Chapter 38

Kapwa kami gulat na dalawa habang nakatingin sa isa't isa. Kapansin-pansin ang bahagya niyang pagtaba at katamtamang pagtaas.
I gulped. Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon pagkatapos ng ilang taon. Nagkakausap naman kami sa chats pero paminsan-minsan lang.
"Ate Salve?" nanlaki ang mga mata nito.
Dahan dahan akong ngumiti. Gano'n pa rin ng boses niya, matinis. Nagulat ako nang mabilis itong naglakad papunta sa gawi ko't binigyan ako ng yakap.
"Salamat naman at nagpakita kana! Ang dami mo nang utang sa inaanak mo!"
Ginantihan ko muna ito ng yakap bago ko ito harapin. "Inaanak?" taka kong tanong.
She rolled her eyes. "Ayon!" itinuro niya ang batang lalaki na karga karga ni Gab. "Inaanak mo 'yan! Pasensya na, hindi ko sinabi sa 'yo." saka ito tumawa.
Napalunok ako. "A-Anak mo? Kay Gab?"
I can't believe that they ended up to each other. Gwapo naman si Gab at may sinasabi sa buhay at gano'n din naman si Meisha pero hindi ko inakalang silang dalawa ang magkakatuluyan. Hindi rin naman sinabi sa 'kin ni Joshua ang mga nangyayari sa buhay ng pinsan niya.
"Oo teh! Na-hipnotismo yata sa ganda ko kaya ako inanakan!"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "How? I mean, ang bata mo pa kaya!"
The little boy seems on the age of three and I'm sure that she's just in senior high that time! Not to mention na malayo ang agwat nila ni Gab sa isa't isa.
"Oo nga teh eh. Hindi ako naka-graduate ng senior high dahil nabuntis ako." biglang sumeryoso ang boses niya.
I lower my gaze. Ang bata pa niya para magkaanak pero alam ko namang masaya siya. I saw a glint in her eyes when she entered the store. Well, I won't judge her. Lahat ng tao ay may pinagdaraanan at lahat ng mga pangyayari ay may dahilan. Maybe she's destined to have her own happy family in a young age.
"Masaya ka naman 'di ba? Saka, magkasama naman kayong dalawa ni Gab kaya wala kang dapat na ikabahala." I said, tapping her shoulders.
"Hindi naman ako nagsisisi eh." she seriously said kasabay ng pag-iwas ng tingin. "Pero hindi ko rin maiwasang manghinayang sa mga pangarap ko. Matatapos na ako ng high school eh."
"Marami ka pang oras, Meisha. Matutupad mo pa 'yan." I smiled.
Ngumiti din ito bago maglakad papunta sa counter kung saan nagkukulitan ang mag-ama niya.
"Sabi nang 'wag mong pakakainin ng ice-cream eh!" inis na sabi ng babae habang kinukuha ang anak kay Gab.
Napakamot sa batok si Gab kasabay ng pag-iwas ng tingin. Napangiti ako ng makita ang kaba sa mukha niya.
"U-Umiiyak eh." Nanginginig nitong sabi.
Umirap ang babae. "Sa sala ka matutulog mamaya."
I just watched them arguing. Kahit nakakabigla ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nakikita. Mabait si Gab at alam kong hindi niya pababayaan ang mag-ina niya.
"Baby naman!" nagmamakaawang ani ni Gab.
"Wala akong diaper kaya 'wag mo 'kong tatawagin sa corny mong endearment, Gabino!"
Gab tried to hold her but the latter just distanced herself to him.
"Tabi kasi tayong matulog mamaya! 'Di mo na ba ako priority?"
Muntik na akong matawa ng malakas dahil sa pagmamaktol ni Gab. Mukhang wala itong pakialam sa paligid niya at sa mga taong nakatingin sa kaniya dahil masyado siyang focused sa babae.
Napatitig ako sa bata nang mapansing nakatingin ito sa 'kin. I smiled at him and even waved my hand. Napatigil ito sa pagkain ng ice-cream at ngumiti sa 'kin. He waved his cute hands too at while smiling widely at me.
Linapitan ko ito. His parents are still arguing pero napunta sa bata ang buong atensyon ko.
"Hi!" I touched his cheeks.
Napahagikhik ito. Pilit itong bumaba mula sa pagkakakarga ni Meisha kaya bahagya akong nataranta.
"Do'n ka muna sa ninang mo beh, sasabunin ko lang 'tong Tatay mo."
Ibinaba niya sa counter ang anak at hinarap ang lalaki. The kid is still smiling while staring at me kaya 'di ko na napigilan pa ang sariling kargahin ito.
"What's your name?" I sweetly asked.
There's a stain of ice cream on the both sides of his lips so I wiped it using my index finger.
"Tori po." he cutely said. I gulped when I heard him saying his name clearly.
"Tori keopta." I pinched his right cheek and he grinned.
I walked towards the ref and get an ube ice cream for me. Hindi na ako nag-abala pang bayaran 'yon dahil nawala na sa paningin ko ang dalawa.
Dinala ko sa labas si Tori at pinaupo sa bench sa gilid ng puno. I saw him craning his neck to see the christmas lights on the tree.
"Ganda 'no?" I asked even if I don't know if he understands me.
Tumingin ito sa 'kin at ngumiti. "Ikaw po...ganda."
Natawa ako bago siya paupuin sa kandungan ko. The cold breeze of air is embracing our skin. As I stared at the smiling moon, I can't help but to amaze at Meisha and Gab. Ginawa nila akong ninang nang hindi ko alam! Sana manlang nakabili ako ng pasalubong para kay Tori. And yeah, ang dami ko nang utang sa kaniya dahil sa daming paskong 'di ko siya binigyan ng regalo.
"Ninang..."
Napatingin ako sa kaniya nang banggitin niya ang salitang 'yon.
"Ano 'yon baby?"
Humarap ito sa 'kin at nagulat ako nang halikan nito ang pisngi ko.
"Ikaw po Ninang," saka ito humagikhik.
Magaan kong kinurot ang pisngi niya. Hindi ko alam na kilala niya pala ako. I'm still amazed. Meisha is a good mother.
Nakita kong lumabas si Meisha at agad na tumuon ang mga mata nito sa aming dalawa. Napangiti ito at naglakad papunta sa bench na inuupuan namin.
"Uuwi na kami, Ate Salve."
Tumayo ako at bahagyang ngumuso sa kaniya.
"Ngayon mo nga lang pinaalam na may inaanak na ako sa 'yo tapos iuuwi mo na agad? Nagb-bonding pa kami eh!"
Tumawa ito bago pinaikot ang mga mata niya.  "Gabi na teh, mahamog na oh. At saka, sa inyo naman kami magpapasko eh! Invited ako ni Kuya Joshua."
Doon ako napangiti bago ibigay sa kaniya ang anak niya.
"Okay then. See you on Christmas, Tori! Bibilhan kita ng maraming regalo!"
Ngumiti lang ito bago isiksik ang mukha sa leeg ng Nanay niya.
"Dapat lang! At saka, dapat mero'n din ako! Aba, sa tagal ba naman nating hindi nagkita dapat may something ka manlang sa 'kin! Kahit chismis nalang tungkol sa inyo ni Kuya Kyler!"
Bahagya akong napa-ubo.  "Walang kami, Meisha magtigil ka."
Tumaas ang kaliwang kilay nito. "May sinabi ba ako? Asyumerang 'to."
Napasimangot ako.
"Mauuna na 'ko ah? Alam kong kumuha ka ng ice cream pero 'wag mo nalang bayaran! Birthday mo naman!"
Bahagya akong natigilan.
"Una na kami! Nice to meet you again bakla!"
I saw them waving their hands on me so I smiled. Maya maya lang ay nakita ko si Gab na lumabas din at agad itong napatingin sa 'kin.
"Masaya akong makita ka ulit, Salve. "
Tumango ako bago ngumiti. "Ikaw ah? 'Di mo sinabi sa 'kin noon na interesado ka pala sa
bata!"
Bahagya itong tumawa. "Hindi mo naman kasi ako binigyan ng crush back noon kaya sa iba nalang ako nanghingi."
Umirap ako. "Tsh, buraot."
"Inaasahan ko ang regalo mo sa 'kin sa pasko ah? Una na 'ko, advance happy birthday!"
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nawala na ito sa paningin ko. Umayos ako ng upo at kinuha sa tabi ko ang ice cream na hindi ko pa nabubuksan.
I glanced at the smiling moon. Pa'no ko ba nakalimutang birthday ko na pala sa makalawa? Kung hindi pa binanggit ni Meisha sa 'kin ay hindi ko pa maaalala ang bagay na 'yon.
Parang nawalan na ako ng ganang kumain habang unti unti kong nauubos ang ice cream sa mga kamay ko. Sigurado akong mananakit na naman ang t'yan ko nito bukas ng umaga.
Tinapon ko sa basurahan ang cup ng ice cream sa gilid ng puno bago ako tumayo. Ramdam ko ang mga mata ng ibang tao sa 'kin ngunit ipinag-kibit balikat ko nalang ito.
Madami naman ang kinain ko kaninang tanghali sa eroplano kaya siguro hindi na ako nakaramdam pa ng gutom pagkatapos ng ice cream na kinain ko.
Kumaway muna ako sa mga taong naroon bago ko lisanin ang lugar. I put my two hands inside my pockets and start walking the empty street while looking at the moon above.
Tatlong street lang ang kailangan kong likuin para makarating sa bahay namin. Nang matapat ako sa panghuling street ay 'di ko maiwasang hindi sariwain sa isipan ko ang mga memorya ko sa lugar na 'to.
The moon, the street lights and the cold breeze of the air. Pamilyar na pamilyar sa 'kin lahat ng 'yon at ang taong kasama ko habang inaalala ang mga pangyayaring 'yon.
Kusang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko. Imposible naman ang iniisip ko 'di ba? Imposible namang nandito siya eh alam ko namang nasa Korea siya!
But my heart is beating furiously inside my chest at isang bagay lang ang dahilan no'n!
No, it can't be!
"You're still wearing that hoddie."
Nanlalaki ang mga mata kong liningon ang likuran ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang paningin namin.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
Bakit—paanong nangyaring nandito siya? Akala ko ba nasa Korea siya? O akala ko lang talaga?
Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa kaya madali lang para sa kaniya ang malapitan ako. I know I should have stepped back to him but I can't even move a little!
"Bakit nasa labas ka pa?" tumigil ito nang maglapit kami.
Napakurap ako dahil sa lapit niya. Nanuot sa ilong ko ang pabango niyang hindi nagbago simula noon. Sinubukan kong igalaw ang paa ko ngunit kunti lang ang hakbang paatras na nagawa ko. Nakita ko ang bahagya niyang pagyuko, tila napansin ang nagawa ko.
"Seems stunned? Kalma, Salve. Ako lang 'to." nakita ko pa ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi niya.
Muli akong napakurap nang magtama ang paningin namin. Ihahakbang ko na sana ang paa ko paatras nang mapasinghap ako. He easily encircled his arms around my waist, preventing me to move backwards.
Hindi ko maipaliwanag ang matinding kabang nararamdaman ko. Sa lapit namin sa isa't isa ay sigurado akong dinig na dinig niya 'yon. Sinubukan kong kumawala kahit sa palagay ko'y nanghihina na ang mga tuhod ko ngunit napalunok ako nang mas lalo niya pa akong hapitin palapit pa lalo sa kaniya!
Our face are almost touching!
Wala sa sariling napahawak ako sa balikat niya. Sinubukan ko siyang itulak ngunit hindi man lang nagbago ang posisyon naming dalawa.
"B-Bitawan mo 'ko, Kyler..."
Palihim kong naikuyom ang mga kamao ko nang marinig ang mahina nitong pagtawa.
"You ate ice cream? Kahit wala pang laman ang t'yan mo?"
Inilihis ko ang mukha ko sa kaniya dahil para akong nalulula sa lapit ng mga mata niya— ngunit agad ko rin itong pinagsisihan.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang tuluyan na ako nitong mayakap. Hindi ako makagalaw o makapagsalita man lamang.
"Ang lakas ng tibok ng puso mo, Salve. Para sa 'kin ba 'yan?"
Para akong natauhan. Pinilit ko itong itulak ngunit lalo lang humigpit ang yakap niya. Bigla'y umusbong ang inis sa sistema ko.
"A-Ano ba? Bitawan mo 'ko..." It supposed to be a shout but my voice turns into a whisper one.
Focused, Salve!
"Let me hug you, just this one, Salve. 'Wag mo muna akong itulak palayo...kahit ngayon lang."
Alam kong hindi tama, alam kong mali. Ngunit hindi ko na nagawang bawiin pa ang mga braso kong nakayakap na rin sa kaniya. Ngayon lang naman 'di ba? Pagkatapos nito ay wala na. Kahit siguro regalo ko nalang ito para sa sarili kong matagal naghangad na mayakap niya.
Tanging ang malamyos na tugtog mula sa mini mart nila Gab ang maririnig sa buong paligid. Walang salitang may namutawi sa pagitan naming dalawa, tanging ang banayad na paghinga lang namin ang maririnig sa pagitan namin.
What now, Salve?
"Kain tayo..." makalipas ang ilang minuto ay nagsalita siya.
Agad akong napakalas sa pagkayakap nang mag-sink in sa 'kin ang ginawa namin! Nabigla ito kaya hindi na ako muli pang nahawakan.
Agad akong dumistansya sa kaniya. I'm breathing heavily. Sana pala hindi nalang ako lumabas ng bahay kanina!
"I-Ikaw nalang...busog pa ako." mariing sabi ko bago tumalikod sa kaniya.
Nagsimula na akong maglakad kahit pa alam kong nakasunod lang siya sa likuran ko.
"You can't lie to me, Salve. Ice cream lang ang kinain mo."
Mas binilisan ko pa ang lakad. God! Kailan ba siya titigil sa kakasunod sa 'kin? At saka...bakit ako nagpayakap sa kaniya? Neknek mo, Salve! Yinakap mo rin siya!
"Wala kang kasama sa bahay niyo?"
Hindi ko ito pinansin.
I don't know what's with him that he keeps sticking on me! He has a family now! Ano nalang ang magiging reaksyon ni Zeyah tungkol sa mga ginagawa niya? Tapos naman na kami kaya ano pang kailangan niya sa 'kin?
"Magluluto ako, kakain tayo."
Hindi ko pa rin ito pinansin.
Nang matanaw ko na ang gate ng bahay namin ay halos maglakad-takbo na ako. Ngunit dahil sa mahahaba ang biyas niya ay madali niya akong naunahan.
"Pucha." mahina kong daing nang iharang nito ang sarili sa gate.
"Tumabi ka." mariin kong sabi at galit itong tiningnan.
Tila hindi man lang ito naapektuhan sa tingin ko dahil ngumiti lang ito. "Kakain tayo nang sabay, Salve. Don't worry, I won't put a poison on your food kaya kalma ka lang."
Hindi na ako nakapagsalita pa nang mauna na itong pumasok sa loob. Dahil hindi ko na-i-lock ang pintuan ay naging madali lang para sa kaniya ang pagpasok sa kabahayan.
Hindi makapaniwalang umiling iling nalang ako habang binabagtas ang looban. Inis ko munang isinara ang gate bago tuluyang pumasok sa loob.
Kusa itong hinanap ng mga mata ko nang makapasok ako. Nakita kong naniningin-tingin ito kung may mga stocks ba sa kusina.
"Umuwi kana, Kyler! Walang stocks—wala kang may mapapala d'yan!"
Pabagsak akong umupo sa couch at tiim na tiningnan ang lalaking mukhang hindi yata narinig ang sinabi ko.
Napahinga ako nang malalim. Hindi pa rin matanggap ng utak ko na nakikita ko siya ngayon at...nakayakap ko pa! Hindi ko maiwasang hindi ipilig ang ulo ko sa tuwing sasagi sa isipan ko ang yakapan scene namin kanina sa labas!
Ang rupok ko, shuta!
No, hindi naman pagiging marupok ang tawag do'n. Siya ang unang yumakap sa 'kin at gumanti lang ako! Pinagbigyan ko lang naman ang sarili ko—pero hindi naman big deal 'yon 'di ba? Birthday ko naman eh.
Tsh, looks like I'm fooling myself around.
Napaayos ako ng upo nang bigla itong lumitaw sa couch na katabi ko. Hindi ako nito tinapunan ng tingin dahil tutok na tutok ang mga mata niya sa cellphone na hawak niya.
Napairap ako bago tumayo at pumunta sa nakabukas na pinto.
"Umalis kana." pagtataboy ko rito.
Hindi pa rin ito nag-angat ng tingin sa 'kin kaya bahagya akong napapadyak.
"Kyler!" malakas kong tawag dito.
Nang mag-angat ito ng tingin ay napalunok ako nang magtama ang mga mata namin.
"Yes, Kwago?"
Napatigil ako.
Nakangisi ito sa 'kin na tila nang-aasar.
Huminga ako nang malalim at hinimig ang sarili. Hindi dapat ako magpaapekto pa sa kaniya, sa mga ginagawa't mga sinasabi niya! Minsan na akong natalo, ayaw ko nang mangyari pa 'yon ngayon.
"Umalis kana. Pagod ako ngayon at kailangan ko nang matulog. May lakad pa ako bukas."
Tumayo ito at kunot noong tumingin sa 'kin. Hindi ko pinahalatang lumakas ang tibok ng puso ko nang maglakad ito palapit sa gawi ko.
"Sinong kasama mo? Si Joshua?"
Linabanan ko ang inis sa mga mata niya. "Oo, bakit?"
There's no point of lying. Totoo namang si Joshua ang makakasama ko bukas.
Nakita ko kung pa'no magdilim ang mukha nito bago mag-iwas ng tingin. Tuloy ay gusto ko na namang umasang muli—tsh, erase! Wala lang 'yan! Palabas niya lang siguro 'yan.
"Saan kayo pupunta? Kayo—kayo na ba?"
Hindi agad ako nakapagsalita nang tumitig ito nang husto sa mga mata ko. Para akong hinihigop sa uri ng mga tingin niya!
Goodness, Salve! Focus!
Ramdam ko ang pamamawis ng palad ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tanong at tingin niya!
"Hindi pa..." tanging naisantinig ko.
Muli itong nag-iwas ng paningin kaya mas lalo kong nakita nang maayos ang hubog ng panga niya.
"Nanliligaw ba siya sa 'yo?" mahina nitong tanong.
Napalunok ako. C'mon, Salve! You shouldn't be tensed! Huminga ako nang malalim at muling sinalubong ang kulay tsokolate niyang mga mata.
"Hindi..."
Sandali itong natahimik. Napaiwas ako ng tingin at kumapit sa seradula ng pinto upang doon kumuha ng lakas. Nakakapanghina ang uri ng mga tingin niya!
"Kung manliligaw ba siya sa 'yo....papayagan mo?" maya maya'y tanong uli nito.
Napapikit ako. Hindi ko alam kung anong pinanghuhugutan niya dahil sa mga tanong niya.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" sagot ko nang hindi sinasalubong ang mga mata niya.
Napadiin ang kapit ko sa pinto nang mas lalo pa itong lumapit sa 'kin. Napapiksi ako nang maramdaman ko ang isa niyang kamay na inayos ang buhok ko.
I greeted my teeth in anger. Kung ano man ang binabalak niya, sana naman tigilan niya na. Dahil hindi na ako katulad noon na mahuhulog pang muli sa kaniya. Tama na ang isang beses, ayaw ko nang magpa-uto pa.
"Talaga ba?"
Inis kong hinarap ang mukha ko sa kaniya na pinagsisihan ko sa huli. Nanlaki ang mga mata ko sa ilang dangkal na layo ng mga mukha namin!
"A-Ano bang klaseng tanong 'yan?" hindi ko na napigilan ang sariling mautal dahil sa tensyong nararamdaman sa pagitan naming dalawa.
"Let me change the question."
Para akong naduduling sa lapit ng mga mata namun sa isa't isa.
"Kung liligawan ba kita...magpapaligaw ka?"

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Amyr Camingawan

    magandang laruin

    11/11/2024

      0
  • avatar
    Jhon Cris Malanao

    thank you

    06/04/2024

      0
  • avatar
    Jusmin B. Medina

    nice

    21/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata