logo text

Chapter 27| Wet Dreamsaster

Maingat ko siyang inihiga sa kama. Marahan kong hinaplos ang kaniyang mukhang nasisinagan nang liwanag ng buwan na nagmumula sa bintana. Tahimik na nakatitig ako sa kanya habang nakapatong maging siya ay nakatitig lang din sa mga mata ko.
"I love you." madamdaming anas ko. Kita ko sa mukha niya ang pagkabigla.
Hanggang sa natangay na naman ako sa aking nararamdaman kaya agad ko siyang hinalikan muli.
I give her shower kisses that causes her to moan. Masuyo kong hinaplos ang bawat kurba ng kanyang katawan.
"Hmmm..." sabay pa kaming napaungol sa kakaibang sensasyon na nararamdaman. Kumalas muna ako sa halikan namin at nagmamadaling tanggalin ang suot naming saplot.
I kiss her again and again and again. Hinding hindi talaga ako magsasawa sa labi niyang napakalambot na para bang napakabihira lang na may lumapat na labi sa kanya.
She pull me closer and fight for dominance.
Feeling ko umiikot na ang paningin ko sa mga oras na ito.
And then suddenly...
Everything went black.
****
Mahimbing ang pagkakatulog ko ng bigla akong magising nang may bagay na tumama sa ulo ko.
"Aray!" daing ko at otomatikong napabalikwas ng bangon sa kama. Napahawak ako sa ulo ko na lalo pang sumakit.
F*ck! Hang over.
Napatingin ako sa bagay na tumama sa akin.
Heels? What the f?
Agad na napatingin ako sa salarin na ngayo'y nakatayo sa tapat ng paanan ng kama. Nakacross arms siya at walang mababakas na kahit anong emosyon sa maganda niyang mukha.
Napalunok tuloy ako.
Nahihintakutang sinalubong ko ang kanyang paningin. Napakapit tuloy ako nang mahigpit sa bedsheet.
Ano na naman bang nangyayari?
"B-bakit? Ano na naman ba?" lakas loob kong tanong sa kanya at tumayo na sa kama. Napatingin ako sa bedside table kung saan nakalagay ang digital clock.
Quarter to two na. Hala? Tanghali na!
Napasarap ang tulog ko. Nawe-wet dreams pa kasi ako at ang kasama ko ay wala iba kundi si—
Nangingiting sinulyapan kong muli si Verna na walang imik na nakatayo.
"Oh bakit sweetie? A-anong problema?" tanong ko kasi nakakatakot na talaga ang malamig na tingin na pinupukol niya sa akin.
Maya maya pa'y nagsalita siya.
"Huwag mong sabihing wala kang naaalala?" tanong niya sa pinakamalamig niyang boses.
Napayakap tuloy ako sa aking sarili.
"Na alin?" naguguluhan kong tanong. Napakunot noo ako at iniisip kung ano ba ang hindi ko maalala.
Inis na lumapit siya sa akin at pinaghahampas ako.
"A-aray! A-aray! Sweetie— m-masakit!" hiyaw ko ng kurot-kurutin niya ang tagiliran ko. Feeling ko bumaon ang kuko niya doon. Huhuhu!
Ano na naman ba ang ginawa ko at bakit ganito kung magalit ang isang 'to. Help!
"S-stop. Vern— a-aray!" hiyaw ko pa ng sinuntok niya ko sa mukha.
Napasapo tuloy ako sa ilong ko.
Akmang lalapit muli siya para bigyan na naman ako ng isa pang suntok. Iniharang ko kaagad ang dalawang kamay ko para proteksyunan ang sarili.
"S-sorry na." parang batang ungot ko at nayuko.
Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko. Muling napatingin ako sa kanya.
"Naaalala mo?" tanong niya sa malamyos na tinig. Nawala na rin ang pagkalukot ng mukha niya at naging maaliwalas na.
Para naman akong batang tumango tango bilang tugon.
Oo na oo na! Kasalanan ko na.
Maya maya pa'y iniipit niya ang buhok niya sa likod ng kanyang tainga at ngumiti na wari mo'y nahihiya. Nayuko pa ito.
Napakunot noo ako sa ikinikilos niya.
"Sorry kung umuwi ako ng lasing. Si Arthur kasi. Napasabak lang ako sa inuman." dagdag ko pa.
Agad na iniangat niya ang kanyang paningin sa akin.
"At saka?" dagdag pa niya.
Ano'ng at saka?
Tanong ko sa sarili. Meron pa ba?
"At saka... Sorry kung basta basta akong umaalis ng walang paalam."
Saad ko. Hindi na kasi ako nakapagpaalam no'n dahil nagmamadali akong pumunta kila Arthur. Baka kasi lumayas iyon sa condo niya at hindi ko maabutan.
"At saka?" ulit pa niya.
Hala? Mangungumpisal na ba ako? Hindi ako ready!
Napatikhim muna ako bago umimik.
"At saka... Sorry sa mga nagawa kong kasalanan sayo noon." sincere kong pagkakasabi sa kanya at ningitian siya ng alanganin. Nahihiya kasi ako sa sarili ko. Bakit ko ba iyon nagawa? Bakit nagpadala ako sa takot ng nakaraan? Sa takot na baka maulit iyon sa akin.
"At saka?" ulit pa niya.
Hala siya? Kailan pa siya naging pari?
Hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko.
Napapakamot ako sa batok ko at pilit inaalala isa-isa ang mga kasalanan ko.
"Sorry kung.... Inagaw ko sayo 'yung natitirang hotdog sa plato nung nakaraan."
"At saka?"
"At saka... Sorry kung lagi kong tinatago ang napkin mo sa ilalim ng bed."
"At saka?"
"At saka... Sorry kung kinukunan ko ng pictures ang mga undies mong nakahang sa sampayan."
Tumaas ang kaliwang kilay niya sa narinig. Napaatras ako sa nakikita. Mukhang hindi niya nagustuhan iyon.
"At saka?"
"At saka.... Sorry kung— kung... "
Napapakamot ako sa kilay ko. Hindi ko na rin siya magawang tingnan dahil sa lalim nang iniisip ko.
"Sorry—nung tinago ko ang kabiyak ng slipper mo sa bubong." napangiwi ako sa sinabi ko.
F*ck! Bakit nga ba pumasok sa kokote ko na itago ang tsinelas niya nung isang araw? Ang malala sa bubong pa. Lahat na ata gagawin ko nung araw na iyon mapansin lang niya. Desperado na talaga.
"At saka?!" medyo tumaas na ang boses ni Verna at mahihimigan mo sa kanyang tinig ang pagkainis.
Nanlamig ang buong katawan ko bigla.
"At saka... Sorry dahil kinukunan kita ng litrato ng palihim."
"AT SAKA?!" sigaw niya na siyang nagpapitlag sa akin sa gulat.
Agad na napatingin ako sa kanya na pinagsisisihan kong ginawa. Nanlilisik ang kanyang mga mata at nakakuyom na ang kanyang mga palad.
"At s-saka— s-sorry—sa—"
Magkanda utal-utal kong sambit. Nanginginig narin ako sa takot. Kailangan ba talaga sabihin ko ngayon lahat lahat? Hindi ako prepared. Sa way ng pagtatanong niya, parang may hinihintay siyang isang sagot mula sa akin.
"SO HINDI MO NAAALALA?!" sigaw niya na nagpaupo sa akin sa kama ng wala sa oras.
Mommy! Nasaan ka?!
"YUNG KAGABI!!! WALA KA TALAGANG NAAALALA???!!"
Kagabi?
Ano bang kalokohan ang ginawa ko at galit na galit siya? Wala talaga akong malala. Patay!
Napalunok ako ng wala sa oras at pilit na inihahanda ang sarili sa maaaring sapitin ko sa kanyang mga kamay.
"W-wala..."
Halos pabulong na sagot ko at pumikit nang mariin. Hinihintay ang kurot, suntok at hampas na gagawin niya.
Ngunit makaraan ng ilang minuto ay nanatili lang na tahimik ang paligid. Kaya naman napilitan akong buksan muli ang aking mga mata at tumingin sa kanya.
"I HATE YOU!" naiiyak na sigaw niya dahil sa inis at nagmartsa palabas ng kwarto. Padabog pa niya itong sinara.
Napahawak naman ako sa ulo ko.
"Ano bang nangyari? Bakit wala akong maalala kagabi? Bakit b—" napahinto ako sa sinasabi ng may imaheng biglang nagpop out sa utak ko.
"Yung panaginip. Huwag mong sabihing—" namilog ang mata ko nang mapagtanto ko na ngayon ang nangyayari.
"What the f*ck!" napamura na ako.
"Verna!"
Sigaw ko at nagtatakbo palabas ng kwarto para sundan siya.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    castanedamarissa

    ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏

    24/01/2025

      0
  • avatar
    BrownAlex

    good

    24/12/2024

      1
  • avatar
    BalquinMilyn

    so nice! good job author♥️

    21/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata