Homepage/Don't Leave Me, Arianne/
CHAPTER 24
Confession.
—
Agie's P.O.V
"Agie, salamat dito sa pa-shanghai mo! Masarap talaga siya." Someone told me from my batchmate. Hindi ko alam ang pangalan niya pero namumukhaan ko siya. Isa ito sa mga sakit sa ulo ng mga teacher dahil laging nagka-cutting class pero kalaunan ay tumino-tino rin ito.
Tumango lang ako rito at tipid na ngumiti. Kantiyawan ang sumunod na nangyari. Ipinagkibit-balikat ko lang 'yon. Sanay na.
"Hay nako Elton, talagang masarap ang shanghai na kinakain mo kasi maganda ang nagluto." Biro ng isa sa mga kabatch rin namin na babae. If I remember it correctly, her name is Sasha. Nagtawanan ang lahat ng nakarinig sa sinabi nito.
Pagkatapos ng ginawang eksena ni Krystel kanina ay agad ko itong hinila palayo. Well, pagkatapos ba naman kasi ng ginawa nito ay gustong pa talaga nitong ituloy ang balak na siya ang magluluto ng shanghai. What a face!
Si Sasha ang sumalo ng gustong gawin ni Krystel. Makulit si Krystel at gustong siya pa pero pagkatapos niyang makatanggap ng matalim na tingin at pagtaas ng kilay kay Jasmine ay natahimik na ito.
Hindi sa takot si Krystel kay Jasmine dahil doon, mas takot si Krystel sa pwedeng gawin ng kaibigan. Sabagay, kahit siguro ako ay tatahimik na lang din, knowing Jasmine, ayaw na ayaw nito ang inasta ni Krystel lalo't nagmukhang nagpakababa ito dahil sa ginawa at tiyak na mapag-iinitan ni Jasmine sina Juaden at Cyra. Oh well kahit pa siguro magpinsan si Jasmine at Juaden ay di sasantuhin ni Jasmine ito.
Jasmine is really a symbolism of her name. She's a flower with a high class, her second name Beryl that is known as one of the precious Gems pertaining to her as well. All in all, she's a girl with a high class, from her name, family background, her characteristics and most of the things about her.
Jasmine is known for being a prim and proper, she's the youngest among the three siblings. Lahat sila ay babae. Kung di ako nagkakamali, si Jasmine lang ang nakaranas na mag-aral sa public, ang dahilan, she got what she wants, lalo na at spoiled kay tito.
Kilala si ate Beladoña at ate Jem bilang isang sikat na model sa US. Nakikita ang mga larawan ng mga ito sa mga sikat na magazine and Brochure.
Jasmine wants a simple life, simple means freedom. She wants to be herself, the reason why she fought back to their mom when tita told her to do what her sisters were doing.
The well known architect Jareño Zaharo is a good father to all of them, though Jasmine is his favorite daughter since our friend has the same talent and hobby as his father. Well, just my own opinion, as people said, there's always a side story to a story.
Nagkibit balikat nalang ako ng wala sa oras dahil sa mga naisip. Basta, ang mahalaga, Jasmine is our friend.
"Agie, Jasmine, Krystel. Lumapit na kayo dito at ng malagyan ko na kayo ng spaghetti sa plato niyo."
Si Caroline na siyang naglalagay ng spaghetti sa mga may gusto niyon. Kailan pa ito nagka-interes sa mga ganyang gawain?
Nauna ng inayos ang pagkain na para sa boodle fight. Niyaya kami pero tumangi ako bukod sa hindi ko alam kung paano kumain na may kasabay sa nilatag nilang dahon ng saging, bukod sa nagkakamay sila, hindi ako marunong, keysa ipahiya ang sarili ay sinabi kong busog pa ako.
Si Caroline, Yansea at Jasmine ang sumabay sa mga nag boodle fight. Kami lang talaga ni Krystel ang nagpalagay sa plato ng spaghetti, dinagdagan namin 'yon ng shrimp and lechong manok na inihaw nila kanina. In fairness, the taste is good.
I'm enjoying my food when I feel someone sitting next to me.
Kuno't noo akong tinignan kung sino 'yon at nagulat ako nang makita si Elton. Base sa reaksyon nito ay kinakabahan ito.
"A-agie... Do you want to go out with me next saturday?" Tanong niya na siyang dahilan ng pagtaas ng kilay ko.
Hindi ako umiwas ng tingin dito, alam kong ramdam niya 'yon. Hindi ko sinagot ang tanong niya, may idea ako sa gusto nitong mangyari pero tinikom ko ang bibig ko.
"What for?" Tanong ko rito. Ramdam kong kinakabahan ito kaya naman iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Hmn, just hangout. A friendly date, I guess?" Nasabi man niya ng deretso ay mababakasan pa rin ng kaba ang boses nito.
Natahimik ako sandali. Mula sa kung saan ay sumagi sa isip ko ang kakaibang damdamin na lumukob sa akin kanina dahil sa nasaksihang pangyayari kina Kyler at Yansea. Napabuntong hininga ako.
"Fetch me on saturday, 10 am sharp." Sabi ko sabay baling sa kanya.
Naabutan ko ang gulat nitong paglingon sa akin. Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya pabalik sa akin na tila di inaasahan ang naging sagot ko.
Lihim akong napabuntong hininga. Itinuloy ko ang naudlot kong pagkain. Hindi ko alam kung umalis ba si Elton sa tabi ko o hindi.
Nang matapos ako ay akmang tatayo ako para ayusin ang pinagkainan ko ng kuhanin 'yon ni Elton bigla sa akin, mukhang nanatili ito sa tabi ko. Nagtungo ito sa may ilog at hinugasan ang pinagkainan ko, pagkatapos ay ipinatong sa platong di nagamit. Nakatanga lang ako sa nangyari, ang bilis.
Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari ng biglang sumulpot ulit si Elton sa harap ko, may dala itong isang basong buko juice. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa hawak niyang baso at sa kanya.
Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang nag-iwas ng tingin, namumula ito. Ramdam ko rin ang tinging inuukol sa amin ng mga tao.
Aabutin ko na sana ang juice ng mula sa kung saan ay may kumuha niyon. Parehong napatingin kami sa may gawa.
Nakataas ang dalawang kilay ni Yansea at matalim ang tingin nito sa akin. Ang tikhim ni Elton ang sunod kong narinig.
"Leave us alone." Malakas ang pagkakasabi at napakalamig ng boses ni Yansea ng sabihin 'yon. Ang salita niya ay para kay Elton.
She never used that tone, this is the first time despite the fact that she has that typical reaction every time she dislikes something.
Tumingin si Elton sa akin, sinalubong ko ang tingin nito, tipid na ngiti ang isinukli ko rito. Mukhang nakuha niya ang sinabi ni Yansea dahil pagkatapos kong ngumiti sa kanya ay iniwan niya kami.
Dahil na kay Elton ang tingin ko ay nakita kong lumapit ito sa mga kaibigan at kinausap siya. Nababakasan ko ng takot ang mukha ni Sasha, isa sa mga lumapit kay Elton.
Hindi ko alam pero mukhang kanina pa ata nakatingin sa amin ang nakakarami dahil nararamdaman ko ang tensyon sa paligid.
Bumuntong hininga ako't pagkatapos ay tumingin kay Yansea. Kalmado na ang reaksyon nito ngayon.
Kinuha ko sa kanya ang baso at inisahang inom ang laman. Nang matapos ay tumingin ako ng diretso kay Yansea.
"You're being rude to him. What's that for?"
"You have the guts to ask me why, eh? Isn't obvious that you are flirting with him. Baka nakakalimutan mong nasa malapit lang si Kyler, ano sa tingin mo ang mararamdaman niya?"
"I'm not flirting with him! And so what if Kyler's around?!"
"A what? What did you say, Agie?!"
"Do I need to repeat it again? You heard it!"
"Stupida!"
Namilog ang mata ko sa huling salita niya. Napatingin ako sa kanya at mukhang pati rin siya ay mismong natigilan sa kanyang sinabi.
She called me what?.., 'Stupida'? Nagpa-ulit ulit 'yon sa isip ko. Hindi ko maintindihan ang nag-uunahang emosyong lumulukob sa akin.
What did I do? Nag-unahan ang mga luha ko sa pagbagsak, pilit kong pinipigilan ngunit kumukusa 'yon.
Anong ginawa ko at nasabihan ako ng ganun ni Yansea? And why she's acting like that? Hindi ba't, hindi ba at siya..., Umiling-iling ako. I need to calm down myself.
"Kyler is important to me Agie, and so you are but damn! I won't let you the reason of his pain again. He has enough."
Narinig kong sabi ni Yansea. Ang boses niya ay pabasag ng sabihin niya 'yon. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, wala akong ginagawa! Ano bang ginawa ko? Why she's acting like that? Mga tanong na nagpaulit-ulit sa aking isipan.
"What's happening here?" A confused voice from Kyler is the next thing I heard. Ni hindi ko namalayan ang pagdating nito.
Walang nagsalita sa amin ni Yansea. Kahit nangangatog ang paa ko ay pinilit kong tumayo naglakad palayo sa kanila.
Sinalubong ako ni Krystel at Caroline pero di ko sila pinansin. Lumapit ako sa gamit ko at kinuha 'yon.
Ang sumunod kong namalayan ay nasa sasakyan na ako pauwi ng bahay. May mga bisita sina mama pagdating ko sa amin.
"Agie, are you okay? Umiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong ng mommy sa akin. Ramdam ko rin ang tingin sa akin ng mga bisita niya.
"Masakit lang po ang ulo ko mom, and ah, I want to rest in my room. Good afternoon po." I told mom then great our visitors afterwards.
Ngumiti sila sa akin. Tumingin ako kay mommy sandali bago umakyat ng hagdan patungo ng kwarto ko.
Pagkahiga ko sa aking kama ay doon muling nag-unahan ang mga luha ko. Masikip ang dibdib ko, mas mahihirapan pa ang loob ko kapag hindi ko iiyak ngayon 'to.
Hindi ako kailan man nasigawan. Hindi ko alam kung 'yon ang dahilan o nabigla lang ako o baka dahil naging sensitive ako sa binitawang salita na Yansea. Hindi ko talaga alam, pwede ring lahat ng 'yon ay nagsama-sama.
Naalala ko tuloy 'yong araw na nasigawan ko rin si Yansea sa may tree house. Hindi ko rin sinasadya 'yon, kagaya ng parang nangyari kanina dahil natigilan ito. Maaaring ganto rin ang naramdaman niya ng mga sandaling 'yon.
Nakatulugan ko ang pag-iyak, pag gising ko ay mabigat ang pakiramdam ko. Kung di pa ako kinatok ni ate Daisy ay di pa ako babangon.
Mabigat pa rin talaga ang pakiramdam ko. Ipahinga ko na muna. Nang tingnan ko ang oras sa wall clock ay alas nuwebe na ng umaga. Napabuntong hininga ako bago ibinagsak muli ang sarili sa kama.
"Yansea why did you eat my chocolate! Asher gave it to me!" I hissed after I said it.
"What? You always give your chocolates to us, right?" She replied like there's nothing wrong with what she did.
Yeah, she's right. Valentine's day ngayon at gaya ng mga nakaraang taon, nakakatangap ako ng iba't ibang regalo from boys and girls at nakaugalian na nina Caroline, Jasmine at Krystel na kunin ang mga 'yon. Kaso iba ngayon, si Asher ang nagbigay niyon eh and Asher is my crush! So dapat ako ang kakain sa hugis pusong tsokolate! At di lang 'yon, hindi naman mahilig makipag-agawan si Yansea, kahit nasa mood ito hindi niya gawain kaya nga nagtataka ako sa kanya ngayon kung bakit ngayon pa talaga niya tinyempo makipag-agawan sa tatlo tas ang pinili pa nga ay 'yong binigay ni Asher!
"Akin na nga 'yan Yansea! That's mine!" Pilit kong kinukuha sa kanya ang tsokolate pero ayaw niyang ibigay.
"Hindi ko 'to ibibigay sayo Agie. This is from Asher right? So this should be mine."
"And why should it be yours? Give it back to me! I'll buy you a lot of it tomorrow, just give it back."
"I told you Agie, I won't give it back to you. This is from Asher, so I want this now."
"Agie? Gising na, tanghali na. Bilin ng mommy niyo na gisingin ka ng 12 para makakain ka. Hindi ka rin nag almusal kanina kaya siguradong gutom ka na."
Gutom? Oo nga, nakakaramdam na ako ng gutom. Nagmulat ako ng mata ko at bumungad sa akin si ate Daisy. Ibinaling ko ang tingin ko sa wall clock, pasado alas dose na. Napabuntong hininga ako.
"Nasaan po sina mom at dad, ate Daisy?"
"Nagmamadaling umalis po kanina ang mommy at daddy niyo. Mukhang may problema nga po sila, pero wag mo na 'yon alalahanin, alalahanin mo muna ang sarili mo. Tignan mo oh, di ka pa pala nagpapalit ng damit mo eh kahapon pa 'yan. "
Tumingin ako sa damit ko. Oo nga tama si ate Daisy. Mabilis akong tumayo, dumertso ng banyo. Habang naliligo ay bumalik sa isip ko ang nangyari kahapon sa oway river. Napabuntong hininga ako.
Habang naglalagay ako ng shampoo sa aking ulo ay naaalala ko ang panaginip ko. Himala, naalala ko ang panaginip ko, kadalasan nakakalimutan ko 'yon paggising ko rin kasi. Kung tutuusin, di naman basta basta panaginip 'yon dahil nangyari talaga 'yon noong elementary palang kami.
--
Sa mga lumipas na araw ay sinadya kong di bigyang atensyon ang cellphone ko. Kahit naririnig kong tumunog 'yon ay di ko pinapansin.
Madalas ring wala ang mommy at daddy sa bahay. Kapag umuwi naman ay madalas kong nakikita ang pagtatalo nila.
"Agie, may bisita ka. Elton daw ang pangalan at may usapan daw kayong lalabas ngayon." May pag-aalala sa boses ni nana Soledad ng sabihin niya 'yon.
"Ah, dati ko pong kaklase. Nana, pakisabi magbibihis lang ako saglit bago kami aalis."
"Ah Agie, hindi naman sa nakikialam ako ah pero alam ba ng mommy at daddy mong lalabas ka ngayon? Saka lalaki pa ang kasama mo."
"A-ah, hindi po nila alam nana. Ah pero.., pero ah alam ko na nana. Dito na lang kami sa bahay mag hangout. Pakidala nalang po si Elton sa may pool area. Susunod po ako. "
Ngumiti si nana sa akin pagkatapos ay ngumiti bago umalis ng kwarto ko.
Buti na lang dumating si Elton. Kung hindi baka magkukulong na naman ako dito sa kwarto mag hapon.
Nagbihis ako ng itim na sando na pinaresan ko ng itim na cycling pagkatapos ay pinatungan ko ng white floral dress.
Bumaba ako at nagtungo agad sa pool area. Nakasalubong ko pa si ate Daisy na nakuno't noo.
"Kararating ni Kyler, Agie. Mukhang wala sa mood ang isang 'yon, kung nakakamatay lang ang tingin niya, namatay na sana ang bisita mo." Napailing-iling pa ito pagkasabi bago umalis.
What? Kyler is here? Sinong nagpapasok sa kanya? At bakit naman siya ganun makatingin kay Elton! Parehas talaga sila ng ugali ni Yansea.
Naoabuntong hininga ako sa huling naisip. Yansea is not here, hindi ko dapat siya isinasali sa inis ko kay Kyler ngayon.
Nagtungo ako ng pool area at andoon nga ito. Masama ang tingin nito kay Elton, nang madako ang tingin niya sa akin ay tinaasan niya ako ng kilay. Suplado!
"Why are you here?" Tanong ko kay Kyler, sa kanya ako nakatingin kaya siguradong alam niyang siya ang tinutukoy ko.
"It should be, why is he here?" Bumaling pa talaga ito kay Elton. He mocks me, I just rolled my eyes because of it.
"Elton is my visitor, is it obvious?" Inis kong sabi sa kanya. Nakakainis! Kahit naiinis ako sa kanya ay nararamdaman ko sa kaibuturan ng puso kong namiss ko ang presensya niya.
"Don't give me that ridiculous answer Arianne. I called and texted you almost everyday, morning to evening yet you didn't bother to answer nor reply. What's that for, hmn?"
"I don't need to answer your question, Kyler. Please do leave us here if you just came today to do your sermon, you're not my brother so stop acting like you are my protective brother just because you saw Elton here and I don't like the way you look at him. Don't be rude to him just like what Yansea did the last time." May bawat diin ang mga salitang binitiwan ko.
"Why do I have this feeling that you hated what Yansea did that day? Really Arianne? For that boy, you're willing to sacrifice your friendship with Yansea, didn't you know that Yansea hated me because of it!"
"That's not my problem anymore Kyler! Umalis ka na lang please! Stop bothering me! Us!" Sumabog na ang kinimkim kong inis, inis na di ko alam kung bakit may naipon akong ganung pakiramdam.
Bakit kailangan pa niyang ipaglandakan sa akin ngayon na kinainisan siya Yansea dahil doon! Pake ko ba! Ni hindi ko nga alam kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ni Yansea nga ng mga sandaling 'yon! I didn't do anything wrong! Nakakainis talaga siya! Sila! Parehas talaga silang dalawa ng ugali! Magsama sila!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Love it!🫶🫶🫶
10/12
0❤️❤️
01/10/2024
0Ganda ng story
09/07/2024
0Tingnan Lahat