logo text

Chapter 21| They Are Coming

Pakiramdam ko'y lutang akong naglalakad sa kalagitnaan ng gabi sa daan. Tulala at hindi na iniinda ang sakit ng aking mga binti dahil sa layo ng aking nilakad mula sa bar. Inaalala ang mga kaganapan kanina tulad nang malakas na sampal ni Verna pati na rin ang kanyang tatlong masakit na salita.
Sabagay, can't blame her. I hurt her in the first place.
I'm an a**hole.
"Pip pip!!!!!!!!!!"
Muntik na akong mahagip nang humaharurot na sasakyan.
Huh! Kung hindi lang ako lutang sa sakit na nararamdaman ngayon ay paniguradong lagot sa akin ang driver na iyon.
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdamang nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag si Max.
Naiinis man dahil sa ginawa niya nung isang araw ay sinagot ko ang tawag niya.
"Hello." pagod na wika ko at nagpatuloy muli sa paglalakad.
Matagal bago siya nagsalita.
"Home?" tipid niyang tanong.
Napailing ako sa narinig at tiningnan ang aking cellphone na wari mo'y nakikita ang kausap sa personal.
"Malapit na." mahinang bigkas ko at tumingala upang pagmasdan ang langit.
Wala na akong makitang bituin sa kadahilanang unti-unti nang sinasakop ng mga ulap ang kalangitan upang takpan ang kagandahan nito sa gabi.
"Okay." ganting sagot niya.
"Pakisabi na lang sa kanila na umuwi na ako." pasuyo ko. Makalipas ng ilang minuto ay wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya. Ibababa ko na sana ang tawag ng magsalita ito.
"Take care." tanging sambit niya at pinatayan ako ng tawag.
Takang napatingin ako sa cellphone ko dahil sa narinig. Maya maya pa'y napabuga ako ng hangin at nangingiting nailing.
Max.
Nang makarating na sa kwarto ay sumalampak na ako sa higaan. Wala ng kain kain.
Habang titig na titig sa kisame ay doon ko napagtanto na nalakad ko 'yung gano'ng kalayo pauwi ng bahay.
Iyon na lang kasi ang naisip ko na pwedeng parusa sa sarili ngayon nang mabawasan ang guilt na nararamdaman ko.
Ikot sa kanan. Baling sa kaliwa. Dadapa. Pagulong-gulong sa higaan. Hanggang sa inabot na ko ng madaling araw. Hindi talaga ako makatulog.
Tumayo na lang ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Nagbabaka sakaling makatulog ako sa paraan na 'to at maibsan ang sakit.
Nakakatawa isipin na mahina ako sa alak tapos maglalasing ako. Wala naman sigurong masama. Nandito naman ako sa bahay at hindi ako mapipikot.
Natawa ako sa huling salitang naisip.
-
Lumipas ang isang linggo, hindi na ako pumapasok sa school. Patapos naman na ang semester at alam kong pasado ako sa lahat ng subjects. Nagkulong lang ako sa bahay at nag-iinom sa loob ng kwarto. Nagpapa- deliver na lang din ako kapag nagugutom.
Pumunta naman dito sa bahay si Arthur nung isang araw para mangamusta. Abot-abot ang suntok na natanggap ko ng makita akong ganito. Wala sa sarili.
Pilit niya naman akong kinukumbinsi na pumasok o 'di kaya ay sumama na lang sa gimik ngunit ang lahat ng iyon ay himalang tinanggihan ko.
Naalimpungatan ako ng mag-ring ang cellphone ko. Inabot ko iyon at inaantok na umayos ng upo sa kama.
Miggy?
Pagbasa ko sa screen ng phone. Hindi makapaniwalang napabuga na lamang ako ng hangin at napasuklay ng buhok gamit ang aking mga daliri.
Huh! Baka kung ano-ano na naman ang sasabihin ng ungas na 'to. Sasabihin napaka-sama ko na naman, na ako ang may mali. Bakit' di niya makita ang sarili niya na nagti-take advantage siya sa sitwasyon naming dalawa ni Verna? Magaling!
Umiling na lang ako at 'di na pinansin ang pagtawag ni Miggy. Inilapag ko ang cellphone sa ibabaw ng table malapit sa kinahihigaan ko.
Nahiga na ako at matutulog muli sana kaso mga ilang minuto pa lang ang nakakalipas, muling nag-ring ang cellphone ko. Sa huli, inis na bumangon ako sa kinahihigaan para i-off ang phone kaso nagulat ako ng si Miggy pa rin ang tumatawag.
44 missed calls?
Sadyang ganon ba ka-importante ang sasabihin niya para pagtiyagaan akong tawagan ng ganyang karaming beses?
Naguguluhang napatitig ako sa screen ng phone ko. Nag-aalangan man ay pinatay ko na ng tuluyan ang phone para walang istorbo.
Nahiga na ako at natulog ulit.
Thug! Thug! Thug!
Napapitlag ako at nagising muli sa pagkakatulog nung may sunod-sunod na padabog na katok mula sa pintuan ng kwarto ko.
Thug! Thug! Thug!
"ALEXANDER!"
Si Miggy? Anong ginagawa niya dito?!
Thug! Thug! Thug!
"ALEXANDER! Buksan mo ang pinto!"
Hindi ko mapigilang mapa-ikot ng mata sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha para utusan ako dito mismo sa pamamahay ko.
Inis na bumangon ako sa kama at malalaki ang hakbang na naglakad patungong pinto. Marahas ko iyong binuksan.
"Sisirain mo ba ang pinto ko?!" sigaw ko sa pagmumukha niya.
Hindi kaagad siya nakapagsalita ng libutin niya nang tingin ang loob ng kwarto ko.
Mga nakakalat na balat ng junkfood, mga basyo ng alak, mga basag na vase, tumbang mga upuan at gulo-gulo na bedsheet.
"Ano?! Tutunganga ka lang ba?! Kung wala kang sasabihin umalis ka na! Maghanap ka ng ibang iistorbohin!" inis na turan ko at akmang isasara na sana ang pinto ng iharang niya ang kanyang katawan.
"Saglit!" pagpigil niya.
Napabuga tuloy ako ng hangin upang kontrolin ang inis na nararamdaman ngunit kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya kaya hindi ko na napigilang pagsusuntukin ang braso niya at itulak-tulak siya.
"Ano ba Alexander?!"
Hinablot niya ang dalawang kamay ko at tinitigan ako sa mata.
"Pwede ba Alex kahit ngayon lang magkasundo tayo?" naiinis niyang sambit at hinawakan nang mabuti ang kamay ko.
Natigilan naman ako sa narinig.
Nagbibiro ba siya? Ano na naman bang kalokohan 'to?
"Huh?! Wala ka bang mapagtripan? Anong gusto mong mangyari? Na mag share tayo sa isang babae kaya magkasundo tayo ganon?!" sarkastiko kong sambit.
Sa narinig ay marahas na napabuga siya nang hangin at umiling-iling habang nakangisi. Maya-maya pa'y bigla siyang nagseryoso.
Napakunot noo ako sa inasal niya. Bakas kasi sa kanyang mukha na napakaimportante ng kanyang pinunta dito.
"Pauwi na si Tatay Mario at Nanay Leti dito mamayang hapon Alex." seryoso at mahinahong sambit niya.
Uuwi? Iyon naman pala eh. Eh 'di umuwi.
Wait....
WHAAAAT?!
Nagulantang ako ng mag-sink in sa aking isipan ang sinabi ni pinsan. Namimilog ang mga matang tinitigan ko siya na waring tinatanong kung totoo ba ang sinabi niya. Marahan naman siyang tumango.
"Sh*t!" napamura na ko sa kinatatayuan ko lalo na nung maalala ang bilin ni Tatay Mario.
Flashback
"Miggy, siguraduhin mo na tutupad sa usapan ang pinsan mo. Ikaw ang nagsabi sa akin na huwag mag-alala kaya may tiwala ako sayo na babantayan mo ang bawat galaw niya. Kapag ang anak ko umuwi dito ng umiiyak, sinasabi ko sa inyo-"
Pambibiting saad ni Tatay sabay hasa niya sa hawak niyang malaking itak.
Namumutla ang pinsan kong tumango-tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Tatay Mario.
Ang sampong anak na lalaki ni Tatay Mario ay matatalim ang tingin na ipinupukol sa aming dalawang magpinsan.
"At IKAW!" sabay hampas ni Tatay sa lamesa na siyang ikinapitlag ko sa gulat. Feeling ko mga ilang sandali na lang ay matatagpuan na lang ako sa sahig na nakabulagta at walang malay.
"Alexander binabalaan kita. Oras na umiyak ang anak ko ng dahil sayo at oras na saktan at iwan mo siya na para lang basahan pagkatapos gamitin asahan mo- hahanapin kita kahit saang sulok ka 'man magtago."
I gulped.
Nanginginig ang mga tuhod at kamay na marahan akong tumango bilang tugon kay Tatay Mario.
Nagiging masyado ng obvious ang panginginig ng aking kamay kahit pilit ko iyong pinapakalma. Inilagay ko na lang ang aking dalawang kamay sa ilalim ng aking pang-upo at inupuan ito. Feeling ko mae-epilepsy na ko dito sa kinauupuan ko sa sobrang kaba na nararamdaman at labis na panginginig nang katawan.
End of flashback
"Ano'ng gagawin ko, Miggy?!" kinakabahang tanong ko sa aking pinsan.
"Naimpake ko na ang mga damit ni Verna sa maleta niya at nandiyan na sa sala. Dinala ko na dito. Si Verna na lang ang kulang. Ikaw na ang bahala kung paano mo siya mapapabalik dito. May ilang oras ka pa para mapauwi siya bago dumating sila Tatay Mario."
Mahabang paliwanag niya sa akin.
Napaisip naman ako bigla.
Mamayang hapon na? Masyadong kapos ako sa oras. Paniguradong hindi sasama sa'kin agad-agad si Verna kahit kulitin ko pa siya ng buwan o taon. Yung oras pa kaya? Pano ko iyon gagawin?
Problemadong tanong ko sa aking isipan habang ang kamay ay tensyonadong kinikiskis sa aking baba.
Akma ng tatalikod si Miggy sa harapan ko ng pigilin ko siya. Hinablot ko ang kanyang braso at iniharap muli sa akin.
"Teka." pigil ko.
Tiningnan niya naman ako. Halos wala man lang kaemo-emosyon ang ipinapakita ng pinsan ko sa akin.
"Pwe-pwede mo ba a-akong tulungan?" nakangiwing tanong ko.
Nakakatawa lang na ang taong inaaway mo kani-kanina lang ay hihingan mo ng tulong ngayon.
"Okay." tipid na sagot niya na ikinagulat ko. Nabuhayan ako ng loob ng marinig iyon.
Nagmamadaling inunahan ko na siyang lumabas sa kwarto ko ngunit natigilan din ng biglang batakin niya ang damit ko sa likod kaya napabalik ako sa kinapipwestuhan ko kanina ng wala sa oras.
"Ano ba?!" inis na tanong ko. Tiningnan niya naman ako sa mukha na para bang sinasabing 'seryoso ka?'.
Hinagod niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa kaya napakunot noo ako.
"Maligo ka muna. Stupid."
sabay labas sa kwarto ko at isinira ang pintuan.
Teka?
Anong sabi niya?
Stupid? Ako stupid?!
Huh! Ang lakas ng loob niyang sabihan akong stupid!
Napasabunot tuloy ako sa aking buhok habang padabog na nagtungo sa cr. Hindi ko matanggap na hindi ako nakabawi o nakaganti man lang sa sinabi niya kanina.
"Bwisit!"

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    castanedamarissa

    ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏

    24/01/2025

      0
  • avatar
    BrownAlex

    good

    24/12/2024

      1
  • avatar
    BalquinMilyn

    so nice! good job author♥️

    21/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata