logo text

Chapter 45| Finale

"ALEXANDEEEEEERRR!"
Napapitlag ako sa gulat at may pagmamadaling tumakbo sa kwarto namin ni Verna. Hawak ko sa magkabilang kamay ang milk bottle na tinimpa ko kanina lang
Grabe lang. Tagos na tagos sa pader ang boses niya. Pakiramdam ko nga'y umabot iyon hanggang sa pangatlong bahay dito sa subdivision.
Kung naririnig lang niya ang mga iniisip ko ngayon, ay nako... hindi na ako sisikatan ng araw. Hehe.
"ALEXANDEEEEERRRR!" muling sigaw niya. Lalong nadagdagan ang kaba ko sa aking dibdib. Naalala ko noon, kapag isang tawag niya ay hindi ka sumagot, kutos ka sa kaniya. Gano'n na ata talaga kapag nagdadalang tao. Wala akong magagawa kundi intindihin siya. Alam kong hindi biro ang pinagdadaanan ng babaeng buntis.
Halos matisod tisod na ko sa hagdan mapuntahan lang agad siya. Sa tingin ko'y umuusok na ang ilong niya ngayon, namumula ang buong mukha at handa ng katayin ako ng buhay.
Minsan talaga, nakakatakot na siya, eh. Joke.
Agad na binuksan ko ang pinto.
"Heto na mahal..." bungad ko pagkapasok ko sa kwarto.
Agad na kinuha niya ang hawak ko at pinadede sa dalawang cute na cute na baby na nakahiga sa higaan namin.
Yes. Dalawa. Biniyayaan kami ng kambal na anak.
Si Blue at si Red.
Ewan ko ba kay Verna at 'yan ang gustong ipangalan sa anak. Iyon ang nakursunadahan niyang ipangalan sa kambal. Nagkukulay kasi siya nung nagbubuntis. Iyon siguro ang pinaglihian siya sa dalawa. Sinuportahan ko naman siya sa gusto niyang ipangalan sa dalawa. Kung ano ang gusto niya, doon kami kasi kung hindi, malamang sa malamang may sapak ako.
Kidding aside.
Hinayaan ko talaga si Verna na siya ang magpangalan sa dalawang bata. Dinala niya iyan ng siyam na buwan. Ilang suka ang naranasan niya tuwing umaga. Ilang cravings at pananakit nang balakang ang naranasan niya. Deserve ni Verna na alagaan. Ang hirap ng sakripisyo niya bilang ina kaya naman ako ay laging nasa tabi niya upang bigyan siya nang suporta.
Bilib ako riyan sa misis ko.
"Ba't ba ang tagal tagal mo?!" mainit ang ulong tanong niya habang busy siya sa pagpapadede ng dalawa.
Napakamot ako sa kilay ko at lumapit sa kinapupwestuhan niya. Naupo ako sa kanyang tabi at niyakap siya nang mahigpit patagilid.
"Huwag nang masungit baby babe ko. Binasa ko pa kasi yung instruction na nasa kahon bago ako magtimpla. Para safe ang cute na cute na cute nating baby." reason out ko at ngumuso sa harapan niya.
Nakakunot noong tinititigan niya ako.
"At iyan pa!"
Napapitlag ako sa gulat at napakalas ako nang yakap sa kanya.
"Ang alin?" takang tanong ko. Geez. Kaya ako natatakot sa kaniya minsan. Bigla bigla siyang nagagalit. Huhuhuhu.
"Ang dami dami mong endearment! Siguraduhin mong ako lahat 'yan." may himig nang pagbabanta sa boses niya na siyang ikinangiti ko nang malaki.
Iyon naman pala. Akala ko kung ano na.
Agad ko siyang niyakap nang mahigpit muli.
"Of course, it's you. Wala ng iba pa."
I whispered to her ear and I kissed cheek twice.
Nawala agad ang pagkakunot ng noo niya at may tila sinusupil na ngiti sa kanyang labi.
"Haha. Kilig ka noh?"
I tease at sinundot ang kaniyang tagiliran na ikinapitlag niya.
"Ano ba? May kiliti ako riyan, Alex!" angil niya at hinampas ako.
Napahagikgik ako sa kaniyang ginawa.
"Huwag ka nga maingay diyan. Natutulog na yung mga bata." saway niya sa akin at inirapan ako. Napatingin ako sa dalawang cute na cute naming anak na mahimbing na ngang natutulog at may gatas pa sa mga labi.
Hindi ko akalaing ang dalawang bata na nakikita namin ngayon ni Verna ay galing sa aming dalawa. Resulta ng aming wagas na pagmamahalan.
Agad na may sumilay na ngiti sa labi ko nang may pilyang pumasok sa isipan ko.
"Tara. Sundan pa natin sila?" pilyong suhestiyon ko at napahagikgik.
Nanlaki ang mga mata ni Verna at agad na kumalas sa pagkakayakap ko nang marinig niya iyon.
Tinitigan niya ako nang matagal. Tila tinatansya kung seryoso ba ako sa sinasabi ko.
"I want more baby." wika ko at ngumuso sa harapan niya.
"Ano ka ba, Alex? Two years old pa lang sila Red and Blue, oh? Gusto mo ikaw magbuntis. Bahala ka riyan."
Sunod sunod niyang sambit sa akin at sinamaan ako nang tingin.
"Okay. Tara." Tipid kong sagot at tumayo na sa kinauupuan ko.
Nagtataka ang mga matang tinitigan ako ni Verna.
"Ha?" Tila naguguluhan niyang tanong.
"Tara. Gawa na tayo ng baby. Tutal tulog naman na sila." pilya kong sambit na siyang ikinapula ng buo niyang mukha.
"Tara na." pagpupumilit ko pa at itinaas baba ang aking kilay sa kanya na may ngiti sa labi.
Naiiling na napangiti si Verna sabay sunggab sa akin ng halik na siyang ikinangiti ko nang malaki. Buong pagmamahal na tinugunan ko ang kaniyang mga halik na sadyang masarap sa pakiramdam.
So, dito na lang guys. Maraming salamat sa pagsubaybay sa istorya naming dalawa. I'm so much happy and contented with her and also with our babies.
I'm Alexander, your former Manila playboy na binago ng isang probinsyana is now signing off.
The End.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    castanedamarissa

    ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏

    24/01/2025

      0
  • avatar
    BrownAlex

    good

    24/12/2024

      1
  • avatar
    BalquinMilyn

    so nice! good job author♥️

    21/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo