Hindi maalis-alis sa mukha ko ang ngiti nang makarating kami sa bahay. Excited na akong makita sina Daddy at Mommy pero may trabaho pala sila. Mamayang gabi ko pa yata sila makikita. Umupo na ako sa sofa at si Douglas naman ay umupo din sa couch na nasa harap ko. Napasandal ako at bumitaw ng malamim na paghinga. "Sobrang na miss ko ang napakaboring na bahay na ito." Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko. "Loko-loko! Samahan na muna kita dito hanggang dumating sina Auntie at Uncle. May gusto ka bang kainin?" tanong niya. Makatanong naman ito parang siya pa yung may-ari ng bahay eh. Well, lagi naman kasi siyang nandito at siya pa ang nag nagsisilbi ng pagkain sa akin. Tumayo na nalang ako at nagsimulang maglakad papunta sa kitchen, "Anong gusto mong kainin?" tanong ko pa sa kanya. "Himala ah! Gagawan mo ako ng snacks?" natatawang tanong niya. Tssk! Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, "Kung ayaw mo, edi wag," sigaw ko pa bago tuluyang pumasok sa kusina. "Sandwich with more and more cheeze at extra sweet pineapple juice please," sigaw niya sa akin. Alam ko naman na iyon ang paborito niya at yun talaga ang gagawin ko kahit di pa niya sabihin. Pero minsan lang talaga kasi ako gumagawa ng snacks at nagluluto ng pagkain para sa aming dalawa. Siya lagi ang gumagawa o di kaya ay si Yaya Hera. Speaking of her, nandito pala siya sa kusina. Nakasuot siya ng t-shirt at mahabang palda. Tagasilbi na siya dito hindi pa man ako ipinanganak. Medyo matanda na din ang mukha niya dahil 55 years old na siya. May mga wrinkles siya sa mukha at may mga puti na din ang mahaba niyang buhok na naka squash tied as usual. Lumaki yung mga mata niya nang makita ako. "Alicia? Ikaw ba talaga yan? Hindi ba ako nanaginip?" Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa pagkamangha. "Yaya naman eh. Parang nakakita kayo ng multo. Ilang araw lang kaya akong nawala!" Lumakad ako papunta sa kanya at niyakap siya. Niyakap niya din ako agad ng mahigpit. Naamoy ko na parang sobrang baho ni Yaya. Hahaha! Hindi naman siya mabaho at ngayon lang talaga ito. Parang ayaw niya akong bitawan sa kakayakap kaya, "Na miss ko yung amoy ng kili-kili niyo! Hehe!" Panunukso ko sa kanya kaya agad siyang bumitaw sa pagkayakap sa akin at lumayo ng kaunti. "Nako ija, wag mo nga akong lokohin. Alam mo bang hindi ako naligo mula noong lunes at sinabi kong hindi ako maliligo hanggang umuwi ka." Napatawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi niya. "Hahaha! Nako Yaya, maligo ka na nga doon. Sige na! Ako na ang magtatapos ng winawalisan mo dito. Haha!" "Oh sige! Gustong-gusto ko na din maligo eh. Buti nalang talaga umuwi ka dahil kung hindi, mamatay na yata ako sa baho ng sarili ko." Hahaha! Nakakatuwa talaga itong matandang 'to. Dami niya kasing pamahiin na alam at kalokohan. Pero I know na nagfasting siya noong mawala ako. Kitang-kita ko na medyo pumayat siya eh. Tumalikod na siya at magsisimula na sanang maglakad palabas ng kitchen nang sinabi kong, "I love you, Yaya!" Bumaling naman siya ng tingin sa akin na may matamis na ngiti sa mukha, "I love you too, pasaway kong alaga." At nagpatuloy na siya sa paglabas. Tatapusin ko muna yung pagwawalis bago gawan ng snacks si Douglas. Sanay naman maghintay yun eh, haha. *** It is already 7:00 pm at siguradong pauwi na sina Mom at Dad. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa ni Douglas habang nanonood ng horror movie at kumakain ng popcorn na ini-order namin kanina. Pareho pang nakadekwatro ang mga paa namin. Haha! It's comfortability, lols! Biglang tumunog ang cellphone niya pero di ko na pinansin. Patuloy lang ako sa panonood samantalang sinagot naman niya ang tumawag. "Hello, Auntie?" Napatingin naman ako sa kanya nang tinawag niyang Auntie yung kausap. "Douglas, nakita mo ba yung kumakalat na balita sa social media?" Si Mommy nga ang nasa kabilang linya. Narinig ko dahil nakaloud speaker siya. Sinadya niya din sigurong e-loud speaker. "Hindi pa po, Auntie. Bakit? Anong meron?" Nagtinginan lang kami habang hinihintay ang sagot ni Mommy. "Nako, ang Mafia Underboss na si Tiger. Hindi ba't blogger siya at may millions of followers sa You— at Face—? May bago siyang post about sa press conference nila kanina sa opening ng isang hotel and beach resort. Si Alicia—" "Alam ko na yan, Auntie. Pauwi na ba kayo?" pagpuputol ni Douglas sa sasabihin niya. "Bakit parang wala lang sayo na pinakilala niyang girlfriend ang best friend mo? Hindi ka man lang ba interesadong malaman kung totoo iyon o hindi? Akala ko ba ililigtas mo ang anak ko sa kanya?" Tsssk! Ang haba ng putak ni Mommy. Daming tanong! Haha! "Umuwi nalang kayo, Auntie. Nandito ako ngayon sa bahay niyo at may surprise ako sa inyo." Kinindatan naman ako ni Douglas. May pa surprise ka pang nalalaman, mokong ka! "Oh, sige! Mga 3 minutes ay nandiyan na kami ng Uncle mo. Inutusan ko na din na magluto si Ate Hera kaya diyan ka na magdinner. Okay?" "Sige po! Ingat kayo ni Uncle sa pag-uwi!" "Sige-sige! Thank you, Ijo. Bye!" Binaba na ni Douglas ang phone niya at tumingin sa akin. "Siguradong magugulat sila kapag makita ka na nila later," sabi niya sabay tawa ng marahan. "Tawa-tawa ka pang nalalaman diyan. Pahiram nga ng cellphone. Tignan natin kung ano ang pinost ng loko kong ex." Inilahad ko ang kanang kamay para hingin ang cellphone niya. "Oh? Interesado ka?" pang-aasar niya. "Wag na makulit kasi." Nakakainis! Hindi ko kasi alam kung saan nilagay nina Mommy at Daddy yung cellphone ko. Nakita ko na yung sasakyan na ginamit ko last Sunday papunta sa Casino eh. Doon ko iniwan yung cellphone ko! Hindi din naman alam ni Yaya noong tinanong ko siya kanina. "Sige na nga! Oh—" Iniabot niya sa akin ang cellphone. "May bayad yan bawat sigundo ha." Agad ko naman siyang siniko sa gilid ng marahan, "Bayaran mo mukha mo. Hindi pa nga ako nakalanghap man lang ng amoy ng 50 Million na binayad ng client eh." "Bakit? Nagtagumpay ka na ba sa mission?" mapang-asar niyang tanong. "Bakit? Ikaw? Nasayo ang pera, pero may ginawa ka ba?" naiiritang tanong ko din sa kanya. "Bakit? Kung papatayin ko ba yang Tiger mo, hindi ka iiyak?" Nanlalaki-laki pa yung mga mata niya habang tinatanong ako. Nakakayamot! Grrrr! Ako? Iiyak? Kay Tiger?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
masaya
08/07
0update plz❤️❤️❤️
05/12/2023
0nice story
30/11/2023
0Tingnan Lahat