CHAPTER 21

Ate.
—
Agie's P.O.V
Maaga akong nagising o tamang sabihin na wala naman talaga akong tulog. Bukas na ang kaarawan ko, dapat masaya ako at excited pero heto ako at binabagabag ng aking kalooban.
Anim na araw ang nakaraan nang makatanggap ako ng sulat mula kay Breazy, sa sulat na 'yon ay may kasamang usb kung saan napaloob ang usapan nina Kyler at Izalyn tungkol sa parating na kaarawan namin ni Saliya. Kung bakit pa kasi sa dami ng makakasabay ko ng birthday ay ang babaeng 'yon pa.
Hindi ko alam kung ano ang intensyon ni Breazy at pinadala niya sa akin 'yon bukod sa hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
"Ang lalim ng iniisip ng maganda kong kaibigan ah! Sino ba 'yan? Si kuya Ky?" Mapanuksong sabi ni Krystel sa akin, umakbay pa.
"Nope, I'm just thinking about my birthday tomorrow." Agad kong sagot bilang iwas na rin sa sinabi nito. Tama naman siyang si Kyler ang iniisip ko pero hindi lang 'to.
Ayaw ko ring magkwento, ewan ko ba pero hindi kasi palakwento kahit na sa mga kaibigan ko. Oo marami silang alam sa akin pero may mga bagay talaga akong di sinasabi sa kanila lalo na kung hindi sigurado, tulad ngayon kung ano nga ba ang meron sa amin ni Kyler bukod sa di ko naman rin kasi alam kung ano ang totoong namamagitan sa amin.
Ang naalala ko kasi. Nakita ko siya sa araw na 'yon habang umuulan, inihatid niya ako sa school dahil naplatan, sinundo para iuwi ng dahil sa sitwasyong di inaasahan hanggang sa naging parang normal na lang ang lahat ng 'yon sa pagitan namin.
I can't tell if this is love or what. Basta ang masasabi ko base sa pagkakaintindi ko, we're both enjoying each other's company everytime were together. Yeah, I felt that he has a special place in my heart but I still don't know how to address this feeling and I can't tell what's the exact term I should use to explain this. Most of all, I don't know what's the real score between us. To be honest, at this moment I'm confused like hell.
"You know what Agie, mas mabuti pang kausapin mo si kuya Kyler kung meron kayong di pagkakaunawaan." Si Krystel, dahilan at nakabalik ang isip ko sa kasalukuyan mula sa pag-iisip.
Nasa tabi ko pa pala 'to. Akala ko iniwan na ako. Madalas kasi, kapag gantong bagot na bagot akong sumagot o walang ganang makipag-usap ay iiwan niya na ako. Ayaw kasi nitong sayangin ang araw niya sa isang bagay na sa tingin niya ay walang katuturan para sa kanya. Katulad na lamang ng kawalan ng gana makipag-usap o sumagot, madaldal si Krystel kaya naman mas gugustuhin nitong makahanap ng makakausap keysa sa manatili sa tabi ko na may sariling mundo. Malayong malayo ang ugali namin ni Krystel pero marami kaming bagay na pagkakapareho at hilig kaya rin magkaibigan kami.
"Wala kaming problema ni Kyler. Siya nga pala, balita ko nililigawan ka ng prince ng room." Pag-iiba ko sa usapan.
Biglang nag-iba ang ngiti nito, base sa reaksyon niya ay kinikilig ito. Ngayon ko lang nakitang ganyan si Krystel. Oo at may mga kilala akong naging crush niya pero hindi siya ganyan umasta, bukod sa malihim ito, kahit na siya ay dakilang madaldal.
"He's cute right? Alam mo bang sa tinagal tagal kong kakilala at kapit bahay 'yang si Juaden ay ngayon ko lang napansin na cute at mabait pala siya. Snob at arogante kasi 'yan dati sa akin." Nagniningning ang mga mata nito habang nagkwekwento, so it's confirmed! She's in love.
"Kayo na ba?" Diretso kong tanong. Napapitlag siya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin.
Napansin ko sa sulok ng mata kong dumating na sa room sina Juaden and his friends, galing sigurado ang mga 'to ng canteen dahil may dala-dala pa 'tong bottled mineral water and some snacks.
"Krystel, I'm asking you. Kayo na ba ni Juaden?" Kay Krystel ako nakatingin pero kita ko sa sulok ng mata ko na natigilan sa balak na pag-upo sa kanyang upuan si Juaden, malapit lang ito sa amin kaya sigurado akong narinig niya ang tanong ko kay Krystel.
"H-a.., ha?! Ano ka ba Agie, bata pa ako para magpaligaw." May pagkautal niyang sabi. Nginisihan ko lang siya bago nagpatuloy.
"Pero sasagutin mo ba kung sakaling manligaw nga sayo?"
"A-ah eh hindi pa naman siya nagsasabing manliligaw siya kaya hindi ko pa alam."
Nagkibit balikat lang ako. Napatingin ako kay Juaden ng diretso, nakaupo na ito ngayon sa upuan nito at kausap na ang mga kaibigan.
"Juaden, is the snack and bottled water you are holding is for Krystel?" May kalakasan ang pagkakasabi ko dahilan ng pagbaling ng mga tsismoso at tsismosa kung mga kaklase sa banda namin.
Napakuno't noo si Juaden, pagkatapos ay pinaglipat-lipat ang tingin sa mga hawak at kay Krystel.
Naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni Krystel, nang tingnan ko ito ay namumula na. Nginisihan ko lang siya. Well, take my sweet avenge my friend Krystel. Akala ata nito nakalimutan ko ng siya ang pasimuno ng pang-aasar sa amin ni Kyler noong exhibit. Nakaganti rin ako sa wakas. Haha.
"Ahmn. Kumakain ka ba nito?" Juaden curiously asking Krystel.
Hindi nakasagot si Krystel, tahimik lang 'to. Pulang pula pa rin ang mukha nito, parang kamatis na nga eh. Cute!
"Sus Juaden, ibigay muna! Wag ka ng torpe, ayan oh, tinutulungan ka na nga ni Agie eh." Kantiyaw ng isa sa mga kaibigan ni Juaden.
"Ibibigay na 'yan. Ibibigay na 'yan. Ibibigay na 'yan." Paulit-ulit na sabi ng mga kaibigan niya, nakisama na rin ang iba naming kaklase.
Nang lingunin ko sina Caroline, Jasmine at Yansea ay pare-parehong nakangisi ang mga ito, nag-thumbs up nga sila sa akin. Tuwang tuwa rin ang mga 'to. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi ko.
Mas umingay lang ang klase ng tumayo si Juaden at lumapit kay Krystel.
"Garlic flavor ito. Kaya kita tinatanong kung kumakain ka ba nito kasi naalala kong allergy ka sa bawang."
Mas lalong umingay ang mga tao sa paligid dahil sa sinabing 'yon ni Juaden.
"Ibang galawan pare! Alam na alam kung saan allergy. Yieeee!"
Kantiyaw ng isa naming kaklase. Mas lalong naghiyawan ang mga kaklase ko. Hindi pa rin nagsasalita si Krystel.
Mamaya pa ay inilapag ni Juaden ang bottled water sa armchair nito.
"Hintayin mo 'ko, bibilhan kita ng pagkain sa canteen. Ayan muna inumin mo kapag nagugutom ka na."
"Ha?! Eh, ah, ahmn. Hindi naman ako gutom."
Napakuno't noo si Juaden. Mamaya pa ay napatitig ito kay Krystel, ang huli ay yumuko lalo, nahihiya.
"Sus Krystel, sagutin mo na lang kasi 'yang si Juaden ng makatikim naman ng pagkaing mayaman!" Isang boses lalaki ang nagsalita. Natahimik ang mga tao, pero di nagtagal ay nagsimula ang bulongan.
Hindi ko nagustuhan ang uri ng pananalita nito. Halata ang panlalait sa boses nito. Matalim kong tinignan si Cyra na siyang nagsalita, tinaasan lang niya ako ng kilay at umirap.
"Bakit? Kasi gawain mo?" Kalmadong sagot dito ni Yansea.
Mas dumoble ang katahimikan. Ang babaeng demonyitang si Cyra ay nagawa pang magtaas ng kilay pagkatapos ay ngumisi kay Yansea.
"As expected, ipagtatanggol siya ng kapwa niya mahirap." Panlalait ni Cyra. Lumawak pa ang ngiti ng babae, hinahamon si Yansea.
Natigilan ako ng marealize ang sinabi ni Cyra. Umaasa akong walang alam si Cyra sa tunay na pagkatao ng mama ni Yansea dahil lihim 'yon ng pamilya nila at imposibleng basta basta na lang malaman ng iba kung di kakilala.
"Sa mata ng iba, isa kang Avrente, isang heredera pero ang totoo niyan ay ampon lang naman ang mama mo diba?" Diretsong sabi ni Cyra.
Napasinghap ako, ito na ang iniiwasan ko, naming apat nina Krystel, Caroline at Jasmine.
Alam namin ang tungkol doon pero minsan man ay di namin napag-usapan maliban na lang noong araw na nagsabi si Yansea sa amin kung bakit ayaw niya ring makipagkaibigan sa amin dati, umiiwas kasi talaga ito sa amin noon. Ito ang isa sa dahilan niya, sabi niya peke siya at di nararapat sa grupo namin, ayaw kasi nitong pag-usapan rin ang tungkol doon.
Tawa ni Cyra ang bumalot sa katahimikan ng buong klase.
"Oh! Don't tell me, kinain na ng mga salita ang boses mo at di ka makasagot." Pagpapatuloy nito.
"Ah nagsalita ang dakilang tsismosa. Hmn? Scholar ka ng dad right? What's your full name again? Cyra Akela Diaz?" Kalmado ako ng sabihin ko 'yon pero nangigil na ang kalooban ko, how dare she is para ipahiya si Yansea sa buong klase! Wala siyang karapatan!
Hindi nagbago ang awra niya pero ramdam kong kinakabahan na rin siya. Yes, that's it girl, kabahan ka dahil mali ka ng kinakalaban.
"Please don't do it Agie, Cyra needs her scholarship." Pakiusap mula kay Juaden na siyang ikinagulat ko, alam kong hindi lang ako.
Nilait na siya't lahat lahat, nakikiusap pa ito sa akin ngayon para kay Cyra. Nang titigan ko si Cyra ay may iba ako napansin sa uri ng mga mata nito ngayon, parang.., parang punong puno ng galit, hinanakit at lungkot ang mga 'yon pero dahil maldita ang awrahan niya ay di mahahalata sa unang tingin.
Nadako ang tingin ko kay Krystel. Nakatingin na ito kay Juaden, kalituan ang nakabadya sa reaksyon ng mukha nito.
"Who cares about my scholarship! Stop protecting me Juaden! Don't, just don't you dare like you really care for me, because if you really do, you're going to stay away from that girl!" Galit na sabi ni Cyra, matatalim ang mata nitong nakatingin kay Juaden, pagkatapos ay kay Krystel. Napansin ko rin ang pagkapitlag ng huli.
"Enough Cyra. Wag mong ibaba ang sarili mo dahil sa galit mo sa amin ni Krystel. No matter what you do, she's still your ate."
W-what? Natigilan ako. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Krystel na di man lang nagulat at kay Cyra na umismid.
Hindi ko nakayanan ang rebelasyon na nangyari. Tumayo ako at nagtungo ng comfort room.
Mabuti nalang at walang tao pagdating ko. Mabilis akong naghilamos ng mukha. Pakiramdam ko kasi ay nag-init ang buong katawan ko, parang galit ako na hindi ko alam ang dahilan.
Bakit kailangang maraming ipinapanganak na bastardo at nadadamay sa kasalanan ng mga magulang? Bumuntong hininga ako ng malalalim, pilit kinakalma ang sarili.
Ako, hindi ko alam kung sino ba ang totoong bastardo sa amin, ako ba na may buong pamilya ngayon o sila Breazy at kuya Bazi na siyang unang ipinanganak sa akin.
Bakit may mga ganung tao? Bakit may mga gantong sitwasyon? Bakit?!
"You okay?" Napapitlag ako sa narinig.
Nang tignan ko kung sino ay napataas ako ng kilay. Kilala ko siya, siya 'yong lalaking nagpasulat sa amin dahil wala si Mrs. Francisco, ito 'yong lalaking nambwisit ng araw ko noon!
"What are you doing here?!" I asked instead of answering his question. Bakit close ba kami para sagutin ko ang tanong niya. Tsk!
"This is a comfort room, edi malamang nag-cr alangan naman na kumain ako dito." Arrogante niyang sagot.
Inirapan ko siya. Ang kapal! Anong tingin niya sa akin bulag?! Of course I know that this is a comfort room! Inirapan ko siya.
"Mali ka ata ng pinasukang cr." Kalmado ang boses ko pero may diin ang bawat salitang binitawan ko.
"Really?" May panunuya sa boses niya na siyang ikinairita ko lalo.
"Yes really so if you mind..."
"Ay jusko! Ms. Ezrente what are you doing here in males comfort room?"
Nagulat ako sa lakas ng boses. Ni hindi ko napansin ang pagbukas ng pinto. Napabaling ang tingin ko sa nagsalita, si sir Rezo, p.e teacher ko. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa amin ng lalaking nasa tabi ko.
Nang marealize ang sinabi niya ay mas lalo akong naalarma. Di sinasadyang madako ang tingin ko sa pintuan ng cr kung saan nakalagay ang naka-print na mga salitang. 'Male'.
"Nauna akong dumating sa cr sir. Mukhang may malalim na iniisip si ms. Ezrente kaya di niya napansing mali pala ang napasukan niyang cr."
Paliwanang ng lalaking katabi ko. Mamaya pa ay napatitig sa akin ang p.e teacher ko, kalaunan ay ngumiti.
"Kung di ko lang alam na matino kang bata Dwight ay baka iba ang iisipin ko pero may tiwala ako sayo bukod sa hindi rin naman siguro pinalaki ni Mrs. Ezrente ang dalaga niya ng ganun."
Natahimik ako. Wala akong masagot. Hiyang hiya ako sa kagagahang nagawa.
"Yeah sir. Bukod sa di siya ang tipo kung babae."
Napamulagat ako sa sinabi niya! Inis na binalingan ko siya, dahil nasa may bandang harap siya ay sinadya ko siyang banggahin sa inis ko.
Umalis ako ng cr, nagmamadali. Buti na lang at walang ibang tao sa labas ng males comfort room.
Ang kapal niya! As if naman type ko rin ang tulad niya. Bwisit siya! Bwisit talaga siya!

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    fuerteschie

    Love it!🫶🫶🫶

    10/12

      0
  • avatar
    Sarah Fernandes

    ❤️❤️

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    09/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata