CHAPTER 13

Avrente's Farm.
—
Agie's P.O.V
Magkaharap kaming naka-upo ni Kyler sa dining table, ang mesa ang pagitan namin.
Nilalaro ko sa aking kamay ang baso ng pinag-inuman ko ng fresh milk samantalang si Kyler naman ay hinihintay ang pina-init na lechong manok sa microwave oven.
Katatapos niya lang magsangag ng kanin, nagluto din siya ng bacon at itlog. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil naalala ng utak ko ang nangyari kanina.
Pagkatapos kasi niyang sabihing siya 'yon ay tumigil ako sa pagpupumiglas. Akala ko ay pakakawalan niya agad ako pero nanatili siya sa kanyang pwesto pero ramdam ko namang niluwagan niya na ang kanyang hawak saakin.
Pero makaraan din ang ilang sandali ay kumalas siya at humingi ng pasensya. Hindi ko siya kinibo kahit na tinanong niya ako kung anong gusto kong ulamin.
Kung tutuusin, nagtataka pa rin ako kung bakit at paaanong nandito siya sa bahay. Narinig ko at alam kong pati siya ay narinig ang tunog ng oven. Tumayo siya at tinangal ang pina-init saka maingat na ilapag sa harap ko ang 'yon.
"Kain ka na. Di ka kumain kagabi."
Nag-alangan pa ako, kasi paano ako kakain gayong nandiyan siya at nakatingin. Pero dahil kumalam ang tiyan ko ay tumayo na ako at kumuha ng dalawang pingan at dalawang pares ng tinidor at kutsara.
"Here, saluhan mo na ako. Pero kung di ka kakain pwede bang sa sala ka mo na, hindi kasi ako makakain kung alam kong may nakatitig sa akin." Sabi ko sabay sulyap sa kanya. Nakita kong nagtaas siya ng kilay at nanguno't noo siya pero kalaunan ay kinuha ang plato, tinidor at kutsara saka naglagay ng pagkain sa kanyang plato.
"So tell me, paanong nandito ka sa bahay at nangugulat. Kung hindi mo ako napigilan ay baka nagising ko na lahat ng tao dito sa bahay." Tanong ko habang kumakain. Di pa rin kasi nasasagot ang katanungan sa isip ko kung bakit nandito siya sa bahay.
"Nag-aalala kaming lahat sayo dahil sa nangyari, lalo na noong di mo binubuksan ang kwarto mo noong tawagin kita, pero buti nalang at may duplicate si nana Soledad ng susi ng kwarto mo kaya nalaman naming tulog ka na."
"Pagod na kasi ako at gusto ko ng magpahinga. Pasensya na." Sabi ko pero agad akong napa-iling ng mapansin ko ang huli kong sinabi. Bakit ba ako humihingi ng pasensya sa kanya. Sagot ng isip ko.
"Pangit ba ang lasa ng itlog?"
"Ha?"
"Ang sabi ko pangit ba ang lasa ng itlog? Actually, hindi ko nilagyan ng asin 'yan kasi baka ayaw mo ng maalat kaya vetsin lang nilagay ko."
Ako naman ngayon ang napakuno't noo dahil sa sinabi niya. Napansin niya siguro agad ang kalituan ko sa sinasabi niya dahil nagsalita siya ulit.
"Ngumiwi ka kasi habang kinakain ang itlog kaya.., anyways ilagay mo nalang sa plato ko kung ayaw mo. Sayang din kasi kung itatapon mo."
"Ah eh? Hindi naman sa ayaw ko sa niluto mo, ah.., ano kasi may naisip lang ako kanina kaya ako ngumiwi at nasakto noong isunusubo ko siguro ang itlog kaya..."
Natigilan ako sa pagsasalita, napatingin ako sa kanya nang biglaan kong marinig ang pagtayo nito pagkaraan ng ilang minutong di pagsasalita.
Tumingala ako sa kanya, parang may iniisip o prinoproblema siya. May nasabi ba ako?
Nang magtama ang tingin namin ay agad siyang nag-iwas ng tingin, ang ikinataas lang ng kilay ko at nasabayan ko ng pagkuno't noo ay kung bakit pulang pula ang mukha nito. Maputi siya kaya madali ko 'yon napansin, idagdag mo pa na diretso akong nakatingin sa kanya ngayon.
"Uh-uhmn..,ubusin mo na 'yang pagkain mo."
May pagka-utal na sinabi niya habang naka-iwas pa rin ng tingin. Dinala niya ang pagkain niya na may laman pa, sinundan ko siya ng tingin. Naglalakad itong minamadaling inuubos ang laman ng plato niya.
Nang mapansin niya ang tingin ko ay lumingon siya pero mabilis ring umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa kinakain, samantalang ako naman ay nagkibit-balikat at itinuon na rin ang pansin ko sa kinakain ko.
Mga bandang alas-singko na ata ng magising si nana Soledad, humingi pa ito ng pasensya at di raw siya maagang nagising at di ako napagluto. Sinabi ko namang ayos lang.
Nakita ko din ang pagtataka sa mukha ni nana noong makita niya ang nalutong itlog at Bacon sa mesa. Alam kasi niyang di ako nagluluto at di talaga marunong.
"Ah pasensya na po ang nakialam ako sa mga gamit at laman ng refrigerator niyo nana. " Sabi ni Kyler na bigla nalang sumulpot sa harap namin ni nana. Ngumiti naman dito si nana at sinabing ayos lang at saka ito nagsimulang maghanda ng pang-agahan. Aalis daw kasi ng maaga si mommy at daddy.
Ilang minuto lang ata ang lumipas ng marinig ko ang yapak ng taong pababa sa hagdan, mamaya pa ay narinig ko ang boses nito.
"Kyler? Ky? Where are you?" Si Yansea ang naghahanap kay Kyler, hindi ito sumisigaw, kumbaga sakto lang ang boses para marinig ang boses nito dito sa kinaroroonan namin.
Mamaya pa ay dumating ito sa kusina at agad na nagtama ang tingin namin pagkatapos ay napatingin siya kay Kyler na nasa harapan ko pa pala.
"Nandito ka lang pala. Maayos ba ang tulog mo sa sofa? Sabi kasi sayong sa guest room ka nalang matulog eh." Sinasabi 'yon ni Yansea habang palapit kay Kyler.
"I'm fine Yansea, don't worry about me." Sabi nito at saka hinawakan ang ulo nito para lang guluhin ang buhok ni Yansea na siyang ikinairita nito.
Mabilis na tinabig nito ang kamay ni Kyler pagkatapos ay tumango si Yansea dito saka lumapit sa akin at inilapit ang kanang kamay sa noo ko, saka tumango-tango.
"Buti hindi ka nilagnat, pinag-aalala mo ako kagabi. Sa susunod naman Agie wag mo na kaming tatakasan ng ganoon, hindi nakakatuwa."
"Hindi ka na galit sa akin?"
Diretsong tanong ko sa kanya. Alam ko namang may kasalanan pa ako sa kanya dahil bigla ko nalang siyang nasigawaan kahapon.
"Hindi naman ako nagalit sayo pero kung gusto mong magalit talaga ako sayo gawin mo ulit ang ginawa mo kahapon."
Nanunuya niyang sagot saakin. Nginisian ko nalang siya at nang makita niya ay inirapan niya lang ako.
"Sa susunod hindi na ako sa jeepney sumakay kapag tatakasan ko kayo, dahil sa kabayo na kung may pagkakataon pa ulit ako," Sabi ko pagkatapos ay tumawa ako, ang kaso ay parang nainis si Yansea sa sinabi ko at di lang siya dahil pati si Kyler. Napatikhim nalang ako.
"Joke lang, 'tong mga 'to naman di na mabiro. Saka saan naman ako kukuha ng kabayo eh nasa bayan tayo, hmn?" Sabi ko saka tumawa pero seryoso pa rin sila. Tsk! Ewan ko sa inyong dalawa, kaya siguro sila close kasi same sila ng ugali. Parehong laging seryoso sa buhay. Kaumay! Char!
Mamaya pa ay narinig ko na ang ingay ng boses nina Caroline, Jasmine at Krystel papunta dito sa kusina. Oh, so pati rin pala sila ay di umuwi. Ayts, nakakatuwa naman ito, halatang mahal na mahal nila ako. Napangiti ako.
"Good morning." Bati ko sa kanila. Napapitlag pa sila na siyang ikinatawa ko naman. Mabilis silang lumapit sa akin at yumakap pagkatapos ay nagsi-upo na sa mga bakanteng upuan.
"Hoy Agie, nagtatampo pa rin ako sayo! Pinag-aalala mo kami kahapon." Sabi ni Krystel habang matamang nakatingin sa akin. Sinalubong ko naman ang tingin nito saka sumagot.
"Edi magtampo ka, pake ko? Choss! Joke lang, oh baka seryosohin mo din gaya nina Kyler at Yansea ah." Sagot ko sabay ngiwi.
Naalala ko ulit kasi ang itsura ng dalawa kanina, sobrang seryoso. Napapitlag nalang ako ng may bumatok sa akin. Gagi! Ang sakit magbatok tas mabigat pa kamay.., aray ko!
"Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin kapag inulit mo pa ang ginawa mong pagtakas sa amin kahapon! Grabe 'yong alala namin to the point na hindi na rin kami umuwi kagabi tas ngayon biro-biruin mo lang kami ng ganyan! Nabagok ba 'yang ulo mo at di mo na maalala pinag-gagawa mo kahapon? Ha!?" Iritadong sabi ni Caroline.
Natahimik ako dahil tama naman siya. Ang totoo niyan, ayaw ko ng alalahanin ang nangyari kahapon kasi bumibigat lang din ang pakiramdam ko tulad nila, alam ko, ramdam ko ang pag-aalala nila kaya nga hangga't kaya ko ay idinadaan ko sa biro para di na masyadong mabigat ang atmosphere.
"Sorry na, pasensya na at napag-aalala ko kayo. Don't worry, ayos naman ako. Salamat sa pag-aalala niyo."
Katahimikan ang sumunod na namayani. Nabasag lang 'yon nang dumating si mommy at daddy sa dining, nakabihis na ang mga 'to at handa ng umalis. Tsaa lang ang hinihingi ng mommy kay nana Soledad ng sila nito kung anong gusto nila at si papa naman ay barakong kape.
Di nagtagal ay inihain na ang almusal. Tapa, itlog na may sayote, bacon, pancit cantoon, kanin at orange juice. Hindi sumabay sa amin si nana dahil may gagawin pa raw ito, si Breazy naman na di ko namalayang gising na pala ay di rin sumabay sa amin, kasama nito si Kyler na umalis ng kusina.
Ako naman ay nanatili sa hapag kainan since di pa ako tapos kahit na mas mauuna akong matapos sa kanila, saka kabastusan 'yon kung bigla nalang akong aalis lalo na at wala naman akong ibang importanteng gawin.
"Nga pala tita, tito pwede ko bang isama si Agie sa Farm ngayon? Weekend naman po and kapag pumayag po kayo ay hanggang lingo sana kami sa amin." Si Yansea ang nagsalita. Napatingin ako ngayon dito, kay mama at papa nagpalipat-lipat ang tingin nito.
"Sure, no problem ija." Si daddy ang nagsalita at masuyong ngumita kay Yansea. Si mama naman ay napatingin kay papa pagkatapos ay tumingin sa akin. Kalaunan ay tumingin kay Yansea, tumango siya rito. Ngumiti at nagpasalamat naman si Yansea kina mom at dad.
Kaya after ng breakfast ay naligo na ako at naghanda ng mga dadalhin ko. Pababa na ako ng hagdan ng magkasalubong kami ni Breazy, napagtigil ako at akmang kakausapin siya para humingi ng pasensya sa nangyari kahapon pero nilampasan niya lang ako at may dala dala itong walis tambo. Hindi niya ako pinansin at dumeretso lang ng lakad na tila hindi ako nakasalubong.
Napabuntong hininga ako at itinuloy ang pagbaba. Pagbukas ko ng pinto sa front door ay naabutan ko pa ang pag-alis ng black MPV ni dad.
"Agie dito ka sumakay." Si Yansea ang nagsalita, nasa loob na ito ng kotse.
Walang tanong tanong naman akong sumakay sa kotse ni Kyker na nasa driver seat, si yansea ay sa likod ng driver seat at sa kanya ako tumabi. Naka-uniform si Yansea ngayon pero naalala kong nakapang-tulog sila kanina sa dining. Ipinagkibit-balikat ko nalang 'yon.
"Diba sila sasama sa atin?" Tukoy ko kina Caroline, Jasmine at Krystel. Umiling naman si Yansea. Napansin kong bumukas ang gate, sa labas ay nakita ko ang sasakyan ng mga ito. Mga sundo nila, well umuwi siguro ang mga driver nila kagabi at kahit sa bahay sila matulog di rin naman kasya sa garahe ang sasakyan na dala nila.
"Sa lingo pa sila makakapunta."
Tumango naman ako sa kanya. Lumabas na kami ng gate at nagpaalam si Kyler kay mang Dencio na siyang nagbukas din ng gate.
Tahimik ang buong biyahe, ang RNB music na pinapatugtog lang ni Kyler ang naririnig. Si Yansea ay nakatulog, ako naman ay di inaantok kaya inabala ko ang sarili kong panoorin ang mga nadadaanan namin.
"Ganoon ka kapursugidong iwasan ako ah." There's something in his voice that I can't explain.
Nang tingnan ko siya sa kina-uupuan niya ay nakatingin ito sa rearview mirror at nang magtama ang tingin namin doon ay napapitlag ako at umiwas ng tingin.
"Tell me Agie, do you hate me that much at nagawa mo akong takasan?"
"No." Natagalan bago ako sumagot.
Oo, nainis ako sa dahil sa mga ginagawa niya noong nakaraan pero kaninang umaga o baka kagabi, nawala na ang inis ko sa kanya dahil narealize kong concern talaga siya sa akin at 'di lang dahil lang sa ano mang pabor na hiniling ni kuya Bazi sa kanya.
"Alam mo ba 'yong pakiramdam na halos halughugin ko ang buong school niyo makita ka lang dahil nag-aalala na ako, anong oras na rin kaming naghihintay nina Yansea, kung di nga lang sinabi sa amin ni Janela na umalis ka na ay baka papasok ulit ako ng school niyo."
Naghintay sila. Hindi ko alam pero may saya sa puso ko na nalaman kong hinintay nila ako at hinanap.
Saka tama ba ang pagkakarinig ko? Si ate Janela ang nagsabi sa kanilang umalis na ako, pero hindi ko inaasahang sasabihin niya kina Kyler.
"I'm sorry, I won't do it again." Sabi ko at sinulyapan siya sa rearview mirror, nasa harap na ang tingin nito.
Ilang oras ang biyahe. Nalaman ko lang na nasa farm na nila kami ng may mabasa akong karatolang nakalagay na 'Welcome to Avrente's Farm'.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    fuerteschie

    Love it!🫶🫶🫶

    10/12

      0
  • avatar
    Sarah Fernandes

    ❤️❤️

    01/10/2024

      0
  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    09/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata