Verna's POV "Tara na! Huwag ka ng kj." Aya sa akin ni Rose sabay hila papasok ng bar. Hays. Ilang beses na akong tumanggi. Inaantok na kasi ako kaso hinila ng babaitang 'to ang paa ko sa kama para lang bumangon ako. Bakit ba kasi ngayon pa niya naisipan kung kailan papatulog na ako? "Dahan dahan lang naman Rose. Sino ba yang kikitain mo at excite na excite ka?" Medyo asar na sambit ko. Kanina pa ko natitisod dito eh. Hinarap ako ni Rose ngunit di niya binitawan ang kamay ko. "Basta." Nakangiti niyang saad sabay kindat. Ano'ng meron sa kindat na iyon? Parang iba na ata iyan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan. Walang nagawang sumunod na lang ako sa kanya. Nang makahanap na ng upuan ay naupo na kami sabay senyas niya sa waiter at umorder ng maiinom. "Rose saglit lang tayo dito diba?" Tanong ko at tumingin tingin sa paligid. May mga taong nag sasayawan, kanya kanyang inom at may mga tao din sa may sulok na nag iisa, nag mumukmok habang umiinom. "Oo, saglit lang tayo kaya relax." Nakangiting wika niya at nag shot ng alak na dala ng waiter kani-kanina lang. Natahimik naman ako at nakiramdam sa paligid. Hindi kasi ako sanay sa ganitong lugar. Hinahayaan ko lang din itong katabi ko na uminom nang uminom tutal mukhang doon siya masaya. Nasaan na ba kasi ang kikitain niya? Para makauwi na kami nang maaga. Maya maya pa'y may isang grupo na nakaagaw ng pansin nang halos lahat ng tao sa loob ng bar. Sino ang grupo na iyon? Walang iba kun'di grupo nila Alexander—teka? Nasaan siya? Bakit kulang sila ngayon? May nangyari ba sa kaniyang masama? Napakaimposible kasing hindi siya sumama sa gala nilang magtotropa. "Uy, Verna! Sila Max, oh!" wika ni Rose sa malakas na tinig sabay turo niya sa kabilang sulok kung saan nakaupo ang grupo nila. Bigla namang tumingin si Max sa kinaroonan namin kaya naman nahuli itong katabi ko na nakaturo sa kanila. Bigla namang nataranta itong katabi ko at binawi ang kamay niya sa ere. Natatawang pinagmamasdan ko siya. "Ano'ng pakiramdam nang mahuli ni crush?" Kapag kuway tanong ko na siyang ikinasimangot niya. Hinampas niya ako sa balikat nang malakas. "Aray! Ano ka ba, Rose?!" angil ko at hinaplos ang balikat kong nasaktan. "Ikaw kasi, eh! Ayan tuloy! Baka isipin niya pinag-uusapan natin siya." Nakanguso niyang turan. Napatampal ako sa noo ko dahil sa narinig. "Obvious ka kaya girl." wika ko at umiling-iling na lang. Napasandal na lamang ako sa aking upuan at napakamot sa kilay ko. "Aray!" "Rose ano ba?! Bakit mo ko kinuro—" Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin nang mapansin kong naglalakad papalapit sa kinapupwestuhan namin si Max. Muling napatingin ako kay Rose na ngayo'y nakayuko lang at namumula na. Kaya naman pala nangurot. "Hi." Napapitlag si Rose sa gulat nang magsalita si Max. Lalo pang namilog ang mga mata niya nang maupo ito sa tabi niya. Maski rin ako ay nabigla sa nakikita. "H-hi." Nauutal na sambit ng kaibigan ko at awkward na ngumiti. "Kayo lang dalawa?" Bulong ni Max kay Rose sabay sulyap sa gawi ko. Napaayos tuloy ako ng upo at napatikhim. Na-conscious ako bigla. "O- oo. Gusto mo maki-join?" paanyaya ni Rose at ngumiti nang bahagya sa kanya. Napatitig naman itong si Max kay Rose. Sa tagal nang titigan nila ay namamawis na ang noo ng kaibigan ko. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o ano. "Pwede bang i-excuse kita saglit kay Verna?" tanong ni Max. "H-ha?" Tila nabingi na itong kaibigan ko sa pagkabigla. Maski ako ay nabibigla din sa mga nangyayari. Tumingin sa gawi ko si Max at lumapit sa akin nang bahagya. "Hiramin ko lang si Rose saglit. Ayos lang ba sayo?" Ewan ko kung ano ang iisipin ko pero—nakakapagtaka lang. Hindi palausap si Max at kilala siyang tahimik na tao. "Sige. Ayos lang naman." Wika ko sa kanya at nahihiyang ngumiti. Ngunit makalipas nang ilang segundo ay nanatili pa rin siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi siya pa rin umaalis kaya napakunot noo ako. "For you. Inumin mo muna habang wala kami. Para marelax-relax ka habang naghihintay." Alok niya sa kupita na hawak niya. "Ay, hindi na. Okay lang ako. Salamat." Pagtanggi ko sa alok niya. "Take this. It's just a juice."pagpupumilit niya. Hindi pa ako nakakasagot nang hawakan niya ang kanang kamay ko at inilipat ang hawak niyang kupita sa akin. Napaawang ang bibig ko sa nakikita. Si Max ba talaga 'to? "Let's go Rose." Huling sambit niya at nag-umpisa nang maglakad papalayo sa amin. Agad namang bumuntot ang kaibigan ko sa kanya. Bakit parang—nevermind. Umiling-iling na lamang ako. Ang unusual lang. Sambit ko pa sa aking isipan habang nakatitig sa hawak kong kopita. "Hayaan na. Juice lang naman." Wika ko at sumimsim nang kaunti roon. "Juice nga." Natatawa ko pang saad nang mapagtanto na totoo ang sinasabi ni Max. Lumipas pa ang ilang minuto ay naiinip na kaagad ako. Wala akong magawa kun'di manatili lang na nakaupo rito sa kinapupwestuhan ko. Nanunuod-nuod lang sa paligid, sa mga taong nagsasayawan at makinig ng kanta. Napasulyap ako sa gawi nila Jessica. Nagtatawanan lang silang magbabarkada habang umiinom. Talagang hindi nila kasama si Alex dahil ilang minuto na rin ang nakalipas ay walang bahid ng anino niya dito sa bar. Nababagot na napabuga na lamang ako ng hangin at napatingin sa suot kong relo. Hays. Malapit na maghating gabi. Inaantok na rin ako. Actually kanina pa ako inaantok. Nasaan na ba sila Rose? Twenty minutes na silang wala. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Baka sakaling makita sila pero wala. Wala akong matanaw na Rose at Max. Hinablot ko na lamang muli ang kopita na may lamang juice at in-straight na inubos iyon. "Whooo!" Napabuga ako ng hangin at napatingin sa kupita bago maingat na inilapag sa lamesa. Ang tagal naman nila. Naiinip na talaga ako. Turan ko sa aking isipan. Sa huli ay napagdesisyunan kong hanapin na lang sila. Tutal kanina pa talaga sila hindi bumabalik. Halos mag-iisang oras na ata. Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Agad na napahawak ako sa ulo ko. Ba-bakit bigla akong nahihilo? Takang tanong ko sa aking sarili habang nakahawak sa ulo ko. Pilit pa rin akong tumayo at humawak sa lamesa bilang suporta. Kita ko na nakatingin sila Jessica sa akin hanggang sa unti-unti nang lumalabo ang aking paningin. "A-anong nangyayari?" Sinubukan kong humakbang pasulong ngunit sadyang hindi ko na kaya. Napaatras ako at naramdamang napaupo muli hanggang sa unti-unti na akong bumagsak sa upuan at nawalan ng malay.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏
24/01/2025
0good
24/12/2024
1so nice! good job author♥️
21/12/2024
0Tingnan Lahat