Homepage/Love or Revenge/
LOR 50: LOVE OVER REVENGE
Naramdaman kong umakyat din si Douglas at humiga sa tabi ko kaya agad kong tinanggal ang nakatakip na unan sa mukha ko para tignan siya. Nakadapa siya sa kama ko at kunwaring natutulog.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Sasagot ka o sisipain kita diyan?" tanong ko ulit.
"Mhmmm!" He moaned lang as an answer. T*ngina!
"Umayos ka ha! Doon ka sa sala magpahinga," sabi ko.
"Ang laki naman nitong bed mo eh," tinatamad niyang sagot. Well, tama naman siya at sanay naman kaming magkatabi sa iisang kama pero not this time. Nalaman kong hindi lang best friend o kapatid ang turing niya sa akin. He is my suitor at hindi naman ako malisyosa pero parang ang wrong na kasi.
"Douglas?" tawag ko sa kanya pero binaliwala niya ako kaya niyugyog ko ang braso niya.
"Ano ba?" Napilitan siyang umayos ng higa mula sa pagkakadapa. Nakatagilid na siya ngayon at nakaharap sa akin. "Bakit?" tanong niya.
Bumusangot lang ako at tinuro sa kanya ang pinto. Well, nakita ko si X na tapos na pala sa pag-aayos niya ng gamit niya at kanina pa siguro nakatingin sa amin. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?"
"Masungit! Aalis na nga!" sagot niya. Talagang nang-aasar ang babaeng ito ah. Tsssk! Agad na niyang hinila ang luggage niya at bago lumabas sa pinto, "Boss, tatawag nalang pala ako sa house keeping department nila dito para mag-ayos ng lahat. Kailangan ko na talagang magpahinga mula sa kasungitan ng mahal mong reyna." At agad niyang sinara ang pinto ng napakalakas. Tsssk!
"Alam mo ang bastos talaga ng kambal na ito ha. Paano ka naman nakakatulog ng mahimbing kasama ang mga pesting babae na iyon, ha?"
"Kate! Mababait naman sila eh. Ikaw lang itong ubod ng sungit din sa kanila kaya kasungitan din ang sinusukli nila sa iyo. Besides, napaka-loyal ng dalawang iyon sa akin at maaasahan ko talaga sa lahat ng bagay."
"Talaga lang ha? Ako talaga ang ubod ng sungit at sila pa ang kinakampihan mo ha? Baka nakalimutan mong ang laki ng kasalanan mo sa akin." Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay.
"At ano namang kasalanan yun?" tanong niya na parang inosente.
"Talaga ba, Douglas? Hindi mo alam? Ha?" Naiinis Kong tanong pero tumango lang siya. Humiga nalang ako nakatihaya at nagcross arms. "Sino naman ang nagsabi sayo na pwede mong ipagkalat ang kahinaan ko? Kung saan ang kiliti ko? Ha? Nababaliw ka na ba? Paano kung malaman yan ng mga spy? Edi patay ko."
"Relax! Hindi naman spy si X at Y ah," sagot niya.
"Hindi nga. Pero sigurado ka bang hindi nila mababanggit kung saan-saan at kani-kanino lang ang sekreto ko? Well, hindi na ito sekreto kasi pinagkalat mo na. Tssk!" Umirap ako.
"Wag kang mag-alala. Nandito lang ako lagi para maging knight in shining armor mo." Napasimangot naman ako at napatagilid ng higa para tignan siya.
"Knight in shining armor your face. Get down of my bed. Tsssk!" naiinis kong sabi.
Agad naman siyang bumangon at tumayo. "Wine or beer?"
At syempre, biglang nagbago ang awra at bigla akong napabangon. "Beer!" Nakangiti kong sagot at bigla naman siyang tumawa.
"Okay! Hahahaha! I'll be back right after maayos ko na sila sa kabilang kwarto at madala na dito ang mga gamit ko." Tumango lang ako at agad na siyang umalis
After a few moments, nandito na kami ni Douglas sa sala ng room ko at nag-iinuman.
"Ang lakas mo pa rin talagang uminom hanggang ngayon. Akalain mo yun, pinagbabawalan ka nina tita at tito without knowing na mas malakas kapa sa akin uminom." Sabi niya sabay tawa.
"Alam mo na kung bakit ako sekretong nagrerebelde at naging ganito. Ang put*nginang Tiger na iyon. Sana mamatay nalang siya ngayon mismo!" Lalo naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Tell me the truth. Naka-move on ka na ba sa kanya o hindi pa rin? Gusto mo ba talagang maghiganti o baka masasaktan ka lang kung makikita mo siyang nasasaktan rin?" seryosong tanong niya.
"Kanina ko lang din ito naisip eh. Feeling ko, useless na kung mag-i-effort pa ako sa paghihiganti sa kanya. Well, bakit pa ako maghihiganti kung tunay na naka-move on na ako sa kanya? Besides, kung mahal niya pa talaga ako, siguradong masasaktan siya pagnakikita niya akong masaya na sa iba. At kung pinaglalaruan naman niya ako, siguradong masasaktan rin siya kapag hindi na niya ako magawang tanga ulit. Wala naman siyang intentions na saktan ako o ang pamilya ko physically. So, kahit anong gawin ko, hindi ba panalo ako kaysa kanya?" Mahabang salaysay ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Kitang kita ko ang kislap sa mga mata ni Douglas at ang labis na tuwa sa kanyang mga mukha. "At last, natauhan ka din, Kate. Hindi ka naman kasi nakikinig sa mga payo ko at ng kahit sino. Basta, kung ano ang gusto mo at kung saan ka masaya, nandito lang ako lagi. Susuportahan kita at sisiguraduhin kong hindi ka mapapahamak lagi."
"Tama na siguro ang kaguluhang ito. Aayusin ko na yung sarili ko at pipiliin na magmahal ulit ng totoo. Tama na siguro ang pagkulong ko sa sarili ko mga pangako at pangarap na binuo ko dati. I have to let go of myself para maging masaya din ako."
"Ibig sabihin ba niyan, mas malaki na ang chance kong maging girlfriend kita?" Ang awkward ng tanong niya pero why not? Siguro mas malaki ang maiitutulong niya para lubusang akong naka-move on kay Tiger. Besides, he is such my ideal man naman talaga since ever eh.
"What if official girlfriend mo na ako simula ngayon?" Seryosong tanong ko na nagpalaki Ng mga mata niya.
"Anong sabi mo?" tanong niya din sa akin.
"O sige, babawiin ko nalang."
"Anong babawiin?" Tuwang-tuwa siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "Will you be my girlfriend?" Nagkakatitigan kami ngayon sa mata ng isa't isa at ramdam na ramdam ko ang affectionate stare niya.
"Yes!" Tuwang-tuwa kong sabi at agad naman niya akong niyakap.
For the first time in my life, naramdaman kong secured ako, comfortable, inaalagaan, minamahal, at sobrang saya ko. Alam kong marami pa kaming pagsubok na pagdadaanan ni Douglas at hindi pa tapos ang panggugulo sa amin ni Tiger pero sisiguraduhin kong magiging maayos na ang lahat.
Hinding hindi magiging mali ang pagmamahal at gulo lamang ang ng paghihiganti. Ngayon na na-let go ko na ang lahat ng poot at galit, ang mga pangako at pangarap na kumukulong sa akin, feeling ko sobrang malaya na ako.
Hindi ko kayang makita na masaktan si Douglas ng sobra. Paano nalang kung napuruhan siya ni Tiger noong binaril niya ito doon sa hospital? Siguro mababaliw ako ngayon. Slowly kasi, na-realized ko na kaya pala ako nasasaktan dahil sa prinsipyo at mga pinangako ko dati kay Tiger na hindi ko pa rin kayang bitawan.
Hindi ko na siya gaano ka mahal at kayang kaya ko ng mabuhay kahit wala siya.... Pero hindi ko kayang mabuhay kung wala si Douglas: ang best friend ko, ang kapatid ko na siyang parang naging magulang ko na rin, at ang boyfriend ko.
Accept the fact. Let go. Move on. Keep up the learning. And always choose love over revenge.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (356)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
masaya
08/07
0update plz❤️❤️❤️
05/12/2023
0nice story
30/11/2023
0Tingnan Lahat