CHAPTER 23

Strange feelings.
—
Agie's P.O.V
Summer na pala. Ang Bilis ng oras at panahon. Kung di pa ako niyaya ng JACKY sa picnic ng batch ay di ko mapapansin 'yon.
Nasa Oway River kami ngayon. Hindi ko maitatangi ang katotohanang di ko inaasahan ang kagandahan ng lugar.
Ang ilog na ito ay napapalibutan ng matatayog na mga puno, may mga iba't ibang orchids din akong nakikita sa mga puno. Ang mga ibon ay maingay, maririnig rin ang agos ng tubig, maski ang sariwang hangin ay nararamdaman ko. This place! Damn, I love here! Buti nalang at napilit ako ng apat.
May gantong lugar pala dito sa bayan namin. Ang naalala ko kasi sa gantong lugar ay sa Switzerland, kung saan ay dumalo kaming pamilya sa birthday ng lola, mama ni mommy. Doon na kasi nakatira ang lola, lolo kasama ang nag-iisa at bunsong kapatid ni mommy na si tita Glaidy. Kung tutuusin, bata pa si tita, walong taon lang ang tanda nito sa akin. Labing apat lang din ang tanda ng mommy sa kanya.
"Di mo maitago ang paghanga mo sa lugar na 'to 'no? Buti na lang talaga makukulit kami." Napahagikgik pa si Jasmine pagkasabi sa akin.
"Yeah, ang ganda rito Jasmine." Sagot ko sa kanya. She just wink at me after what I said.
Kung tutuusin, ito rin ang unang beses na sumama ako sa outing ng batch. Bukod kasi sa di ako sanay makihalubilo sa iba ay laging out of town din kami.
"Nako Agie, pagsisihan mo talaga buong buhay mo kapag di ka pa sumama ngayon!" Litanya ni Krystel.
Naka-video call kaming lima ngayon sa Skype. Kung tutuusin wala sana akong balak sagutin ang kaso ay baka magtampo sila, kakaiba pa naman kapag nagtampo ang mga 'to, di namamansin.
"Com'on Agie, di ka pa ba naboboring diyan sa house niyo? Ang lawak lawak nga, madaming foods and everything but you're damn alone there! Promise di ka magsisi kapag sumama ka sa amin, am I right, Yansea, Krystel, Caroline?" Sabay sabay pang tumango ang tatlo bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Jasmine na siyang ikinalawak ng ngiti nito.
"Okay fine, I'll come, I tell mom and dad first, basta sunduin niyo ako here okay?" Naiiling kong sabi. Sana di ko pagsisihan ang desisyon kung sumama sa kanila.
Mas lumawak ang mga ngiti nila. Pumalakpak pa si Jasmine dahil sa tuwa. Ngumiti na lang ako bago nagpaalam sa kanila at naglag-out.
Pagbaba ko sa dining ay nakahain na ng pagkain si ate Daisy. Nasa hapag kainan ang mommy at daddy, pinilit kong iwinaksi sa isipan ko ang natunghayan kong pag-aaway nila noong nakaraan.
"Mom, dad, susunduin ako nina Yansea later, may picnic ang batch." Sabi ko pagkatapos kong nguyain ang beefsteak.
"Where?" Tipid na tanong ni dad. Di nakaligtas sa akin ang talim na ibinigay ni mommy kay daddy. Nagkunwari akong di ko 'yon napansin at ipinagpatuloy ang pagkain.
"I don't know yet, dad. You can ask Yansea later if you want. And please dad, no bodyguards."
Malapit na ulit ang eleksyon, pinaghahandaan na nga kung tutuusin ni daddy 'yon at isa lang ibig sabihin niyon, may bodyguard na naman ako.
"Hindi ka pupunta ng picnic na 'yan ng walang bodyguard Agie." Madiing sabi ni mommy na siyang dahilan ng pag-angat ng tingin ko rito.
"Let her enjoy Genil. Hindi tayo makakapag-out of town this year dahil aasikasuhin ko ang eleksyon."
"I'll let her enjoy it if she's with her bodyguard Andres! That at least makes me relieved that my daughter is safe, I'm not like you."
"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Agie, namatayan na ako ng isang anak, hindi ko kakayanin kong may isa pa. Naging teenager ka rin Genil, alam mo naman siguro ang kalakalan sa buhay teenager, and Agie is not exemption to them."
Umirap lang ang mommy dito. Nakaramdam ako ng guilty sa sinabi ni daddy. Sa kabila ng pagkamatay ni kuya Bazi, I know, I'm the main reason behind it.
Napabuntong hininga ako at itinigil ang pagkain. Nawalan ako ng gana.
Laking pasasalamat ko lang ng may narinig akong nag-doorbell, nawala ang focus ko.
Si nana Soledad ang humarap sa kung sino man 'yon. Si nana at mang Dencio, hindi sila umalis ng bahay kahit na si Breazy ay sumama na kay tita Karmila at Iza. And speaking of Izalyn, wala na akong balita rito after what she did.
Napairap ako sa kawalan ng maalala ang pagiging desperada nito makuha lang ang atensyon ni Kyler, nainis rin ako sa sarili dahil nagpaapekto rin ako sa mga sandaling 'yon. Tsss!
Hindi ko magawang tanungin sina nana Soledad at mang Dencio kung bakit di sila sumama kay tita Karmila. Ilang beses na rin kasi nilang kinokombinsi ang mga ito pero ayaw talaga nila, bukod sa may hiya akong naiwan sa katawan, hindi ko kayang itanong 'yon ng harap harapan.
Hindi ko rin matanong si mommy dahil lagi itong abala sa restaurant o di kaya sa charity. Si daddy naman laging busy, ayaw ko na lang rin silang abalain, ayaw kong dumagdag sa isipin nila.
"Agie, nandito mga kaibigan mo." Si nana Soledad dahilan at nagbalik ako kasalukuyan.
Sa sala dumeretso ang mga ito. Mabilisan kong kinain ang pagkaing di ko magawang makain kanina. Masama ang magsayang ng pagkain, maraming bata ang di nakakakain sa araw araw. Mula sa kung saan ay sumagi 'yon sa isip ko.
Halos magkakasunod lang kaming natapos nina mommy at daddy sa pagkain. Inunahan ko na nga lang sila sa pagtayo at lumapit sa mga kaibigan ko.
"Hmn? You didn't pack your things yet, right?'' Yansea asked me.
Tumango ako sa kanya. Napatapik ito sa kanyang noo. Okay okay, I got it. She doesn't like being late. I rolled my eyes because of it. Hello, picnic ang pupuntahan namin, does anyone set a time for it? Well, I don't know, but maybe.
Lihim akong nainis sa aking sarili dahil sinagot ko rin ang sariling tanong ng walang kasiguraduhan. Ano bang alam ko sa picnic? This is my first time to hangout with some semi strangers slash batchmates.
Bumuntong hininga ako at nagtungo sa hagdan papuntang kwarto ko. Ano bang dadalhin?
Ilang minuto rin ata akong nakatunganga bago ko naisipang magdala ng bimpo, towel, extra clothes, money. Natigilan lang ng hawak ko na ang cologne at Johnson powder sa magkabilaang kamay, do I need this things there?
Napabuntong hininga ako at inilagay pa rin sa bag. Ano pa ba ang kulang? Hmn? Maybe some foods? Yeah, picnic, may pagkain na involve, 'yon ang pagkakaalam ko. Well kahit saang lakad naman, kailangan ng pagkain. so I really need to bring some foods.
Isinara ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto ko. Dumeretso ako sa kusina, pero bago 'yon ay nakita ko sa sala na kausap ni daddy at mommy ang mga kaibigan ko.
"Ate Daisy, anong pagkain ba ang dinadala sa picnic?" Asking ate Daisy who's busy washing the plates.
"Eh saan ba ang picnic niyo? Sa dagat? Ilog? O?" Napatininging tanong sa akin ni ate Daisy.
Napakuno't noo ako. Kailangan ba 'yon? Maybe, she asked eh.
"I don't know ate. Pero 'yong in general na food na lang na dadalhin sa mga picnic, may alam ka ba?"
Napatingin sa akin saglit ito bago ngumiwi. Kumuno't noo naman ako dahil doon. Why? May mali ba akong sinabi? I am being practical lang.
"Kung sa ilog kayo magpipicnic, baka manghuhuli ng mga hipon at isda doon para sa tanghalian, may mga prutas rin sa paligid sigurado, sigurado rin na magdadala ng mga pancit mga kasama mo, magdadala rin ng manok para ihawin. Kapag sa dagat naman, baka gagawa kayo ng buko salad doon, maraming buko sa dagat, fresh pa, sigurado rin na napaghandaan na nila kung sa dagat kayo, baka kagabi pa sila nakahuli ng mga pusit o ano pang mahuhuli nila sa dagat o pwede ding manghuhuli sila mamaya at kapag sa..."
Ganun? So ano ang dadalhin ko? Ah! Hindi ko alam. What about drinks? Baka sa ilog rin sila kukuha? That's, that's ah! Baka hindi kayanin ng sikmura ko ang tubig, maybe I will bring some soft drinks nalang or mineral water? Or add some foods pero anong pagkain nga?
Napabuntong hininga ako. Napansin ko ring tumigil na pala sa pagsasalita si ate Daisy. Nag-angat ako ng tingin rito.
"Magdala ka nalang ng snacks Agie. Sandali tapusin ko lang saglit 'to at maghahanda ako ng mga dadalhin mo."
Namilog ang mata ko sinabi niya, kalaunan ay tuwang tuwa akong yumakap at nagpasalamat kay ate Daisy. Napailing-iling lang ito, maybe because of my reaction. Nonetheless, problem solved!
"Agie what are you doing ba? Kanina mo pa pinaghihintay ang mga kaibigan mo sa sala. Teka, nakapaghanda ka na ba ng mga dadalhin mo?" Si mommy na sumulpot na lang bigla bigla, dahilan at napapitlag ako.
Nang makabawi ay tumango ako kay mommy pagkatapos ay itinuro ang bag ko kung nasaan ang mga hinanda kong gamit.
Kumuno't noo ako ng lumapit doon si mommy at isa isang nilabas ang mga dala ko. Kalaunan ay ibinalik niya rin.
"Daisy, pasuyo ako pabili ng spaghetti at letchong manok sa labas para 'yon dalhin ni Agie or di kaya magpadeliver ka nalang ng foods sa location nila Agie later, mga lunch. "
Napangiwi ako sa sinabi ng mommy. Mukhang minana ko sa kanya ang ugali ko. Narinig ko rin ang marahang pagtawa ni nana Soledad na di ko napansing nasa kusina na rin pala.
Nag-uusap ang mommy at ate Daisy tungkol sa dadalhin ko ng iniwan ko sila. Bitbit ang bag ko ay lumapit ako kina Yansea.
"It's already 8:37 am Agie, we need to go now. Nagsabi na kami sa daddy mo." Caroline said.
Speaking of dad. Inilibot ko ang tingin ko sa sala, papuntang labas ng bahay, sumilip rin ako sa may pool area but he's not there. Umalis na ba?
"Ang sabi niya hindi niya na raw tayo maihahatid dahil may aasikasuhin pa sila sa munisipyo. Sabi naman namin, ayos lang dahil sasabay tayo kay Kyler, may picnic rin kasi sila. Actually, nagpa-gas lang si Kyler, babalik 'yon maya-maya." Si Yansea. Napatingin ako rito, nakatingin pala ito sa akin na tila ba inaabangan ang magiging reaksyon ko.
"Ang tagal naman ni kuya Ky." Sabi ni Jasmine. Tumingin pa ito sa labas ng bahay.
"Hinatid niya pa ang mga kaibigan niya sa may picnic area nila. Katetext niya lang." Si Yansea na kababa ng cellphone niya.
I pouted. Mabuti pa si Yansea tinetext niya about it. Ni hindi ko nga alam na may picnic rin pala sila.
Natigilan ako sa sariling naisip. Napabuntong hininga ako, why I am acting like this. Kailan pa ako naghanap ng attention kay Kyler at nakaramdam ng inggit kay Yansea ng dahil lang doon. Tss!
'Beep' ng sasakyan ang nagpabaling sa akin sa may gate. Pero hindi ko rin makita dahil hindi nakabukas ang gate.
Nakita ko ang pagtayo ng apat. Mamaya pa ay lumabas si mommy kasama si nana Soledad at ate Daisy, may dala dala silang pagkain.
Nang tingnan ko ang naka-tupperware ay napamulagat ako kay mom. Ang laman kasi ay Shanghai.
"Daisy made this last night. Para sana ito sa mga empleyado ng charity mamayang lunch but since first time mo makijoin ng picnic, ibibigay ko na sa inyo 'to." Mom said.
"Wow shanghai! Anong flavor tita?" Bakas sa boses ni Jasmine ang tuwa.
"There's a dynamite, tuna and cheese flavors my dear. Sadyang di ko na ipinahabol na ipinaluto kay nana Soledad para lutuin niyo na lang doon sa picnic niyo, mas masarap kapag crunchy." Nakangiting sagot ni mommy kay Jasmine. Inabot na rin ni Jasmine ang tupperware at nagbulantaryong magbubuhat niyon.
Inabot naman ni Yansea ang na kay ate Daisy at si Caroline naman sa dala ni nana Soledad. Hindi ko alam kung anong laman niyon, bukod doon ay may inabot rin na nachos ang mommy sa akin.
Sinabihan pa ako nitong mahiya raw naman ako sa mga kaibigan ko at sila pa magbitbit. Tinawanan lang naming magkakaibigan ang sinabi ng mommy.
Sinalubong kami ni Kyler. Kay Yansea siya dumeretso at tinulungan ito sa dala niya. Hindi ko maintindihan, ayaw ko sa damdaming lumukob sa akin pero nakaramdam ako ng inis.
Kaya ng salubungin ako ni Kyker pagkatapos niyang tulungan ang mga kaibigan ko sa mga dala nila ay di ko siya pinansin.
"Ako na Agie." Di ko siya pinansin maski sinulyapan, dumeretso lang ako sa loob ng sasakyan niya.
As usual, sila ni Yansea sa harap ang magkatabi. Kaming apat sa backseat. Tss! Kainis ka kyler!
"Hello Agie? Hello? Nasaang planeta ka na ba ikinakasal? Nakakatulala ka na diyan ah."
''Kahit kapatid kita ay di kita sasantuhin! Hindi lang ikaw ang nasasaktan! Wala kang karapatang magreklamo Cyra!''
Sabay pa kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Si Krystel iyon, mukhang nagkainitan na naman sila ni Cyra.
''Wag kang ambisyosa, do you really think, Juaden likes you? Well, here's a confession my dear, half sister. Juaden is my ex boyfriend and he's still into me. You know what's worse, he would not have come closer to you if I hadn't told him.''
Dahil sa sinabing iyon ni Cyra ay gumuhit ang sakit sa reaksyon ng mukha ni Krystel. Si Juaden ay pinipigilan si Cyra.
''Hindi totoo iyan! Sinungaling ka dahil inggit ka lang sa akin!''
''Oh, I will never envy someone like you, dream on!''
''Cyra, please stop.''
''No! My half sister should know where she place herschel, so shut up and don't stop me!''
Akmang sasagot pa sana si Krystel pero pinigilan siya ni Jasmine. Ang ikinagulat ko ay ang klase ng tinging ipinukol ni Jasmine kina Juaden at Cyra.
''Krystel, stop wasting your saliva, garbage will remain garbage.''
Inirapan sila ni Jasmine pagkatapos ay inilayo si Krystel sa kanila. Pero ilang hakbang pa lang ay bumaling si Jasmine kay Juaden.
''I'm ashamed that you loved someone like her, Juaden. She will never gonna be welcome to the family, start avoiding her if you want to be accepted by the Zaharo's Clan.''

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    fuerteschie

    Love it!🫶🫶🫶

    10/12

      0
  • avatar
    Sarah Fernandes

    ❤️❤️

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    09/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata