"Verna!" Hinihingal na sambit ko nang makapasok ako sa loob ng bahay. Nagbabaka sakaling nandito siya. Hindi ko siya naabutan kanina. "Verna!!" Muling sigaw ko pa at sinimulan ng ikutin lahat ng sulok ng bahay ngunit wala talaga siya. "Honey, bakit ka sigaw ng sigaw?" wika ni Mommy habang nagmamadaling bumababa ng hagdan kasama sila Tatay Mario at Manang Leti. Napalunok ako sa nakikita. Natatakot man sa sasabihin nila kapag sinabi ko ang problema ko ngayon ay isinantabi ko na iyon. Kailangan ko mahanap si Verna. "Mommy si Verna! Have you seen her?" "Bakit? Anong ginawa mo sa anak ko?!" galit na himig na Tatay Mario at dali daling lumapit sa gawi ko. Sinundan agad siya ni Manang Leti para pakalmahin si Tatay. Agad na napayuko at napapikit ng mariin bago muling tinitigan si Tatay Mario na ngayo'y hindi maipinta ang mukha. Napasulyap ako kay Mommy at muling bumalik kay Tatay. " Let me explain Tatay." I weakly said. Lumapit sa gawi ko si Mommy at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "May ipapaliwanag din kami sa iyo anak nila Tatay Mario mo kaya sila nandito." wika ni Mommy at hinaplos ang buhok ko. I just nod at her. Niyaya na kami ni Mommy sa living room at nagsimula na kaming mag-usap. — "So it's true? Na pinikot nga ako?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Mommy at kila Tatay at Manang. Marahas na napatayo ako sa sofa. "Mommy siya ba ang tinutukoy mong kaibigan na may anak na babae? Siya ba yung pilit na gusto ninyong i-arrange marriage sa akin ng halos isang taon?" tanong ko kay Mommy. Kita kong napahinga ng malalim si Mommy at tinitigan ako sa mata. "Yes anak, sila Tatay Mario mo iyon." tugon ni Mommy. Napasinghap ako sa narinig at lumayo ng kaunti sa kinapupwestuhan nila. Napahaplos ako sa aking buhok at napahilamos ng mukha sa mga nalaman. I felt like I was betrayed. Napahinto ako sa aking kinatatayuan ng may mapagtanto ako. Nanginginig ang katawan na humarap ako sa kanila. "How about Verna?" paunang tanong ko. "Alam ba ito ni Verna? Alam ba niya na pipikutin ako? Alam ba niya about sa plano na 'to?" kapag kuway tanong ko at may tumakas na butil sa kaliwang mata ko. Huwag sana tama ang nasa isipan ko. Tatay Mario stood up from his seat at lumapit ng bahagya sa akin. "Walang alam si Verna rito, iho. Hindi niya alam ang plano. Parehas kayong inosente sa ginawa namin ni Mommy mo." Pagkarinig ko non ay tumakbo na ako papalabas ng bahay. She's innocent. She didn't betray me. That's all matters. Totoo lahat ng pinakita niya sa akin. Totoo lahat ng pinaramdam niya. Totoo lahat ng nangyari sa aking dalawa, walang pagpapanggap. "Honey saan ka pupunta?!" Mommy shouted. She's standing on the front door. "To find her Mommy." tugon ko at may pagmamadaling pumasok sa sasakyan. Agad na pinasibad ko na ang sasakyan palayo sa bahay. — "Have you seen Verna?" kapag kuway tanong ko. Hindi mapakaling pabalik balik ako ng lakad dito sa park. "Please Alexander, not now.." mahina niyang anas. Ramdam mo na may problema siyang dinadala. Napabuntong hininga ako at the same time ay naawa. "Miggy, I know may problema kang dinadala ngayon. But I know na mahalaga rin para sayo si Verna. She's missing cous." I said over the phone. Tumahimik saglit ang linya. "What did you do this time?" May himig ng pagbabanta sa boses niya. "Look cous, it's misunderstanding. You know Dianne? We talked lately as a closure. After that she kissed me and hugged and I promised you Miggy, I didn't see it coming. Nabigla ako sa ginawa niya and the things got worst dahil nakita kami ni Verna sa ganong ayos. " paliwanag ko. Rinig ko na pumalatak si Miggy sa kabilang linya. " She thought nagbago ka na Alexander tas makikita ka niya sa ganong ayos. No wonder why she left at nagtatago ngayon. " kapag kuway paliwanag niya sa nangyayari. Napapabuntong hiningang napasuklay ako sa aking buhok gamit ang aking daliri. "Cous I didn't meant it. Hindi ko iyon ginusto—" "Alright." pagputol niya sa sasabihin ko. "Magtatanong ako sa mga kaibigan niya. Baka doon siya nakituloy ngayon. I'll update you every twenty minutes." wika niya. Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. "Thank you so much, Miggy." nanghihina kong wika at pinatay na ang tawag. Pagod na naupo muna ako saglit sa park. Nang sa tingin kong okay na ako ay nagsimula na ulit ako magmaneho para hanapin siya. — "Verna!!" Tug!! Tug!! Tug!! Tug!! "Verna!!!" Mabilis na pinagpipindot ko yung doorbell ng gate. Ding! dong! ding! dong! ding! dong! Kinalampag lampag ko na rin iyon dahil walang lumalabas sa bahay na'to. May nakapagsabi kasi sa akin na nandito siya. Salamat kay Max at Miggy. Nasabi ko na rin sa mga kaibigan ko ang problema sa pagitan namin ni Verna. Agad naman silang umaksyon kaya naman nakapagbigay sa akin ng information si Max. Tug!! Tug!! Tug!! Tug!! "Vern—" Naputol ang sigaw ko nang bumukas ang gate. "Sira ulo ka ba? Wawasakin mo ba yung gate?!" Masungit na turan sa'kin ni Rose. Kaibigan ni Verna. "Nandiyan ba si—" "Wala dito." Putol niya sa sasabihin ko. "Umalis ka na dito! Shoo! Shoo!" Pagtataboy niya sa akin at tinulak ako papalayo. "Please Rose. Nakikiusap ako sayo. Please." I pleaded. Naluluhang pinagdaop ko ang aking mga kamay. She didn't respond. She just staring at me. Wari mo'y sinusuri ako. Napatingala ako sa pangalawang palapag ng bahay nung makarinig ako ng kalabog banda don. Napansin kong may nakadungaw sa may bintana. Namimilog ang mga mata ng mapagtanto ko kung sino iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Verna iyon! Si Verna! Agad na nagsisigaw ako. " Verna! Please! Come back! Come back home!" Akmang papasok ako sa loob ng bahay nila Rose ng may humarang na sa aking body guard. "Paalisin niyo nga iyan dito! Paalisin niyo. Loko ka, sinaktan mo kaibigan ko!" Wika ni Rose. Napatingin muna siya sa likuran ko bago tuluyan ng nagsara ang gate nila. "Rose please! Makinig ka muna! Please! Mahal ko si Verna! Please!" Paulit-ulit kong sambit habang kinakalampag ang gate nila. "Isang kalampag mo pa Alexander ipapadampot na kita sa guard ng village!" Sigaw niya na nagpahinto sa akin sa pagkalampag. Maya maya pay may kamay na humawak sa balikat ko. "Tama na iyan pre. Tara na. Uwi muna tayo. Hayaan mo muna makapag isip isip si Verna. Bigyan mo muna siya ng time." Litanya ni Arthur na nakapagpakalma sa akin ngayon. "Sige." Nanlulumong sagot ko at umuwi na kami.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏
24/01/2025
0good
24/12/2024
1so nice! good job author♥️
21/12/2024
0Tingnan Lahat