"Dianne..." "Alexander..." Gulat ang rumehistro sa mukha ng taong kaharap ko ngayon. Maya maya pa'y bigla iyong napalitan nang ibang emosyon. Napatitig ako sa kanyang mga mata. Nagulat na lang ako ng walang pasintabing tinulak niya ko nang bahagya paalis sa tapat ng pinto at tumakbo palayo sa bahay nila Claire. Tama ba ang nakita ko? Lungkot? What the f*ck?! Bakit malulungkot iyon? Guilt ba dahil sa lahat ng ginawa niya sa akin? She's a gold digger for pete's sake. Ang taong minahal ko noon na bigla na lamang akong iniwan sa ere pagkatapos manghingi sa'kin ng malaking halaga. How stupid am I? Napakalaking tanga. Then suddenly realization hits me. "Ow." napatampal na lang ako sa noo ko. How stupid para hindi maalalang bestfriend pala ni Claire ang isang iyon? Naiiling na pumasok na ako sa loob ng bahay. Hayaan ko na lang iyon, the important is si Verna. Si Verna lang ang importante. Si Verna lang. Naupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at napatingin sa dalawa na tila ba may tensyong nagaganap. Nandito na pala si Claire. Nagpasalit salit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Biglang sumulyap sa akin si Claire at ibinalik ang tingin kay Arthur. Sakto naman ang paglabas ni lola sa may kusina. May dala itong tinapay at tubig. Tamang tama! Gutom na yung mga little worms ko sa tiyan. Hehe. "Mag-usap tayo." rinig kong wika ni Claire at nauna ng lumabas sa bahay. Sumunod naman si Arthur sa kanya na nakangiti lang. Tila hindi ininda ang tensyong ibinibigay sa kanya ni Claire. "Tsk, tsk. Malala na." komento ko sa hangin at nailing iling. Look who's talking. Brain can you please shut up! K fine! Napaikot ako ng mata. God, may sayad na ata ako. Nakikipag away na ko ngayon sa sarili ko. Arg! - "Arthur can I go home na? I miss my little cutie patuti honey bunch coco crunch Verna ko! F*ck!" I ask Arthur at nagpapadyak ng paa habang nakaupo ako sa kama. Napakunot noo si Arthur habang tinititigan ako. Maya maya pa'y umiling siya at napangisi. "Gag* ka Alexander. Hanep na endearment iyan. Sige, uwi ka na. Para kang bata." sagot niya at nagtungo sa maleta niya. Kumuha siya doon nang malinis na sando at hinubad ang suot niya. Pagkatapos niyang magpalit ay tumingin siya sa akin. "Hindi kita mahahatid Alex." pahabol pa niya at kumuha ng suklay sa maleta. Ngayon ay nagsusuklay siya ng medyo kahabaan niyang brown na buhok. "Okay lang Art. Alam ko namang magtatagal ka pa rito dahil mukhang nag e-enjoy ka." Yeah, right. Sobrang lapad kasi ng ngiti nito kahapon. Yung tipong para na siyang takas sa mental. Tinatanong ko naman kung anong nangyari pagkatapos nila mag-usap ayaw naman magsalita. Pero nung nakita ko si Claire na tulala at parang malalim ang iniisip, hindi ko maiwasang hindi magtaka. Ngumiti naman si Art sa narinig. Here we go again. Eto na naman siya. Yung mga ngiti niyang—ewan! "Stop smiling!" suway ko at binato siya ng unan. F*ck! It was so creepy. Hindi ko matagalan tingnan. Humahalakhak na sinapo ni Arthur ang unan na binato ko sa kanya. "Labas lang ako. Tulungan ko lang magluto si Nanay." turo niya sa pinto na wari mo'y nandoon si lola. Tumango tango naman ako bilang pagsang ayon. "Mabuti pa nga." sambit ko at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto pagkatapos ihagis sa'kin ang unan na binato ko. Doon na ko nakahinga nang maluwag. Sh*t! Makaligo na nga ng makaalis na dito. It's getting weird na. - "Hanggang dito na lang." sambit ni Art at inihinto ang sasakyan sa isang tabi. Luminga linga naman ako sa labas. Ang daming buses and jeepneys. Napatingin ako sa kanya. "Really Arthur? Ipagko-commute mo ko? Ako? Si Alexander Pavel Joerge Samonte pagko-commute-in mo? Huh!" napabuga ako ng hangin at napahaplos na lang sa aking maganda at mabangong buhok. Arthur chuckled pagkatapos marinig iyon. "I need my car Alex." tipid niyang saad at ngumiti. Napalabi ako sa narinig. "Talaga bang hindi mo ko pahihiramin ng car mo?" parang batang ungot ko habang nakalabi. Hinahaplos haplos ko pa ang sasakyan ni Art at muling tumingin sa kanya. "Hindi." walang kagatol gatol na sagot niya sa akin na siyang kinasinghap ko. Padabog na sumandal ako sa upuan at humalukipkip. "K fine!" I blurted at mabilis na bumaba ng sasakyan. I'm pissed! Lumabas na rin si Art at kinuha ang gamit ko sa backseat. Pagkatapos non ay lumapit siya sa akin. "Sorry Alex. Bawi ako sayo pag nasa Manila na ko. I promise." sabi niya at sincere na ngumiti. Tinitigan ko naman siya kung nagsasabi siya ng totoo. Maya maya pa'y tumango na lang ako. Ano pa nga ba? Sana pala dinala ko na car ko. Huhu. Pagkatapos ng maraming dramahan ay inihatid na ko ni Art sa mismong bus na sasakyan ko. Inabutan pa ako nito ng barya na takang tinitigan ko. Natawa siya at sinabing yun daw ang ibayad ko sa konduktor. Nawiwirduhang tumango-tango na lang ako ulit. Patapak na sana ako sa loob ng bus nang biglang magsalita si Art. "Attend ka sa kasal ah." Napahinto ako sa narinig at namimilog ang mga matang napatingin sa kanya. "F*CK!" I blurted. Shock was written all over my face. "Congratulations bro!" namamanghang bigkas ko. Finally! Akmang yayakapin ko na sana si Art ng biglang may nagsalita sa likod ko. "Aalis na ho yung bus, aalis na." Napaikot ako ng mata sa narinig. Natawa na lang tuloy ang lalaking nasa harapan ko. We bid our goodbyes at pumasok na ko sa loob. F*ck men! I'm so happy for him! Habang naghahanap ng mauupuan ay napasimangot ako. Halos puno naman na lahat. Maya maya pa'y napatigil ako sa paglakad ng may mahagip ang aking mga mata. Maging siya rin ay napatigil din. Kung sinuswerte ka nga naman. Bakit doon pa may bakanteng upuan? Napaikot na lang tuloy ako ng mata at walang nagawa kundi tuluyan ng maupo roon at hindi pinansin ang katabi ko. Sino siya? Huh! The one and only ex. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang nagvibrate ang phone ko. Agad ko itong hinugot sa bulsa at kinalikot iyon. Sh*t! Si Verna! From: Verna Ingat sa biyahe. I love you. Pagkabasa ko non ay nawala ng parang bula ang inis na nararamdaman ko. Napalitan iyon ng ngiti. Para akong kiti-kiting hindi mapakali dahil sa kilig na nararamdaman. I hit the reply button. To: Verna I wuv you too. Then I power off my phone at napagdesisyonan ng matulog. Not minding ang taong katabi ko ngayon na alam kong nakatitig sa akin ngayon. - "I miss you so much my sweetie little cutie patuti honey pie sugar pie ko. Mwaps!" unang bungad ko kay Verna pagkapasok namin sa loob ng bahay. I gave her a long peck on her lips. Her lips was soft and warm. I giggled. Natatawa hinampas ni Verna ang braso ko. "Sus! Miss mo mukha mo." natatawang saad niya then kinurot ang ilong ko. Naman eh! Ang sakit. Bakit ba ang bigat ng kamay mo mahal? Huhuhuhu. Akmang tatalikod sa akin si mahal ng bigla kong hapitin ang kaniyang bewang. "Oops. Not so fast my baby." sabay ngisi nang malaki. Napasinghap siya sa nakikita. "A-alex. A-ano ba?!" galit galitan niyang tugon. Aww. My Verna. Why so cute? "Matutulog na tayo di'ba?" malambing na saad ko at inamoy amoy ang kaniyang leeg. Eight o'clock in the evening na kasi at nakakain naman na kami sa labas. Napapakislot si Verna sa aking ginagawa. "O-oo at doon ka-sa-god!" bigkas niya dahil sa pagkabigla ng kargahin ko siya. Binaba ko rin siya kaagad. Lumayo ako saglit sa kanya upang makita ang kanyang mukha. Her face is color red like tomato. Hahaha! "Ano ba?!" inis na bulong niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa bewang niya at nagmartsa patungong kwarto. Agad ko naman siyang sinundan. "Sweetheart!" I shouted habang hinahabol siya. Ang bilis naman maglakad non. Nang makapasok na siya sa kwarto ay pumasok na din ako. "Diyan ka sa sofa." she said at nahiga na sa kama. Kaliligo niya lang din kasi. Napa-pout naman ako sa narinig. "K." maikli kong tugon at nanguha na ng damit pantulog sa closet at nagtungo na sa banyo. Pagkatapos magwash up at maglotion ay dumiretso na ko sa sofa at naupo. Naupo roon at pinanuod si Verna matulog. I sigh. Langya naman oh. Haha. It's so frustrating. Kanina pa ko hindi mapakali. Lalo na't nakikita ko ngayon ang maamong mukha ng asawa ko. God! I love her so much! D*mn much! Namiss ko siya nang sobra. Sobra sobra. Patuloy lang ako sa pagtitig sa kanya at napapikit na lang nang mariin. Napahinga ako nang malalim. That's it! Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya itong electro magnetic force na humihila sa akin patungo sa kanya. Hindi ko na kayang pigilan pa! It was so strong! Hanu daw??! Shut up brain! Wala na! Tumayo na 'ko sa kinauupuan ko at pinatay ang ilaw. Tanging lampshade na lang na nasa bedside table ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto. I will be a snake. This night, this night lang. Snake? Gapang bruh! Okay. Unti-unti akong lumapit kay Verna. Naupo muna ako sa edge ng kama at pinagmasdan maigi ang maamo niyang mukha. and that moment, I die. Char! And that moment, I faint. Char lang ulit. And that moment, my heart melt. Butterflies start invading my stomach. F*ck! Iginala ko ang aking paningin sa mukha ni Verna. In her eyebrows, lashes, nose at dahan-dahang bumaba ang paningin ko sa labi niya. I gulped. What to do?! What to do?! Ow, don't act like innocent. Shut up brain! I gulped once again. Ano ano ba 'tong iniisip ko. Bahala na! This is it. Habang papalapit ako nang papalapit sa mukha ni Verna, pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko at feeling ko hindi na ako humihinga sa mga oras nito hanggang sa— Tsup! Sh**** Heaven! Cloud nine! Fire works! Humiwalay muna ako saglit mula sa pagkakahalik sa kanya upang tingnan kung nagising ba siya. Kaso wala. Tulog mantika. Natawa tuloy ako at muli nag kiss sakanya na ikinagising niya. Lumayo ako konti ng makita kong namimilog ang kaniyang mga mata. Halatang gulat na gulat siya sa nangyayari. "Alexander?" tila gulat niyang sambit at tinitigan ang posisyon naming dalawa. Medyo nakadagan na kasi ako sa kanya. "Yes baby?" I said huskily na ikinapula niya. Aww. So cute. Ang cute cute ng Verna ko. *chuckled. "Lumayo—hmmp!!!" Bago pa niya ituloy ang kaniyang sasabihin ay muli ko siyang hinalikan. Ingay, eh. "Alexand—hmmp!" Maya maya pa'y hinihingal na bumitaw ako sa halik naming dalawa. Siya din ay hinihingal at sumasagap ng hangin habang titig na titig sa mga mata ko. "I want you." the only words na lumabas sa aking bibig. My eyes shut tightly at naghahabol pa rin ng hininga. Tuluyan na kong dumagan sa kanya at isiniksik ang aking mukha sa kanyang leeg na ikinasinghap niya. "May—" she said at lumunok. I can feel her heart was beating so loud and fast. I smiled ng maramdaman ko iyon. Malamang nararamdaman niya rin ang sa akin. We feel the same. "M-may pasok na tayo bukas." nahihirapang bigkas niya. Oo nga pala no? Go back to school na. Iniangat ko ang aking mukha at tinitigan siya. "So what? One pm class natin tomorrow." I said at itinaas ang aking kaliwang kilay. "Eeh kahit na." pabulong niyang saad. Parang hangin na nga lang iyon eh. Hindi ko malaman kung protesta pa ba iyon. Haha. "Sige na sweetheart pliiiit." I pleaded at nagpuppy eyes na. Tinitigan niya naman ako. "Three rounds lang. Promi-aray!!" daing ko ng pingutin niya tenga ko. Huhuhu! Ang sweet sweet talaga ni sweetheart. Napaupo kami habang pinipingot niya tenga ko. "Ikaw talaga! Naku naku naku!" bulalas niya. Nang bitawan niya iyon ay agad akong napahawak sa kaliwang tenga ko na for sure namumula na. I look at her na tila nagtatampong bata. "Tampo ako sayo." pabebe kong saad habang hinihimas ang tengang nasaktan. She only stared at me. I can't read her now. D*mn! "Hmmp! Diyan ka na nga!" Akmang tatayo na sana ako ng kama ng may biglang humawak sa palapulsuhan ko at hinatak papalapit sa kanya. Sinapo niya ang kaliwang pisngi ko habang ang isang kamay naman ay nasa bewang ko. Then... Tsup! Sabay dumagan sa'kin si Verna at tinitigan ako sa mata. Wha-what's that? Gulat na bulalas ko sa aking isipan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏
24/01/2025
0good
24/12/2024
1so nice! good job author♥️
21/12/2024
0Tingnan Lahat