ako pagdating ng araw, dahil sa personal na galit ko sa papa ko pero noong napapansin niyang napapalapit ako kay Agie ay ikaw ang tinarget niya sa pag-aakalang ikaw ang natitipuan ko noon. Balak ka niyang gamitin laban sa akin, ngunit nabigo ulit siya, kaya ng makita niyang naging malapit si Yansea sayo ay muntik niya ng gamitin si Yansea para pasunurin ang pamilya niyo pero buti nalang at kayang-kayang lumaban ni Yansea, oo napahamak siya at dinusa mo rin ang sarili mo at kasama lahat ng iyon sa plano niya dahil gusto ka niyang paamuhin pero sadyang wala kang pake sa kanya, bukod sa nakiusap ang kuya sa 'yong maging mabait sa kanya. Nang makita niya si Agie sa Avrente's Farm doon na niya ulit plinanong ibalik ang pinakauna niyang plano, mula sa pagkasira ng pamilya namin, pagkakasira ni Agie at Yansea.
Kasama na ang pagbubukas muli ng rape case ng mga panahong umalis ng bansa si Agie. "
"Sandali Breazy, wala akong maintindihan. Si Izalyn o, sinong Roan pa siya, hindi ganun ang pagkakilala ko sa kanya. Mga bata palang tayo ay kilala na natin siya Breazy, Hindi kaya totoong naglasing ka? O baka..."
"Kyler, makinig ka..."
"Hindi Breazy, hindi ganun kasama si Izalyn, kilala natin siya noon pa man. Kilala na..."
"Kyler! He's not Izalyn, he is Roan Alvarez! He's been a transwoman since the day we met him! It's all in his plan to take his revenge to the Ezrente."
Hindi ko na magawang makasagot dahil sa pagkabasag ng kung ano man mula sa pinto. Nang tignan ko ay isang baso ng tubig at mangkok na may lamang esophagus soup, si tita Genil ang may hawak niyon. Sa likod ay ang lola at lolo ni Breazy, bakas sa mga mukha nila ang gulat.
"Ay dios ko! Patawarin siya!" ang Lola ni Breazy, muntik pang matumba kong di inalalayan ng asawa.
"T-to-totoo ba ang mga sinabi mo Breazy?" Ang tita Genil, nanghina marahil sa nalaman.
''Yes tita, ito rin ang dahilan kung bakit umalis ng bansa si Agie noon.''
''A-ang anak ko, matagal ng alam ang katotohang iyon,'' Hinang hina ang tita.
''Bakit hindi ka nagugulat sa mga nangyayaring ito Dencio? May kinalaman ka ba?'' Ang boses ng lola ni Agie ang naging dahilan ng pagbaling ko sa mag-asawa.
''Kalabisan na kung hanggang ngayon ay ililihim ko pa ang nalalaman ko. Totoo ang sinabi ni Breazy na si Izalyn ay dating si Roan. Unang lapit palang ng bata sa atin noon ay kilala ko na siya dahil hindi nagbabago ang talim ng mga matang niyang iyon.Naalala mo pa ba noong araw na nadatnan namin ikaw at si Andres sa condo unit na iyon Genil? Iyon din ang araw na namatay si Regina. Dahil magkatabing silid lang ang dalawang crimen, naging usap-usapan na ang dahilan ng lahat ng iyon ay ang labing apat na taong gulang na si Roan ang may gawa niyon. Ang usap-usapan ay naging bintang hanggang sa idiin ang bata dahil sa pressure na nararamdaman ng boss namin noon. Na-torture ng ilang beses at sapilitang pinapaamin pero hindi umamin ang bata hanggang sa may isang saksi ang lumitaw, si Talina Ortez, isa sa mga kasama sa naganap na party sa condo unit na iyon. Inamin nitong siya ang dahilan ng sex drug na nainom ni Andres at ni Genil pagkatapos ay inilock sila sa isang kwarto at papalabasing si Andres mismo ang humalay ng sapilitan sa 'yo Genil. Walang inilabas na dahilan si Talina bukod sa sinabi nitong mahal niya si Andres, kung paanong naging konektado ang kaso niyo kay Regina ay dahil sa kadahilanang kasintahan ni Andres si Regina ng mga sandaling iyon. Binalak din ng mga kasamaan ko noon na palabasin nalang na si Regina ang may kagagawan niyon dahil sa selos at sadyang nadamay lang si Roan sa mga pangyayari pero hindi natuloy dahil hindi nila kayang baliktarin si Roan.
Ako mismo ay isa sa nag-imbestiga kong totoo ngang konektado ang dalawang crimen ngunit lumabas na hindi, sadyang nagkataon lamang.
''Kung ganun ho, sino ang p-pumatay kay Regina?'' Nanginginig na tanong ni tita Genil. Agad akong lumpait sa kanya at inalalayan siya upang di tuluyang mapaupo sa malamig na tiles.
''Ayon sa CCTV na lumabas, binalak ni Regina na tapusin na ang buhay nilang magkapatid sa pamamagitang ng lason sa pagkain pero hindi nangyari dahil nalaman iyon ni Roan. Sa galit ni Regina, kinuha nito ang kutsilyo at sinaksak si Roan pero di napuruan, lumalabas na natauhan si Regina rin sa ginawa sa kapatid kaya sinaksak na lamang ang sarili. Sa nangyaring iyon ay sinikap ni Roan na kombinsihin ang mga korte na ang nag-iisang witness sa rape case ay ang nakakatandang kapatid niya, sa madaling salita ay nag-imbento siya ng kwento.''
''Paanong hindi nalaman iyon noong una? Bakit ibinintang kay Roan ang pagkamatay ng kapatid? At sapat na bang isisi ang lahat kay tito Andres ang lahat? Tanong ko.
''Dahil nasa plano ni Roan na idiin si papa ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa paglabas ng CCTV footage ng condominium.'' Si Breazy.
''Paanong alam mo ang lahat ng ito BREAZY?! At ni wala kang sinabi sa amin?!'' May galit at pagdaramdam ngunit nangingibabaw ang pag-aalala sa boses ng lola ni Breazy.
''Dahil sinabihan ko siyang manahamik sa nalalaman Soledad kung hindi ay masasaktan kayo, lalo ka na Soledad, aminin mo man ay magaan at magiliw ka sa batang iyon na kahit ang katotohanang patay na ang unang apo natin ay nakalimutan mo.'' Nasa boses ng lolo ni Breazy ang pagkabasag.
'''Wag kang magalit kay lolo, lola. Aaminin kong naging desisyon ko ring ilihim ang lahat dahil sa ayaw kong masaktan si Agie. Kamamatay lang ng kuya Bazi noon, alam kong mahirap sa kanya ang nangyaring trahedya, isama mo na ang paninisi ko sa kanya, kung idadagdag ko pa ang nalaman ko ay masasaktan lang siya ng masasaktan at maari ng di makaahon sa sakit na nararamdaman gaya ng pinagdaanan ng mama, ayaw kong makitang may isang mahal na naman ako sa buhay ang makarananas niyon, tama na ang isa. Ngunit sa kabila ng lahat, sana hindi ko na lang pala inilihim dahil doon ay nagkaroon si Izalyn na gawin akong sunod sunuran sa mga gusto niya hanggang sa dumating na ang araw na kinakatakutan ko, ang malaman na ni Agie ang nangyaring iyon sa kanyang mga magulang at pati si mama ay ginamit niya.''
''Ang a...anak ko,'' huling mga salitang narinig ko kay tita Genil bago nawalan ng malay.
Nakauwi na ako sa bahay ngunit litong lito pa rin ako sa mga pangyayari. Hindi ko alam kong anong iisipin ko. Ngunit isa lang ang sigurado, Agie's pain of root is Roan pain.
Humiga ako patihaya sa aking kama. Ipipikit ko na ang mga mata ko pero lumitaw agad sa aking isipan ang umiiyak na mukha ni Agie.
Naaalala mo pa ba ako? Na-miss mo man lang ba ako sa mga panahong wala ako sa tabi mo? Naisip mo man lang ba ako kahit minsan? Dahil ako, oo nga at itinuon ko ang buong atensyon ko sa aking sarili pero ni minsan ay di kita nakalimutan.
Tunog ng cellphone ko ang tuluyang nangising sa aking diwa. Bumuntong hininga muna ako bago bumangon at sagutin ang tawag.
''Mamili ka Kyler, bangkay na darating si Agie sa 'yo bukas o sasakyan mo ang anunsyo kong buntis ako at ikaw ang ama. Choose wisely darling, bye.''
''Izalyn!'' Pero wala na.
Tunog ng doorbell ang tuluyang naging dahilan ng pagkawala ng antok ko. Bumuntong hininga muna ako bago babain at pagbuksan ang sino man.
Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang pagod na itsura niya. She's literally weak and at any moment she is going to fain...
Agad ko siyang sinalo sa pagbagsak. Nasa bisig ko siya, hawak at di ko alam pero ramdam ko ang pagod nito.
Binuhat ko siya at iniakyat sa kwarto ko at inihiga siya sa kama ko. Inayos ko ang buhok niyang tumatabing sa mukha niya, dahil doon ay nakita ko ang mga eyebags niya.
Ilang sandali akong napatitig sa kanya, aaminin ko sa sarili kong maganda si Yansea at hindi siya mahirap mahalin, mula pagkabata ay magkasama na kami, palagay ang loob ko sa kanya at ganun rin siya sa akin. She became my sunshine as always and I know, no one replaced her but then all things changed when I fell in love with Agie.
Yes I do love Yansea with all my heart, but as a sister. Since then my heart really knows the meaning of those feelings I have for her. I am an elder brother who acted and protected her as my younger sister.
Staring at her right now, are there any changes for those feelings? Do I still love her because she's a sister or...
''Dwight, do you really love Agie that much the way you loved me back then?''
Yansea murmured, tears currently falling down to her cheeks. My heart aches on what I just witnessed.
Tumayo ako at kinuha ang comforter para ikumot sa kanya, pagtapos ay iniwan siya. Nakailang salin na ako ng alak pero di ko pa rin madesisyonan kung ano ang dapat kong gawin.
If Izalyn is really Roan then possibly she will gonna do it. I can't risk Agie again and so Yansea is. What should I do then?
''I am willing to help you Ky, you don't need to follow what that person told you.''
I stared at Yansea who sat beside me. She doesn't have any reaction.
''Let me paraphrase it, leave Izalyn to me and Breazy. She has lots to be paid off to us!'' She told me, then looked at me afterwards. Those eyes, it is the same as tita Akira's eyes.
''Yansea..,''
''There is a call from tita Karmila, she wants to talk to you.''I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Love it!🫶🫶🫶
10/12
0❤️❤️
01/10/2024
0Ganda ng story
09/07/2024
0Tingnan Lahat