logo text

Chapter 22| Visitors

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" hindi mapakaling tanong ko habang tinutuktok ang bintana ng kotse niya.
"Pwede ba? Tigilan mo nga 'yang kakatuktok mo diyan. Para kang batang papagalitan, eh. Nasa park lang iyon kapag ganitong araw." saway sa akin ni Miggy. Saglit siyang sumulyap sa akin at tumingin ulit sa daan.
"Eh sa kinakabahan ako."
"Paanong hindi ka kakabahan. Guilty ka kasi." sambit pa niya at saglit na sumulyap sa akin.
Tinitigan ko naman siya nang masama.
"Kung hindi mo siya kinuha sa bahay, eh 'di sana nasa puder ko pa rin siya." ganting sagot ko.
"Eh, kung maganda ang pakikitungo mo hindi ko na sana siya kukuhanin sa bahay mo." ganting sambit niya rin pero ang mga mata ay naka-focus lang sa daan habang nagmamaneho.
Speechless.
Napipilan ako doon. Nabara ako ni Miggy. Hays! Oo. Kasalanan ko.
Napahalukipkip ako at nagbaling ng tingin sa labas ng bintana habang bubulong-bulong. Kainis!
Malapit na kami sa may park ng matanaw ko na siya. Mag-isa lang siyang nakaupo sa may swing at nakatulala. Parang malalim ang iniisip.
Ipinark na ni pinsan ang kotse sa 'di kalayuan sa pwesto niya. Akmang lalabas na ako para sunduin si Verna ng pigilan ako ni Miggy.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Anong ginagawa mo?" napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.
"Malamang pupuntahan si Verna."
sagot ko at iniwaksi ang nakakapit niyang kamay sa braso ko.
"Sa tingin mo ba sasama agad siya sayo?"
Napatigil ako sa akmang pagbukas ng pinto ng kotse. Napabaling ako sa kanya ng tingin.
"Anong gusto mong mangyari?!" inis na tanong ko.
"Ako ng bahala." iyon lang ang sinabi niya at bumaba na siya ng sasakyan.
Wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan sila habang nasa loob ako ng kotse.
Papalapit na ang pinsan ko ng mapansin siya ni Verna. Otomatiko na napangiti ito.
Medyo masakit tingnan ang tagpong iyon.
Naupo si Miggy sa katabing swing. Nagkwentuhan pa ata sila. Napabuga tuloy ako ng hangin.
Akala ko ba nagmamadali kami? Bakit nakikipagdaldalan pa siya? Kainis! O baka naman sinasadya niya na makita ko ang eksena na 'to para makabawi?
Pinukulan ko sila ng matalim na titig lalo na sa kamay ni Miggy na kung saan saan na dumadapo pero hindi aware si Verna sa ginagawa ng isa.
Ahh! Parang gusto ko ng lumabas dito at panggigilan ang mukha ng pinsan ko!
Maya maya pa'y may kung anong dinudukot si pinsan sa kanyang bulsa. Naglabas siya ng panyo.
Panyo?
Hindi ko alam kung para saan ang panyo kasi hindi naman umiiyak si Verna. Mas tinitigan ko pa si Verna para makumpirma. Wala naman kahit isang patak ng luha ang makikita sa mata niya.
Mga ilang saglit pa ay napa 'ah' na lang ako ng magets ko na ang gustong gawin nung isa.
Ipinantakip niya ito sa mata ni Verna at nagsimula na siyang alalayan ito maglakad patungo dito sa kotse.
Halos hindi ko maalis-alis ang mata ko sa kamay ni Miggy na nakahawak sa bewang ng asawa ko.
Ahh! Buset talaga! Mababaliw ako sa selos!
Pagkalapit nila sa kotse ay sinenyasan niya ako na umalis at sa backseat maupo. Dali-dali naman akong bumaba.
Inalalayan niya si Verna na makapasok sa loob ng kotse at naupo sa front seat.
Pumasok na rin si Miggy at pinasibad ang kotse patungo sa bahay.
"Miggy, saan nga pala tayo pupunta? Bakit kailangan may ganito pa?"
Tukoy ni Verna sa nakatakip na panyo sa kanyang mga mata.
Sasabat na sana ako ng senyasan ako ni Miggy na manahimik. Napacross arm na lang tuloy ako. Oo na!
"Surprise. Alam kong magugustuhan mo iyon." malambing na sambit ni pinsan kay Verna at itinuon muli ang kanyang paningin sa daan.
"Uhmm, sige" may pag aalinlangan sa boses ni Verna pero nagpaubaya na lang siya kay Miggy.
"Tsss.."
Hindi ko napigilang gumawa ng reaksyon. Sinulyapan ako ni pinsan sa may salamin. Nagbabaga ang mga mata niya na wari mo'y pinapatahimik ako.
Nagkibit balikat na lang ako.
Mga ilang minuto pa'y nakarating na kami sa bahay. Dali dali naman akong bumaba ng kotse. Bumaba na rin si Miggy at inalalayan si Verna.
Sinenyasan naman ako ni pinsan na alalayan si Verna maglakad papasok sa loob.
Tumango na lamang ako at lumapit kay Verna.
Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Miggy.
Napakunot noo ako. Bakit nagmamadali iyon?
"Miggy nasaan na tayo?" napabaling ang tingin ko kay Verna ng magsalita siya.
Sasagot na sana ako ng maalala na galit siya sa akin. Baka bigla na namang umalis ito sa bahay.
Pinili ko na lang hindi umimik. Hindi naman na siya nagtanong muli kaya itinuon ko na lang ang pag alalay sa kanya papasok sa loob.
Nang nasa sala na kami ay na pa 'ah' na lang ako.
Kaya pala nagmamadaling pumasok si pinsan sa loob ay dahil nandito na sila Tatay Mario.
Napatayo sa pagkakaupo at lumapit sa kinatatayuan namin ni Verna sila Tatay Mario at Manang Leti.
Napadako ang tingin ko kay pinsan. Nakahalukipkip lang siya at nakasandal sa gilid ng pader. Tumango lang siya sa akin.
Napabaling ako ng tingin kay Verna.
Iniangat ko na ang aking kamay at sinimulan ng tanggalin ang pagkakatakip ng panyo sa kaniyang mata. Nang makalas na sa pagkakabuhol ay unti-unti ko itong Tinanggal. Nakangiti lamang si Verna habang nakapikit. Nang matapos ay unti-unti siyang dumilat.
Medyo pipikit pikit pa siya upang mag-adjust sa liwanag ng paligid.
Ang kaninang mala-anghel na mukha na nabungaran ko ay unti-unting nawala dahil sa pagkalukot nito ng mapagtanto na ako ang nasa kaniyang harapan.
Napatitig siya nang mariin. Napatiim bagang. Namula ang buong mukha at umuusok ang ilong. Para bang mga ilang minuto na lang ay sasabog na siya. Sasabog sa galit.
Akmang tatalak na siya sa harapan ko ng hapitin ko ang bewang niya. Napapitlag siya sa gulat dahil sa ginawa ko. Naguguluhan niya akong tiningnan. Binigyan ko naman siya ng isang napakatamis na ngiti kaso biglang napangiwi ng inirapan niya ako.
Tatanggalin na niya sana ang pagkakapalupot ko sa kanya ng inunahan ko na siya. Ipinihit ko siya paharap sa kaniyang mga magulang.
"Surprise!"
Nakangiting sambit ng kaniyang mga magulang at ni Miggy.
Otomatiko na napangiti siya. Bumitaw na ako sa pagkakakapit sa kanya upang mayakap niya ang kaniyang mga magulang.
"Kumusta na kayo ni Alex?"
Biglang tanong ni Tatay Mario at kumalas na mula sa pagkakayakap sa kaniyang anak.
Napatingin naman sa gawi ko si Verna na nakangisi at hinarap muli ang ama. Nanlamig ako sa nakita.
Mukhang ilalaglag pa ako nito.
"Sa totoo po niyan Itay, Inay-hmmp!"
Napatigil siya sa pagsasalita ng takpan ko ang bibig niya. Mukha kasing magsusumbong.
"We're good. Halos hindi na nga po umalis sa tabi ko si Verna lalong-lalo na paggabi." biro ko pa. Hinapit ko siya sa bewang.
Napatawa naman ang mga magulang niya sa tinuran ko. Natawa na rin ako ngunit nawala rin agad at napalitan ng lunok ng mapabaling ako ng tingin kay Verna.
Ang sama ng titig niya sa akin.
May pag aalangan na ngumiti ako sa kanya. Maya maya pa'y napangisi ako ng wala na siyang magawa kundi sundin ang nasa isip ko.
"Talino talaga!"
Natutuwang sambit ko sa sarili.
May dahilan na ako para magkasama kami ni Verna sa iisang bubong. Namiss ko talaga siya.
"Anong pinagsasabi mo diyan?!" inis na bulalas niya. Napatingin ako sa kanya at umiling.
Habang magkalapit ang aming katawan at ninanamnam ang bawat sandali ay napangiti na naman ako dahil sa natutuwa talaga ako.
"Baliw." mahina ngunit rinig kong sambit niya.
Nagkibit balikat na lang ako at nagnakaw ng halik sa labi niya.
Nabigla siya sa ginawa ko. Hindi ko pinansin ang naging reaksyon niyang gusto na niya akong patayin.
Nangingiting napatingin ako sa mga matatanda na nakangiti din sa aming dalawa.
Bumaling ulit ako kay Verna na parang sasabog na sa inis at gustong gusto na talaga akong tirisin. Napapitlag ako at muntikan ng mapahiyaw ng kurutin niya ako sa tagiliran.
Nagkibit balikat na lang ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    castanedamarissa

    ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏

    24/01/2025

      0
  • avatar
    BrownAlex

    good

    24/12/2024

      1
  • avatar
    BalquinMilyn

    so nice! good job author♥️

    21/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata