logo text

Chapter 38| The Past

Beep! Beep!
"Alex, mag-ayos ka na dali! Nandiyan na si Arthur sa labas."
Sambit ni Verna at dali-daling lumapit sa akin. Kasalukuyan akong nagbubutones ng red checkered polo ko.
"Akin na nga! Ang bagal mo. Baka mainip 'yung kaibigan mo." sita niya sa akin at inagaw ang pagkakahawak ko sa isang button at siya na nga ang nagpatuloy.
Napa-pout tuloy ako bigla sa naisip.
Nang matapos i-button ni myloves lahat ng butones ay umangat siya nang tingin sa akin kasabay no'n ay ang pagtaas ng kilay niya.
"Oh, napano ka?" mataray niyang tanong sa akin at namewang pa.
Lalo lang tuloy humaba ang nguso ko sa reaksyon niya.
Ang meanie!
"Para kasing atat na atat ka ng paalisin ako rito." pag d-drama ko at lumapit sa kama.
"Di mo na ko wuv..." pabebeng habol ko pa at tuluyan na ngang naupo.
Nagbaba ako ng tingin at nilaro-laro ang laylayan ng suot kong polo.
Ano ba 'yan?! Parang mas masaya pa ata siyang aalis na ako. Sa bagay, wala ng makulit. Maski si Mommy eh pumayag na sumama ako kay Arthur.
Hindi ko maiwasang isipin iyon. Lalo lang tuloy humaba ang nguso ko. Maya maya pa'y nakarinig ako nang isang malutong na tawa.
Napaangat tuloy ako ng tingin at nakita ko lang naman po si Verna na namumula na.
Lalo lang akong nagtatampo sa nakikita.
Inis na binaling ko ang aking paningin sa dingding at nagcross arm.
"Hoy, Alexander tumayo ka na riyan! Hinihintay ka na ng kaibigan mo sa labas." natatawang paalala niya sa akin habang naiiling.
Nagpapadyak ako ng paa.
F*ck! Hindi man lang ba niya ako lalambingin? Nagpapalambing ako rito, o? Helloooo? Pout.
Tinawanan niya lang ako.
Napabuntong hininga na lang tuloy ako at tumayo na sa kama.
Inabot sa akin ni Verna ang maleta ko at hinatid ako sa labas ng bahay.
Beep! Beep!
"Oo na! Saglit! Teka!" sunod sunod na sambit ko habang binubuksan ang gate. Hanggang ngayon tampo pa rin ako sa babaeng katabi ko.
Bumungad sa akin ang isang itim na kotse pagkabukas ng gate. Maya maya pa'y bumaba ang glass window no'n.
"Hey bro, tara?" aya sa akin ni Art na sobrang lawak ng pagkakangiti.
Napakunot noo ako. Parang may mali.
"Oh? Hi, Verna!" bati niya sa asawa ko na nasa likuran ko.
Ngiting-ngiti ata ang loko ngayon. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang ganyan.
Tuluyan na nga akong lumapit sa kotse niya at ipinasok ang maleta ko sa backseat.
Pagkatapos ko ayusin ay isinara ko na ang pinto at muling sumulyap sa asawa ko.
"I love you Verna. Just take care habang wala ako. Tingnan tingnan mo rin si Mommy, ha?" habilin ko.
Maya maya pa'y ngumiti siya sa akin.
"I will. Thank you." maikli niyang tugon.
Napaismid ako ng wala sa oras.
Yun lang??
Sigaw ng utak ko.
Hindi ko tuloy mapigilang i-voice out itong nararamdaman ko.
"Yun lang?" tanong ko rito at tinitigan siya sa mata.
Napakunot naman siya ng noo at naguguluhang tumango.
The f?!
Napabuga tuloy ako ng hangin at natawa nang mapakla.
"Oh, c'mon baby... Don't be shy. Just say all you want to say. Makikinig ako babe." sambit ko at nakangiting nakatitig lang ako sa kanya.
Alam kong may sasabihin siya. Baka nakalimutan niya lang.
Lalong kumunot ang noo niya sa narinig. Kita ko ang pagkalito sa kanyang mukha.
"Ah-err. Take care?" patanong pa niyang tugon sa akin.
Napangiti ako nang malawak. Eto na iyon.
"Ano pa?" nae-excite na tanong ko at humawak sa magkabilang bahagi ng balikat niya.
I knew it! Kunwari walang sasabihin pero meron.
Natutuwa ko pang sambit sa aking sarili.
Napakamot si Verna sa kanyang kilay. Tila ba nag-iisip.
"H-huwag kang magpapagutom?" muli niyang patanong na sagot sa akin na para bang hindi pa siya sigurado sa mga sinasagot niya.
Ang ngiting nakapaskil sa aking mukha ay tumagilid. Pumipintig pintig pa ang sulok ng labi ko. Hindi mawari kung ngingiti ba o ano.
"Yun lang baby ko?" tanong ko. Hoping na sabihin niya ang magic three words.
Para namang weirdo ako nitong tiningnan. Maya maya pa'y marahan siyang tumango.
After that, I sigh.
Yun nga lang talaga.
"Okay baby." malungkot kong tugon at hinalikan siya sa noo.
"Pasok na ko." sambit ko pa at binuksan na nga ang pinto ng sasakyan.
Pigilan mo ko. Pigilan mo ko.
Slow motion ko pang binuksan iyon.
Dahan dahan pa akong pumasok sa loob ng sasakyan na ikinanuot ng noo ni Art habang titig na titig sa akin.
Maya maya pa'y nagsalita siya.
"Natatae ka ba, bro?" Basag trip niyang tanong sa akin.
Napaismid ako sa narinig.
Hindi ako natatae!
Nagpapabebe ako ritoooooo!
Umayos na lamang ako ng upo at hindi siya pinansin.
Marahan isinara ni Verna ang pinto ng kotse at dumungaw mula sa bintana.
"Mag-iingat ka doon, ha?" mahihimigan mo sa boses niya ang pag-aalala.
Napangiti ako nang malawak.
"Of course, my loves. Uuwi pa ko sa iyo." sabay wink sa kanya na ikinapula niya.
"O, sige na. Shoo!" pagtataboy niya.
Awts. Gege.
"Art, mag-iingat kayo, ha? Si Alex."
"I will take care of him. Don't you worry."
Tugon pabalik ni Arthur sa kanya.
Lumayo na nang bahagya si Verna sa kotse ng ini-start na ni Art ang makina.
Napatitig ako sa asawa ko na ngayo'y kumakaway sa amin. Sending her goodbyes.
Oh d*mn! Kailangan ko ba talagang sumama sa mokong na 'to?! Parang gusto ko ng bumaba sa kotse.
Unti-unti na ngang umandar ang sasakyan. Tinitigan ko na lamang ang repleksyon ni Verna mula sa side mirror.
Nakatayo lamang siya doon sa gate. Nanatili lang akong nakatingin. Habang lumiliit nang lumiliit ang imahe niya sa salamin ay nahihigit ko ang aking paghinga.
Napabuga tuloy ako ng hangin at humarap sa lalaking sobrang laki ang ngiti sa labi.
"Kailangan ko bang sumama dito?! D*mn! Ngayon pa lang namimiss ko na siya!" ungot ko at pinagpapalo lahat ng makita ko sa sasakyan niya.
"Hey! Hey! Hey! Calm down." natatawang saad niya sa akin.
"One week lang naman tayo don, e." wika niya. Saglit na sumulyap siya sa akin at muling binalik ang atensyon sa daan.
"And of course kailangan mo talaga akong samahan. I need support Alex, support from a friend." sambit pa niya at malungkot na ngumiti.
Natahimik ako sa narinig.
Okay, sabi ko nga. Sasama ako.
Huminga na lamang ako nang malalim at tinanaw ang tanawin mula sa labas ng bintana.
Maya maya pa'y tumunog ang message tone ng phone ko. Dali dali ko iyong hinugot mula sa aking bulsa at sinipat iyon.
From: Verna
I love you.
Natigilan ako at napatahimik sa nabasa.
Only three words but those words put a big smile on my face. Kinilig ako bigla.
I immediately hit the reply button.
To: Verna
I love you the most.
And then itinabi ko na ang phone ko at ipinikit ang aking mga mata.
Sabi ko na nga ba eh, may sasabihin pa siya.
Sarap matulog.
-
"Alexander wake up!" nagising na lamang ako sa mahinang yugyog ni Art sa aking kaliwang balikat.
Tinatamad na inimulat ko ang aking mata at tiningnan ang paligid.
"Nasaan na tayo?" tanong ko at umayos na ng upo.
"Sa probinsya." tipid niyang sagot at bumaba na ng kotse. Kinuha niya ang bag niya at maleta ko.
Lumabas na din ako ng sasakyan.
Ngayon ko lang napansin na nasa tapat kami ng gate na gawa sa kahoy. Medyo naiilang ako ngayon dahil mga nakatingin sa amin ang mga tao lalong lalo na sa kotse ni Art.
"Tao po!" sigaw ni Arthur.
Tinabihan ko na lamang siya at kinuha ang maleta ko.
"Tao po!" muling sigaw niya.
"Sandali!" sigaw mula sa loob ng bahay.
Maya maya pa'y may lumabas na matanda roon. May puti puti itong hibla sa buhok at medyo yukos na lumakad. Napatingin ako kay Arthur. Nakangiti lamang siya habang nakatingin sa matanda.
Nang makalapit ay biglang namilog ang mata nito.
"Arthur? Ikaw ba iyan iho?" tanong ng matanda na lalong ikinalawak nang ngiti ni Art.
Teka, anong meron? Lola niya? But all i know yung lola niya nasa States.
"Ako nga po tita." magalang na tugon ni Art.
"Iho!" masayang turan ng matanda at binuksan ang gate.
"Pasok ka--" napahinto sa pagsasalita ang matanda ng makita ako nito.
Agad namang nagsalita ang katabi ko.
"Ah nay, si Alexander po, kaibigan ko. Nagpasama po ako sa kanya patungo rito." pagpapaliwanag ni Arthur.
"Ganon ba." tugon ng matanda at tinitigan ako.
"Kay gwapong bata."
Sus! Small thing ya' know. Small thing.
"Thank you po." magalang kong pagpapasalamat at yumuko nang bahagya.
"Halika na kayo sa loob. Yung mga gamit niyo. Tara tara." aya sa amin ni lola at iginaya kami sa loob ng bahay nila.
"Maupo muna kayo diyan. Mag aayos lang ako saglit ng kwarto." saad ni lola at dali daling naglakad patungo sa sinasabi niya.
"Ah Tita-" pigil ni Arthur sa matanda.
"Ano iyon iho?" tanong nito at lumapit nang bahagya sa amin.
Naupo ako sa maliit na bangko. Gawa ito sa kahoy. Habang si Arthur naman ay nanatili lang na nakatayo. May nais pa atang sabihin sa matanda.
"Si Claire po?" tanong niya na siyang ikinalingon ko agad sa kanya.
Napatingin sa akin si Arthur matapos niyang sabihin iyon
"Wala pa siya dito. Hindi pa siya nauuwi buhat ng nagtrabaho siya sa Maynila."
Napatingin sa sahig si Art na tila ba nag-iisip nang malalim.
"Maupo muna kayo diyan iho, linisin ko lang yung kwartong tutuluyan niyo." nakangiting wika ng matanda at nagpanik na sa isang silid.
Agad na napatayo ako sa aking kinauupuan at hinila siya paupo sa mahabang kahoy.
"Arthur..." unang bungad ko at tiningnan siya nang may pagtataka.
"Nandito tayo kila Claire? Bakit?" dagdag ko pa at tumingin sa kanyang mga mata.
Wala na sila. Akala ko nagbibiro lang siya na pupunta kami dito.
Ito na ba ang sinasabi niyang he wanted to comeback Claire to his life?
Ngumiti naman ang loko na medyo naghatid sa'kin nang kakaibang kilabot.
Yung ngiti niya...parang iba.
"Oo, dito nakatira si Claire. Dito ko siya niligawan noon." masayang turan niya habang nakatingin sa kawalan. Tila nagbabalik tanaw.
Napasandal ako sa bangko at nagcross arm.
Ano bang iniisip ng bruhong ito?
Tanong ko sa sarili at tinitigan ang aking kaibigan.
He was still smiling and it's bothering me.
"Stop smiling." suway ko.
Kunot noo ako nitong nilingon ngunit nandon pa rin ang mapaglarong ngiti niya sa labi.
"Why?"
"Cause you look creepy Arthur Sanchez!" inis na sambit ko sa kanya at pinang-ikutan siya ng mata.
I heard him chuckled. Nandoon pa rin ang ngiti niya sa kanyang mukha.
"It's time."
Napalingon ako sa kanya.
"Ha?"
Walang ideyang tanong ko. Anong it's time?
"Wala, bingi ka."
Natatawang sambit niya at inilihis ang tingin sa akin.
Napaismid ako sa narinig.
Hindi ako bingi!!
Narinig ko naman eh kaso nga lang hindi ko magets para saan iyon.
"Bahala ka nga diyan!" naiinis na sambit ko sa kanya at lumabas ng bahay.
Tatawa-tawa naman ang bruho sa akin.
Dumiretso muna ako sa may bakuran nila lola para lumanghap ng sariwang hangin. Napapikit ako ng maramdaman ang lamig nang hangin sa paligid.
Inhale...
Exhale....
Maya maya pa'y biglang nagpop out sa utak ko ang imahe ni Verna.
Bigla akong napamulat.
"F*ck!" napu-frustrate na sambit ko at napasuklay sa aking buhok gamit ang aking mga daliri.
Ilang oras pa lang ang lumilipas miss ko na agad siya.
"Arg!"
Baliw na ata ako. May kung ano kasing emosyon ang gustong kumawala sa akin dahil sa pagkamiss sa kanya. Kaya eto, tantrums na lang muna.
Nagpapadyak ako ng aking mga paa sa inis. Naiinis ako sa sarili ko.
Ngunit napatigil din ng may narinig akong humintong sasakyan sa harapan ng bahay nila lola.
May taong dumating?
Tanong ko pa sa aking sarili kaya napagdesisyonan ko ng bumalik sa loob.
Patapak na ako papasok ng pinto nang bigla akong napatigil. Pati na rin ang aking paghinga ay napatigil din.
My body froze ng sandaling makita ko ang taong nakatayo ngayon sa aking harapan at ang utak ko, bigla na lang nagblangko.
"Dianne..."
"Alexander..."
Sabay naming bigkas sa ngalan naming dalawa kasabay non ay ang pagragasa ng mga ala-alang akala ko'y limot ko na.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    castanedamarissa

    ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏

    24/01/2025

      0
  • avatar
    BrownAlex

    good

    24/12/2024

      1
  • avatar
    BalquinMilyn

    so nice! good job author♥️

    21/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata