logo text

Chapter 12| Care

Today is Monday, may pasok na. My mommy enrolled Verna in fields of culinary. Nakatuntong naman siya ng college noon ngunit isang sem lang ang nayari niya at hindi na niya naituloy pa. My mommy asked her if she wanted to continue her studies and she answered yes kaya naman ito, sa parehas na school kami mag-aaral.
I still remember her face nung tinanong ni mommy iyon. Her face seems priceless. Kita mo sa kaniyang mukha ang kagustuhan na makapagtapos ng pag-aaral.
Nagda-drive na ako ngayon papuntang school. Napansin ko na kanina pa hindi mapakali si Verna sa kinauupuan niya.
"Hey..." Hindi ko na natiis na hindi siya pansinin.
"Could you stop acting like that? It distracts me while driving." dagdag ko pa.
Hindi siya kumibo o sumagot man lang sa tanong ko na siyang kinainis ko.
Huminga ako nang malalim sa nakikita. She's d*mn nervous.
Ewan ko kung ano'ng pumasok sa kokote ko. Basta't nakita ko na lamang ang aking sarili na hawak na ang kaniyang kamay at marahang pinisil iyon. Nung una ay nagulat ako dahil sa lamig no'n. Para akong humawak sa yelo. No doubt, she's really nervous.
Agad na binawi ko ang aking kamay at humawak na sa manibela nang makaramdam ako nang kakaibang emosyon sa dibdib ko.
Nang makapasok na sa loob ng university ay naghanap na ako ng pwesto kung saan pwedeng i-park ang kotseng minamaneho. Matapos mai-park nang maayos ang sasakyan ay hindi muna ako bumaba. Tiningnan ko muna siya.
Bakas sa mukha niya ang kaba at pag-aalala. May kung ano'ng humaplos sa puso ko at hindi ko mawari kung ano iyon. All I know is I don't like this feeling.
"Alam mo bang nakakainis kang tingnan? Stop worrying! You're worthy! Tsk!" naiinis na wika ko at padabog na lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan ko siya ng pinto at nang makalabas na siya ay naglakad na ako para hanapin ang mga kaibigan ko. Leaving her in the parking area alone.
Nang makalayo na sa parking lot ay napahinto ako sa paglalakad. Napapikit na lamang ako nang mariin nang maalala ang mukha niya. Kinakabahan talaga siya. First day niya ngayon. Hindi siya pamilyar sa campus.
I fish out my phone on my pocket at tinawagan si Miggy. Saying na i-assist niya muna si Verna sa campus at iniwan ko siya sa parking lot mag-isa.
Nauwi pa kami sa pagtatalo ng unggoy na'to pero sa bandang huli ay pumayag na rin siya.
Ang dami pang dada, e.
Nang pumayag siya ay napabuntong hininga ako. Muling naglakad na ako upang hanapin ang barkada.
****
"Hey, baby cousin Alexander!" nakakairitang pagbanggit sa pangalan ko ang nakaagaw sa aking pansin. Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw and right there, mukha ng unggoy ang nakita ko habang nakangiting kumakaway sa akin. Nasa kaliwang bahagi ng cafeteria siya nakaupo.
Lunch time na namin ngayon. Puno ang cafeteria ng mga estudyante kaya naman hindi malabong maraming nakarinig sa tinawag sa akin ng pinsan ko. They laughed na agad ko naman silang tiningnan nang masama na ikinatahimik nilang lahat.
Don't mess up with me. I can make their whole school year like a hell.
Napadako ako nang tingin kay Miggy and mouthed to him 'gag*' without a sound but instead of getting pissed, he just grin. Tuwang-tuwa sa reaksyon na nakikita niya sa akin. The nerve!
Naiinis na humakbang ako pasulong patungo sa pwesto ni Miggy nang biglang napahinto nang humarang sa harapan ko si Josh.
"Hey, Alexander! What's up man? It's been a long time nang huli kang makita ng barkada. Baka gusto mo naman kaming saluhan." paanyaya niya sabay mosyon sa kanilang table.
Nandoon sila Max, Jessica, Arthur at Abegail. Kumaway sila sa akin maliban kay Max na tahimik na nagbabasa.
Bahagya pang sumilip si Josh sa pinsan ko na ngayo'y hindi na maipinta ang mukha.
"Ah, sure sure." sagot ko sabay naupo sa table nila.
Sumilip ako sa pwesto ni Miggy. Mag-isa lang siya doon sa table habang kumakain. Hindi na siya sumulyap pa sa akin.
"Alexander, bakit bigla ka na lang nawala nung summer? Hinahanap-hanap kaya kita." usisa ni Jessica sabay kindat sa akin. Not new.
"Oo nga, bro. Bakit biglaan kang nawala nang walang paalam? Tina-try ka namin tawagan para maghang-out tayo kaso out of coverage ka naman. You missed the happiness and girls, bro! Saan bang kagubatan ka galing?" tanong ni Arthur at nagsitawanan silang lahat.
Napakamot naman ako sa aking batok.
"You know... My mommy." tipid kong sagot.
"Nagbakasyon kami sa probinsya sa kasambahay nila Miggy." dagdag ko pa.
"What?!" bulalas ni Abegail. Napatigil naman ang apat sa kaniya.
"Pumunta ka sa gano'ng place?" dugtong pa niya and she rolled her eyes upward. Ang arte ng babaeng ito.
"Cool." Arthur commented.
"Sa susunod magpaalam ka sa amin. Ang dami mong na-miss na hang-out ng barkada" singit ni Josh. Ngumiti na lamang ako sa kanila at pinagpatuloy ang kinakain.
"Hey! Verna! Over here!" otomatikong napalingon ako sa pwesto ni Miggy nang marinig kong sinigaw niya ang pangalan ng isa. Kumakaway pa siya kay Verna. Naupo naman iyon sa table ng pinsan ko.
"Who's that?" biglang tanong ni Abegail.
"New student? Kino-close agad ni Miggy." si Josh.
"Hmmm.. I really don't know who she was. Well, kahit ang ibang student dito sa university ay medyo namumukhaan ko kahit papano dahil sa businesses ng parents nila pero that girl? I don't know her at all." komento ni Jessica.
"Maybe a scholar." komento ni Max. Nabibiglang lumingon kaming lahat na magbabarkada sa pwesto ni Max nang wala sa oras. Halos hindi sila makapaniwalang umimik siya maski ako. Kadalasan kasi ay tahimik lamang siya at nagmamasid-masid sa paligid.
"Wow! Max! Is that you? Nakakapanibago." namamanghang bulalas ni Arthur at kumagat sa hawak niyang burger.
"Kaya nga. Nagsasalita ka lang kapag importanteng bagay ang pinag-uusapan." singit ni Abegail. Nagsisimula na siyang paglaruan ang pasta niya. Busog na siguro 'to.
Nagkibit balikat lamang ang isa sa mga komento nila at ipinagpatuloy ang kinakain.
Oo nga. Ngayon lang nagkomento si Max sa hindi gaanong kilala o importanteng bagay.
"Shocks, Max! Don't tell me interested ka sa girl?" nabibiglang tanong ni Abegail na tila ba isa iyong malaking konklusyon.
Napatigil ako sa narinig.
Max look at Abby. Wearing his signature blank face. Nagsitawanan ang lahat.
Sumilip ako saglit kila Miggy at Verna.
Nang magtama ang paningin namin, ningitian ako ni Verna kaso umiwas agad ako nang tingin.
"Huh! How dare she to smile at you?!" Jessica uttered angrily.
"Calm down, girl. First day. Sa susunod na iyan." natatawang malanding wika ni Arthur na siyang ikinalma ni Jessica.
Hindi na ako umimik pa. Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko. Napapasulyap-sulyap ako kay Max at iniisip ang biglaan niyang reaksyon kanina.
Mga ilang oras pa ay bumalik na kami sa aming mga klase.
****
Verna's POV
Hindi ko alam kung okay lang ba si Alexander. Ningitian ko siya sa cafeteria kanina kaso in-snob niya ako. Bigla ko tuloy naalala ang pinag-usapan namin kagabi. May humaplos na kirot sa dibdib ko nang mga oras na iyon.
Akala ko magiging masaya na ako kapag napangasawa ko na ang taong gustong-gusto ko. Naaalala ko ang araw na pumunta sa amin si kuya Miggy noon. Unang nakita ko si Alexander sa isang larawan na nanggaling sa cellphone ni kuya Miggy. Nagkaroon ako sa taong iyon nang atraksyon kahit hindi ko pa siya nakikita sa personal at habang tumatagal at lumilipas ang panahon, pausbong nang pausbong ang damdamin ko para sa kaniya. Hindi rin ako makapaniwala na magigising na lamang akong hubo't huba't sa tabi niya. Sadyang wala akong maalala.
Napailing-iling na lamang ako sa aking iniisip at napabuntong hininga.
Pinagpatuloy ko na lang ang aking kinakain.
"Ayos ka lang?" may simpatyang tanong ni Miggy sa kalagitnaan ng pagkain.
Nag-angat ako nang tingin sa kanya.
"Uhmm. Oo. A-ayos lang ako." tugon ko. Muntikan pa akong mapiyok.
"Sige na. Ubusin mo na iyang pagkain mo. Malapit ng matapos ang break." paalala niya sa akin.
Ngumiti ako bilang tugon at nagmadaling kumain.
****
Natapos na rin sa wakas ang klase. Nakakatuwa naman kahit papano dahil may mga bago akong natutunang bagay sa araw na ito.
Nagmamadali akong pumunta sa parking lot dahil sa pagkakaalam ko, maaga ang labasan nila Alexander.
"Sumama ka na sa amin. Para ka namang others. Ngayon lang naman mauulit na kasama ka." rinig ko nang malapit na ako sa parking lot.
Nakita kong may isang grupo ng estudyante roon. Kung hindi ako nagkakamali, sila 'yung kasama ni Alexander sa cafeteria.
"Oo nga naman. Sama ka na. Hindi mo ba namimiss ang hang-out ng barkada pati na rin ako?" banggit nung magandang babae na blondie ang buhok sabay pinalupot ang kaniyang kamay sa braso ni Alex.
May humaplos na kirot sa puso ko nang makita ko iyon.
Bigla namang lumingon sa'kin ang isang lalaking kasamahan nila. Ang seryoso niya kung makatitig. Bigla tuloy akong na-concious sa hitsura ko. Dahil sa pagtitig ng lalaking iyon sa akin ay nagsitinginan na rin silang lahat sa direksyon ko pati na rin si Alex.
"May naliligaw atang basang sisiw dito sa university." banggit ng babaeng kulay chestnut ang buhok.
Basang sisiw?
Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan pati na rin sa likuran ko hanggang sa napagtanto ko na ako pala ang sinasabihan ng babae dahil wala akong makitang ibang tao rito sa parking lot kun'di ako maliban sa kanila.
"Stupid. Let's go guys."
Nagsakayan na silang lahat sa kotse ni Alex.
Tumingin muna siya sa direksyon ko.
"Hoy, Alexander! Tara na!" aya sa kaniya ng isang lalaki. Nang dahil doon ay umiwas na siya nang tingin sa akin at pumasok na sa loob ng sasakyan. Maya maya pa'y umandar na iyon at tuluyan nang nawala sa paningin ko.
Leaving me here alone sa parking lot.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    castanedamarissa

    ang cute ng story👏👏😍😍😍🙏

    24/01/2025

      0
  • avatar
    BrownAlex

    good

    24/12/2024

      1
  • avatar
    BalquinMilyn

    so nice! good job author♥️

    21/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata