CHAPTER 25

Scandal.
—
Agie's P.O.V
"Hindi ako papayag na makuha ni Karmila ang position ko Andres! Ako ang naghirap palaguin 'yon!"
"He's still the half owner of it, Genil."
"Then do something about it! O baka naman ayaw mong gumalaw kasi gustong gusto mo. Kung sabagay, chance mo na rin 'yon para mapalapit ulit sa lover mo hindi ba?!"
"Then lumabas din ang totoong ipinuputok ng butsi mo! Itigil mo ang pag-iisip ng kong ano ano dahil nag-iiba na ang asta mo! Hindi ko na makilala ang babaeng pinakasalan ko, or should I say the woman I've known since were kids."
"The moment you laid your eyes to that woman again, the moment that I changed as well Andres. Kung di lang dahil sa anak natin ay matagal na kitang hiniwalayan."
"Para ano? Para muli mong makasama ang Andrew na 'yon?! Hindi ako papayag Genil, malayo na ang naisakripisyo nating pareho para sa pagsasamang 'to."
"Andrew is out of our problem Andres!"
"AND SO KARMILA IS! NANAHIMIK 'YONG TAO, PANAY KA NG GULO!" Gigil na sigaw ni dad kay mommy.
Nabigla ako, tulad sigurado ng mommy ngayon. Ni minsan sa tanang ng buhay ko ay di ko naisip na masasaksihan ko 'to. Ito ang unang beses na narinig sa bahay na ito ang pag sigaw ng dad kay mom, pasensyoso ang daddy kahit sa kabila ng pagiging madaldal ng mommy.
And Andrew? Where did I hear that name?
"Salamat sa paghatid sa anak ko, Andrew."
It could be him? That guy.., napapikit ako kasunod nito ay ang pagkaalala sa mga binitawang salita ni Breazy sa akin sa araw ding 'yon.
"Kilala mo ba kung sino 'yong naghatid sayo?"
Hindi ako nakasagot kay Breazy noon. Hindi lang dahil sa pinaghalo-halong emosyon ng mga sandaling 'yon na nakisabay pa talaga ito sa pakikipagtalo sa akin kundi bukod sa lahat ay wala akong maisagot rito.
Unti-unting nanikip ang dibdib ko. Ang pinipigil kong luha ay nag-uunahan pa rin sa pagbagsak. Itinakip ko ang mga palad ko sa bibig para di ako makalikha ng paghikbi, malalaman nilang nandito ako kapag nagkataon at ayaw kong mangyari 'yon.
"Mr. Ezrente, pasensya na po sa abala pero may tawag ka po galing sa city hall."
Si Rio, dad secretary. Ilang sandali pa ay may kausap na ang daddy.
"What?! I didn't do anything! Hindi ko ginawa ang ibinibintang nila, Genil Anzo Ezrente is my wife! Now tell me, how could I possibly raped her years ago if were married in the same year you stated!"
A what? Nanlamig ako sa aking kinatatayuan. Anong 'yong narinig ko? Dad raped mom?!
"I did not! No, no. I'll come now at the city hall!" I can feel how daddy is trying his best to calm down, but his voice can't lie.
"What happened?" Mom asked dad, she's worried.
"Thanks to your lover Genil, I can be disqualified for this election. Nice!" Dad doesn't hide the sarcasm in his voice.
"I'll go to the city hall right now, enough of your jealousy Genil, take your time to check Arianne. She needed you and so Breazy needs her mom. Stop putting conclusion in your mind, no matter what happens, I'll stay in this house. You're my wife, that's enough reason for you to calm down and don't go below the belt. Will talk later again." Dad last word before he leave.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagmadaling umakyat pabalik sa kwarto ko. Nakasalubong ko si nana Soledad pababa pero hindi ko ito tinapunan ng maski sulyap.
Pagkasarado ko ng pinto ay doon na bumuhos ang mga luha ko. Anong nangyayari?
Nakatulungan ko ang pag-iyak. Nang gumising ako ay alas tres ng hapon na.
Gutom na gutom na ako. Naligo muna ako bago bumaba at naghanap ng makakain sa kusina.
Wala ang daddy at mommy. Napabuntong hininga ako ng maalala ang nangyaring sagutan sa pagitan nila.
"Malamig na 'yan ah. Dapat nagsabi ka para nakapagluto ako ng bago, alam mo namang di sanay ang tiyan mo sa tira-tirang ulam." Si nana Soledad.
"Ayos lang nana. Minsan lang naman, saka gutom na po kasi ako."
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni nana Soledad pagkatapos ay ang pag-iling. Kung tutuusin patapos na ako.
"Nana, matagal na po kayo sa amin diba?" Tanong ko sa kawalan.
"Oo, limang taon palang noon si Bazy at si Breazy ay tatlong taon naman. Bakit mo natanong nak?"
Nakaramdam ako ng lungkot ng marinig ang pangalan ng dalawa kong kapatid. Kapatid, tama mga kapatid ko sila.
"Bakit po nagawa ng mommy at daddy o ninyong lahat na itago sa akin na kapatid ko sila? Kung alam ko lang sana ng mas maaga ay di sana ay mas maraming oras pa kaming magkakasama, o pwedeng di rin namatay ang kuya Bazi at maayos kami ni Breazy ngayon." Hindi ko mapigilan ang hinanakit sa boses ko.
"Sa pakiwari ko ay sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa pagkawala ng kapatid mo Agie, pero nak, sakali mang nalaman mo agad ang katotohanan ay maaaring ikaw rin ang magbago. Aminin ko man o hindi, pare-parehas lang ang dahilan kung bakit makailan mo lang nalaman ang totoo; 'yon ay ang protektahan ang damdamin mo. Mahal na mahal ka ng kuya mo, hindi niya gugustuhing maranasan mo ang sakit na pinagdaanan niya, sabik siya sa pag-aalaga ng isang ama't ina, ang hinanakit na para sa damdamin ni Breazy ay pilit niyang kinuha sa kapatid at ipinaintindi rito ang sitwasyon gaya ng kung paano ka niya protektahan sa huling sandali ng buhay niya."
Nararamdaman ko ang nag-uunahang pagpatak ng aking luha sa lamesa. Bakit? Bakit? Bakit kailangang magdusa ng kuya ng nag-iisa.
"Nana, aalis po muna ako. May pupuntahan lang ako. Wag po kayong mag-alala, di po ako magpapagabi." Agad kong sabi pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko.
Tumayo ako at di na naghintay ng sagot kay nana, lakad takbo ang ginawa ko papuntang kwarto ko. Pagdating ay agad na nagtipa ng text para kay Kyler.
To: Kyler
Kita tayo sa Dating Restaurant...
Matirik ang araw paglabas ko. Hindi ko na inabala si mang Dencio na ihatid ako sa restaurant, nagtricycle na lang ako papunta ro'n.
Tinext ko si Kyler na nasa restaurant na ako pero wala pa rin itong reply.
Gusto ko siyang makita, gusto kong maglabas ng nararamdaman sa kanya. Naaalala ko kasing nandiyan siya lagi para sa akin. Pakiramdam ko kasi ay naiintindihan niya ako.
Naninikip ang dibdib ko sa iba't ibang damdaming lumukob sa akin ngayon. Ayaw ko sa gantong damdamin, ayaw ko ng ganto, ayaw ko.
Nakilala ako agad ng waiter pagdating kaya hinayaan lang akong umupo sa loob kahit walang inorder, mabait pa nga ito dahil binigyan pa ako ng libreng malamig na tubig.
May trenta minutos rin ata ang lumipas ng dumating si Kyler. Hinihingal itong umupo sa harap ko pero ang umagaw talaga ng pansin ko ay ang pasa sa kanyang mukha malapit sa bibig niya.
"What happened to it?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya sa kabila ng katotohanang may pagtatampo akong nararamdaman dito.
Hindi kasi talaga ito nagparamdam sa paglipas ng araw simula noong nangyari sa Oway River. Napabuntong hininga ako at naghintay ng sagot mula sa kanya.
Sa kabila ng lahat ay namiss ko pa rin siya, sa kabila ng lahat ay sa kanya ko pa rin gustong maglabas ng saloobin.
"I just punched someone because he deserved it and he punched and he did the same." Malumanay ang pagkakasabi nito pero halatang nangigil ito.
"And why did you punched that someone?" Kinakabahang tanong ko, hindi ko talaga alam kung bakit ba ako kinakabahan ngayon.
"BECAUSE HE KISSED YANSEA! HOW DARE HIM TO DO IT IN FRONT OF ME!" Galit na galit nitong sabi.
Napaurong ako dahilan ng pag-urong rin ng upuan ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganyan, ramdam ko rin ang tingin ng mga tao sa amin at ang bulung-bulungan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Sari-sari kong tutuusin, pero nanaig doon ang pagkirot sa aking puso.
"Do you love Yansea, Kyler?"
"Of course I do, if I didn't then I won't do it to that boy. Yansea is my sunshine..."
Napatayo na ako sa aking kinauupuan. Enough! Tama na! Sigaw ng utak ko.
"I'm sorry, I didn't mean to bother you. I have to go, take care of yourself always." Huling sabi ko bago ko siya iniwan.
Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero di ko siya pinansin. Tama na Ky, masakit na sa dibdib ang lahat.
Agad akong sumakay sa tricycle na dumaan. Pag-uwi ko sa bahay ay wala pa rin sila mommy at daddy.
Nakita ako ni nana, ngumiti ako ng pilit dito at nilampasan siya. Dumeretso ako ng kwarto ko.
Humiga ako agad sa kama ko. Tumitig sa kisame, ilang sandali ay napahawak ako sa aking dibdib kung saan banda ang puso ko. Kumikirot ito ngayon.
Napakatahimik naman. Ayaw ko ng ganto, napakatahimik, masakit. Tumutulo ang luha ko sa magkabilaang pisngi ko.
Umupo ako at hinablot ang remote saka ko binuksan ang tv para manood, gusto kong abalain ang sarili ko, ayaw ko sa katahimikang nagaganap sa mga oras na ito, parang pakiramdam ko ay nag-iisa ako.
Ngunit pagbukas ko ng tv ay sumalubong ang balitang di ko inaasahan..
'MAYOR ANDRES EZRENTE'S CANDIDACY MIGHT BE DISQUALIFIED FOR THE UPCOMING ELECTION DUE TO HIS ISSUES ABOUT HER WIFE, GENIL EZRENTE.'
Napabuntong hininga ako. Ang luha ko ay nagsimula na namang nag-uunahan sa pagbagsak sa aking pisngi.
Sunod sunod na ingay ng cellphone ko ang umalingawngaw sa buong kwarto ko pagkasaktong pinatay ko ang tv.
Nang tignan ko kung sino ay si Kyler. Ibinaba ko ang cellphone ko, pero dahil walang tigil 'yon sa pagtunog ay pinower off ko ang cellphone ko.
Bumagsak ako sa kama ko at doon ko pinakawalan lahat ng damdaming gustong kumawala.
Nakatulugan ko na 'yon. Paggising ko ay umaga na, kung di pa ako kinatok ni ate Daisy ay di ako magigising.
Sa kusina ay nadatnan ko doon ang mommy. Kasalukuyan itong umiiyak at inaalo ni nana Soledad.
Nang mapansin ako ng mommy at agad itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Mommy is so sorry about all what happened Agie. Ikaw nalang ang dahilan at nandito pa ako, ikaw nalang Agie." Ang mommy habang umiiyak.
Ang luha ko ay nagsimula na ulit tumulo. Ang bigat sa dibdib ko ay tila nadoble sa nakitang kalagayan ng mommy.
"Mommy, umuwi tayo ng Switzerland, please." Tanging naisatinig ko.
Dahil nakayakap sa akin ang mommy ay naramdaman ko nag pagkagulat dito. Kumalas siya sa akin at saka tumitig.
"Mommy, gusto kong ituloy ang pag-aaral ko sa ibang bansa, kahit mismo sa Switzerland. Alam kong matagal mo na ring gustong bisitahahin ang lola, lola at tita doon. Please mommy."
Ilang sandaling nakipagtitigan sa akin ang mama bago ito unti-unting tumango. Sukat doon ay napangiti akong di umabot sa aking mga mata.
Nagpabook agad ang mommy ng flight sa araw ding ito. Ang sabi pa ni mama, bukas na bukas rin ang flight namin.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga damit ko sa aking kama ng bumukas ang kwarto ko at iniluwa niyon si daddy.
"Uuwi kayo ng mommy mo sa Switzerland without telling me?" May hinanakit sa boses ng daddy.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil doon. Hindi ako makatingin kay dad ng diretso pero nakita ko ang lungkot sa mukha nito.
"I'm sorry daddy, I don't know what to believe anymore, I just want to lessen the pain here in my heart. I'm sorry as well if I take mom with me, I know it's wrong timing but..."
"It's okay anak. Daddy understand, mag-iingat kayo doon ng mommy mo, kapag nakaluwag ako ay susunod ako sa inyo agad." Dad last word before he left me dumbfounded.
Kinabukasan ay si mang Dencio ang naghatid sa amin sa airport. Naiyak pa si ate Daisy habang nagpapaalam ako sa kanya.
Ilang sandaling nagyakapan pa at kung ano pang bilin ng mommy kay nana Soledad at ate Daisy bago kami pumasok sa loob.
Papasok na kami sa mismong loob kung saan di pwede pumasok ang mga di magbibiyahe ng may di ako inaasahang dumating.
Nagkatinginan kami ng mommy. Ilang saglit pa ay sinenyasan niya akong lumapit na dito, tumatakbo rin kasi ang oras.
"You will actually leave without telling me eh." Hindi ko alam kung guni-guni ko ba o hindi pero nahihimigan ko ng lungkot ang boses nito. Ayaw kong umasa.
"I'm sorry about what happened yesterday..., Ah- hmn, I love you and please always take care of yourself there." He said.
What did he just say? He told me 'I love you' right? But, he loves Yansea too? Bumigat lang lalo ang dibdib ko.
"You won't stop me to go there?" Umaasang tanong ko sa kanya. Paano kung oo ang sasabihin niya?
"No Arianne." He simply said that broke my heart.
Bumagsak ang balikat at pag-asa sa puso ko. Pilit na ngiti ang isinukli ko rito pagkatapos ay nagsimula na akong tumalikod at umalis. Goodbye Kyler.
Malapit na ako sa gate ng mapansin kong may taong umaaligid sa bahay. Nilapitan ko ito at agad ko siyang nakilala.
''Izalyn?''
''Here, read all of this.'' Sabi nito sabay abot sa akin ang naka-envelope.
Kinuha ko iyon at binuksan. What?! This isn't true!

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    fuerteschie

    Love it!🫶🫶🫶

    10/12

      0
  • avatar
    Sarah Fernandes

    ❤️❤️

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    09/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata