Homepage/Don't Leave Me, Arianne/
CHAPTER 22
Amulet.
Agie's P.O.V
—
"Happy birthday Agie!" Bati sa akin ni Caroline. Yumakap ito sa akin ng mahigpit pagkatapos ay may inabot siyang paper bag.
"My gift," Nakangiti niyang sabi saka kumindat sa akin.
"Sa kwarto mo nalang buksan ah, dapat ikaw lang makakita niyan, bawal kahit 'yong asungot na tatlo." Pagpapatuloy ni Caroline. She's referring to Yansea, Krystel at Jasmine.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Caroline. Ito rin kasi ang kauna-unahang birthday ko simula noong nabuo ang JACKY na kulang kami, sabay sabay pa ang tatlo.
"Di sila makakapunta. Nagpaalam si Yansea na babawi na lang daw siya, isinama kasi siya ng parents niya pauwi sa farm nila dahil may aasikasuhin doon. Si Krystel, you already know the revelation about Cyra. And Jasmine, nilagnat, hindi ko alam ang nangyari pero she said she's not okay."
Tumango tango ito, tila nag-iisip dahil natahimik, mamaya pa ay ngumiti ito sa ka lumapit sa akin. Umupo siya sa upuang nasa harap ko.
"Don't worry, nandito naman ako. Okay?" She said.
Okay na sana eh kaso naalala ko na ngayon rin pala ang birthday ni Saliya. Saliya is her cousin, it's really impossible na hindi siya makikisaya sa pinsan.
"Today is Saliya's birthday right?" Diretsong tanong ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagkuno't noo niya.
"Ha? Who told you that?"
"Ah? Hmn." Paano ko ba sasabihin sa kanya? Of course it's from the start, Agie, por que. Sita ng kalooban ko.
Kalituan ang nasa mukha nito kaya ikinuwento ko sa kanya ang natanggap kong sulat at usb mula kay Breazy.
Tahimik siya kahit na tapos na akong magkwento. Mamaya pa ay hinila niya ako palabas ng bahay, nang makita niya si mommy sa labas ay ipinaalam niyang bibili kami ng ice cream. Wala na rin nagawa si mommy dahil mabilis rin akong hinila nito papunta sa kotse nila.
"Kuya, sa airport tayo, bilis baka maaabutan pa natin sila." Sabi ni Caroline sa driver niya. Tumango naman ang maman driver pagkatapos isara ni Caroline ang pinto ay umalis na kami.
"Hoy Caroline, hindi mo naman siguro balak bumili ng ice cream sa airport 'no? Andaming grocery store diyan sa tabi tabi oh."
"Charot charot ko lang kay tita na bibili tayo ng ice cream." Kibit balikat niyang sabi.
"Eh kung ganun ano gagawin natin sa airport? Don't tell me kikidnapin mo ako tas ipupunta mo ako sa bahay niyo sa New York para doon ko icelebrate birthday ko." Natatawang sabi ko rito.
Kaloka kasi 'to. Birthday na birthday ko, inilayas ako sa bahay namin. Ano kayang trip nitong ni Caroline.
Well, kung ganun nga ang balak ng babaeng 'to, walang problema. Sa yaman ba ng pamilya nitong si Caroline barya lang sa kanya ang pagpunta sa New York kahit anong oras na gusto nito, bukod sa may private plane nga pala ang angkan nito.
Ang problema di kami nag-paalam ng maayos kina mommy at daddy. Ayts, bahala na nga, di naman sure kong anong trip nitong ni Caroline.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng dress ko pero wala akong makapa. Ano ba 'yan, pati ba naman cellphone ko naiwan ko.
Pagdating namin sa airport at mabilis ulit akong hinila pababa ng kotse pagkatapos ay tumakbo kaming papasok sa loob.
Haharangan na dapat kami ng mga guard kaso may inilabas na ID ata 'yon si Caroline tas ayon tuloy tuloy kami sa loob.
Binitawan niya naman na ako nang nasa loob ko. Habang busy siya sa paglinga-linga ay inasikaso kong tignan ang kamay kong namumula dahil sa paghila bigla ni Caroline sa akin.
Kung di ko lang 'to kaibigan kanina ko pa 'to binulyawan, ayts naman! Buti nalang di naman mahapdi.
"Ayon sila." Mamaya ay narinig kong sabi niya. Hinila na naman niya ako. Aray! Masakit na!
"Ano ba Caroline! Hinay hinay lang, nanakit na palapulsuhan ko! Kanina mo pa ako hinihila eh!" Mariin kong sabi sa kanya.
"Arianne?" Ang patanong na 'yon sa pagbigkas ng pangalan ko ang nagpaangat ng tingin ko sa nagmamay-ari ng boses na kilalang kilala ko.
Nakakuno't noo siya ngayon. Napako ang tingin ko sa katabi niya.., si Saliya. Nagulat ito ng makita ako pero kalaunan ay masuyo siyang ngumiti sa akin, pagkatapos ay nagtatakang tumingin sa pinsan.
"Si Agie, akala niya birthday mo ngayon ate kaya dinala ko siya rito. Wala lang, para makita niyang aalis ka ng bansa. " Kibit balikat na sabi ni Caroline. Siniko ko si Caroline sabay tingin dito.
Ano raw? Aalis ng bansa ngayon si Saliya? Pero bakit? So kaya pala andito rin si Kyler, o pati 'to kasama niya?
"Hindi ko mapunto ang gustong palabasin ng mahal kong pinsan pero, happy birthday Agie." Sabi ni Saliya na dahilan at napabaling ako rito.
"Kyler told me, paalis na siya actually dahil aattend siya birthday mo kaso sakto rin na dumating kayo." Pagpapatuloy ni Saliya.
Nabaling naman ang tingin ko kay Kyler na ngayon ay nakatitig pala sa akin. Napapitlag ako kaya agad rin akong nag-iwas ng tingin dito.
Doon ko rin napansin na andito pala sina kuya Xayv at ate Janela, kasama nila ang ilan pang kamag-anak ata nila.
"Oh birthday ni Agie. Naks! Happy birthday Agie! Teka, don't tell me itinakas ka ni Caroline sa bahay niyo?" Si kuya Xayv sabay tingin kay Caroline, nginisihan lang siya ni Caroline.
"Salamat kuya Xayv, yes po itinakas niya ako, ang paalam niya sa mommy ay bibili ng ice cream, di ko naman alam na gusto niya pala ice cream dito sa may airport." Biro kong sagot kay kuya Xayv.
Natawa kaming lahat. Mamaya pa ay narinig namin na tinatawag na ang mga pasahero, nagpaalam na si Saliya sa mga pinsan. Yumakap din ito kay Kyler, akala ko aalis na siya pero lumapit siya sa akin at yumakap.
"He loves you Agie. Marahil di mo pa maintindihan dahil bata ka pa, but he's willing to wait you no matter what." Sabi niya at kumalas ng yakap. Ngumiti siya sa akin, hindi ko alam kung bakit pero ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
"Have a safe trip." I said to her. Tumango lang siya sa akin bago naglakad papunta sa loob.
Hinintay lang namin na umalis ang eroplanong sinakyan nito bago kami tuluyang lumabas ng airport.
"So dahil birthday ni Agie, sa bahay nila tayo dediretso!" Sabi ni ate Janela. Kumindat pa sa akin ito pagkasabi niyon.
"Well well ano bang handa mo Agie? May Shanghai ba? Salad? Sakto nagutom ako sa paghatid kay Saliya dito sa airport." Natatawang sabi ni kuya Xayv, siniko ito ng katabi niyang babae na maputi, katamtamang tangkad na tila may lahing chinese. She's pretty.
"It's a lucky day for you kuya Xayv. Anyways, let go? Baka mawala ang crispiness ng Shanghai kapag nagtagal tayo rito." Pagbibiro ko sa huling sinabi.
They laugh at it so I laugh with them. Palabas na kami ng airport may maalala ko.
"But before anything else, go to the grocery store first, right Caroline?" Teasing her, she just giggles about it.
Umakbay siya sa akin, bumitaw lang nang papasok na kami sa sasakyan nila. Nakisabay sa amin ang nagpakilalang si ate Kyra at ate Alisandra.
Sa kabilang sasakyan naman ay si kuya Xayv, the pretty girl, I still don't know her name yet so. Ate Janela and ate Sahara is with them also.
Si Kyler naman ay dala ang sasakyan. Sa kanya nakisakay ang isa ring pinsan nina ate Janela.
Sinamahan kong bumili ng ice cream si Caroline. Sumama rin sa amin sina ate Janela at ate alisandra, they buy something, hindi ko na napansin kung ano dahil abala kami ni Caroline na nagdedebate kung Vanilla flavor or chocolate flavor but in the end we both buy it.
Pagkabayad namin ay bumalik na kami ng sasakyan, nasa loob na sina ate Janela at ate Alisandra.
Nagulat pa ako ng may iabot sila sa akin bigla. Nakakuno't noo akong nagpalipat-lipat ng tingin sa mga hawak nila at sa kanila.
"Get it Agie, that's not just a gift for your birthday but a symbolize of the new friendship you has now with my cousins." Nakangiting sabi ni Caroline. Parehas namang tumango ang dalawa bilang sangayon sa sinabi nito.
Nahihiya man pero tinangap ko ang regalo. Well, sinong di mahihiya, oo kilala ko si ate Janela pero di kami gaanong close at si ate Alisandra, kakakilala pa lang namin.
"Asahan mong magbibigay rin later ang iba." Si ate Alisandra.
Pagdating sa bahay ay napatanga nalang ako ng bigla nalang akong sabay sabay na abutan ng regalo nina kuya Xayv at iba pa nilang pinsan, maliban kay kuya Adam. Ate Alisandra is right.
"Damn your age, birthday girl, I will wait 'til you turn 18 before I'm gonna ask you to go out with me. Serve it as my welcome, gift is just normal, boring, you know." He said then wink at me afterwards before he turned to Kyler and tapped his shoulder.
Katahimikan ang sumunod na namayani, parang sabay sabay naming iniintindi ang sinabi ni kuya Adam. W-what did he just told me?
"Oh Agie, Caroline nakabalik na pala kayo. Saan ba kayo bumili ng ice cream at ang tagal tagal niyo eh andaming grocery store diyan sa labas and wh..."
Natigilan si mommy ng marealize niyang di lang kami ni Caroline ang dumating, napakurap pa ito ng dalawang beses, kalaunan ay masuyong ngumiti.
"Oh hello everyone, pasok kayo, sakto luto na ang main course." Si mommy.
"Ayon makakain na ako, gutom na ako eh." Tumawa pa pagkatapos sabihin 'yon ni kuya Xayv. Gaya sa aiport ay siniko ito ng maputing babaeng katabi niya na ikinatawa lang ng huli.
Natawa rin ang mommy. Biglang naging maingay ang dating tahimik na nadatnan ni mommy. Nagsipasok na rin kami.
Di nakatakas sa paningin ko ang pagsikmura ni Kyler kay kuya Adam, nahuli ako ni kuya Adam na nakita 'yong pagsikmura sa kanya kaya umiwas agad ako ng tingin.
Madami ng tao sa bahay. 'yong iba ay halos di ko kilala, maybe it's my daddy's colleagues or it's mom, I don't know.
Tuwing binabati ako ay ngumigiti at nagpapasalamat lang ako sa kanila. Kung may tanong naman sila ay sinasagot ko rin agad.
Naramdaman ko rin kung gaano ka-proud ang daddy sa akin habang nagkwekwento siya sa mga kasamahan, not just only to what I'm doing in school but also to my other activities outside the school, he's kinda proud that his daughter is prim and proper.
Despite how good to hear it from dad, I can't feel it in my heart. Hindi ko magawang maging masaya.
Sa kaloob-looban ng puso ko ay alam ko kung bakit. Pakiramdam ko kasi ay wala akong karapatang maging masaya sa sinasabi ni daddy dahil may dalawa akong kapatid na napabayaan dahil sa akin, may dalawa akong kapatid na habang nagtatamasa ako ng karangyaan habang lumalaki ay nahihirapan sila maski ang kalooban nila.
Natatakot rin ako na baka sa bandang huli ay maranasan ko ang pinagdaanan ng dalawa kong kapatid, ang sakit, ang paghihirap ng damdamin na maging masaya, paano kung di ako kasintapang ng dalawa kong kapatid na lampasan ang lungkot. And what about my mom? Kaya ko ba siyang makitang nasasaktan? Umiiyak? Hindi ako bulag para di makita ang nag-uumapaw na pagmamahal ng mommy kay daddy.
Napansin kong dinala ako ng pag-iisip at paa ko sa hardin namin. Nang tumingala ako ay doon ko lang narealize na gabi na pala dahil may nakikita na akong bituin na nagniningning sa kalangitan.
"Baka mahamugan ka," Isang pamilyar na boses ang nagpalingon sa akin dito.
Inabot niya sa akin ang isang itim na jacket, nakaramdam ako ng ginaw kaya inabot ko 'yon at ibinalot sa sarili.
"Do you have a birthday wish?" He asks to open up a topic.
"I can't think any specific wish, but maybe a peace of mind will do but surely it won't be granted." Hindi ko napigilan ang lungkot sa boses ko.
"What do you mean? All wishes will be grant at the perfect time, if it's not then maybe it's a sign to put more hardwork to overcome it." He said.
Natahimik ako. Actually, he has a point. Kaya siguro di ko rin maramdaman ngayon ang katahimikan sa isip ko ay dahil hindi ko naman ginagawa ng paraan. Masyado kasing nakatuon ang isip ko kung bakit may mga ganoong sitwasyon, bakit may nakakasirang pagmamahal, bakit may tulad namin ni Cyra?
Sa kagustuhan kong masagot ang mga katanungan ko mas lalo akong nag-iisip, na sa pag-iisip ko ay nasasaktan ko ang sarili ko. Hindi ko rin naman kasi pwedeng ipagsawalang bahala na lang.
"This is for you." Napabaling ako kay Kyler. Sa kanang kamay niya ay may hawak siyang bracelet. It's a color white mix with peach color. It's pretty!
"Nabili ko 'to sa Italy, together with the ankle bracelet. This is not just an ordinary bracelet, it's an amulet."
Pagbibigay alam niya. Nakalapit na siya sa akin at kasalukuyang inilalagay ang bracelet sa kanang kamay ko. Bagay sa kamay ko.
"Sa akin ang ankle bracelet, para kahit saan ka pa pupunta, masusundan kita because of the lucky charm of this amulet." Itinaas niya ang kaliwang paa, ipinakita sa akin ang nakalagay doon, his amulet there is a silver.
"Now that the bracelet is already yours, I believe they're a good match with mine. They're partners actually when I bought it there and Ah, hmn... if you know what I mean." Nahihiyang dugtong niya. Napangiti ako, may kilig akong nararamdaman.
"So meaning, our amulets connects us to each other. So it also means that, wala na akong kawala sa 'yo?" I tease him. Natawa ako ng mapatikhim siya bigla at agad na nag-iwas ng tingin sa akin.
"You don't need to wear it if you don't like Arianne."
"I'll take care of this Ky and I'm gonna wear this. Thank you so much!" I said to him. Itinaas ko ang kamay ko kung nasaan ang amulet, nagulat nalang ako ng mapansing, kumikislap 'to sa kadiliman ng masaktong naitaas ko 'yon sa di naiilawan.
"Ang ganda Ky!" Alam ko kahit di ko makita ang sarili ko ngayon ay nagniningning ito dahil sa nakikita.
"Yeah, like the owner of that amulet." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin, kahit naloloka na ako sa pintig ng puso ko ay sinalubong ko ang titig niya.
"Hihintayin kita hanggang sa pwede ka ng ligawan Arianne, there's no pressure, ganun ako tinamaan sayo." Hindi ako makapagsalita, ramdam ko lang ang bilis ng tibok ng puso ko.
Aminin ko man o hindi, alam kong nahulog na ako, dahil kung hindi, bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko, ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko. I am blushing!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Love it!🫶🫶🫶
10/12
0❤️❤️
01/10/2024
0Ganda ng story
09/07/2024
0Tingnan Lahat